PASIMULA
Awiting Pambungad
PARI (P) : Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
BAYAN (B) : Amen.
P: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.
B: At sumaiyo rin.
PAGSISISI SA KASALANAN
P: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.
P & B:
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (ang lahat ay dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
P: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
B: Panginoon, kaawaan mo kami.
P: Kristo, kaawaan mo kami.
B: Kristo, kaawaan mo kami.
P: Panginoon, kaawaan mo kami.
B: Panginoon, kaawaan mo kami.
GLORIA/PAPURI SA DIYOS SA KAITASAN
(kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit na ito).
Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagka’t ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.
PANALANGIN PAMBUNGAD
P: Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan,
. . . . . . . . .
sa pamamagitan ng Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
B: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
UNANG PAGBASA
TAGAPAGLAHAD (T): Ang unang pagbasa mula sa …..
(Pagkatapos ng unang Pagbasa)
T: Ang Salita ng Diyos.
B: Amen.
PSALMO RESPONSORIO
IKALAWANG PAGBASA
T: Ang ikalawang pagbasa mula sa …..
(Pagkatapos ng ikalawang Pagbasa)
T: Ito ang Salita ng Diyos.
B: Salamat sa Diyos.
ALELUYA
MABUTING BALITA
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay __….
B: Papuri sa iyo, Panginoon.
(Pagkatapos ng ebanghelyo)
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
B: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
HOMILIYA
PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
P & B:
(NICEAN CREED)
Sumasampalataya ako sa isang Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa, ng lahat ng nakikita at di nakikita. Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak ng Diyos, sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo. Sumilang at hindi ginawa, kaisa ng Ama sa pagka-Diyos: at sa pamamagitan niya ay ginawa ang lahat. Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan, Siya ay nanaog buhat sa kalangitan. (lahat ay yuyuko hanggang sa “naging tao”) Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo kay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa krus dahil sa atin, nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato, namatay at inilibing. Muli siyang nabuhay sa ikatlong araw, ayon sa Banal na Kasulatan. Umakyat sa kalangitan: at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal. Paririto Siyang muli na may dakilang kapangyarihan upang hukuman ang mga buhay at mga patay. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, Panginoon at nagbibigay-buhay: na nanggagaling sa Ama at sa Anak: Sinasamba Siya at pinararangalan kaisa ng Ama at ng Anak. Nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga Propeta. Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang Katolika at apostolika, gayundin sa isang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay at ang buhay na walang hanggan. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
(Ito’y sumusunod sa panahon)
PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN
PAGHAHANDA NG MGA ALAY
Awiting Pagaalay
(Prusisyon ng pag-aalay ng tinapay at alak)
P: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at
bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging
pagkaing nagbibigay-buhay.
B: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!
P: Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong
kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng
ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging
inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
B: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kalian man!
P: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay
kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY
P: Ama naming Lumikha,
. . . . . . . . .
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
B: Amen.
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya ay pasalamatan.
PREPASYO AT PAGBUBUNYI
P: Ama naming makapangyarihan,
. . . . . . . . .
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang
walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong
kadakilaan:
P & B:
Santo, santo, santo,
Panginoong Diyos na makapangyarihan!
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT
P: Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang
mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo
ng aming Panginoong Hesukristo.
Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,
hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati
niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:
Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: ito ang aking
katawan na ihahandog para sa inyo.
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya
ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa
kanyang mga alangad at sinabi:
Tanggapin ninyong lahat ito at inumin: ito ang kalis
ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan,
ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para
sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.
P: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
B: Si Kristo'y namatay, si Kristo'y nabuhay
Si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon.
P: Ama,
. . . . . . . . .
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng
parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo mgapasawalang hanggan.
B: Amen (Maaring kantahin ang Dakilang Amen)
ANG PAKIKINABANG PANALANGIN NG PANGINOON
P: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na
Panginoon natin at Diyos ipayahag natin nang lakas-loob:
P & B:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo, dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon, ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
B: Amen.
PANGINOON KAAWAN MO KAMI O KYRIE
P: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban
ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat
ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang
araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
B: Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakilan man! Amen.
PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN
P: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay lagging sumainyo.
B: At sumaiyo rin.
P: Magbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
PAGHAHATI-HATI SA TINAPAY AT PAGSASALO
P & B:
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
P: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
P: Manalangin tayo. Ama naming mapagmahal,
. . . . . . . . .
sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
pagpasawalang hanggan.
B: Amen.
PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos (†), Ama, at Anak, at Espiritu Santo.
B: Amen.
P: Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
B: Salamat sa Diyos.
Awiting Pangwakas