Friday, May 4, 2007

Hail Mary

Hail Mary full of Grace, the Lord is with you. Blessed are you among women and blessed is the fruit of your womb Jesus. Holy Mary Mother of God, pray for us sinners now and at the hour of our death Amen.

Filipino
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Jesus
Sta. Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen.

Ang Aba Ginoong Maria ( kung minsan ay tinatawag na" mala-anghel na pagbati", "Angelical Salutation" ay tinatawag din mula sa mga unang salita nito sa latin. ang "Ave Maria".

Ang Panalanging ito ay may tatlong bahagi. Una, "Aba (Ginoong Maria) napupuno ka ng Grasya, Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat" ay kumakatawan sa mga salitang ginamit ng angel Gabriel sa kanyang pagbati sa Mahal na Birheng Maria (Lukas 1:28). Ikalawa, "at pinagpala naman ang nasa iyong sinapupunan (Jesus)" ay mula sa maka-Diyos na pagbati ni Sta. Elizabeth (Isabel), (Luke 1:42), ay idinugtong sa unang bahagi sapagkat ang mga salitang "benedicta tu in mulieribus" (1:28) o "inter mulieres" (1:42) ay pareho sa dalawang pagbati. Panghuli, ang panalanging Sta. Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami ay mamamatay. Amen." ay mula sa opisya na Katesismo ng Konsilyo ng Trent na itinalaga ng Simbahan. "Karapat-dapat lamang, sabi ng Katesismo" na ang Banal na Iglesia ng Diyos ay idagdag ito sa pasasalamat, paghingi at ang panalangin ng banal na Ina ng Diyos. Ito ay nagpapahayag na rin na mataimtim na lumapit sa kanya na sa pamamagitan niya ay manumbalik tayong mga makasalanan sa Diyos upang makamtan natin ang pagpapala na kailangan natin sa mundong ito at sa buhan na walang hanggan"

Maraming nagtatanong kung bakit ginagamit natin ang "Ginoong" at hindi "Ginang". Sang-ayon sa historia ng paggamit ng Filipino ito ay hindi lamang ginagamit sa mga lalaki. Ito ay ginagamit din sa mga babaeng itinuturing na at kinikilala sa lipunan na may malaking ibinahagi sa paglago nito. Ito ay isang pagpaparangal sa isang babae na higit na kinikilala bilang higit sa lahat ng mga babae.


source:www.newadvent.org