Friday, March 12, 2010

Pasyon Ng Mahal na Panginoong HesuKristo


KASAYSAYAN NG PASYONG MAHAL
NI HESUKRISTONG PANGINOON NATIN
(COPYRIGHT 1949 BY IGNACIO LUNA
& SONS)


Panalangin sa Diyos
Oh Diyos sa kalangitan
Hari ng sangkalupaan
Diyos na walang kapantay,
mabait lubhang maalam
at puno ng karunungan.

Ikaw ang Amang tibobos
ng nangungulilang lubos
amang di matapus-tapos,
maawi't mapagkupkop
sa taong lupa't alabok.
Iyong itulot sa amin
Diyos Amang maawain
mangyaring aming dalitin,
hirap, sakit at hilahil
ng Anak mong ginigiliw.

Panalangin sa Mahal na Birhen

At ikaw Birheng Maria
Ina't hari ng awa ka
bukod sa tanang sampaga,
di matuyo't di malanta
dikit mong kaaya-aya.

Ikaw rin po't siya lamang
Sedes Serpientine ang ngalan;
luklukan ng karunungan
at kaban kang sinusian
ng Diyos sa kalangitan.

Toreng walang pangalawa
ni David, bunying Propeta
bahay na ganitong sinadya,
pinamahayang talaga
ng ikalawang Persona.
Ikaw rin Birheng Mahal
bituin sa karagatan
mapag-aliw sa may lumbay,
kuta ng makasalanan
matibay sa katibayan.

Reynang walang kahulilip
ng sanlangitan angheles
pinupuring walang patid,
ng Tronos, Dominaciones,
Virtudes at Potestades.
Emperatris na mataas
ng Patriarkas, Propetas
Birheng walang makatulad,
bukod sa babaing lahat
ng nag-iwi sa Mesias.
Yayang ikaw ay di iba
batis ng Misericordia
binabalungan tuwi na,
ng awa't mahal na grasya
ng bunying tatlong persona.
Kami po ay uod lamang
sa lupa ay gumagapang
lipos ng dilang kasamaan,
Birhen, kundi mo tulungan
anong aming kapakanan?
Ang paglalang ng Panginoong
Diyos nitong buong mundo
Ang lupa't sampu ng langit
hangin at ang himpapawid
hayop, isdang nasa tubig,
taong hamak na bulisik
may karamdaman at bait.
Ano pa't ang balang bagay
na di nating natitignan
dapat sampalatayanan,
na ang isang Diyos lamang
ang may gawa at may lalang.
Dili iba't at siya nga
lubos na may manukala
ng gawang hindi mahaka,
kusa niyang inadhika
sa taong hamak na lupa.
Kaya ngayon at ang dapat
tayo'y maniwala't sukat
sa Santisima Trinidad,
tatlo sa pagka-Personas
iisang Diyos na wagas.
Ito ring Diyos na tunay
walang punong pinagmulan
wala namang katapusan,
ganap na kapangyarihan
ganda't kaluwalhatian.
Mistulang Diyos na isa
tatlo sa pagka-persona
walang huli't walang una,
bait at omnipotensia
paraparang maligaya.
Na kung sa bilang ng tao
una ang Amang totoo
ikalawa ay ang Berbo,
at ang personang ikatlo
Diyos Espiritu Santo.
At silang tatlo ay lubos
iisa ang pagka-Diyos
kaya't ang wika sa simbolos,
Qualis Paper, talis Filius
talis Espiritus Sanctus.
Di samakatuwid baga
kung ano ang Diyos Ama
gayon din ang Anak niya,
siya rin at dili iba
yaong ikatlong Persona.
Misteriong hindi mahaka
ninomang pantas na dila;
Diyos ngani palibhasa
puno na may manukala
ng lahat niyang ginawa.
Sa buong Sangsinukuban
itong Diyos ang may lalang;
sa Kaniyang wika lamang
langi't lupa't dilang bagay
nayaring hindi naliban.
At sa Henesis na libro,
nalalaman ay ganito:
nang lalangin itong mundo
nitong Diyos na totoo,
kaarawan ng Domingo.
Tinotoo't siniyasat
ng Santa Iglesiang dilag
ang sa Henesis na sulat,
aniya ay pawang tapat
at Diyos ang napahayag.
Anim na araw ay bago
na niyari itong mundo
sampu ng gawin ang tao,
nagtahan sa ikapito
itong Diyos na totoo.
Ito'y pasunod sa atin
ng Diyos na maawain,
at kaya ipinagbilin
na talimahin at sundin
ang Sabado'y ipangilin.
Ang una niyang nilalang,
ang langit na kataasan;
doon sa kailaliman
nitong lupa ay nilagyan
ng impiernong parusahan.
Doon ang balang malupit
parurusahang masakit
ng hirap na di-maisip,
at di-totoong umiibig
sa Diyos, Hari ng Langit.
Ginawa rin Niya naman
sa Langit na kalamanan,
Angeles na karamihan,
mga espiritung tunay
na walang bakas katawan.
Ng Lunes, pirmamento
siyang ginawang totoo
ng Diyos na masaklolo,
pinagbukod naman dito
ang tubig sa buong mundo.
May ginawa siyang dagat,
na sakdal pait at alat,
may matabang at masarap,
biyayang di hamak-hamak
nitong Diyos na mataas.
Nang Martes, pinamutihan
itong mundong kabilugan
kahoy at madlang halaman
ay hayop na bagay-bagay,
kalugod-lugod kung tingnan.
Mierkoles ay ginawa rin
nitong poong maawain,
3
araw, buwan at bituin,
madlang talang maningning
nakaaaliw sa tingin.
Doon sa Huebes na araw
ginawa rin Niya naman
mga hayop isdang tunay:
ibon sa hangin ang tahan
isda'y sa tubig ang bahay.
Nang ganap na't walang kulang
dito sa sangsinukuban
ginawa rin di naliban,
doon sa Biernes na araw
ang ama nating si Adan.
Ang tatlo'y nagsang-usapan
ang tao ay gawin tunay
anila'y atin larawan,
ang wangisan at bagayan
ng kaniyang katauhan.
Nang mayari't matapos na
katawan ng tao baga,
hiningahan kapagdaka,
doo'y siyang pagsilid na
ng buhay at kaluluwa.
At saka pinagwikaan
hayo't magtindig ka, Adan
nagbuhat na kapagkuwan,
at doon nga napagmasdan
ang Paraiso terrenal.
Yaong Paraisong lupa,
lagay at katuwa-tuwa;
dikit na walAng kamukha
sa halamanan ay sagana
dili masayod ng dila.
Ano pa't ganap na ganap
ligayang walang katulad,
lupang lubhang aliwalas
palibhasa'y gawang lahat
ng Santisima Trinidad.
Nang doroon na si Adan
sa lubos na katuwaan
nang Diyos na Poong Mahal,
agad siyang pinanawan
nag-iisa ngang iniwan.
Kahit lubos ang ligaya
na kinamtan tuwina na
ay hindi magaling baga,
ang siya ay nag-iisa
sapagka't walang kasama.
Ano nga'y nang mapanood
nitong maawaing Diyos
alipala'y pinanaog,
ginawa ng Poong Diyos
si Adan ay pinatulog.
Ang ginawa nga pagdaka
ng Diyos na Poong Ama
nang si Ada'y maidlip na,
sa dakong kaliwa niya
isang tadyang ang kinuha.
At ito ngang isang tadyang
siyang hinugot kay Adan
ng Diyos, na Poong Mahal,
at saka binendisionan
ng Kaniyang kamahalan.
Pagiging tao ni Eba
si Adan ay ginising na;
Adan, hayo't magbangon ka,
tingni ang iyong kasama
sa iyo ko rin kinuha.
Doon na nga pinagmasdan
ang mag-asawang si Adan
sila ay pinagbilinan,
ng ilang kataga lamang
mga ito ang palaman.
Adan, ang iyong asawa
mamahalin mo tuwi na
at katawan mo rin siya,
sundin mon anomang ola
tungkol sa gawang maganda.
At ikaw naman babae
sisintahin mong parati
si Adan na iyong kasi,
susundin mo araw-gabi
tungkol sa gawang mabuti.
Kayo ang panggagalingan
ng tao sa sangtinakpan
na hindi nga mabibilang,
dito sa lupang ibabaw
magsama kayong mahusay.
4
Iyang mga katuwaan
dito at kaligayahan
na inyong napagmamasdan,
kayo'y siyang magtatangan
gawin balang kalooban.
Ang kahoy na lahat na
naritong may mga bunga
kanin ninyo ang bala na,
huwag lamang iyong isa
na ang pangala'y Mansana.
Bunga ng kahoy na iyan
na aking bilin at bawal
inyong pakatatandaan,
kapag pinagpamahakan
tanto kayong mamamatay.
Nang ito ay mawika na
ng Diyos na Poong Ama
pumanaw kapag karaka,
at kaniyang nilisan na
ang dalawang mag-asawa.
Sabihin ang katuwaan
niyong si Eba't si Adan
lubos na kaginhawahan,
ang kanilang kinakamtan
sa Paraiso terrenal.
Hindi sila napapagod
walang gutom at dayukdok;
ginhawang lubos na lubos,
yaong ipinagkaloob
nitong maawaing Diyos.
Misteriong hindi mahaka
nitong Diyos na Dakila
ay sa Paraiso rin nga,
ang kahoy doon ay madla
may isang kahanga-hanga.
Kung baga sa katuwiran
ang tanang mga halaman
ay kahoy ng kabuhayan,
at yanong mansana naman
at kahoy ng kamatayan.
Ang pangingimbulo ng dimonyo sa
mag-asawang ama nating si Adan at
Eba
Yaong arbol de la ciencia
dili iba't and mansana
bawal kay Ada't kay Eba,
na ang kumain ng bunga
tantong mapapalamara.
Sa pagsasamang mahusay
niyong si Eba't si Adan
buong kaluwalhatian,
ang kanilang kinakamtan
sa Paraiso terrenal.
Ng makita ng demonyo
luwalhati nilang ito
alipala'y nangimbulo,
loob ay di magkatuto
at parating gulong-gulo.
Aniya'y di katuwiran
na ang taong hamak lamang
ako'y pagpapalaluan,
sila'y buong katuwaan
at ako'y Kahirapan.
Ako'y hindi nga tutugot,
anitong hunghang na loob
hanggang di ko malamuyot,
maraming salang masunog
at sa apoy ay marubdob.
Doo'y yaong magdaraya
sa ahas ay nakimukha,
at sa kahoy na bawal nga,
ng Diyos na makalinga
namulupot alipala.
Mana nga'y sa paglilibang
ni Eba at pagpapasyal
panonood ng halaman,
duon niya napagmasdan
kahoy na bilin at bawal.
Sa kawiliha't ligaya
ng kanilang mga mata
sa pagmamasid ng bunga,
nag-wika kapag karaka
ang demonyong palamara.
Eba, anang sinungaling
ano’t hindi ka kumain
nitong bunga at kumitil?
sinagot ni Ebang tambing
5
iyan ay bawal sa amin.
Ang Diyos na Poong Mahal
siyang sa ami'y nagbawal
at kung kami ay sumuway,
kumain ng bungang iyan
baka kami ay mamatay.
Ang tugon ng palamara
ay hindi gayon aniya
kaya bawal itong bunga,
baka kayo ay mapara
at matulad sa kaniya.
Gayong wika't ng marinig
ni Ebang mahinang isip
naniwala nang maakit,
sa sabing ipinagsulit
niyong demonyong malupit.
Nuti na ngani si Eba
bunga ng kahoy na sala
kumain na kapagdaka,
saka niya dinalhan pa
ang sinta niyang asawa.
Pinakain niyang tunay
ang esposong kaibigan
sa malaking alang-alang,
at dalang sinta ni Adan
kay Eba'y hindi sumuway.
Nang makakaing matapos
ang mag-asawang sing-irog
doon nila napanood,
at nakilalang tibobos
salang nagawa sa Diyos.
Doon na nga napagmasdan
ang lagay nila at asal;
ano pa ngani't sinidlan,
ng takot at kahihiyan
pangambang di ano lamang.
Agad silang nagsikuha
niyong dahon na higera
tinakpan kapag karaka,
ang mga katawan nila
hiyang walang makapara.
Sa malaking kagalitan
ng Diyos na Poong Mahal
nanaog na di naliban,
at saka pinangusapan
ang ama nating si Adan.
Sa katakutan at hiya
si Adan sa pagkalisya,
siya ay nagtagong kusa
di maisilay ang mukha
sa Panginoong dakila.
Adan, anang Diyos Ama
ano baga't sumuway ka,
sa aki'y di tumalima,
kinain ninyong talaga
ang Aking bawal na bunga?
Nang kay Adan ay masabi
ay sumagot ng gayari:
Diyos ko, aniya kasi,
Mulier, quam dediste mihi
dedit mihi de ligno et comedi.
Itong babaing bigay mo
na kasamahin ko rito
sa aki'y siyang tumukso,
at nagpakaing totoo
bungang ipinag-bawal Mo.
Tinanong naman si Eba
ng ganitomg parirala
ay babae bakit baga,
tikis kang nagpalamara
sinuway akong talaga?
Sagot ni Eba at wika
Poong Haring darakila
itong ahas na kuhila,
sa aki'y siyang nagdaya
humibo't nagwika-wika.
Sinumpa na kapagkuwan
ng Diyos itong bulaan
ay, aniya tampalasan,
magpangayo't kailan man
sa lupa ka ay gagapang.
Ikaw at itong babae,
magtatanim na parati,
sa supling niya at iwi,
sisipot siyang aapi
sa kalupitan mong dati.
Ito ang siyang sumpa Ko
sa iyo, lilong demonyo
isang babae ring tao,
6
balang araw'y paririto
yuyurak ng iyong ulo.
Nang ito nga ay mawika
nitong Diyos na dakila
ay nilingon alipala
ang babaing alibugha't
kaniya naman sinumpa.
Anang Diyos na maalam
babae ay ikaw naman
totoong masasakupan,
ng buong kapangyarihan
ng asawang kaibigan.
Lalong hirap lalong dusa
ang sasapitin mo Eba
sakit na walang kapara,
kung maglihi't manganak ka
sa lahat mong ibubunga.
At ikaw, Adang suwail
na di sumunod sa akin
madlang hirap ang daratnin,
na ang lahat mong kakanin
sa iyong pawis manggagaling.
Itong abang mag-asawa
pinaramtan kapagdaka,
ng damit na masasaya
nang matapos iniwan na
ng Diyos na Poong Ama.
Nanaog nga at sukat
kerubing sakdal ng dilag,
isang espada ang hawak,
nagbabaga't nagniningas
daig ang mabisang kidlat.
Agad ipinagtabuyan
yaong si Eba at si Adan
at sila ay pinapanaw,
pinaalis pinaluwal
sa paraisong pintuan.
Pinto'y binantayang tambing
niyong mahal na Kerubin
sino ma'y di papasukin,
lupang yao'y inilihim
ng Diyos na poon natin.
Nang is Adan at si Eba
manaw sa lupang maganda
agad nilang nakilala,
pagod, gutom at pangamba
hirap na walang kapara.
Dahil doon sa pagsuway
agad silang binawian
ng grasia at dilang bagay,
pinawi nama't pinaram
ang Hustiva orihinal.
Tayo namang anak nila
paraparang nangahawa
niyong wikang ibinadya,
orihinal bagang sala
mana kay Ada't kay Eba.
Ano pa't hindi maisip
pangamba at madlang sakit
narating nila't nasapit,
nang pumanaw at umalis
doon sa lupang marikit.
At kung kanilang makita
doon at maaalala
ang una nilang ginhawa,
hapis, lumbay sabihin pa
ng kanilang kaluluwa.
Ang nagawang kamalian
laking katampalasan,
dahil doon sa pagsuway,
kanilang pinagsisihan
tinangisan gabi't araw.
Itong si Ada't si Eba
ay nag-anak ng dalawa
na lalaking para-para,
si Kain ang una-una
si Abel ang pangalawa.
Sinabi nama't tinuran
na sila'y panggagalingan
niyong sasakop sa tanan,
papawi ng kabagsikan
ng demonyong tampalasan.
Ano pa't itong dalawa
anak ni Ada't ni Eba
pawang nagsisitalima,
sa utos at madlang pita
ng kanilang ama’t ina.
Nang lumaki't magkaisip
7
ang dalawang magkapatid
sila nga at nangagbukid,
at naghanap na masakit
sa ama't ina’y pag-ibig.
Ano nga'y sa kainggitan
dalang kapanaghilian
ni Kain lilo't sukaban,
si Abel agad pinatay
sa gitna ng kabukiran.
Dugong tunay ng kapatid
ang sumisigaw sa Langit
ang hinging ipinilit,
gantihing huwag malihis
ang kaka niyang malupit.
Ano nga'y sa kataksilan
nitong lilong nakamatay
sala'y di pinagsisihan,
umalis na nga't pumanaw
gumala-gala sa parang.
Kaya nga't ang napagsapit
nitong si Kain malupit
ang hininga ng mapatid
kaluluwa'y ibinulid
sa balong kasakit-sakit.
Ang ikatlo baga bilang
anak ni Eba't ni Adan
ay si Seth nga ang pangalan,
mabait, magandang asal
masunurin sa magulang.
Nang dumami't kumapal na
anak ni Ada't ni Eba
magkakapatid man sila,
doo'y nag-asa-asawa
nagpisan at nangagsama.
Siya na ngang pagdami
nang tao sa buong Orbe,
si Enoc na descendiente,
si Seth siyang nagpuri
sa Diyos at napakasi.
Datapuwa't ang naging bunga
ni Kain at desendesia
ay sumamang parapara,
totoong di kumilala
sa Diyos Poong Ama.
Ang ama nating si Adan
dito sa mundo'y nabuhay
siyam na raang taong gulang,
tatlumpu ang kalabisan
ng edad niya at gulang.
Ano pa't ang buong mundo
nalaganapan ng tao,
sa kainggitang totoo
ng tampalasang demonyo
ang lahat pawang tinukso.
Inupatang parapara
ang tanang anak ni Eba
na sa kaniya'y sumama,
sa Diyos huwag kumilala
at huwag namang sumamba.
Sa malaking kagalitan
nitong Diyos na maalam
buong mundo ay ginunaw,
na walo katao lamang
iniligtas, di namatay.
Si Noe na mag-asawa
sampung tatlong anak nila
at asawang titig-isa,
yaong lamang ang natira
sa tanang anak ni Eba.
Kaya ngayon ay ang dapat
tayo'y maniwala't sukat
sa Diyos Haring mataas,
na naawa at nahabag
sa sakit natin at hirap.
Yayang dahilan sa sala
niyong si Ada't si Eba
nagkatawang tao na,
pumili ng magiging Ina
ang ikalawang Persona.
Ang panganganak ni Sta. Ana kay
Ginoong Sta. Maria
Sa kaanakan at gulang
ni David Propetang mahal
si San Hoakin ay lumitaw,
bilang kaapu-apuhan
ng patriarkang Abraham.
Dito rin nga't dili iba
bilang kaanakan niya
8
ang Poong Birhen Maria,
na totoong maging Ina
niyong sasakop sa sala.
Kahi't baog at matanda
si Santa Anang dakila
naglihi at nanganak nga,
isang babaing mistula
dikit na walang kamukha.
Rosa na lubhang maganda
sadyang mabangong sampaga
ang anak ni Santa Ana,
yaong nga at dili iba
ang Birheng Santa Maria.
Yaong Mariang pamagat
bituing sakdal ng dilag
ay siyang nagliwanag,
sa tanang nagsisiliyag
sa kalautan ng dagat.
Siya rin at dili iba
yaong Birheng Preservada
sa orihinal na sala,
mana nga nating lahat na
sa kay Adan at kay Eba.
Nang sumipot na't lumabas
itong bituin sa dagat
Mariang sakdal nang palad,
tuwang hindi hamak-hamak
ng Santisima Trinidad.
Sa maganap ang totoo
at araw ay mahusto
ng panganganak na ito,
agad dinala sa templo
si Mariang masaklolo.
Inialay, inihandog
at inihain sa Diyos
itong anak nilang irog,
tuwa'y di matapos-tapos
ng kanilang puso't loob.
Di pa naman nagaganap
tatlong taong bagang edad
ng Birheng Inang mapalad,
sa templo at itinambad
ng ama at inang liyag.
Sabihin ang katuwaan
niyong katipunang mahal
na sa templo'y tumatahan,
nang makita at matingnan
si Mariang matimtiman.
Nang maialay sa Diyos
sa kolehiyo'y ipinasok
inalila at kinupkop,
yoang batang maalindog
at puspos mababang loob.
Doon siya inaralan
ng tahi at habi naman
at sukat na katampatan,
ukol sa kaniyang asal
na malinis at timtiman.
Ang magandang ugali
sa kolehiyo'y gawa ngani
ng Birhen Inang mabunyi,
palibhasa'y itinangi
ng Diyos na Poong Hari.
Doon ang gawa lamang
manalangin gabi't araw,
ng dalagang karamihang
anopa't siyang huwaran
sa kolehiyo'y napipisan.
Kausap-usap tuwi na
angeles na magaganda
ano pa nga't si Maria,
bukod sa babaing iba
na kaanakan ni Eba.
Naging siyam na taon na
edad ng Birhen Maria
siya ngang pagkaulila,
sa kaniyang ama't ina
na sa kaniya'y nagdala.
Nguni't doon sa kolehiyo
itong Birheng masaklolo
papupuri'y mago't mago,
sa Diyos Amang totoo
hari ng sang-uniberso.
Nang mahusto na't maganap
taong sukat maging dapat
na ipag-asawang hayag,
9
siya nga ay iginayak
sa kapuwa niya palad.
Sa matanto ni Maria
na ipakakasal siya
nagwika kapag-karaka,
sa Padreng nag-anyaya
ganito ang parirala.
Ako po, Padreng dakila
gawang iya'y di ko nasa
at malayo sa gunita,
ang kalinisang mistula
siya ko pong binabanta.
At ang aking pagka-Birhen
sa Diyos ko ihahain
at hindi ko sisirain,
kaya nga at sa templo rin
nasok ang aking panimdim.
Sa matanto at matatap
ng Padreng humihikayat
nagtaka at nanggilalas,
sa mga wikang banayad
ng Birheng bunying nangusap.
Agad napasa simbahan
yaong mga Padreng banal,
nanalangin kapag kuwan
sa Diyos na Poong Mahal
ng gagawing mga bagay.
At sapagkat nga ang tika
at panata ni Maria
hindi ibig mag-asawa,
ay sinagot naman sila
ng Diyos na Poong Ama.
Anang Diyos na maalam
dito'y muling magkapisan
tanang mga kahilingan,
ni David Propetang mahal
katoto ko't kaibigan.
Dito ko ipakikita
dapat na maging asawa
tambing ipakilala,
mag-alaga at sumama
sa anak kong kay Maria.
Sa matanto itong bagay
niyong mga padreng mahal
ay tinipon sa simbahan,
tanang mga kahinlugan
ni David, propetang banal.
May isa ngang matanda na
Hosep ang pangalan niya,
anak sa tribu ni Huda,
kadugo't kadesendensia
ni David, bunying Propeta.
Ang ama niya't magulang
ay si Eli ang pangalan
matanda't mabuting asal,
loob ay lubhang timtiman
malinis sa kalinisan.
Dili iba at si Hosep
siyang tinangi ng langit
na maging esposong ibig,
ng Birheng Inang marikit
timtima't lubhang mabait.
Siya ngani ang hihirang
pinili sa karamihan
na doroon sa simbahan
bilang kaapu-apuhan
na Patriarka Abraham.
Nang makitang si Maria
di tangka ang mag-asawa
agad na ngang nagpakita,
ang Diyos Poong Ama
at nagwika kapagdaka.
Anang Diyos na maalam
Maria, ikaw ay pakasal
at siya kong kalooban,
iyang iyong kalinisan
hindi nga marurumihan.
Ang iyong makakasama
malinis nama't maganda
linis na walang kapara,
kaya bunso'y sumunod na
sa aking hiling at pita.
Sa matanto at matatap
ng Birheng Inang mapalad
tumango na at nangusap,
at napakasal ngang agad
kay Hosep na marilag.
Nang sila at makasal na
ay namahay na mag-isa
10
panata nila at tika,
kalinisang walang hanggan
habang nabubuhay sila.
Ang kaniyang pagka-Birhen
minsan ma'y di sisirain
ano pa nga't parang anghel,
na parating nagniningning
sa kalinisan at galing.
Dito na ngani namahay
dalawang magkaibigan
walang lika't gabi't araw,
nagpupuring walang humpay
sa Diyos na Poong Mahal.
Ang opisyo'y anluage
nitong banal na lalaki
at ang gawa ng babae,
manahi nama't humabi
at mamahay na mabuti.
Ano pa nga at iisa
ang loob nilang dalawa
mahusay ang pagsasama,
kinakalingang maganda
ng Diyos na Poong Ama.
A R A L
Kristiano ang katampatan
sila nga'y ating tularan
sa kagandahan ng asal,
at loob na malulumay
sa kanilang pamamahay.
Siyang tularan tuwi na
ng sino mang mag-asawa
kung mahusay na magsama,
ang bawa't mahal na grasia
di lalayo sa kanila.
Nguni ang pala-away
mapagtalo gabi't araw
punong kinapopootan,
tuloy ikinapaparam
grasiang kamahal-mahalan.
Dapat nganing magsunuran
ang mag-asawang sino man
si Hosep siyang tularan,
at si Mariang matimtiman
pagkakalinga sa bahay.
Kaya ikaw man ay sino
may asawa ka mang tao,
ang asal mo ay magbago,
nang kamtan mo at matamo
ang tuwa sa Paraiso.
At ngayon ay matuwa na
pawiin ang madlang dusa,
magkakatawang-tao na,
ang kalawang Persona
ng Trinidad Santisima.
Ang pagkakatawang tao ng
ikalawang persona sa sinapupunan
ni Ginoong Sta. Maria
Nang malaon nang totoo
taong may apat na libo
mulang lalangin ang mundo,
siya nganing paparito
niyong sasakop sa tao.
Na hindi magugunita
ng madlang tao sa lupa
tanang lubos na biyaya,
ganap na pagkakalinga
ng Diyos Haring dakila.
At ang ginagawa lamang
magkasala gabi't araw
pawang mga tampalasan,
na walang takot munti man
dito sa Poong maykapal.
Lalong dakila ang sala
ng tanang anak ni Eba;
anakin ay idolatria,
kahit ano'y sinasamba,
pinaparang Diyos nila.
Isa ang nasion sa mundo
ang kumilalang totoo
sa Diyos, kumapal sa tao;
at ito ay ang hudyo
bukod nawalang anito.
Bagama't kumilala
sa Diyos na Poong Ama
ang mga taga-Hudea,
puno rin ng madlang sala
ang marami sa kanila.
Ano pa't santinakpan
nagugumon sa mahalay
salang hindi maulatan,
11
dito na nga pinagmasdan
sila kay kinaawaan.
Nangatunaw na ang loob
nitong maawaing Diyos
nang makita't mapanood,
ang kamaliang tibobos
ng tao, sa sangsinukob.
Ibig na nganing matupad
ang tanang ipinahayag
ng mga Santos Propetas,
na itinitik sa sulat
sa pagdating ng Mesias.
Sapagka't wala nang iba
sukat umako sa sala
ng tanang anak ni Eba,
kung hindi ang anak niya
na ikalawang Persona.
Ang pagbati ng Arkanghel San
Gabriel kay Ginoong Sta. Maria
Nag-usap na nga ang tatlo
na may gawa nitong mundo
ang hatol ng Konsistorio,
dili iba at ang Berbo
siyang sasakop sa tao.
Inutusan na ngang tambing
yaong si Gabriel Arkanghel
manaog at babalain,
si Mariang bunying Birhen
Santang walang makahambing.
Nanaog na kapagkuwan
Arkanghel na inutusan
dikit na di ano lamang,
halos hindi matitigan
sa laking kaliwanagan.
Si Maria'y nakaluhod
nananalanging tibobos
siya na ngang pagpanaog,
at sa oratoryo'y nasok
anghel na sugo ng Diyos.
Ito ang ipinabadya;
Aba Ginoong Maria,
napupuno ka ng grasia,
bukod na pinagpala ka
sa tanang babaing iba.
Nang ito at mapakinggan
niyong Birhen matimtiman
agad siyang natilihan,
di nakaimik munti man
bating yao'y pinagnilay.
Nang sa anghel na makita
na hindi tugunin siya
binati namang muli pa,
huwag matakot, aniya
Poong kong Birheng Maria.
Sapagka't ikaw nga lamang,
bukod na kinalulugdan
ng Diyos sa kalangitan,
na magiging Inang tunay
niyong sasakop sa tanan.
Nang marinig ni Maria
yaong bating ikalawa
ay tumugon kapagdaka,
sa anghel na embahada
ito ang ipinagbadya.
Paanong pangyayarihan
niyang wika mong tinuran?
pangako ko nang matibay,
na hindi ko durungisan
kalinisang iningatan.
Nang matalastas ng anghel
naging sagot niyong Birhen
muli namang tinugon din,
ng mga wikang magaling
kalugod-lugod na dinggin.
Maria, aniyang Poon ko,
bungang ipanganak mo
ay hindi lalang ng tao,
at ang tunay mong esposo
Diyos Espiritu Santo.
At kung baga sumipot na
ang iyong magiging bunga
Hesus ang pangalan niya,
sasakop at kakalara
sa sangsinukubang sala.
12
Kaya huwag kang manimdim
at di niya sisirain
lalo nang piririkitin,
at malulubos ang ningning
niyang iyong pagka-Birhen.
Nang iyong paniwalaan
yaring lahat kong tinuran
si Isabel na iyong pinsan,
ngayo'y kahit matanda man
buntis na anim na buwan.
Kahit baog man ang sabi
si Isabel na 'yong kasi
sa kaibigang sarile,
ng Diyos sa buong Orbe
walang hindi mangyayari.
Ay ano'y nang maunawa
ng Birheng kahanga-hanga
na di siya masisira,
sumagot na alipala
ito ang siyang winika.
Narito, mahal na anghel
akong tunay na alipin
ng Diyos na Poon natin,
papangyarihin sa akin
lahat na ipinagbilin.
Nang ito ay mawika na
ng Birheng Santa Maria
katuwaa'y sabihin pa,
ng anghel na embahada
pumanaw kapagkaraka.
Nanaog na kapag kuwan,
Espiritu Santong mahal
at nuha ng dugong tunay,
sa tiyang ng Birheng maalam
siyang ginawang katawan.
Saka naman linikha na
isang bunying kaluluwa
inilangkap kapagdaka,
sa katawang mahalaga
niyong sasakop sa sala.
Siya nang pagiging tao
ng bunying Dibino Berbo
at nanaog na sa mundo,
ipinaglihing totoo
ni Mariang Masaklolo.
Nanaog nang di naliban
tanang korong Angelikal
sinamba't pinag-awitan,
itong kamahal-mahalan
Diyos at tao ngang tunay.
Ang pagdalaw ni Ginoong Santa
Maria kay Sta. Isabel
Naganap na ngang toto
yaong mahal na misterio
na pagpanaog sa mundo,
at pagkakatawang-tao
ng Poong si Hesukristo.
Nang malibang ilang araw
kay Mariang naisipan
paroo't siya'y dumalaw,
sa kaniyang buong pinsan
buntis na anim na buwan.
Lumakad kapagkaraka
ang Poong Birhen Maria,
si San Hosep ang kasama,
at ang kanilang pinunta
kabundukan ng Judea.
Di naman lubhang nalaon
ang paglakad nilang yaon
narating nila't nasumpong,
ang sadyang bayan ng Ebron
na kanilang nilalayon.
Ay ano nga'y ng makita
ni Isabel si Maria,
katuwaan'y sabihin pa
ng kaniyang kaluluwa,
nagkayakap kapagdaka.
Gayon din ang katuwaan
ng sanggol na nasa tiyan
ni Isabel na timtiman,
doon pa nga'y naging banal
ang prekursur na si Huan.
At binati kapagdaka
ni Isabel nga si Maria
ito ang ipinagbadya,
13
aniya at mapalad ka
sa tanang Babaing iba.
At mapalad na totoo
ang bungang nasa tiyan mo
Hesus, Hari ng sangmundo,
sasakop sa madlang tao
na sa Diyos ay naglilo.
Sumagot din si Maria
sa bati ng pinsan niya
anya'y pagpalain ka,
ng Diyos na Poong Ama
sampu ng mahal mong bunga.
Nang ito'y maipagsulit
ng Inang Birheng Marikit
doo'y hindi na umalis,
hanggang sa hindi sumapit
dalawang buwang mahigit.
Doon ay ang gawa lamang
nitong dalawang magpinsan
mag-usap ng dilang bagay,
at manalangin mataman
sa Diyos na Poong Mahal.
Pumanaw na at umalis
ang mag-asawang sing-ibig
ano'y nang sila'y sumapit,
doon sa bayang Nazareth
ang pagod di mumuntik.
Ng maging ilang buwan na,
ang kabuntisan ni Maria
napansin kapagkaraka,
at agad nakilala
ng sinta niyang asawa.
Nang makita ni San Josep
lagay ng esposang ibig
halos mawalat, mapunit,
ang puso niya't dibdib
sa laking lumbay at sakit.
Matay man niyang isipin
ang kabuntisan ng Birhen
ano pa't pabaling-baling,
walang matutuhang gawin
ang loob niya'y panimdim.
Ang kaniyang naisipan
daang huwag kagalitan
umalis siya't nanaw,
at si Maria nga'y iniwan
doon sa kanilang bahay.
Sa malaking pagbabago
loob niya't alaala
naghanda't aalis na,
mana'y agad nagpakita
isang anghel na maganda.
Anang anghel na butihin
Hosep, huwag kang manimdim
kay Mariang iyong giliw,
mahigit pa sa salamin
ang kaniyang pagka-birhen.
Ang kaniyang kabuntisan
na iyong napagmasdan
hindi tao ang may lalang,
Diyos ang may kalooban
ng sanggol na nasa tiyan.
At yao'y kapag lumabas
siyang tunay na Mesiyas
Hesus siyang itatawag,
siyang sasakop sa lahat
ng kay Adang mga anak.
Nang matanto ni San Hosep
itong misterio ng langit,
tumiwasay na ang dibdib,
nanaw ang lumbay at hapis,
tuwa ang siyang gumiit.
Pagdaka'y ang mag-asawa
na si Hosep at si Maria
nanalangin at sumamba,
tumawag, at napakalara
sa Diyos na Poong Ama.
Itong panibughong lihim
ni Hosep sa Inang Birhen
siya ang tularan natin,
bagaman hindi malining
ng taong sino ma't alin.
At sapagka't katampatan
at ugaling katwiran
ang namamali'y aralan,
huwag pagupasalaan
ang taong sino't alin man.
Ang panganganak ni G. Santa Maria
sa ating Panginoong Hesukristo
14
At kung sala ng iba,
mahalay na ipabadya,
di lalo ngang masama pa,
ang di ingatan tuwi na,
kamahalan ng asawa.
Kaya, kapatid kong kasi
gayong asal ay bawahi,
ang taong mapamarali
kawikaa'y walang puri
sa katawan niyang sarili.
Nang maging siyam na buwan
kay Mariang kabuntisan
ibig nganing sumilang,
yaong Mesias na mahal
ang mundo'y liliwanagan.
Mana nganing naisipan
ng haring Tiberio Cesar,
nagpabando kapagkuwan
sa tanang nasasakupan,
probinsiya at mga bayan.
Sa bando'y napapalaman,
ang tanong sino't alin man,
umuwing huwag maliban
sa kanilang bayan
at pabubuwising tunay.
Nang tatanto iyong tawag,
ni San Jose ay gumayak
kasama ang Birheng liyag,
agad na silang lumakad
at sa Belen at tumambad.
Sumunod at di sumuway
sa utos na napakinggan
kahit buntis na kagampan,
at siya nang kabuwanan
ng Inang Birheng maalam.
Sapagka't taong mahirap
ang mag-asawa sinliyag
nang manuluya't tumawag,
wala isa mang tumanggap
hinlog man o kamag-anak.
Kahit mahirap kung tingnan
sa grasia at sakdal yaman
kaluluwa at katawan,
tantong pinamamahayan
ng Diyos sa kalangitan.
At kaya nag-asal dukha,
nag-anyong taong mababa
yao'y tikis na ginawa
nang may kunang halimbawa
ang taong hamak na lupa.
Nang wala ngang matuluyan
walang maawang sino man
sa kanilang kalagayan,
doon na sila tumahan
sa wakas luwal ng bayan.
May dinatnan at nakita
na isang yungib o kuweba
silungan ng mga baka
at mga hayop na iba,
doon nga pumasok sila.
Dito sa kuwebang naturan
nasok silang nagtuluyan
sapagka't siyang hinirang
ng Diyos sa kalangitan
sa Birheng panganganakan.
Nang hating-gabing malalim
niyong araw na tinuring
ay lumuwal nganing tambing,
si Hesus na Poon natin
kay Mariang tiyang Birhen.
Sumilang na kapagdaka
yaong araw ng Hustisya
at liliwanagan niya
madilim na kaluluwa
nalulugmok nga sa sala.
Kuwebang yao'y lumiwanag
sa pagsilang ng Mesias
dikit na walang katulad
ligayang ganap na ganap
bangong humahalimuyak.
Kinuha agad kinalong
ng Birheng Inang marunong
yaong marikit na sanggol,
at binalot niya tuloy
tuwa at walang kaukol.
Sayang hindi mamagkano
15
ng buong Langit, Imperio,
Angeles nanaog dito,
puri sa Esterno Berbo:
Gloria in excelsis deo.
Kung baga samakatuwid
itong kanilang inawit
purihin na walang patid
ang Diyos Haring marikit
sa kataasan ng Langit.
Doo'y may nagsisitahan,
mga pastores na ilan
na di-malayo sa bayan,
nagtatanod nagbabantay
hayop nilang lumiligaw.
Naparoon kapagdaka
isang Anghel na maganda
at pahahayagan sila;
nang matanto at makita
nangatako't at nangamba.
Anitong Anghel ng Diyos
huwag kayong mangatakot
bagkus matuwa't malugod,
dumating na ang sasakop
sa sala ng Sangsinukob.
Dumating na at lumabas
sa Belen ipinanganak
ang hintay ninyong Mesias,
kaya ngayon ay ang dapat
magsidalaw kayo agad.
Nang matanto nila ito,
nagsang-usapang totoo
anila, tayo'y tumungo,
dalawin natin ang Ninio
Berbong sasakop sa tao.
Pagbibinyag kay Jesus
Nagsilakad kapag kuwan
at ang Bele'y pinaroonan
nakita nila't namasdan,
yaong Mesias na Mahal
nahihilig sa sabsaban.
Manag ito'y sa masilip
ng ibang mga pastores,
halos ang mata'y tumangis,
ng tuwang hindi maisip
na kanilang puso't dibdib.
At nagsihalik sa paa
niyong sanggol na maganda
yao'y tandang pagkilala,
sa totoong Hari nila
Diyos na mulang-ginhawa.
Ng mangyaring maluhuran,
nalis na sila at nanaw;
balang taong masumpungan,
kanilang pinagsabihan
niyong himalang natingnan.
Kay Moises na kautusan
utos na kaugalian
kung mahustong walong araw,
bilang sa kapanganakan
ang anak ay bibinyagan.
At ano nga'y nang maganap
ang walong araw na singkad
nang pagsipot ng Mesias,
bininyagan siya agad
Hesus siyang itinawag.
Ito ang unang pagtulo
niyong malinaw na dugo
ng Mesias na umako,
at siya ring pagkahango
ng sinta niya sa puso.
Pagdalaw ng Tatlong Haring Magos
Ng maganap na't mahusto
araw na tanging totoo
ng panganganak sa Berbo,
siyang pagdalaw na rito
nitong tatlong Haring Mago.
Ang wika't sabi sa sulat,
ng isang propetang hayag,
kung dumating ang Mesias,
sa silanga'y sisikat
isang astrong maliwanag.
Hulang ito'y di man alam
niyong tatlong haring mahal,
ang sa gabi at araw,
na astronomia ang tangan
nakita nila ang pagsilang.
Niyong gabing ipanganak,
ang Poong Haring Mesias
siya ngang pagkamalas,
16
niyong tatlong mapapalad
sa bituing bagong sikat.
Pagkasilay na nga nila,
niyong himalang nakita,
nagsigayak kapagdaka,
magsisidalaw ang tika
key Hesus na Poong Ama.
Yaong tatlong Haring mahal
ang tunay nilang pangala'y
Melchor, Gaspar, at Baltazar;
malayong di ano lamang
ang kanilang kaharian.
Na ang bayan baga nila,
Persia, Arabia at Saba,
silangan nang Palestina,
lupang kaligaligaya
sakdal ng tuwa at saya.
Sila'y di nagkakaalam,
ng kanilang paglalakbay,
at kaya nagbati lamang,
ng magtago na sa raan
dahil sa talang sinundan.
Tulin ay di mamagkano
ng hayop na dromedario,
siyang sinakyang totoo,
niyong tatlong haring mago
sa paglalakbay na ito.
Sa kanilang paglalakad
sa parang at mga gubat
sa bundok na matataas,
pumapatnugot na hayag
yaong bituing masikat.
Nang kanilag matapatan
ang Jerusalem na bayan
ay nawala kapag kuwan
ang bituing sinusundan
patnugot nila sa raan.
Nagdilim ang kabundukan
at nangaligaw sa raan
ang tatlong Haring marangal,
bayan ngang napatunguhan
kay Herodes na sukaban.
Nang sila na’y mapalapit
sa kaharian ni Herodes,
nakita nila’t nasapit
ang kabulusang matuwid
daan tungong Nazareth.
Nang sila’y mapalapit na
nagsangusapang talaga
ang tatlong Haring masigla,
na si Herodes nga baga,
daanana at ipagsama.
Sagot ng Haring Baltazar:
oo't siyang katuwiran
parang pagbibigay-galang,
kung sasama o dili man,
at nang ating maalaman.
Ano ay ng malapit na
sa bayan'y papasok na
tumaha't nagsugo muna,
ang pinaka embahada
kung mangyaring tumuloy na.
Ang kay Herodes na sagot
sa mga haring nag-utos
magpatuloy silang nasok,
nang matanto nga't matalos
ang sadya nilang tibobos.
Sa baya'y nasok nga agad,
nagtingin sila't nagmalas,
itinanong sa lahat,
kung saan ipinanganak
yaong mahal na Mesias.
Ano'y sa matanto ito
ni Herodes, Haring lilo
pinapanhik sa palasio,
ang mahal na haring tatlo
at tinanong ng ganito:
Aniya ay pasasaan
ang mga haring marangal?
ibig ko nga maalaman,
at sa aki'y dagling turan
ang inyong sadya at pakay.
Ang sagot naman ng tatlo
kaya kami'y naparito
magsisisambang totoo,
sa inianak na bago
ng Haring tunay ng hudyo.
Ang mahal na tala baga,
tandang ipinanganak na,
sa aming baya'y nakita,
17
kaya Hari'y turan sana,
kung saan naroon Siya.
Sugong yao'y nang mabatid
ng Haring lilong Herodes
puso't loob ay natulig,
agad sumukal ang dibdib
dahil sa wikang narinig.
Agad nang ipinatawag
ang mga doktos at pantas
at kaniyang siniyasat
kung saan ipinanganak
ang pariritong Mesias.
Wika't sagot sa kaniya
ng tanang mga bihasa
sa Belen po't walang iba,
tanda ng mga propeta
sapagka't tribu ni Juda.
Nang matalastas ng lilo
ang mga sagot na ito
nangusap nang panibago;
aniya'y mga ginoo
mabuti't narinig ninyo.
Na ang inyong hinahanap
sa Belen ipinanganak
siyang tunay na pahayag
ng propetang si Miqueas
doon kayo magsitambad.
At kung inyong masundan
ako'y agad pagbalikan
ako'y paroroon naman,
samsambahi't igagalang
Mesias na bagong litaw.
Ako naman ay dadalaw
paroroo't maglalakbay
sampung aking mga kawal,
paa niya ay hahagkan
sapagka't Haring marangal.
Nagpaalam na't nanaog
yaong mga haring magos
tuwa'y di matapos-tapos,
muli na namang sumipot
ang talang pumapatnugot.
Nang sila nga ay dumating
doon sa portal na Belen
ang sinusundang bituin,
kapagkaraka'y tumigil
lalong dumikit ang ningning.
Nagsiibis at nanaog
sa kanikanilang hayop
sa portal ay nagsipasok,
doon nila napanood
ang mahal na Ninio Hesus.
Sapagka't Haring Supremo
nitong buong Universo
lumuhod sumamba rito,
paa'y hinagkang totoo
niyong mga haring mago.
At hinandugan pagdaka
ginto, insienso at mira
ang setro nila't korona,
inialay na sa paa
ni Hesus na Poong Ama.
Kaya ginto yaong alay
ng bunying Haring Baltazar
ay sapagka't Haring tunay,
may-ari at nagtatangan
ng ginro at santinakpan.
Hain naman ay insienso
ng Haring Gaspar sa Berbo
pagkat' Diyos na totoo,
maawai't masaklolo
sa nananalangin tao.
Kaya mapait na mira
alay ni Melchor at dala
pagka't taong tunay Siya
sasakop at kakalara
sa sansinukubang sala.
Makaraang ilang araw
yaong kanilang pagdalaw
kay Hesus haring marangal,
agad silang nagpaalam
sa mag-asawang timtiman.
Nang aalis na't papanaw
ang mga Haring marangal
sa pagtulog ng mahusay,
sila ay pinagsabihan
ng isang anghel na mahal.
Anang anghel sa kanila
18
kung kayo ay uuwi na
at aalis na talaga,
ay huwag nang pakita
sa sukab at palamara.
Ang pagdalaw sa Templo ng
Jerusalem ni Ginoong Sta. Maria
at pagtalima sa utos tungkol sa
paglilinis nanganak na babae na
tinatawag na Purificacion
Haring lilo at balawis
tampalasan si Herodes
ang puso'y halos mapunit,
sa laki ng pagkagalit
kayo nga'y bibigyang sakit.
Nang ito'y maipahayag
ang anghel nawala't suka't,
sa langit napaitaas;
ang mga haring mapalad,
agad namang nagsilakad.
Ugali nang una naman
ang manganak na sinuman,
di papasok sa Simbahan,
hanggang hindi maganapan
yaong apatnapung araw.
At kung babae ang anak
hihintin munang maganap
tatlumpung araw na singkad,
ito ang bilin at atas
ni Moises na sumulat.
Kung maganap na't mahusto
ang mga araw na ito
siyang pagdalaw sa Templo,
mag-aalay na totoo
ng isa bagang kordero.
Kung dukha at walang yaman
walang korderong ialay,
sukat ang tortola lamang,
o-pitson kayang inakay
ang sa templo'y ibibigay.
Nang apatnapung araw na,
ang panganganak ni Maria,
sumunod at tumalima,
mga ugaling nang una,
na ang ngala'y ley antigua.
Binalot na nga ang Ninio
niyong Birheng masaklolo
at iaalay sa Templo,
sa Diyos Amang totoo
Hari ng sang-uniberso.
Lumakad na kapagdaka,
si San Hosep ang kasama
dalawang pitson ang dala,
nang dumating naman sila
sa simbaha'y nagtuloy na.
Nang makapasok sa Templo
si Mariang Masaklolo
agad kinalong na rito
ni Simeon bunying tao,
ang Mesias na totoo.
Tuwang hindi ano lamang
ang kay Simeong nakamtan
mata'y agad isinilay
sa Diyos Amang maalam
at nag-wika kapagkuwan.
Diyos na Poon, aniya
dagat na Miserikodia,
ang buhay ko'y aanhin ko pa,
yamang akin nang nakita
itong sasakop sa sala.
Alin pa ang titingnan ko
lalong marikit sa mundo
kung dili nga ang Anak Mo
na aking kinalong dito't
iniaalay sa iyo?
At yamang iyong niloob
kung kaya siya nanaog
nang ang tanan ay masakop,
dugo niya'y mabubuhos
sa sala ng Sangsinukob.
Nang matapos ang orasyon
ng banal na si Simeon
iniabot na ang Sanggol,
sa Birheng Inang marunong
saka nagwika ng gayon:
Aniya ay malaki man
ang dala mong katuwaan
nguni't lalong kalumbayan,
ang iyong kasasapitan
kung dumating na ang araw.
19
Sa pagsakop, pakalara,
sa inako niyang sala
pawa mo ring makikita,
ang kararatnang lahat na
ni Hesus na iyong bunga.
Nang matanto at malining
ng Inang Mahal na Birhen
ang puso't agad na nalaing,
lumuhod at inihain
sa Diyos ang Niniong giliw.
Diyos na poon, aniya
Panginoon ko, at Ama,
ang bahala po'y ikaw na,
dito sa bigay mong bunga
na Anak kong sinisinta.
Yamang loob Mong totoo,
kaya siya naging tao
ngayo'y ibinibigay ko't,
iniaalay sa iyo
itong bugtong na Anak Mo.
Ang bahala na nga'y Ikaw
sa kanilang pagkabuhay
sundin balang kalooban,
ako'y wala sa pagsuway
yamang Anak Mo ring tunay.
Wikang ito'y pagkatapos
ng Birheng Ina na Diyos
kinuha't agad binalot,
at dinala ngang tibobos
ang Anak niyang si Hesus.
Nang una'y ang kautusan
tungkol anak na panganay
ibibigay sa simbahan,
o tutubusin kaya naman
ng ama'y inang magulang.
Kaya ito'y ugali raw
ay alaalang matibay
nang ubusing ipapatay,
tanang anak na panganay
ng taga-Egiptong bayan.
At kung hindi ginanito
ng Diyos ang haring lilo
hindi sana sa Egipto,
nakaalis na totoo
Israelitas na tao.
Ugaling ito'y sinunod
ng Birheng Inang tibobos
at nang di ang Poong Hesus
malagak, siya'y nadhandog
nang kabilinan sa utos.
Nang ito ay makaraan
nagsiuwi na pagkuwan
ang mag-asawang timtiman,
sa Nazareth nilang bayan
na dating tinatahanan.
Magmula niyong pagdalaw
sa templo ng Birheng Mahal
malaki ang kaguluhan,
niyong taong karamihan
sa Jerusalem na bayan.
Ang dahila'y pagkarinig
ng balita ng pastores
at lalo nang naligalig,
nang dumating na sumapit
ang tatlong haring mabait.
At ano't nang mapakinggan
ni Herodes na sukaban
itong mga kaguluhan,
lalo na nang di na dumaan
ang tatlong haring marangal.
Bait, isip ay nagulo
at hindi na nagkatuto
ang minagaling ng lilo,
pawang pugutan ng ulo
ang tanang sanggol sa reino.
Gayong gawa'y nang maisip
niyong haring walang bait;
isang gabi si San Hosep,
pinagsabihang umalis
ng isang anghel sa Langit.
Ang pagpasa Egipto
At doon ng pinatahan
sa Egiptong kaharian
pagka't ibig papugutan,
niyong haring tampalasan
ang Sanggol na bagong silang.
Nang matalastas nga ito
ni Hosep dakilang Santo
20
kumuha ng isang asno,
at isinkay na rito
ang Birhen sampu ng Ninio.
At di na nga nabukasan
gabing yao'y nagsipanaw
dilim na di ano lamang,
nguni't ang totoong ilaw
ang kasama nilang tunay.
At sa paglakad sa bundok
ang Birhen ay kung mapagod
sa pagdadala kay Hesus,
agad niyang iaabot
sa asawang sinta't irog.
Habang daa'y nagaawit
ang tanang mga angheles
nagpupuring walang patid,
dito sa Poong marikit
Hari ng lupa at langit.
Ang kahoy na maraanan
nitong mag-Inang timtiman
yumuyuko't gumagalang,
laki nang pamamagitan
dito sa Poong Maykapal.
Anopa nga't di mahaka
dili masayod ng dila
ang mga gawang himala,
nitong Diyos na dakila
sa buong Egiptong lupa.
Nang sila ay dumating na
sa isang bayang masaya
balang taong makakita,
kay Hesus at kay Maria
natutuwang parapara.
Nang sumapit na ang tatlo
doon sa lupang Egipto,
tanang diyoses sa templo,
idolong mga demonyo'y
nadurog, nangapiraso.
Si Hosep at Birheng tunay
sampu ni Hesus na Mahal
sa Egipto ay tumahan,
sa isang bayan-bayanang
pinili nila't hinirang.
Ang pagpapapugot ni Herodes
sa lahat ng sanggol
Sa laking pagkagiyagis
loob ng haring Herodes
munti ma'y di natahimik,
ang puso at kanyang dibdib
sa inggit na gumigiit.
Ano pa nga't gulong-gulo
ang loob ng haring lilo
pinasukan ng demonyo,
na umisip ng ganito
sa sakop niyang basalyo.
Nag-utos at nagpatawag
ng soldadong mararahas,
kapag dating ay nangusap,
aniya nga'y kayong lahat
magsihanda at lumakad.
Sa Belen kayo patungo
at hulihin yaong tatlo,
Haring nagsidaan dito,
kung wala'y kahit ang Ninio
siyang dalhin sa harap ko.
Yaong bagang inianak,
na gumugulo sa tunggak
anang ibang nakamalas,
ay yaon daw ang Mesias
na hinihintay ng lahat.
Nalis na nga't nagsipanaw
soldados na inutusan,
bayang Bele'y pinaronan,
hahanaping pagpilitan
ang sanggol na bagong litaw.
Buong baya'y hinalughog
kabukiran sampung bundok
di rin nakita si Hesus,
at nagbalik ang soldados
sa Haring lilong nag-utos.
Nang matanto ng sukaban
na mainggiting lanuwang
mana ay ang naisipan,
nag-utos sa mga kawal
basalyong nasasakupan.
Ang wika ng Haring pusong
21
ang hingi ko't utos ngayon
sa aking soldadong kampon,
libutin ang Bele'y nayong
karatig ng bayang yaon.
Panhikin ang bawa't bahay
na huwag may kaligtaan,
sa aki'y huwag may sumuway
ang sanggol na masumpungan
agad alisan ng buhay.
Santaon o kulangin man
o hustong dalawang tunay
yaong sanggol ay pugutan,
ang sa aki'y sumalansang
aalisan ko ng buhay.
Utos hari, palibhasa,
di sino susuway nga
mga kawal at gumala,
masumpungan nilang bata,
pinugutan alipala.
Bawa't bahay ay pinanhik
pinapasok hanggang silid
sa paghanap nilang pilit,
at ang sanggol na masilip
ay agad bibigyang sakit.
Gulong di hamak ang bayan
maingay ang panambitan
halos di magkarinigan,
sa pagtangis ng pag-uwang
ng ama't inang magulang.
Aling matigas na loob
ang di matunaw, madurog,
kung makita't mapanood,
ang dugong nagsisiagos
pinugutang mga ninios?
Daig ang init ng bakal
ng puso nitong lanuwang,
hindi nahabag munti man,
kaya nga't ang kinaratnan,
hirap na di ano lamang.
Ang kabilangang totoo
sanggol na namatay dito
wika ni Salmerong sabio,
batang pinugutan ng ulo
may labing apat na libo.
Ang dugo'y nagsisitangis
niyong ninios inocentes
ang narating ni Herodes,
linagnat na walang patid
at uod ang ipinawis.
Katawa'y sugat-sugatan,
buhong hindi ano lamang
ni hindi na malapitan,
ang lahat ay nasusuklam
sa kaniyang pagkalagay.
Ito'y siyang ganti't bihis
sa gawang hindi matuwid
dito sa haring balawis,
ang lalong kasakit-sakit
di siya nagkamit-langit.
Aba malupit na uslak!
aba, haring walang palad!
aba, lilo at dulingas!
aba, at ikaw'y nabihag
ano't di ka makakalag?
Ano ang iyong akala
at ano ang sapantaha?
anong hirap iyan kaya?
ano at di nga nagwika
iyang malupit mong dila.
Iyang iyong hinihingan,
iyan ang napakinggan
iya'y siyang kabayaran
at siyang kahihinatnan
apoy mo sa kagalitan.
Apo'y na di matatapos
apo'y na galit ng Diyos
apoy sa gawa mong buktot
apoy ang siyang susunog
Haring malupit sa hayop.
Haring hindi na nag-isip,
haring taksil at balawis
haring halimaw na ganid,
haring hindi na nahapis
sa dugo nang inocentes.
Kaya ang iyong natamo
hirap, sakit sa impierno;
hunghang, masakim na tao,
sa apoy mo na ibunto
ang galit kay Hesukristo.
22
Ito ang siyang pagmasdan
ng mainggitin sinoman;
iwaksi ang gayong asal,
at kung hindi ay kakamtan,
impiernong apoy na bayan.
Nang mamatay na't matapos
itong haring saligutgut,
sa Egipto ay nanaog
ang isang anghel ng Diyos
asal ay kalugod-lugod.
Doon sa pagkagupiling
ni San Hosep na butihin
binati agad ng anghel,
ng wikang kaaliw-aliw
ito ang ipinagturing.
Anang anghel kay San Hosep
bangon na, anak ni David,
dito kayo ay umalis,
at umuwi sa Nazareth,
bayan ninyong iniibig.
Wala na nga at namatay
yaong haring tampalasan
na naghirap sa bayan;
kayo'y magbalik na nanam
sa dati ninyong tahanan.
Nang matanto at matatap
ni San Hosep na mapalad
sa Birhe'y dagling nangusap,
at biglang nagsilakad
na kasama ang Mesias.
Nang sila na'y nasa raan,
ay kusang nabalitaan
sa Jerusalem na bayan,
ang hari ay si Arquelaw,
anak niyong tampalasan.
Sila nga'y nag-ibang daan,
naparo't nagtuluyan
sa bayang sukat tahanan,
bayang walang kapakanan
hirap na walang kapantay.
Ang Nazareth ay tinungo
na bayan nilang totoo,
sapagka't ang batang ito
tatawaging Nazareno
pagwangis niya sa tao.
Ang bahay niyang kinita
na nihabilin nila,
ay hindi rin na-iiba
at dito nga namahay na
si San Hosep at si Maria.
Dito itong Ninio Hesus,
tumalima at sumunod
sa ano mang iniutos,
hiling ng puso at loob
ng mag-asawang sin-irog.
Anang mga Ebangelistas,
lumaki ang Mesias,
lumaki nama't tumaas
ang grasia't dunong na wagas
sa harap ng taong lahat.
Pagdalaw sa templo ng Jerusalem
Nang labing-dalawang husto
ang taong bilang si Kristo,
ang mag-ina ay dumayo,
sa Herusalem na Templo,
isang araw nga ng Pasko.
Kasama rin sa paglakad
si Hosep, tunay na liyag
kalayuan at di hamak
pagsunod lang at pagtupad
sa kaugaliang lahat.
Ng dumating na sa Templo,
pumasok na silang tatlo
at nanalanging ng rito,
sa Diyos, Haring totoo
ng buong sang-uniberso.
Ay ano'y nang makaraan
ang piesta ngang tinuran
na dating kaugalian,
sila'y umuwi na naman
sa dati nilang tahanan.
Dito na nga itong Berbo
nagpalumagak sa Templo
walang malay na totoo,
mag-asawang magkatoto,
kasama nilang dumayo.
Sapagka't ibig maganap
ang tanan bilin at atas
ng Ama Niyang Mataas,
23
kaya itong Diyos na Anak
sa templo'y nagpalumagak.
Ay ano nga'y ng makita
ni Hosep at ni Maria
doon sa paglakad nila
ay hindi na nga kasama,
si Hesus na Poong Ama.
Dito'y ang Inang mapalad
ang puso'y agad nasindak
tumangis nga at umiyak
ang dibdib halos mawalat
nang hindi makita ang anak.
At si Hosep namang Santo
Sindak ay di mamagkano,
nang di makita ang Berbo,
loob ay sumikdo-sikdo
panimdim ay mago't mago.
Ano'y nang kinabukasan
na nag-bubukang liwayway
nagsilakad kapagkuwan,
sa Herusalem titingnan
ang Anak na nahiwalay.
Ang pagpapalumagak ni
Hesukristo sa templo ng Herusalem
Wala rin at di makita
itong Anak ni Maria
sapagka't di pa talaga,
ay may ibang gagawin pa
misteriong walang kapara.
Ikatlong araw na husto
ng pagkawala ni Kristo
pumasok sila sa templo,
doon nakitang totoo,
tuwa'y di mamagkano.
Naroo't kasalamuha
ng marurunong na pawa,
kahit siya'y isang bata,
pantas na nagnunukala
at matuwid kung magwika.
Dinaig niya't tinalo
ang mga pantas at doktor
natakpan na ang mga libro
palibhasa nga ay Berbo
Diyos at Haring totoo.
Ang tanang mga bihasa
natilihan at nagtaka;
ang wika ng isa't isa,
ay sino kaya, anila,
ang may anak sa Kaniya?
At sa gayong paghaharap
sa lalapit namang agad
ang Inang Birheng mapalad
at pagkabati sa lahat
ito ang ipinagusap.
Bunso, aniyang Anak ko
ano't kami'y ginayon mo?
ako't sampu ng ama mo,
parang ulol na totoo
ng paghahanap sa iyo?
Anong aming naging sala
gawang di mo minaganda
at kusang humiwalay ka?
tatlong araw na nabalisa
nang sa Iyo ay pagkita.
Sumagot kapagkaraka
si Hesus sa Birheng Ina,
ito ang ipinagbadya;
babae bakit baga
Ako'y iyong kinikita?
Dati na ngang iyong alam
kahit ako'y umalis man,
wala akong paroronan,
kundi sa pagsunod lamang
sa Diyos Ama kong mahal.
Nang ito'y maipagsulit
ang Birhe'y di na umimik,
si Hesus agad kinawit,
ni Maria at ni Hosep
at umuwi na sa Nazareth.
Lumalaki araw-araw
itong si Hesus na mahal
nguni't hindi sumusuway,
ang utos na ano pa man
ang ama't inang magulang.
Ito'y siyang sabi't sulit,
sa Ebanghelyo at sambit
si San Mateong tumitik,
24
na itong Berbong marikit
Et erat subditus illis.
Samakatuwid nga baga
itong si Hesus na Ama,
totoo mang Diyos siya,
sumunod at tumalima
kay Hosep at kay Maria.
At ang buong panininta,
pagkakalinga tuwi na
ni Hosep at ni Maria,
kahi't minsa'y di nagbawa
sa puso nilang dalawa.
A R A L
O, anak na mapagsuway
sa ama't inang magulang
dito ay iyong pagmasdan,
mga gawang kababaan
nitong Diyos na maalam.
Siya'y Haring darakila
ng Langit sampu ng lupa,
lahat na'y kanyang gawa,
ngayon ay nag-asal bata
pagbibigay halimbawa.
Saka ikaw na suwail
walang munti mang pagtingin
sa ama't inang nag-angkin
kung utusan ka marahil,
dumadabog, umaangil.
Ang wika ay iisa pa
ng iyong ama at ina
ang tugon mo'y sanglibo na,
paglaban mo ring talaga
at pag-suway sa kanila.
Ito'y kataksilan nga
at mataas na akala,
o anak na sulupika,
asal mong lubhang masama
sa iyo'y siyang sisira.
Kundi mo tambing bawasan
ang mga liko mong asal
totoong iyong kakamtan,
ang lahat mong kahirapan
dito nga sa huling araw.
Sukat mong ikabalisa
at gunitain tuwina
hirap sakit na lahat na,
pawang tiniis at binata
ng iyong ama at ina.
Kahit na at tadtarin mo
ang laman at sampung buto
sampung tanang balahibo
di pa sukat ibayad mo
sa mga hirap na ito.
Kung di mo nga iibahin,
ang iyong pagkasuwail
ay hindi ka katotohin,
bagkus ka pang iiringin
ng Diyos na Poon natin.
Kaya ngayon ay ang dapat,
kay Hesus tumulad
ng pagsunod na maluwag,
sa ano mang ipag-atas
na ama't inang nag-ingat.
Ang pagkamatay ni San Hosep
Ng malapit nang mangaral
si Hesus sa katauhan
ibig ngang ipatanghal,
ang kaniyang kadiyosan
sa taong makasalanan.
Nguni't ang kasing esposo,
ama sa haka ng tao,
si San Hosep bagang Santo,
natanto rin nga totoo
ang sasapitin ng Berbo.
Kaya nga't nang di makita
ni Hosep ang madlang dusa
ni Hesus na iwi niya,
hiningi nang buong sinta
siya'y mamatay na una.
At hindi nga matitiis
niyong banal na si Hosep
na makita at masilip,
ang madlang hirap at sakit
ni Hesus na kasi't ibig.
Dito sa nasang magaling
ni San Hosep na butihin
agad namang sinunod din,
ng Diyos na maawain
ang kaniyang pita't hiling.
25
Yaon ang siyang mula na
ng pagkakasakit niya
kinalinga tuwi na,
ni Hesus at ni Maria
si Hosep na mapaninta.
Palibhasa ay katoto
at malinis na esposo
kinalinga ngang totoo,
ng Poong Hesukristo't
ni Mariang masaklolo.
Sa kalubhaang di hamak
ng sakit nitong mapalad
di na inibsan ng lagnat,
ito na ang siyang wakas
buhay niyang mabanayad.
Di siya hiniwalayan
nitong mag-inang timtiman
ang alaga'y matibay,
sa kanyang pagkaratay
hanggang sa napatdang-buhay.
Wala nganing makapara
itong pagkamatay niya
daig ang santong lahat na;
sa kamay nitong mag-ina
pumanaw ang kaluluwa.
Ang kaluluwang marikit
nitong timtimang si Hosep
sinalubong ng angheles,
pinupuring walang patid
tuwang walang kahulilip.
At kanilang inilagay
sa seno nga ni Abraham;
sabihin ang katuwaan,
sayang hindi ano lamang,
ng lahat ng mga banal.
Si Hosep ang una-una
namalita ngang talaga,
sa mga Santos Propeta,
aniya ay dumating na
yaong sasakop sa sala.
Dito nga napagnilay
lubos naggunamgunam
di na lubhang mababalam,
bibihisan kapagkuwan
ang kanilang kahirapan.
Ang pangangaral ni San Huan
Bautista doon sa parang at ang
pagbibinyag kay Hesukristo
Ay ano'y nang mamatay na
ang esposo ni Maria
inilibing kapagdaka,
si Hesus nama'y kasama
tumatangis ang dalawa.
Mga ugaling lahat na
sinunod ng Birheng Ina
nagluksa kapagkaraka,
tanda ng ganap na sinta
kay Hosep niyang asawa.
At ako, aniya, lamang,
kay Hesus na inutusan,
pinapaghahanda bilang,
na maglilinis ng daan
na kaniyang lalakaran.
Ito ang ibibinyag ko
tubig na sadyang totoo
nguni't kung siya'y parito,
ang ibibigay sa tao'y
grasiang tunay na saklolo.
Sa ito'y maipahayag
niyong Bautisting nangusap,
isang araw nama'y kagyat
sa darating ang Mesias
na ang nasa ay pabinyag.
Si Hesus ngani'y nakita,
ngunit hindi nakilala
ni Huan ang pinsan niya;
sa loob ay pinagsiya
napag-wari kapagdaka.
Lalo na nang mapakinggan
yaong wikang binitawan
ako'y binyagan mo, Huan:
dito nagpasiyang tunay
ang katoto niya't pinsan.
Natilihan at nanglumo
yaong marangal na Santo
aniya ay ano ito,
pabibinyag ang Poon ko
sa isang hamak na tao?
26
Bago ay ang karampatan
ang ako'y siyang binyagan
ng mahal mong mga kamay,
sapagka't Diyos kang tunay
nagkatawang tao lamang.
Sumagot pa itong Berbo;
Huan ako ay sundin mo
nitong hingi ko sa iyo,
at nang tularang totoo
ako ng lahat ng tao.
Di na tumugon si Huan
dito sa kaniyang pinsan,
lumusong silang nagsabay,
doon sa ilog ng Hordan,
si Hesus ay bininyagan.
At nang umahon sa pampang
ang langit agad nabuksan
at ang Espiritung tunay,
nanaog at pumatnubay
kay Hesus na Poong Mahal.
At narinig naman dito
boses ng Padre Eterno,
ipinangusap sa Berbo,
ito ang wika'y Anak ko,
minamahal kong totoo.
Tuwang hindi ano lamang
ang buong sangkalangitan
angheles ay nag-awitan,
pagpupuri'y walang humpay
sa Mesias na maalam.
Nang maganap na't matapos
ang pagbibinyag kay Hesus
nagpaalam na tibobos,
sa kaniyang pinsa't irog
na masintahin ngang lubos.
Napatukso si Hesus sa
dimonyo doon sa bundok
Nagtuloy sa kabundukan
si Hesus na poong mahal
at magkukulasiong tunay;
kusang napatukso naman
sa demonyong tampalasan.
Ano nga'y nang dumating na
sa bundok na pinipita
pumasok kapagkaraka,
sa isayng yungib o kuweba,
doon nanalangin Siya.
Di kumain kaunti man
doon sa pag-aayunar,
puyat, gutom sampung uhaw,
tiniis na paminsanan
sa apatnapu ngang araw.
Nang maganap ngang totoo
pag-aayunar na ito
nagutom na nga si Kristo,
dito na ngani tinukso
ng magdarayang demonyo.
Nakitulad, nakimukha
sa tao ang magdaraya
na parang isang matanda,
dumulog na alipala
kay Hesus agad nag-wika.
O, katoto ko, aniya
sa masid ko ay Anak ka
ng Diyos na Poong Ama,
ano't ikaw'y nagbabata
gutom, uhaw na lahat na?
Totoo nga't naliliham
sa sulat napapalaman
mangyayaring walang liban,
na sa Iyong wika lamang
yari ang anomang bagay.
Kaya ngayon ang wika ko,
na inoola sa iyo
magmadali ngang gawin mo,
maging tinapay ang bato
at nang may makain tayo.
Sumagot na kapagkuwan
yaong si Hesus na mahal
aniya ay hindi lamang
sa tinapay nabubuhay
ang taong sino’t alin man.
Kundi sa grasia at awa,
mga mahal na biyaya
ng Diyos Haring dakila,
27
siyang ikabubuhay nga
ng taong Kaniyang likha.
Sa di mangyaring totoo
daya’t lalang ng dimonyo
nagbantang nagpanibago,
agad dinala si Kristo
sa pinakulo ng Templo.
Kung baga sa katuwiran
ang pinakulong tinuran
ay ang kataas-taasan,
na Boheda ng Simbahan
ng Herusalem na bayan.
Nang doroon na si Kristo,
muli na namang tinukso,
ng magdarayang demonyo,
ibig din niyang matalo
kaya ang wika’y ganito.
Aniya ay kung mistula,
tantong ikaw ay anak nga
ng Diyos Haring Dakila,
magpatibulid kang bigla
mula diyan hanggang lupa.
At sapagka’t nakasulat
na hindi mapapahamak
kung totoong Diyos Anak,
pipigili’t itataas
ng anghel nilang alagad.
Sumagot si Hesukristo
sa magdarayang demonyo
na ang wika ay ganito:
huwag aniyang manukso,
sa Panginoo’t Diyos mo.
Nang ito ay mapakinggan
niyong demonyong sukaban
ang pagtukso’y inilulan,
at si Hesus ay tinangnan
dinala sa kabundukan.
Dito sa bundok na ito,
ipinatanaw sa Berbo
ng magradayang demonyo,
madlang baya’t mga reino
at kayamanang totoo.
Aniya ay ako lamang,
may-ari at nagtatangan
nitong madlang kayamanan
na iyong napagmamasdan
sa mga sakop kong bayan.
Ang dinugtong pang sabi
ng demonyong lilong dati,
kay Hesus wika’y gayari
Haec omnia tibi dabo
si cadens adoraveris me.
Kung baga sa katuwiran
anitong lilo’t sukaban
na kung nais mong makamtan,
nariritong kayamanan
ako ay iyong luhuran.
Kung ako nga’y sambahin mo
at lumuhod sa harap ko
hindi sasalang totoo’t
ibibigay ko sa iyo
mga kayamanan dito.
Ano nga’y nang mapakinggan
ni Hesus ang gayong bagay
gumamit ng kadiyosan,
at buong kapangyarihan
sumagot sa tampalasan.
Sa pangako ngang sarili
ng demonyong lilong dati
ay sumagot at ang sabi,
ni Hesus na Poong kasi:
Vade Satanas ang pakli.
Sa katuwirang totoo,
ani Hesus sa demonyo,
Satanas manaw ka rito,
hayo’t ilag sa harap ko
ikaw ay pasa impierno.
Sukat mong maalaman,
sa sulat napapalaman
ang Poong Diyos nga lamang,
siyang dapat na luhuran
at sambahin gabi’t araw.
Nang marinig ng demonyo
itong winika ni Kristo,
natulig na at nanglumo,
at nabulid sa impierno
takot na di mamagkano.
Na ang buong kaisipan
nitong demonyong sukaban
28
si Hesus ay tao lamang,
na tantong kinakasihan
ng Diyos sa Kalangitan.
Ano pa nga’y sa matapos
ang pananalo ni Hesus
sa demonyong lilong loob,
sa langit naman’y nanaog
anghel na sugo ng Diyos.
Nagkakanta’t umaawit
ang karamihang angheles
dala’y tinapay at tubig,
at alaalang masakit
sa Ama niyang marikit.
Kumain na kapagkuwan
si Hesus niyong tinapay
lumagok ng tubig naman,
saka pinasalamatan
ang Ama sa Kalangitan.
Nang nasa bundok na ito
ang Poong Hesukristo,
sa Horda’y pinagsisino,
pati si San Huan Santo
ng mga lilong hudyo.
Ng makita’t mapagmasdan
ng pariseos na tanan
mga gawang kabanalan
ng Prekursor na si Huan
doon sa ilog na Hordan.
Pinagsisiya ng lahat,
Pariseos at eskribas
sa loob nila’t hinagap,
siyang totoong Mesias
si San Huan na buminyag.
Kaya nga’t ang naisipan
ay ang kanilang paronan,
tatanungin baga bilang;
kapag dating agad naman
tinanong na si San Huan.
Anila ay maginoo,
ikaw baga ay si Kristo;
ani Huan hindi ako;
kung gayon, ikaw ay sino,
si Elias baga Santo?
Ani San Huang mapalad:
ako’y hindi si Elias,
hindi propeta at pantas,
boses akong nagtatawag
niyong mahal na Mesias.
Ako nga ay siya lamang
na naglilinis ng daan
ng kaniyang lalakaran;
kaya nga ang katampatan
kayo’y magiba ng asal.
Nang matanto at mabatid
ng mga embahadores,
nanaw na sila at umalis;
gawa ni Huang mabait,
binyagan balang lumapit.
Ang dahilang pagpasa Galilea
Ni Kristo
Ano pa nga’t pagkarinig
na si Huan napipiit,
si Kristo’y agad nagtindig,
sa paglakad ay sumapit
sa itaas ng Nazaret.
Mana nga’y ang naisipan,
sa Kaparnaum pumanaw
at doon siya tumahan,
paghanap sa nadidimlan,
na taong makasalanan.
Sa malapit na’y ang sabi
nitong makapangyayari
bati ni Huan gayari,
wika’y Ecce agnus dei
Qui tollis peccata mundi.
Itinuturo sa tao;
tingni’t iyan ang Kordero
ang Diyos na masaklolo
nakawawalang totoo
ng kasalanan sa mundo.
Nang si Hesus ay umalis
at umuwi sa Nazareth
yaon naman si San Andres,
at ang kasama’y inakit
sumunod sa Poong ibig.
Ngunit at yaong kasama
ni Andres agad kinita
wika ng ibang bihasa
29
yaon daw ay hindi iba’t
si Huan Ebanghelista.
Ang dalawa’y nagsisunod
doon sa bahay ni Hesus
nang sila ay mapanood,
ng Birheng Inang tibobos
tuwa’y di matapos-tapos.
Doon sila inaralan
ni Hesus na Poong Mahal
ng pagkakaginhawahan;
ng matapos mapakinggan
nalis na sila at nanaw.
Tuwang walang makapara
ng kanilang kaluluwa,
ang ginawa kapagdaka,
ni Andres kung sino siya
si Simong kapatid niya.
At sa laking katuwaan
ng kaniyang gunamgunam,
si Simon nang masumpungan,
binati na kapagkuwan
wika’y Vidimus Mesiam.
Samakatuwid kung baga
amin, aniya nakita
ang Mesias na Maganda,
kaya irog, sumunod ka
hamo siyang makilala.
Nang matanto at mabatid
ni Simon, sabi ni Andres,
sumunod na sa Nazareth;
doon naman nang sumapit
binati ng Poong ibig.
Ang kay Hesus napahayag
Simon ang iyong pamagat
na kay Hona ka ngang anak,
at mula ngayon ay Sepas
ang sa iyo’y itatawag.
Itong Sepas na wika ko
na itatawag sa iyo,
ang kahulugan ay Pedro,
samakatuwid ay bato,
tigas na di mamagkano.
Nang ito’y maipangusap
niyong Mahal na Mesias
doon siya pinalagak,
ng maghapon at magdamag
inaralan nang banayad.
Saka nang pagka-umaga
si Hesus ay lumakad na
yaong tatlo ay kasama
si Felipe ay nakita
doon sa bayang Betsaida.
Binati na ng ganito
ng Poong si Hesukristo
Felipe: ako’y sundan mo
sumunod namang totoo
si Felipe sa Kordero.
Nang isa namang umaga
si Natanael ay nakita
ni Felipeng mapaninta
binati kapagkaraka
ito ang ipinagbadya.
Ani Felipeng katoto
ay nakita ng mata ko
si Hesus na Nasareno,
yaong pangakong totoo
ng mga propetang Santo.
Wikang yao’y ng mabatyag
ni Natanael ay nangusap:
ano kaya at nagbuhat
sa Nazareth ang Mesias
yao’y isang bayang hamak?
Dili baga nabibilin
sa Eskritura’y hayag din
ang Mesias kung dumating,
di iba nga at sa Belen
ipanganganak ng Birhen.
Saka ngayon ang wika mo
na siya ay Nasareno:
ani Felipe ay oo,
mangyayari ngang totoo
sa Galelea paririto.
Kung ibig mong makilala
sa akin ay sumama ka:
at agad namang nakita
si Hesus ay binati na
30
ni Felipeng nagbabadya.
Ang isinagot ni Kristo
na ang winika’y ganito
aniya ay tingnan ninyo,
ang Israelitang tao
sa akin ay naparito.
Si Natanael ay nagbadya;
Maestro, saan aniya
ako’y iyong nakilala,
ani Hesus, sa Higuera
ay doon kita nakita.
Doo’y dinadalanging mo
sa Diyos Haring Amang ko
na ipakita sa iyo,
ipakilala kung sino
ang Mesias na totoo.
Gayon wika’y nang masabi
ni Hesus na Poong kasi
sa katuwaang malaki,
si Natanael ay nagpuri
wika’y Tu es filius Dei.
Idinugtong na wika rin
puring Tues Rex Israel
kung baga tatagalugin,
Anak ng Diyos kang tambing
at Hari ka ng Israel.
Himalang ginawa ni Hesus sa
bayang Kanaa
Nang mabati na ng gayon
ay nuwi na itong Poon;
ang Natanael palang yao’y
si Bartolomeng Apostol,
pahayag ng marurunong.
Nang si Hesus ay sumapit
sa bayang niyang Nazaret
ay nangagsisamang pilit,
yaong limaNg Apostoles
na kaniyang iniibig.
Isang araw naman sila
piniging sa isang boda,
kasama ang Birheng Ina
naglakbay kapagkaraka
doon sa bayang Kanaa.
Nang sila nga ay dumating
doon sa mahal na piging
ay oras na ng pagkain;
pinaluklok na ang Birhen
at si Hesus ay kapiling.
Sa karamihang totoo
nagsidalong mga tao
kinulang ng alak dito
kahihiya’y mago’t mago
niyong bunying desposado.
Nang matanto ni Maria
nilihim ang anak niya
Bunsong giliw ko, anya,
dito ay walang alak na
mahihiya ang may boda.
Ang isinagot ni Kristo
Ina nga ay aanhin ko,
mawawala kaya’y ano,
sa aki’t sampu ang sa iyo
ng kakulangang ganito.
At hindi pa sumasapit
ang oras na aking ibig
dito na nga ay nabatid,
na Birheng Inang marikit
ang mga gawang matuwid.
Tinawag na kapagkuwan
ng Birhen Inang timtiman
ang nagsisilbi sa dulang,
kaniyang pinagbilinan
ito ang siyang tinuran.
Kayo, aniya’y sumunod
sa ano mang ipag-utos
itong anak kong si Hesus,
at inyong mapapanood
karunungan niyang lubos.
Nang ito ay mapakinggan
sila’y lumapit sa dulang
si Hesus ay tinitingnan
naghihintay pag-utusan
ng ano mang mga bagay.
Ipinag-utos ng Berbo
sa doroong mga tao
31
aniya’y sidlan na ninyo
ang tapayang nangarito,
niyong tubig na totoo.
Sumunod at di sumuway
yaong mga inutusan;
ginamit na kapagkuwan;
tayong anim na tapayan
at kanilang tinubigan.
Ito ang unang himala
gawa ng Haring dakila,
sa kataga niyang wika
ang tubig ay alipala
naging alak na mistula.
Nagsiinom na nga rito
ang madla’t maraming tao
tuwang hindi mamagkano
at nangagpuring totoo
sa Poong kay Hesukristo.
Nang lumubog na ang araw
agad silang nagsipanaw
at umuwi nang tuluyan
sa Nazaret nilang bayan
na dating tinatahanan.
Wika ng ibang bihasa
ang may-ari niyong boda
si Huan Ebanghelista,
ikinasal sa dalaga
na maganda at may sinta.
Nguni’t sila’y kinasal man
hindi nagsamang namahay
sapagka’t yaong si Huan,
ay hindi na humiwalay
sa Maestro niyang mahal.
Ano pa nga’t napahayag
bait dunong ng Mesias,
sa madlang baya’y sumikat
ang lubos niyang liwanag
na umaaliw sa lahat.
At siyang nagpatotoo
ng pagka-Diyos ni Kristo
si Huang pinsa’t katoto,
na nagpahayag sa tao,
niyong Mahal na Misteryo.
Ang pangangaral ni Kristo
sa babaeng Samaritana
Bayan-baya’y nililibot
nang pangangaral ni Hesus;
isang tanghali’y napagod
nagpahinga at lumuklok
doon sa balon ni Hakob.
Doon niya inabangan
babaing makasalanan,
Samaritana ang ngalan,
at pagdating agad naman
binati’t pinangaralan.
At ang ginawang dahilan
daang sukat maaralan
kanyang pinaki-inuman
at totoong nauuhaw
sa taong makasalanan.
Ang madlang lingid na sala
ng abang Samaritana
agad ipinakilala
ni Hesus na Poong Ama
pinagsisihang talaga.
Itong babae pagkuwan
ang banga niya’y iniwan
at biglang nasok sa bayan
ipinahayag sa tanan
yaong himalang natingnan.
Nabantog nga sa lahat na
bait, karunungan niya
at balang taong makakita
paraparang nagtataka
kay Hesus na Poong Ama.
Itong Diyos na maalam
tumahan ng dalawang araw
doon sa Sikar na bayan;
mga tao’y inaralan
at pinaghihimalaan.
Nguni’t ang mga Hebreos
at kuhilang pariseos,
ay nanagsukalang-loob
sa himalang napabantog
nitong maawaing Diyos.
Ito ngang Poong marikit
isang araw ay sumapit
sa dagat ng Tiberiades,
doon nakita si Andres
32
sampu ni Pedrong kapatid.
Sa tubig ay iniladlad
ang kanilang sadyang lambat
doon na ngani namalas,
sila ng Poong Mesias
sumunod na walang liwag.
Lumakad na di nagbantog
itong ating Panginoon
sampu ng apat na kampon;
kapagdaka ay nagtuloy
sa bayan ng Kaparnaum.
Doon ay ng dumating na,
pumasok sa Sinagoga
at nangaral sa lahat na
ay pawang nangagtaka
sa bait at dunong niya.
Ito ang siyang pahayag
ni San Marcos na Sumulat
madlang tao’y nagsitanggap
at nakikinig na lahat
dito sa Poong Mesias.
Dito rin sa bayang ito,
may pinagaling si Kristo;
pinapasukan ng tukso
sa katawan, nitong tao
namamahay ang demonyo.
Nang ito ay magawa na
ni Hesus na Poong Ama
umalis sa Sinagoga,
at doon tumuloy siya
sa bahay ni Pedrong sadya.
Dinatnan naman sa bahay
ay ang kay Pedrong biyenan,
may sakit at nararatay;
pinagaling kapagkuwan
at nagsilbi na sa dulang.
Saka nang kinabukasan
doon kay Pedrong pintuan
doroo’t nagkakapisan
may sakit na di mabilang
ng mga tao sa bayan.
Kapagdaka’y pinagaling
nitong Panginoon natin
madlang tao’y umuwi rin
tuwa’y walang makahambing
ng puso nila’t panimdin.
At umalis naman doon
sa bayan ng Kaparnaum
at sa Galilea nagtuloy
itong si Hesus na Poon
pagod ay walang kaukol.
Doo’y maraming himala
na pawa niyang ginawa
nagpapagaling na kusa,
may sakit kahit patay nga
binubuhay alipala.
Nang siya nga ay magbalik
sa daan ng Nazareth
doon naman ay nabatid,
madlang tao’y nakikinig
ng aral niyang marikit.
Daming hindi mamagkano
ng sumusunod na tao
ang ginawa nitong Berbo,
sa barko ni Simon Pedro
sumakay silang totoo.
Sa tabi ng karagatan
ang tao ay inaralan
nang matapos agad naman,
napalaot kapagkuwan
si Pedro’y pinangusapan.
Iyang lambat mo, aniya,
Pedro’y iyong ihulog na;
ani Pedrong mapaninta;
kami nga po’y magdamag na
walang huli kahit isa.
Nguni’t ako po’y sumunod
at sapagka’t inyong utos
dito’y agad nang sinambot
ni Pedro at inihulog
ang lambat niya sa laot.
Nang kanilang isasampa
ang lambat ay di mahila
bigat na walang kapara,
napatulong kapagdaka
sa iba niyang kasama.
33
Ano pa’t maraming lubha
ang kanilang huling isda,
sinigla’y dalawang bangka
at nangatigib kapuwa,
kataka-takang himala.
Dito pinuring totoo
ang Poon niya’t Maestro
katuwaa’y mago’t-mago;
mula sa pagiging ulo
Santa Iglesia ni Pedro.
Yaong isdang karamihan
sampung bangkang sinidlan
ay di iba’t kalarawan
ng Santa Iglesiang mahal
buong Sangkakristianuhan.
Saka naman isang araw
sa Kaparnaum ngang bayan
si Hesus, doo’y naglakbay
na ang tika’y mangangaral
sa taong makasalanan.
Sa kalakhang panininta
niya’t pag-aalaala
di mapalagay tuwi na
parating nababalisa
ang kaniyang kaluluwa.
Sa karamihang totoo
ng taong nangagsidalo
may isang paralitiko,
dala ng apat na katao
na iniharap kay Kristo.
Ay ano nga’t ng makita
ni Hesus, binati niya,
taong maysakit, aniya,
ang lahat mong mga sala
ipinatawad ko na.
Gayong wika’y nang matalos
ng eskribas, pariseos,
nangagbulong, nangag ingos
sino, anilang huhunos
ng sala kundi ang Diyos.
Saka iyang taong uslak
mangangahas magpatawad
ay ang sagot ng Mesias,
ngayon ninyo mababatyag
ang kabagsikan kong wagas.
Pinagwikaan na rito
ang abang paralitiko
hayo’t magbangon ka tao,
biglang dalhin ang banig mo,
ito’y utos ko sa iyo.
Nang ito’y maipagsulit,
paralitiko’y nagtindig,
pinasan agad ang banig
pagpupuring walang-patid
dito sa Poong marikit.
Nalis na siya at nanaw,
at umuwi na sa bayan
na ang balang masumpungan,
agad pinamalitaan,
nitong himalang nakamtan.
Sa mga gawang milagro
nitong maamong Kordero,
dito siya pinagsino
ng lahat ng mga tao
pagpupuri’y mago’t mago.
Ano pa nga’t nabantog na
bait karunungan niya
sa buong hakariang Siria,
pawang nagsisitanggap na
ng mahal niyang Doktrina.
Isang araw, si Mateo
ay nakita nitong Berbo,
tinawag nga niya ito
at sumama naman dito,
sa maalam na Maestro.
Ang pabuwisang tindahan
at salaping patubuan
kapagdaka ay iniwan
ni Mateong matimtiman
dahil kay Hesus na Mahal.
Napapiging kay Mateo
itong maawing Berbo,
ano’y sa makita ito,
niyong mga pariseo,
upasala’y mago’t mago.
Kung iyan anila ay banal
Anak ng Diyos na tunay,
ano’t nanakyat sa bahay,
34
sumasalo pa sa dulang
ng taong makasalanan.
Dito sa Poong marikit,
walang gawang nalilingid,
kaya tunay niyang batid,
yaong mga lilong isip
at mga akalang lihis.
Ang kay Hesus na tinuran
doon sa mga sukaban;
ang aking pinarituhan
aniya’y hindi ang banal
kundi ang makasalanan.
At ang buong akala ko,
hindi dapat ang mediko
sa walang sakit na tao,
kaya mga maginoo,
isip ninyo ay magbago.
Nang ito’y maipangusap
ng mahal na Diyos Anak
agad na siyang lumakad,
sa Herusalem tumambad,
at mangangaral sa lahat.
Dito’y maraming milagro,
ginawa niya sa tao,
daang isinama ito,
loob ng mga hudyo,
sa Poong kay Hesukristo.
Marami ang upasala
niyong mga aliktiya,
galit na hindi kawasa,
kainggitan nilang pawa
dito sa Poong may-gawa.
Kay Hesus na maalaman
ang masamang kaisipan
niyong mga tampalasan,
ay umalis kapagkuwan
sa Herusalem na bayan.
At dito nga sa pag-alis
ng Poong kaibig-ibig
ay nangagsisamang pilit
ang tanang may mga sakit,
na hanggang sa Tiberiades.
Pinagaling kapagdaka
yaong taong nagsisama;
doon si Hesus na Ama
siya naman ay kumita
ng kakatotohin niya.
Labingdalawang katao,
siyang pinili ni Kristo
Apostoles na katoto
na maghahayag sa mundo
ng kaniyang Ebanghelyo.
Si Pedro ang una-una,
puno ng Santa Iglesia,
si Andres ang ikalawa,
magkapatid naman sila,
tunay na anak ni Hona.
Si Huan at si Santiago
magkapatid din nga ito
na anak ni Sebedeo,
mga Apostol ni Kristo
pinili niyang katoto.
At ang ikalamang bilang
ay Felipe ang pangalan
at ang ikaanim naman,
si Bartolomeng timtiman
Apostol niyang hinirang.
Si Tomas ang ikapito,
ikawalo’y si Mateo,
ikasiyam si Hakobo,
saka si Hudas Tadeo,
magkapatid naman ito.
Ang ama nito’t magulang
dalawang taong magalang
si Alpeo ang pangalan
loob ay lubhang timtiman
hahi’t mahirap ang buhay.
Ikalabing-isa nito
na apostoles ni Kristo
ay si Simon Kananeo,
dukha ma’y mabuting tao
at maawaing totoo.
Ang ikalabingdalawa
si Hudas at dili iba,
Iskarioteng palamara
na sa kasakimang dala
nagpakasamang talaga.
Ang labingdalawang ito
35
dukha at hamak na tao
walang halaga sa mundo,
mga mangmang na totoo,
walang dunong kahi’t ano.
Ito ang siyang hinirang
ni Hesus na Poong Mahal
magpapatanyag ng aral
gagawa ng kababalaghan
dito sa Sangsinukuban.
Nang mapili ng matapos
ang Apostoles ni Hesus
sampung mga disilupos
umupo sila’t lumuklok
sa itaas ng isang bundok.
Doon iniaral na mga
ni Hesus Haring dakila
ang mapapalad na gawa,
pakikinabang pawa
ng tao dito sa lupa.
Ay ano nga’y nang matapos
ang pangangaral ni Hesus
agad silang napausos
at umalis na sa bundok
sampung mga disipulos.
Sa pagpanaog na ito
ng Poong si Hesukristo
pinagaling naman dito,
ang lumapit na leproso
na napa-awang totoo.
Ang paghanap ni Magdelena
kay Hesus
Isang araw itong Berbo
napapiging na totoo
sa Kay Simon pariseo
pinaghanap naman dito
ng isang babaing tao.
Nang oras na kumakain
itong Panginoon natin
ay siya namang pagdating,
ni Magdalenang butihin
lumbay na walang kahambing.
Kapagdaka ay lumuhod
sa paanan nga ni Hesus
luha sa mata’y nanagos,
paa’y hinagkang tibobos
at pinahiran ng buhok.
At kaniyang binuksan pa,
balsamerang mahalaga
nang kay Hesus na makita
pinatawad kapagdaka
ang sala ni Magdalena.
Nang mangyari naman ito
agad nanaog si Kristo
sa Galilea tumungo;
mangangaral na totoo
sa madla’t maraming tao.
Pangamba ng mga apostoles
sa kalautan ng dagat
Isang araw’y naisipan
sa barko siya’y lumulan
lumayag sa karagatan
kasama niya’t kaakbay
mga Apostoles na tanan.
Nang sila ay mapalaot
si Hesus ay nakatulog,
dito nga ay umunos,
ulan na katakot-takot
halos ang barko’y lumubog.
Dito nangagsipangamba
ang mga alagad Niya
si Hesus ay dinulog na
at ginising kapagdaka
ito ang ipinagbadya.
Poon, anila’t Maestro
kami po ay iligtas mo
at lulubog na nga tayo;
malakas nganing totoo
ang hangin at ulan dito.
Sagot ni Hesus na Ama
oh mga katoto, aniya
kulang ng sampatalataya,
bakit kayo’y nangangamba
narito’t ako’y kasama?
36
Di baga’t nakita ninyo
ang madlang mga gawa Ko
ano sa panahong ito,
at kayo’y nangalilito
takot ay di mamagkano.
Nang ito’y maipangusap
lumubay naman ang dagat
pinauntos niya’t sukat,
at pinalinaw na agad
hangin at ulang malakas.
Ay ano nga’y ng makita
ng mga alagad niya:
anong tao ito anila,
tubig, hangin at lahat na,
sumusunod sa kaniya.
Nang makaahon na naman
si Hesus ay may natingnan
dalawang inaalihan
ng demonyong tampalasan;
pinagaling kapagkuwan.
Doon din nga sa lansangan
may babaing nasumpungan
sakit ay inaagasan,
mahaba nang tao’t araw
pinagaling niya naman.
Nang si Hesus ay makita
sa damit humalik na,
gumaling at guminhawa,
saka naman dumating pa,
prinsipe sa Sinagoga.
Lumapit na sa Kordero
itong prinsipeng si Hayro
iniamo ngang totoo,
anak na naghihingalo’y
ipinadalaw kay Kristo.
Naawa ang Poong Mahal,
agad na ngang pinaronan
doon naman sa lansangan,
may nagsabi sa magulang
na ang anak niya’y patay.
Ani Hesus sa kaniya
huwag mong ikabalisa
kahi’t anak mo’y patay na
sa akin ay manalig ka,
mabubuhay kapagdaka.
Nang dumating na sa bahay
ang bata’y nahahandusay
na pinananambitanan
ng ina niya’t magulang
at ibang kamag-anakan.
Nang kay Hesus na makita
sinaway kapagkaraka;
huwag kang tumangis muna
hindi iyan patay, aniya,
natutulog lamang siya.
Sa silid ay pinapanaw
yaong taong karamihan
at ang pinatira lamang,
ang ama’t inang magulang
ng nabuburol na bangkay.
Ang kasama nga ni Kristo
si Huan, Pedro’t Hakobo
na dati niyang katoto,
sila ang saksing totoo
nitong dakilang milagro.
Tinangnan na nga sa kamay
ang nabuburol na bangkay
at tinawag kapagkuwan;
nang si Hesus mapakinggan
kapagkaraka ay nabuhay.
Itong milagro ni Kristo,
nahayag sa madlang tao;
pinuri siyang totoo,
nguni’t siyang naging apdo,
sa eskribas at pariseo.
Nang hustong labingdalawa
mga apostoles niya
pumili siyang muli pa
ng pitumpu at dalawa
discipulong makakasama.
Sila nga ay mangangaral
sa buong sangkatauhan
magpapakilalang tunay
mga misteryong tanan
ng Diyos sa kalangitan.
Tinuturang lahat na
ng mga gawang maganda
at ang masasapit nila,
kung si Hesus mamatay na
37
yaon mandi’y walang sala.
Sila naman ay binigyan
ng ganap na kabagsikan
gumawa ng kababalaghan
nang sila’y paniwalaan
sa anomang iaaral.
Ang pangangaral ng ating
Panginoong Hesukristo sa
maraming tao
Nabalita sa Kordero
na si Herodes na lilo
ang nagpapugot ng ulo,
ni Huang banal na tao,
pinsan niya at katoto.
Gayong bagay na mabatid
ng Poong kaibig-ibig,
sa isang barko’y sumilid,
sampung mga Apostoles
at tumuloy sa Nazareth.
At ang tinungo nga nila,
lupang sakop ng Betsaida;
sa Desierto’y dumoon na,
si Hesus na Poong Ama
sampu ng mg kasama.
Di naman nalaon dito,
may nagsirating na tao
mahigit na limang libo,
makikinig na totoo
ng mga aral ni Kristo.
Doon sila inaralan
ng madla’t maraming bagay
na sukat pakinabangan,
nguni’t hindi nagdaramdam
ang tao ng kagutuman.
Himalang ginawa ni Hesukristo
sa limang tinapay at sa
dalawang isda
Ano nga’y nang mapanood
niyong mga disipulos
araw ay nasa taluktok:
agad nag-wika kay Hesus
at nangusap na tibobos.
Panginoon po, anila
iyong paalisin muna
sila po’y pasa bayan na
at tanghalo nang talaga
pawang nagugutom sila.
Ang sagot ng Poon natin
ano’t sila’y paalisin?
dito’y inyo nang pakanin
dapuwa saan po kukunin
ang tinapay na kakanin?
Dalawangdaan denario,
tinapay na dalhin dito
wika ni Felipe’y ano?
pagkakasiyahin, Poon ko
sa gayong karaming tao!
Dito po ay walang taglay
kundi lilimang tinapay
at dalawang isda naman,
paanong pangyayarihan
ng makabusog sa tanan?
Ani Hesus, inyo lamang
dalhin dito ang tinapay
sampu ng isdang nariyan
pagdating ay kanya namang
agad na binendisionan.
Pinamalagi na rito
niyong mga disipulo
sa lahat ng mga tao;
nangabusog na totoo,
kataka-takang milagro!
Awang hindi hamak-hamak
nitong mahal na Mesias
pawang nabusog na lahat,
ang nalabi pa’y di hamak
labindalawang canastas.
Nang makakaing matapos
na ang lahat ay mabusog
sampung mga disipulos,
lumakad na ngang tibobos
itong ating Poong Diyos.
Isang araw’y napipisan
ang Apostoles na tanan
38
tinanong sila pagkuwan,
ni Hesus kung anong bagay
ang mga usap sa bayan.
Ani Hesus at kung ano
yaong nangarinig ninyo,
mga usapan ng tao
kung ako kaya ay sino
sa masid nilang totoo?
Ay ang sagot sa kaniya;
ikaw raw po’y dili iba
yaing si Huan Bautista,
anang iba’y Elias ka
Heremias na Propeta.
Kung gayon, anitong Berbo
ang sapantaha ng tao,
nguni at sa masid ninyo,
pili long mga katoto,
sino kaya’t alin ako?
Nang marinig na maigi
ni Pedrong kaniyang kasi
ay sinagot ng gayari,
Tu es filius Dei vivi
anak ng Diyos kang kasi.
Samakatuwid kung baga
si Kristo’y ikaw, aniya,
anak ng Diyos na isa,
sasakop at kakalara
sa sansinukubang sala.
Tinugon naman ni Kristo
ang apostol na katoto;
ikaw, ang wika ni Pedro,
samakatuwid ay bato,
tigas na di mamagkano.
At pagbabatayan ka pa
ng kapuwa batong iba
ibababaw kong talaga,
sa iyo ang Santa Iglesia
alagaan mo tuwi na.
Ikaw’y siyang magtatangan
ng susi sa kalangitan
balang iyong kalooban,
na papasuking sino man
aking tinatanggap naman.
Ang pakikipanayam ni Moises at
ni Elias sa ating Panginoong
Hesukristo doon sa bundok ng
Tabor
Saka naman nang maliban,
maging ikaanim na araw
kay Hesus na naisipan
sumalunga kapagkuwan
sa Tabor na kabundukan.
Dito sa bundok na ito
pinagsamang totoo
ng poong si Hesukristo
yaong tatlong disipulo
si Huan, Pedro’t Hakobo.
Nng sumapit sila naman
doon sa kaibabawan
ng Tabor na kabundukan
si Hesus na Pong Mahal
nanalanging kapagkuwan.
Muna nga’y kaginsa-ginsa,
sa pananalangin niya,
ang katawa’y nagkaiba
dikit na walang kapara,
di matitigan ng mata.
Ang mukha ay parang araw
na tantong nakasisilaw;
at ang damit sa katawan,
parang busilak na tunay,
puting hindi ano lamang.
Doon naman ay kaharap
si Moises at si Elias;
nakita rin at namalas,
yaong mahal na liwanag
ng bunying Diyos Anak.
Nang makita naman ito
niyong tatlong disipulo
tuwang hindi mamagkano,
Poon, anila’t Maestro,
dito na magtahan tayo.
At kung ibigin po aniya
dito tayo’y gumawa pa
ng tatlong bahay na sadya
tahanan mo po ang isa
kay Moises ang ikalawa.
39
At ang bahay na ikatlo,
ang kay Elias na Santo;
ano’y sa mawika ko,
niyong tatlong disipulo
may himala pang nabago.
Tto namang alapaap
puting lalo sa busilak
tumakip sa Diyos Anak,
ay may boses pang nangusap,
ito ang ipinahayag:
Ito ang anak kong tunay
na aking kinalulugdan
at siyang kinalalagian,
nitong buo kong katawan,
lubos na kaligayahan.
Nang marinig ang ganito
nitong tatlong disipulo,
nagiklahanang totoo,
napasubasob at nanglumo
nang panonood kay Kristo.
Di naman lubhang nabalam
itong himalang natingnan
ay mana nga at naparam,
at lubos nawalang minsan
yaong madlang karikitan.
Si Moises at si Elias,
nawala naman at sukat
dito itong Diyos na Anak,
pinabangon at tinawag
ang tatlo niyang alagad.
Sa mauli na ang loob
niyong tatlong disipulos
pinangusapan ni Hesus
huwag aniyang ibabantog,
itong inyong napanood.
Nguni’t kung ako’y patay na
at umakyat na sa Gloria
doon ninyo ibantog na,
himalang inyong nakita
nitong aking pag-iiba.
Nang ito’y maipagsaysay
nalis na sila at nanaw
at nuwi na nga sa bayan,
balang taong masumpungan
kaniyang inaaralan.
Sa kainggitang totoo
niyong mga pariseo
madlang isip na di totoo
kalupita’y mago’t mago
sa Poong kay Hesukristo.
Mana nga ay isang araw
naisip ng mga hunghang
si Hesus ay nilapitan
anila’y kung karampatan
ang tao’y muwis kay Cesar?
Ang tugon ni Hesukristo
dito nga ang madlang tao
ako’y tinitikman ninyo
ngayo’y iyong tinutukso
kung ang aral ko’y totoo.
Hayo na at ipakita
isa man lamang moneda:
ay ang mga palamara
dumukot na kapagdaka
ng isang pilak sa bulsa.
Saka itong Poong Mahal
tumugon sa mga hunghang
kangino, anyang larawan
iyong nalilimbag diyan?
anila’y sa bunying Cesar.
Kung gayon ang katampatan
ani Hesus na maalam
ng katuwira’y ibigay
ang kay cesar at kay Cesar
ang sa Diyos, sa Diyos naman.
Kung ito’y maganap na
masunod na parapara
totoong hindi sasala
magaganap na lahat na
ang iyong pagka-hustisya.
Gayong wika’y ng marinig
nitong Diyos na marikit
sino ma’y di makaimik
nagsipanaw at umalis
na pawang nagdalang galit.
Isang araw itong Berbo
ay papasok na sa Templo,
sinundan nga siya rito
ng eskribas at pariseo,
40
dala ay babaing lilo.
Kay Hesus iniharap na
yaong babaing may sala
dalahira’t adultera,
nahuli nila’t nakita,
naglililo sa asawa.
Nang maiharap kay Kristo
ang abang babaing ito;
ano ang dapat, maestro
dusa sa ganitong tao,
anang mga pariseo.
Ngunit iyo na pong alam
kay Moises na kautusan
kalunyera nga pong ganyan
dapa’t na pagpukulanan
ng bato hanggang mamatay.
Ang kay Hesus na ginawa,
sila’y hindi tinugan nga,
mandi’y nagwalang bahala,
yumuko na alipala
siya’y sumulat sa lupa.
Nang di tumugon si Kristo
tinanong nang panibago
ay aba, anila, Maestro,
ang hatol mo po nga’y ano
sala ng ganitong tao.
Nagtindig na kapagdaka
itong poong mapaninta
kung sino sa inyo, aniya
ang walang munti mang sala
muha ng bato’t puklin na.
Tugong yao’y nang mawika
ni Hesus ay alipala
nuling sumulat sa lupa;
dito’y parang nangakutya
yaong mga aliktiya.
Sinong tao kaya naman
ang walang sala munti man
kaya nga ang mga hunghang,
nagsipanaw kapagkuwan
at ang babae’y iniwan.
Nang kay Hesus na makita
yaong babae’y natira
nagtindi na kapagdaka,
nangapasaan, aniya
ang sa iyo’y nangaghabla?
Sino man sa mga lilo,
di makahatol sa iyo;
anang babae ay oo,
walang humatol na sino
sa madlang salang gawa mo.
Ani Hesus sa kaniya;
ako’y isang hahatol na,
at ang akin ngang parusa
mula ngayon magsisi ka
huwag muling magkasala.
Dito sa wikang tinuran
ni Hesus na poon mahal
babai’y nalis at nanaw,
sala ay pinagsisihan
itinangis gabi’t araw.
Saka nga isang umaga
itong Poo’y napakita,
nanuluyan kapagdaka,
sa bahay niyong si Marta
babaing taga Bethania.
Tuwang hindi mamagkano
nitong binibining ito;
pinatira ngang totoo,
ang poong si Hesukristo
na masintahin sa tao.
Nang nagugulo’t balisa
babaing sinambit ko na
sa paghahandang talaga,
ang kapatid naman niya
nasa kay Hesus na paa.
Nawiwiling nakikinig
ng aral na maririkit
at si Marta nga’y lumapit,
sa Poong kaibig-ibig
ito ang ipinagsulit.
Poon at Maestro aniya,
ako’y iniwang mag-isa
ngayo’y ngangapa-ngapa,
patulungin mo po, Ama
bunso kong si Magdalena.
Ako’y nagiisa lamang
nang paghahanda sa bahay
kakanin ng kalahatan,
41
manong ako ay tulungan
ni Magdalenang nariyan.
Ani Hesus sa kaniya,
Marta, Marta ay aniya
ngayo’y lubhang balisa ka,
ang gawang lalong maganda
di mo siyang alaala.
Ang dapat mong ikagulo
ikabakla ng puso mo
ay ang sinta ngang totoo,
sa tanang mga aral ko
na para nitong bunso mo.
Nang ito’y maipagturing
nitong Poong maawain
ang ginawa namang tambing,
ni Magdalenang butihin
ay naghanda ng pagkain.
Umupo na nga si Kristo
sampung ibang pariseo
na naparoo’t dumalo,
kasama rin at kasalo
yaong ibang disipulo.
Saka naman isang araw
si Hesus sampu ng abay,
mga disipulong hirang,
piniging at hinandaan
niyong pariseong tunay.
Sa isang bahay na sadya
ng pariseong talaga
doo’y sangkap na lahat na,
dumalo naman ang ibang
pariseos at eskriba.
Nang umupo na sa dulang
itong Diyos na maalam,
agad nang binendesyonan,
sumubo siya ng ilan
isda’t doroong tinapay.
Nang makita’t mapanood
niyong mga pariseos
na di naghinaw si Hesus,
nangagbulong nanga-ingos
madla ang pula sa loob.
Walang gawang nalilihim
na hindi nga talastas din
nitong Panginoon natin,
kaya nga’t nang makakain
nag-wika siya’t nagturing.
Ani Hesus na maalam,
kayong pariseong tanan,
walang wasto’t mga mangmang,
ang inyong alaga lamang
pinggan ninyong kinakanan.
At ang inyong pananamit,
sila lamang nililinis
nguni’t yaong nalilingid,
na di ninyo nasisilip
binabayaang dumungis.
Ayaw ninyong marumihan
ang pinggang kinakanan
nguni’t ang lalong mahalay,
duming hindi ano lamang
ng kaluluwa ninyong iyan.
Bakit iyang mga dibdib
na puno nang labis-labis
ng daya at panglulupit,
ay di ninyo nalilinis
na sukat ikapagbait?
Kayong mga taong hunghang
malinis sa tingin lamang
loob ay pawang mahalay,
inyo nang tambing bawahan
dilang kasamaang asal.
Nang masabi na ni Kristo
at mawika ang ganito
ay lumisan na nga rito,
iniwan ang mga lilo
eskribas at pariseo.
At nagtuloy kapagdaka
sa isang munting aldea
ng ang ngala’y Bethabarra,
doo’y mangangaral siya
sampu ng mga kasama.
Ang pagbuhay ni Hesukristo
kay Lazaro
Doon sa bayang Bethania
aldea rin ng Hudea
sa bahay niyong si Marta,
at Maria Magdalena
42
magkapatid na dalawa.
Ang kapatid na ikatlo
pangalan ay si Lasaro,
minamahal na totoo,
ng Poong si Hesukristo
at tunay nitong katoto.
At mana nga’y isang araw
si Lasaro ay dinatnan,
sakit na ikamamatay
nagpasabi kapagkuwan
kay Hesus na Poong Mahal.
Ang pabilin baga’t sulit
ng dalawang magkapatid,
Maestro naming marikit,
ang katoto mo at ibig,
malubha ngayon ang sakit.
Ang tugon ni Hesukristo
doon sa mga nagsabing tao:
kay Marta ay sabihin mo
yaong sakit ni Lasaro
ay hindi makaaano.
Di muna pinaroonan
at siya ay nagpaliban,
ano’y nang kinabukasan,
gumayak na kapagkuwan
at sa tao’y nangangaral.
Naging dalawang araw pa
si Hesus sa Bethabarra
saka nang isang umaga,
wika sa mga kasama
tayo’y pasa sa Hudea.
Anang mga disipulo
bakit, anila, Maestro
doon tayo patutungo,
ang mga lilong hudyo
doo’y babatuhin tayo.
Ani Hesus sa kanila
kayo ay huwag mangamba,
kundi ko tulutan sila
mangungurong na lahat na
ang kamay nila at paa.
Agad na ngang nagsilakad
si Hesus sampung alagad
sa Hudea ay tumambad,
at doo’y maghapon sinkad
na nangaral na sa lahat.
Nang maging ilang araw na
sila sa bayang Hudea,
inakit kapagkaraka,
ni Hesus ang mga sama
ang nasa’y pasa Bethania.
Anang Poong maawain;
atin anyang dadalawin
si Lasarong aking giliw;
siya’y aking pupukawin
sa pagtulog ng mahimbing.
Nagsisagot kapagkuwan
ang Apostoles na tanan
kung yaon po’y tulog lamang
nakaligtas kaya naman
sa sakit at karamdaman?
Ang sagot ni Hesukristo:
patay na nga si Lasaro
nguni’t malaking tuwa ko,
nang tumibay na totoo
ang paniniwala ninyo.
Ano pa’t hindi dinalaw
ni Hesus ang kaibigan
na hanggang hindi maliban
naging ikapat na araw
na nabaon yaong bangkay.
Marami nama’t makapal
mga taong nagsidalaw
taga Herusalem na bayan
at inaaliw na tunay
magkapatid na may lumbay.
Ano nga’y nang dumating na
araw na nasa at pita
ni Hesus na Poong Ama;
agad napasa Bethania
sampung Apostoles niya.
Nang matanto at matatap
ni Marta kay gandang palad
na dumating ang Mesias,
luha’y nagkakanlalaglag
sinalubong niya agad.
43
Ang wika ay ganito:
Poon, aniya’t Maestro,
kung ikaw po ay narito,
buhay disin ang kaka ko
katoto mong si Lasaro.
Nguni’t aking naalaman
ang iyong kapangyarihan,
ani Hesus na maalam
iyan ngang wika mong iyan
aking kinatutuwaan.
Walang pagsalang totoo,
mabubuhay ang kaka mo
sagot ni Marta ay oo,
kung matapos na ang mundo
at huhukuman ang tao.
Ang kay Hesus na winika
oo aniya’y buhay nga
at sa aki’y maniwala,
kahit patay na mistula,
mabubuhay alipala.
Itong mga winika Ko
ay paniwalaan ninyo;
sagot ni Marta ay oo,
ikaw po’y si Hesukristo,
Anak ng Diyos na totoo.
Nang ito ay mawika na,
ay lumakad na si Marta,
tumuloy kay Magdalena,
ang maestro’y narito, aniya
bunso’y itinatanong ka.
Gayong wika’y ng mabatyag
ni Magdalenang mapalad,
kapagdaka’y nagbuhat
sumalubong na nga agad,
hapis ay walang katulad.
At lumuhod kapagkuwan
sa kay Hesus na harapan
Oh, Maestro, aniyang mahal
kung dirito ka sa bahay
ang kaka ko’y di namatay.
Nang makita nitong Berbo
ang panambitang ito,
tumatangis siyang totoo,
habag na di mamagkano
sa sinta niya’t katoto.
Agad na ngang itinanong
nitong ating Panginoon
na ang wika ay gayon;
saan aniya ibinaon
si Lasarong aking kampon?
Ay ang tugon sa kaniya
ni Marta’t ni Magdalena
sumunod ka po, anila,
doo’y iyong makikita
kaka naming mapaninta.
Nagsilakad kapagkuwan,
naparoon sa libingan;
ani Hesus na maalam
hayo na at inyong buksan
ang batong nakararagan.
Ang isinagot ni Marta:
Panginoon ko, aniya,
ngayo’y apat na araw na,
totoong hindi sasala
na ang bangkay ay bulok na.
Ang tugon ni Hesukristo
dili wika ko sa iyo,
paniwalaan mo ako,
makikita mong totoo.
mabubuhay ang kaka mo.
Ano pa nga at binuksan
yaong takip na libingan
niyong kay Lasarong bangkay
bahong hindi ano lamang
ito ang ipinagturing.
Nang matanto at malining
nitong Panginoon natin,
sa langit agad tumingin
at siya ay nanalangin
sapagka’t apat ng araw.
Ama ko aniyang mahal,
Diyos na walang kapantay,
salamat na walang hanggan,
ako’y inyong pinakinggan
sa hiling kong ano pa man.
Kaya winika ko ito,
Oh, Diyos Haring Ama ko,
nang makilalang totoo,
44
ng naritong mga tao
na ako’y siyang Anak mo.
Nang ito ay mawika na
nangusap kapagkaraka:
nitong Poong mapaninta,
Lasaro ay magbangon ka
at diya’y lumabas baga.
Parang natutulog lamang,
si Lasaro ay pinukaw,
nang si Hesus mapakinggan,
kumilos na kapagkuwan
doon sa sadyang libingan.
Ng mangyaring mabuhay na
si Lasarong mapaninta
nag-utos ang Poong Ama,
kalagin ninyo, aniya
gapos na kamay at paa.
Nang unang kaugalian
niyong mga hudyong tanan,
kung ibaon yaong bangkay,
ginagapos ang katawan
ng isang pamahid bilang.
Doon na nga si Lasaro
nagpatirapang totoo
sa paa ni Hesukristo,
pagpupuri’y mago’t mago
sa ginawa niyang milagro.
Ito ring Lasaro naman
ang sinasabing nangaral
doon sa Marsellang bayan,
pitungpung taon ang gulang
sinapit bago namatay.
At sa ginawang milagro
nitong maawaing Berbo
nang pagkabuhay kay Lasaro,
ay mahayag na totoo
sa madla’t maraming tao.
At marami sa kanila
ang nagsisampalataya
na Anak ng Diyos siya,
muling ikinabalisa
ng pariseong lahat na.
Hindi na nga nagkatoto
ang loob ng mga lilo,
sapantaha’y mago’t mago,
at ninasa ngang totoo
ipapatay na si Kristo.
Sa Konsilyo ni Kaypas
doon nagpulong ang lahat
pariseo at eskribas,
ang nayari nilang usap
ipapatay ang Mesias.
Ang mga usapang ito
niyong mga pariseo
nang matalastas ni Kristo,
agad silang napatungo
sa malapit sa Disierto.
Di napakita sa bayan
hanggang dalawang buwan,
sa Ephrem siya tumahan,
sampung Apostoles naman
pangingilag niya bilang.
Yaong pagtatago niya,
di sa takot at pangamba,
kundi pangingilag muna,
palibhasa’y malayo pa
ang oras niyang talaga.
Nang malapit nang totoo
paskuwa nang mga hudyo,
na hintay ni Hesukristo,
nang pagtupad sa Misterio
nitong pagsakop sa tao.
Inakit na kapagdaka
ang mga alagad niya,
at sa bayan namang isa,
na sakop din ng Samaria
doon nagsitambad sila.
Nguni’t hindi pinapasok
sa bayan yaong si Hesus
nang mga Samaritanos,
paraparang napopoot
sa mga aral nang Diyos.
Ano’y ng makita ito
ni Huan at Hakobo
nagalit silang totoo,
agad nangusap kay Kristo
na ang winika’y ganito.
Maestro, anilang mahal,
kung iyong kalooban,
45
sila nga’y papanaugan,
ng apoy sa kalangitan
at pugnawin itong bayan.
At ng ating maiganti
ang sa iyo’y pangaapi
nitong mga taong imbi,
sumagot ang Poong kasi
na ang wika ay gayari.
O, mga Apostoles ko
pili kong mga katoto,
hindi pagpatay ng tao
ang aking ipinarito’t
ipinanaog sa mundo.
Kundi bagkus kong bibigyan
ng buhay ang mga patay,
ito ang inyong tularan,
ang tao ay kaawaan,
at sa akin alangalang.
Ano pa’t si Hesukristo,
lumakad at ang tinungo
yaong bayan ng Heriko
dalawang bulag na tao
pinagaling na totoo.
Doon sa loob ng bayan
ay isang taong mayaman
si Sakeo ang pangalan,
na nagnanasang matingnan
itong sasakop sa tanan.
Nang kay Hesus na makita
ay pinangaralan niya
si Sakeo kapagdaka,
iniwan ang madlang sala,
nagsisi ito’t nagtika.
Saka naman itong Berbo
sa Bethania napatungo,
piniging siyang totoo,
ng isang banal na tao,
ngala’y si Simon Leproso.
Sa malaking alangalang
nitong si Simong timtiman
kay Hesus na Poong mahal,
na nagpagaling nang minsan
kati niya sa katawan.
Piniging nga kapagdaka
si Hesus na Poong Ama,
sampu ng mga kasama,
si Lasaro’y duroon pa
si Marta’t si Magdalena.
Nang nahahanda na naman
ang kanilang hahapunan
nagsiluklok kapagkuwan,
si Hesus at mga kawal
at humapong natuluyan.
Kapagdaka ay kinuha
ni Maria Magdalena
yaon ngang sisidlan niya,
niyong nardong mahalaga
at binasag kapagdaka.
Agad niyang ibinuhos
sa ulo’t paa ni Hesus
nang mabusan pagkatapos,
paa naman ay kinuskos
at pinahiran ng buhok.
Buong baya’y nakalatan
ng bangong di ano lamang,
nang ito ay mapagmasdan
si Hudas na tampalasan
loob ay biglang sumukal.
Ito’y siyang isinidhi
ng loob ni Hudas ngani;
ang Poon, sa di ugali,
sa hinayang sa salapi,
pinagliluhang madali.
At ang kaniyang sinabi
kung yao’y ipinagbili
at inilimos sa pobre,
di lalong gawang mabuti
at huwag sinayang dini.
Ang kanyang kaisipan,
kung yaong nga’y di sinayang
at sa kanya’y ibinigay,
mauumit niya bilang
at sukat na pagtubuan.
Ng kay Hesus na matatap
ang gayong balak ni Hudas
kapagdaka ay nangusap,
aniya, ay mga liyag,
akala ninyo ay linsad.
46
Kayo’y hindi magkukulang
ng pobreng malilimusan,
nguni’t ito ay tandaan,
iilang araw na lamang
at tayo’y maghihiwalay.
Ang gawa ni Magdalena
yao’y parang himakas na,
at sa aki’y alaala,
kaya nga mga kasama
huwag nang ikabalisa.
Ano’y nang kinabukasan,
sa Bethania ay pumanaw
itong Maestrong maalam
kasama at kaalakbay
ang Apostoles na tanan.
Nang malapit na, ang sabi
si Hesus na Poong kasi
sa Aldea ng Betphage,
karatig ng Olibete
kinawiwilihang dati.
Kalahating oras bilang
ang layo ng lalakaran,
sa Herusalem na bayan
dito ay ang Poong Mahal
nag-utos sa mga kawal.
Dalawa ngang disipulo
ang inutusan ni Kristo,
si Huan at si Hakobo,
magkapatid na totoo
na anak ni Sebedeo.
Inyo ngang paroonan
ang dako roong lansangan
at kayo ay may daratnang
humentang na napupugal
na may anak pang kaakbay.
Kalagin at dalhin dito,
at ito’y siyang utos ko,
kung may tatanong sa inyo
isagot ay ang Maestro
ang nagpapakuha nito.
Pumanaw na kapagdaka
ang inutusang dalawa,
doon nga’y kanilang nakita,
napupugal na humenta
kasiping ang humentilya.
Kung kaya ipinakuha
ni Hesus yaong humenta,
ani Hakobong butihin,
ito ay utos sa amin
ng Maestro’y may gagawin.
Gayong wika ng mabatid
ang may-ari’y umimik
di na binuka ang bibig,
sapagka’t pita at ibig
nitong Diyos na marikit.
Kung kaya ipinakuha
ni Hesus yaong humenta
kung siya ay papasok na,
sa Herusalem na sadya
sasakyan niyang talaga.
Ito’y salaming malinaw
na sukat panganinuhan
ng mga anak ni Adan
at siyang dapat tularan
ng mga palalong asal.
A R A L
Taong lubhang alisaga,
mataas magmanukala
ang palalo kung magwika,
ilipin mong matiyaga
lahat mong lihis na gawa.
Itong Diyos na totoo,
kung nagkatawang tao,
nagpakamara sa mundo,
pangaral lamang sa tao,
at ng ikaw ay matuto.
Ang lahat niyang Doktrina
milagro’t pag-aanyaya
sa mundo’y ipinakita,
nang iyong maalala
ang totoo niyang sinta.
Nguni’t ikaw na suwail
wala man munti mang panimdim,
ang parati mong hangad din
ang sala at gawang linsil,
siya mong minamagaling.
Di ka na nagdalang awa
sa tao na iyong kapwa
ang gawa mo’y pawang daya,
47
magbintang, mag-upasala,
mangusap, mag-wika-wika.
Manumpa at manungayaw
dilang katampalasan
sa bibig mo ay nunukal,
wala kang takot munti man
sa Diyos na Poong mahal.
Kung pumula’t manuya ka
nag-wawala kang kapara
nguni’t di mo nakikita,
at di mo na alala
kalupitan mong lahat na.
Ano pa at pawang lihis
ang lahat mong-pag-iisp
linlang at hindi matuwid,
kung yao’y di mo itangis,
anong iyang masasapit.
Ang katampatang mong gawin
Kristianong nagugupiling;
ngayo’y ating salubungin,
si Hesus na maawain,
papasok sa Herusalem.
Tingni at nagpakababa
bagoy Diyos na dakila
Hari ng Langit at lupa,
puno na may munukala
ng lahat niyang ginawa.
Nagparang dukha at mura,
salat sa tingin ng mata,
sumasakay sa humenta,
bago’y lubos na kaniya
ang kayamanang lahat na.
Ito’y kaya gawa lamang
nang siya’y ating tularan:
magpakababa ng asal
iwaksi ang kapalaluan
puno ng dilang kasamaan.
Ngunit at abgo lumakad
tayo muna ay magmalas
at pag-isipang banayad
mga sabi’t nakasulat
hula ng mga propetas.
Hula nang mga Propetas sa
ating Panginoong Hesukristo
Ang sa mga unang pantas
na masisidhing propetas,
siyang nagsabi’t sumulat
nang kamatayan at hirap,
ng pariritong Mesias.
Sa salmos na ikalawa
ni David, bunying propeta
Mesias na mapaninta,
pariritong walang sala,
kusang magpapakamura.
Sinabi niya’t tinuran
ang buong kapangyarihan
sampu nang kaparusahan,
sa sinomang sumasalansang
ng kaniyang kautusan.
Sinaysay ang madlang hirap
na daratnin ng Mesias;
darakpin ng mararahas,
at tataliang di hamak,
aariing isang uslak.
Ano pa at itinitik
sa buong Salmos ni David
ang buhay na masasapit,
hirap at madlang pasakit
niyong Berbong mapagtiis.
Ang Propetang si Miqueas
siyang nagsabi’t sumulat,
sa Belen ipinanganak
at doon din nga sisikat
yaong mahal na Mesias.
At yaong namang Propeta
si Isias ang nagbadya,
isang dalaga aniya,
maglilihing walang sala
at manganganak ng isa.
At yaong iaanak din
tatawaging Emmanuel
kung baga tatagalugin,
ngayon yaon ay ang turing,
Diyos at sumasa-atin.
Ecce virbo concipiet, et
pariet filium et vocabitur
48
nomen ejus Emmanuel Isayas 7:14
Tanang mga testamento
ang palaman ay ganito:
hirap na di mamagkano,
ang sasapiting totoo
niyong sasakop sa tao.
Ang wika pa at pahayag
na kung dakpin ang Mesias,
at sa takot ng alagad,
tatakbo’t magsisiilag,
magpapahaba’t duruwag.
Totoo ngang aariing
parang ulol, taong baliw:
ano pa at hahamakin,
niyong mga sinungaling
at mga panaghiliin.
Isa’t isa ay mumura,
mukha niya’y luluran pa
tatampalin naman siya,
magtitiis, magbabata,
Kordero siyang kapara.
Sicut ovisad occisionem ducetur
et quasi agnus tondente,
se obmutescet, et non apariet
os sunm. Isayas 51:7’
Siya’y ipaghahatiran
sa isa’t isang hukuman:
si Pilato’y sila lamang,
ang hahatol kapagkuwan
nang dusang ikamamatay.
Mula ulo hanggang paa
matatadtad ng suplina
limang libong mahigit pa,
ihahampas sa kaniya
niyong mga palamara.
Tuloy namang puputungan
ng tinik ang ulong mahal
kunwa nga’y hari-harian,
ang setrong ipatatangan,
isang tambong hamak lamang.
At sa gayong mga sakit,
ang ibibigay na tubig
ay sukat apdong mapait,
ipaiinom na tikis
niyong mga malulupit.
At kung siya’y patayin na
na sa krus ipariripa,
susugatan kapgdaka,
yaong tagiliran niya
ng senturiong masigla.
Kung malibing nang totoo
ang bangkay ni Hesukristo
sa takot ng mga lilo,
yaong mahal na sepulkro’y
babantayan ng soldado.
Nguni’t agad mabubuhay
paghusto mg tatlong araw,
at paglabas na sa hukay
pawang manga lulunasan
ang soldadong nagbabantay.
Ito ang hulang lahat na
ng masidhing propeta:
ang sakit at madlang dusa,
titiising, parapara
ng ikalawang Persona.
ECCE TU VENI AD ME
Nang sumakay si Hesukristo sa
isang humenta at pumasok sa
Herusalem
DOMINGO DE RAMOS
Passio domini nostri Jesus
Christi, secundum mattheum
Ang tanang mga bihasa
marurunong na lahat na
paraparang nangagbadya,
na sinakyan ngang talaga
ni Hesus yaong humenta.
Nang malapit ng dumating
sa pinto ng Herusalem,
si Hesus ay umibis din,
at sumakay namang tambing
sa humentilya ang turing.
Pagka’t yaong humentilya
49
na anak niyong humenta,
bata’t dili makakaya,
kaya at sinakyang una
ni Hesus yaong ngang ina.
Dito na ngani natupad
ang hula ni Zacarias;
sinabi’t ipinasulat,
na sasakay ang Mesias
sa isang hayop na hamak.
Ang sinabi ni San Mateo
sa kaniyang Ebanghelio,
nang malapit ng magpasko,
piesta ng mga hudyo,
naglakbay si Hesukristo.
Si Hesus nang sasakay na
sa hayop na humentilya
iyong tanang mga kapa
niyong disipulos niya
iniangkas kapagdaka.
Lumakad na nga si Kristo
naliligid ng katoto,
sa Herusalem ang tungo,
at balak niyang totoo
ang pangangaral sa tao.
Nang matanto’t maalaman
na si Hesus na maalam
niyong taong karamihan
ay papasok sa Simbahan
sinalubong kapagkuwan.
Kaguluha’y di kawasa
ng matanda man at bata
paraparang natutuwa,
nagpupuring walang sawa
dito sa Poong dakila.
Yaong iba’y nagsikuha
ng palaspas at oliba,
ang iba naman ay kapa
ilinatag kapagdaka
kay Hesus na Poong Ama.
Isa’t isa’y umaawit
ng Hosanna filio David
at Benedictus qui venit,
salamat, aniya’y sumapit,
mahal na anak ni David.
Ang idinugtong pang sabi
ay in nomine Domini,
iyo pong gamutin kami,
sa ngalan ng nagkandili
at Diyos Ama mong kasi.
Habang daa’y umaawit
ng Hosanna filio David
tuwang hindi nga maisip,
pagpupuring walang patid
dito sa Poong marikit.
Sa malaking katuwaan,
niyong taong karamihan,
mula na ngang isinukal,
ng puso at gunamgunam
ng pariseos na tanan.
May pariseong lumapit
sa kay Hesus ay nagsulit,
aniya’y Maestrong ibig,
ang taong nangag-aawit
patahanin mo ang bibig.
Anitong si Hesukristo
ang kahima’t walang taong
magpuri sa akin dito,
ang naritong mga bato,
mangagpupuring totoo.
Nang ito’y maipangusap,
nagtuloy na ng paglakad
sa Templo siya tumambad
kasamang umaakibat,
ang apostoles na lahat.
Pumasok na sa templo
nangaral sa madlang tao,
marami namang milagro,
awang hindi mamagkano
ng Poong si Hesukristo.
Ang pilay at mga bulag
sampuang nangagsisiuad,
piping di makapangusap,
pinagaling niyang lahat
awang hindi hamak-hamak!
Marami’t lubhang makapal
ang gumaling na may damdam
nagsisikip ang Simbahan
tao’y hindi magkamayaw
nang pakikinig ng aral.
50
Nguni’t ang mga balawis
eskribas at saserdotes
halos magputok ang dibdib,
sa laki ng pagkagalit
dito sa Poong marikit.
Saka yaong mga lilo,
maginggiting pariseo,
pinagbawalan ang tao,
ang magpatuloy kay Kristo,
parurusahang totoo.
Maghapon ang Poong Ama
ay nangaral sa lahat na,
doon ipinakilala
ang linamnam at ang lasa
ng mahal niyang Dokrina.
Nang lulubog na ang araw,
mga tao’y nagsipanaw,
sa maghapo’y di kumain,
at ang Poong nangangaral
nasa loob ng Simbahan.
Walang sino mang pumiging
kay Hesus na Poon natin;
sa maghapo’y di kumain,
binatang mapaalipin,
ito’y aral din sa atin.
Lumabas na sa Simbahan,
itong Diyos na maalam
sampung disipulong abay,
at nagtuloy kapagkuwan
doon sa Bethaniang bayan.
A R A L
Kristiano’y sino ka man,
dito ay iyong pagmasdan
pagkawalang kabuluhan
ng papuri at parangal
dito sa hamak na bayan.
Ano pa’t pawang lisya,
ang mundo ay balintuna,
mali ang lahat na gawa;
kayamanan man at tuwa’y
parang asong nawawala.
Kapagka may pinipita
sa iyo at inoola,
totoong minamahal ka,
datapuwa’t kung nangyari na
dili ka na maalala.
Ang tao, hangga’t mayaman
marami ang kaibigan;
kung maghirap na ang buhay
kahit masumpong sa daan,
di na batii’t titigan.
Gayong ngani itong mundo
magdaraya’t walang toto,
pawang lihis na totoo,
pangimbulo’y nananalo
sa kaluluwa ng tao.
Tingi ang Poong si Hesus,
niyong Domingo de Ramos
marami ang nalulugod
nguni’t walang isang loob
na nag-anyaya’t naghandog.
Kaya ngayon, kapatid ko
karampatan isipan mo
ang kahulugan kung ano,
sa Seremonia sa templo,
sa mga araw na ito.
Kung kaya pinagsasama
ang palaspas at oliba
ay may laurel na lahok pa,
kahuluga’y mga Doktrina
ni Hesus sa madlang sala.
Sa Olibang kahulugan,
ang malaking kaawaan
nitong Diyos na maalam,
sa taong makasalanan
mga inanak ni Adan.
Ang laurel nama’y ganito
ang kahulugang totoo;
sa karapatan ni Kristo,
puputungan naman tayo
ng tuwang di mamagkano.
At kung kaya sinasarhan
yaong pinto ng Simbahan
kung papasok na nga bilang
yaong prosesiong mahal,
gayari ang kahulugan.
Sapagka’t si Kristong Ama
ay dili pa nagdurusa
sa mahal na Pasion niya,
at tunay pang nasasara
51
ang pintuan niyong Gloria.
Tutumbukin kapagkuwan
ng krus nga niyang tangan,
at ang pinto ng Simbahan
ay agad nang mabubuksan,
ito’y siyang kahulugan.
At kung ito’y maganap na,
sa krus ay maiparipa
pagkamatay nga sa dusa,
siya namang pagkabuka
ng pintuan niyong Gloria.
Kaya sa araw na ito,
ay kinakanta sa Templo
ang Pasion ni Hesukristo,
kahulugan ay ganito,
niyong dakilang Misterio.
Pagka’t kusa nang natupad
yaong hula ni Heremias
at ng lahat ng propetas,
nayari rin at naganap,
lahat nilang pangungusap.
Ang isa pang kahulugan
ay ang puring ibinigay
kay Hesus na Poong mahal
yaong mga napakinggan
ng pariseos na tanan.
Sumukal na nga ang dibdib
at sila’y pawang nagalit,
dito na nga pinag-isip,
ang paghuli at pagdakip,
dito sa Poong marikit.
Kaya nga taong binyagan
kung sino ka at ano man,
ang iyong napapakinggan
pag-isipan mong mahusay
sa loob mo’t gunamgunamin.
Matunaw na nga’t madurog
ang tigas ng iyong loob
gunitain mong tibobos
ang mga hirap ni Hesus
nang sa iyo ay pagsakop.
At maawa kang totoo
sa iyong kapuwa tao
tuloy namang isipin mo
yaong ginawa ni Kristo
sa araw ng Lunes Santo.
LUNES SANTO
Si S. Marcos ang nangusap
sa Ebanghelyo’y sinulat;
di umano’y ang Mesias,
nang Lunes muling lumakad
sa Herusalem tumambad.
Doon sa paglakad nila,
sa daan ay may nakita
na isang punong higera,
ang daho’y kaaya-aya
nguni’t wala namang bunga.
Yaong puno ng halaman
ng higera ang pangalan
walang bunga ni isa man
ay sinumpa kapagkuwan
nito ngang Poong Maykapal.
Pagtataka’y mago’t mago
niyong mga disipulo
doon nila napagsino
na ang higera ngang ito
ang katulad at ang tao.
Katulad nga at kabagay
ng taong makasalanan
na kung walang kabanalan
ang dahon ma’y malalabay
ay wala ring pakinabang.
Sapagka’t ang tao pala
ay katampatang mamunga
ng mga gawang maganda
at kung dili’y mapapara
sa sinumpa ngang higera.
Nang si Hesus ay masok na
sa Templo ay may nakita,
mga tindaha’t lamesa,
itinapong parapara
isa ma’y walang natira.
Sa malaking kagalitan
nitong Diyos na maalam,
sila’y ipinagtabuyan,
52
ito, aniya’y simbahan
at di dapat pagtindahan.
Ang sino mang matuwain
at budhing lubhang matining
sa Diyos na Poon natin,
dito’y dapat na manalangin,
at di dapat na hamakin.
Nang mangaral na sa Templo
ang Poong si Hesukristo,
pinagbuntunan ng tao,
eskribas at pariseo
at ang iba pang mga hudyo.
Ani San Juan kay Kristo,
nagtanong ang mga lilo,
anong ipakikita mo,
sa akin at patotoo
at ginawa mo nga ito.
Ang sagot ni Kristo naman
itong mahal na Simbahan,
igiba ninyo’t ihapay
itatayo ko ring tunay
sa loob ng tatlong araw.
Ang sa hudyong itinuring,
simbahang ito nang gawin
ay apatnapu at anim
ang taon sa bilang namin
bago nayaring magaling.
Saka ngayo’y tuturan mo
sa amin ay pangahas mo
kung igiba itong templo,
sa tatlong araw na husto
iuuli mong magbago.
Ang isip at sapantaha
ng mga hudyong kuhila,
ang Templong kahanga-hanga
mauuli kung masira
bago yao’y talinghaga.
Ang katawan nga ni Kristo
ang iuuling magbago,
na sa araw na ikatlo,
mabubuhay na totoo,
hindi ang tunay na Templo.
Kung baga magkagayon man
na iuuli ang Simbahan
anong pagkakaliwagan?
kung ang buong Santinakpan
nayari sa wika lamang.
Ipinangaral na niya
yaong Sermon de la Vina,
ang maghasik ng maganda,
mag-aaning walang sala
ng tuwa’t madlang ligaya.
Nguni’t ang mga sukaban,
nagpunla ng kasamaan,
wala namang makakamtan,
at walang kasasapitan
kung hindi nga kahirapan.
Kaya alin ka ma’t sino
na nakaririnig nito
ang iyong isipin dito,
ang isinermon ni Kristo
na halimbawa sa tao.
Ang pangangaral ng ating
Panginoong Hesukristo sa
kaniyang mga alagad
MARTES SANTOS
Ang mga Ebanghelista
ang nagsabi’t nagpahayag,
nang Martes muling lumakad
itong Korderong marilag
at nangaral sa lahat.
Nang matanto’t maalaman
niyong taong karamihan
na sila’y pangangaralan,
nagsipasok sa Simbahan
tuwa’y hindi ano lamang.
Nang dumating na si Hesus
sa templo’y agad pumasok
sampung mga disipulos,
mangangaral na tibobos
ng gawang kalugod-lugod.
Ipinangaral na niya,
paghuhukom sa lahat na,
sa mag anak ni Eba
ang igaganti’y parusa
sa taksil at palamara.
Ang mapapalad na tao
53
na sumunod na totoo
sa madlang iniaaral ko,
walang salang matatamo
ang mahal na Paraiso.
At doon sa pangangaral
nitong Diyos na maalam,
kapagdaka’y nilooban
niyong mga punong-bayan,
na sa aral niya’y ayaw.
Sa kainggitang totoo
niyong mga taong lilo,
balawis na pariseo,
doon sa loob ng templo,
ibig na’y dakpin si Kristo.
Nguni’t di nila nakita
si Hesus na Poong Ama
sampung mga kasama,
sapagka’t nga’y malayo pa
yaong oras na talaga.
Lumakad na nagtuluyan
at napaluwal sa bayan,
ang kanilang dinaanan,
Olibeteng kabundukan,
Dating kinawiwilihan.
Doon ay tumigil muna
at bilang nagpapahinga
itong Poong mapaninta,
at saka kapagkaraka
nangusap sa mga kasama.
Aniya’y mga katoto
na aking kasalu-salo,
ngayo’y tandaan na ninyo
itong lahat na wika ko,
walang pagsalang totoo.
Ako aniya’y darakpin,
gagapusi’t mumurahin,
hahampasi’t papatayin
sa pagsakop sa sala rin
ng mga tao kong giliw.
At ang kamay kong dalawa
sa krus ay ipaparipa,
totoo nga’t di sasala,
pawa ninyong makikita,
panahon kung dumating na.
Kahima’t aking sinaysay
at sa inyo ay tinuran
nang panahong nakaraan,
at di ninyo naalaman
kung aling oras at araw.
At nang inyo ngang makita
ang araw na aking pita
at di nga magkakaiba,
bago sumapit ang paskua
ako’y mapipiit muna.
Nang ito’y maipahayag
ni Hesus, Haring mataas,
ay ang lahat ng alagad,
para-parang nangasindak,
hapis na walang katulad.
Lumakad na si Kristo
sampung mga disipulo,
sa Bethania napatungo,
di rin nagbawang totoo,
lumbay ng mga katoto.
Nang dumating na sa bayan
si Hesus na Poong mahal
at apostoles na tanan,
nangagsiluklok sa dulang
at kumain kapagkuwan.
Ang Poong Birhen Maria,
kapiling ang Anak niya,
yao’y parang himakas na
ang may bahay kasalo pa,
ni Hesus sa mga kasama.
Nang makakaing matapos
yaong tanang disipulos
pawang nawawalang-loob
naalaalang tibobos
yaong winika ni Hesus.
Mata’y na nilang tipirin
hapis, lumbay at panimdim
nguni’t nahahalata rin,
kapagkaraka’y pinansin
ng Inang mahal na Birhen.
Pumasok ang Birhen mahal
sa silid nga niyong bahay
at tinawag kapagkuwan,
ang Apostoles na tanan
tatanungin baga bilang.
54
Ang Birhen ay ganito:
ay ano mga bunso ko,
di ba ako’y Ina ninyo
at mga anak ko kayo
minamahal kong totoo?
Ano baga ang dahilan
ng luha ninyong nananaw?
ano’t kayo’y nalulumbay
hayo na nga’t ipagsaysay
at nang aking maalaman.
Ngayo’y inyong iniiba
ang asal ninyong lahat na,
dati-dati mga oya,
kapagdating ibabadya
ano mang inyong makita.
Agad ninyong sasabihin
ipahahayag sa akin
saka ngayon baga’y bakin
tikis kayong naglilihim
sa aking dinaing-daing?
Sa ganoong pangungusap
ng Birheng Inang may habag
ang Apostoles na lahat,
lalo pang nangagsiiyak
luha’y agos ang katulad.
Ang isinagot na lamang
ng Apostoles na tanan
anila’y O Birheng mahal,
anak mo ay naririyan,
siyang sukat makaalam.
Sa dili rin magpahayag
ang Apostoles na liyag
ay lumapit naman agad
ang Inang may alapaap
at tinanong na ang Anak.
Anang Birheng masaklolo
Panginoon at Anak ko
anong bagay kaya ito
laki ng dalang hapis mo
sampung mga disipulo.
O Anak na minamahal
na aking pinalalayaw,
ano’t pinaglilihiman
at di mo pagpahayagan
yaring iyong Inang tunay.
Ang isinagot ni Kristo
walang ano man Ina ko,
pahid na iyang luha mo,
at dili pa oras ito
ng pagsakop ko sa tao.
Nguni’t bakit nangangamba
ang dibdib mo aking Ina
dito ako matitira
hanggang dumating ang oras
ng Poong ko’t aking Ama.
Bahagya nang tumiwasay
yaong pusong nalulumbay
ang Inang Birheng may damdam
at parating pinupukaw
ng sakuna’t agam-agam.
MIYERKOLES SANTO
Kasaysayan ng malupit na si Hudas
At, sapagka’t marami na
ang sumasampalataya
sumusunod sa kaniya,
at niwalan ngang halaga
kabagsikan ninyong sadya.
Kung kaniyang mauptan
ang tao sa buong bayan,
baka kayo ay alihan,
lupigin ang kabagsikan,
alisan ng katungkulan.
Kayo man nga ay tumanggi,
di na yata mangyayari,
lalo na kapag dumami
ang mahibuan ng sabi
ng dila niyang maliksi.
At yamang may panahon pa
mag-isip kayo ng iba,
inyong iparakip siya
nang hindi mapalamara
ang mga punong hustisya.
Na kung mangyayari lamang
bukas huwag nang maliban,
o kung dili kaya naman,
ay sa ikalawang araw
agad ninyong ipapatay.
55
Kayo’y huwag maghinagap
nitong aking pangungusap,
kahima’t ako’y alagad,
ngayo’y kusang umiilag
sa kaniyang gawang lahat.
At di ko minamaganda
ang ugali’t aral niya
ako’y tumatalikod na,
at nagsisising talaga,
ano’t ako’y nakasama?
Nang inyong paniwalaan
itong lahat kong tinuran
ay pangako kong matibay,
kayo’y aking sasamahan
kung huhulihin ang hunghang.
Ituturo ko sa inyo
ang pagdakip kung paano,
ang bahala nga ay ako,
nguni’t magkalutas tayo
dito sa usap na ito.
At kung inyong masunod na
ang nasa ninyo at pita
nang pagdakip sa kanya,
at magkano kaya baga
sa aki’y magiging upa?
Gayong wika’y nang matalos
niyong mga pariseos,
nangatuwa nang tibobos
ang malupit nilang loob
sa pangako nitong hayop.
At niyakap na si Hudas
ng pariseos, eskribas
sampung lilong si Cayfas,
tuwa nila’y dili hamak
at ang nasa’y matutupad.
Pinangakuang bibigyan,
tatlumpung salapi lamang,
kanilang pinagsulatan
yaong gawang kaliluhan,
at tuloy pinanumpaan.
Tuwang walang makapara
ni Hudas na palamara,
ang salapi nang makita
ay sinilid sa bulsa
at iningat-ingatan na.
Nanaog na kapagkuwan
ang alibughang matakaw
at nagtuloy na sa bahay,
loob at di mapalagay
at ang budhi’y salawahan.
Nagbabalobalo siya
kunwa’y wala siyang sala,
bago’y natatalastas na,
ni Hesus na Poong Ama
ang masama niyang pita.
Hindi nga naalaman
ng Apostoles na tanan
yaong mga kagagawan,
ni Hudas na tampalasan
na puno ng kasikiman.
Ang isip nilang totoo
kaya sa bayan tumungo
ay mamimili ang lilo
bago’y hindi’t ang Maestro
ang siyang ipinagduro.
Nang siya nga’y magpaalam
sa Birheng Inang timtiman,
ay kusa pang binilinan,
alami’t pakimatyagan
sa baya’y bulong-bulongan.
Isinagot pa ng lilo,
Oo po, Panginoon ko,
ang bahala na ay ako,
na magkalingang totoo
sa aking Poo’t Maestro.
O sukaba’t taong pusong
budhing parini’t paroon?
ano iyang naging tugon?
ay bago ang iyong layong
ipagduduro ang Poon.
Nang si Hudas magbalik na
tinanong kapagkadaraka
ng Poong Birheng Maria,
ano ang napansin baga’t
sa tao’y narinig niya.
Ang isinagot ng lilo:
matuwa na ang Poon ko,
56
usapan ng mga tao
pawang puro sa Anak mo,
tuwa nila’y mago’t mago.
Huwag ka na pong malumbay
at ako’y napasa bayan
doon ko nga napakinggan
ang mga usap-usapan
niyong taong karamihan.
Ang lahat ay natutuwa,
nagpupuring walang sawa
sa lahat niyang ginawa,
wala isa mang pumula
sa Maestro kong dakila.
Tumiwasay na ang budhi
loob nitong Inang pili,
parati mang sumasanhi,
nguni’t hindi napapawi
ang lubos niyang pighati.
Lalo na nang mapagmasdan
ang malaking kalumbayan
ng Apostoles na tanan,
puso niya’y nasasaktan
sa ganoong mga asal.
Pinahid na ni Maria
luha sa kaniynag mata,
pumasok kapagkaraka,
sa silid ng Anak niya,
lumbay ay walang kapara.
Ito ang ipinangusap:
O Panginoon ko at Anak,
minamahal ko sa lahat,
puso ko ay naghihirap
sa aking napagmalas.
Ano baga, O bunso ko
at hindi ka magkatuto
gayong niluhogluhog ko
magdalita ang Anak ko
ang Ina mo’y tugunin mo.
Ang sino mang tao riyan,
taga malayo mang bayan,
kung ganitong Paskong araw,
ay umuuwi sa bahay
dinadalaw ang magulang.
Sa dulang ay magsasalo,
sapagka’t araw ng Pasko,
saka ikaw na anak ko
ay aalis iiwan mo
akong nag-iisa rito.
Paano ang iyong Ina,
kung ikaw ay di kasama
ano ang ikasasaya
dumating man ang Paskua,
bunso kung dito’y wala pa.
Itong iyong pagpipilit
nang pagpanaw at pag-alis
siyang ikinahahapis,
halos na ngang ikapunit
ng puso ko’t aking dibdib.
Para kong naaaninaw
ang iyong daratning buhay,
diwa ito’y katapusan,
at lulubog na kapagkuwan
ang maliwanag na araw.
Kaya ngayon ang hingi ko,
dalawang bagay sa iyo,
sundin naman sana ako,
pahimakas ko na ito
O bunso, sa pag-alis mo.
Ang hingi kong una-una
sa bunso ko’t aking sinta,
huwag kang lalayo muna,
at dito ka na magpaskua
bago maghiwalay kita.
Ang kalawang hingi ko
na inoola sa iyo
ako nama’y tapatin mo,
ano ang nasa sa iyo,
niyong mga pariseo?
Nang kay Hesus na marinig
yaong wikang matatamis
niyong Inang nahahapis,
di nabata’t di natiis,
sumagot siya’t nagsulit.
Ina ko, aniyang mahal
na aking kaginhawahan,
ano pa po bagang bagay
ang sukat mong ikasuway
sa Poon na nalulumbay.
57
Ngayon po at naganap na
ang araw na aking pita
nang pagsakop ko sa sala,
simula na ito, Ina
ng di natin pagkikita.
Ganap na at walang kulang
panahon at takdang araw
ng Ama kong lubhang mahal,
sa pagsakop ko sa tanan
sa buong sangsinukuban.
Ina ko’y masusunod na
hula ng mga Propeta
sa Eskritura Sagrada,
hirap at madlang parusa
nang pagsakop ko sa sala.
Magdalita ang ina ko,
at ako nga’y tulutan mo
kay Ama’y sumonod ako,
di mangyayaring totoo
na di ako manaw dito.
Di na mangyaring iliban
ang pag-alis at pagpanaw
palibhasa ito’y halal,
ito’y pangakong matibay,
pagsakop sa kasalanan.
Mangyayari bang suwayin
utos ng Ama at bilin,
wala yatang daan mandin
nag tao’y di ko sakupin
sa sala’y pagkagupiling.
Datapuwa Inang mahal
na aking kinalulugdan,
kahima’t ako’y mamatay,
sa loob ng tatlong araw
ako’y muling mabubuhay.
Ito’y siyang pangako ko,
siyang tipan ko sa iyo,
walang pagsalang totoo,
kaya ako’y tulutan mo
nitong pagpanaw na ito.
Aba Ina kong mapalad,
bukod sa babaing lahat,
para ko nang pahimakas,
sa aking pagpanaw bukas
yakap yaring iyong Anak.
Wika na kalumbay-lumbay
sagot na ikamamatay!
daig ang mabisang punyal,
na ikikitil ng buhay
ng sino mang nasasaktan.
Nang marinig ni Maria
ang gayon ngang parirala
dibdib ay kumaba-kaba
nalunos na kapagdaka
halos manaw ang hininga.
Kung danga’y kinakasihan
ng Diyos sa kalangitan
ang sa Inang Birheng buhay,
halos nga maalis at manao
ang hininga sa katawan.
Nang mauli na ang loob
nitong Inang nalulunos
sa silid agad pumasok,
nanalangin at lumuhod
sa kaniyang Amang Diyos.
Sa langit ay tumingala
ang mata ay lumuluha,
ito at siyang winika;
O Diyos Amang dakila
Hari sa Langit at Lupa!
Ano nga’t bakit Poon ko
pinalalo sa Anak Mo
ang mga hamak na tao?
at mahal mo pang totoo
sa gayong sala sa iyo?
Ang dapat mong pahirapan
dahilan sa kasalanan
siyang ipagtatangkakal;
at ang anak Mo ring tunay
ang iyong ipapapatay.
Kung baga, Diyos kong Ama
sa tao ay naawa ka
patawaring Mo na sila
huwag mong ipapatay na
ang Anak kong sinisinta.
Yamang ganap na totoo
kapangyarihan Mong ito:
di man, mamatay Diyos ko,
mangyayari kung loob Mo
sakupin ang madlang tao.
58
Batid mo na’t naalaman
ang lahat kong kahirapan
dinalang siyam na buwan,
sa tiyan ko ay namahay,
ito’y siyang kalooban.
Lalong hirap na totoo
nang kami’y paalisin mo,
naparoon sa Egipto,
pagod na di mamagkano
nang pagkalong sa Anak Mo.
Ano pa’t Diyos kong Ama,
madla ang aking balisa,
hapis na walang kapara
nang lumaki na nga siya,
at mangaral sa lahat na.
Kaya Amang maawain,
siya’y iyong patawarin
at ako nama’y gayon din;
huwag Mo na pong kunin
ang Anak kong ginigiliw.
At kung siya at mamatay
pilit akong mararamay
dito nga’y ang kahirapan
sa puso ko’y mamamahay
kung ang anak ko’y matingnan.
Di pa ba sukat, Poon ko
ang kanyang pagaayuno,
paghahampas sa disierto,
maging tubos na totoo
sa sala ng madlang tao.
Ako na ang pagbuntunan
ng lahat Mong kagalitan;
ako na’y siyang mamatay,
lalo ko pang katuwaan
siya lamang ay mabuhay.
Itong hiling kong talaga
at sa iyo’y inoola
Diyos ko magdalita ka
itulot Mo na nga sana
nang ako’y matiwasay na.
Marami pa’t madlang bagay
ang sa Birheng karaingan;
agad siyang pinakinggan
at sinagot kapagkuwan
ng Diyos sa kalangitan.
Narinig ko nang magaling,
Maria, ang iyong daing;
di ko mangyaring tanggapin
na ikaw’y aking sagutin,
ang anak ay timawain
Hindi niya mababata
na makitang maghirap ka
lalo pa ngang sakit niya;
kaya ang lalong maganda
ay ang siya ay magdusa.
Maria’y di ko matanggap
iyang iyong pakiusap
hindi na nga malilinsad
ang anak mo’y maghihirap
dahil sa sala ng lahat.
Siya ang katampatan
ng maghirap at mamatay
sapagkat siya nga lamang,
ang umako at humadlang
sa sala ng sangtinakpan.
Dili iba’t ang anak mo
magbabawa ng poot ko
sa mga hunghang na tao;
siyang lunas na totoo
sa sala ng buong mundo.
Maria, ang iyong tularan
sakripisyo ni Abraham
sa pagsunod niya lamang
sa hiling ko’t kalooban,
si Isaac, pinugutan.
Ito naman ang hiling ko
at aking loob sa iyo:
nang matimawa ang tao,
ay nagtiis kang totoo
at magdusa’y ang anak mo.
Nang matanto at mabatid
ng Inang Birheng may hapis
na yao’y loob ng Langit,
munti ma’y di na umiimik
nagbata na nga’t nagtiis.
Mahapdi mang walang hangga
mapait man at mapakla,
gayong hirap ay binata,
59
ng Poong Birheng Maria
pagsunod Diyos Ama.
A R A L
O taong walang balisa,
wala ngani mang alaala,
ang iniibig mo tuwi na,
sumuway at magkasala
sa Diyos na Poong Ama.
Lubos na tinutularan
kay Hudas na kagagawan
dilang katampalasanan,
at isip na mahahalay
ang nasa iyong katawan.
Dunong na magwika-wika
humibo’t magdaya-daya
lubhang mananalong dila,
mataas magmanukala
palalong walang kamukha.
At kung di mo babawahan
gayong katampalasanan,
tantong kahina-hinayang
ang kaluluwa mong iyan
sa impierno’y gagtungan.
Tingni ang lilong si Hudas
apostol na walang-palad
sa kasakiman sa pilak,
ang kaluluwa’y nasadlak
sa balong puno ng hirap.
Marami pa at makapal
sa sulat napapalaman
dahilan sa kayamanan,
sa impierno’y gagatungan
ang budhing mga sukaban.
Kay sino ka ma’t akin
Kristianong nagugupiling,
iyong isiping magaling,
at ngayon mo saliksikin
ang lahat mong gawang lihim.
Nang doon mo mausisa
ang iyong pagkamasama,
kung mahabag ka’t naawa,
sa taong iyong kapuwa
sa may hirap at dalita.
Kung magaling ang gawa mo
daming pupuri sa iyo;
ang palalong walang too,
api saan mang patungo,
sa hirap nananagano.
Gayong hirap ay magbawa
sa puso mo’t kaluluwa
magkusa kang pakalara
at manalangin tuwi na
sa Poong Birhen Maria.
Ang ano mang kahirapan,
sakit na iyong karatnan,
pawa mong pasalamatan
ay yaon ay kalooban
ng Diyos sa kalangitan.
Huwag ipagdalang galit,
ano mang hirap at sakit;
kung mabata at matiis,
tantong hindi malilihis
gagantihan ka ng langit.
HUEBES SANTO
Nang una’y kaugalian
niyong taong kalahatan,
taon yao’y napipisan
ang buong sangkahudyohan
sa Herusalem na bayan.
Kapag ikalabing-apat
buwan ng Marso ang bansag
magpipisan na ang lahat,
tuwa nang pasasalamat
ng manaw sa paghihirap.
Sapagka’t ng unang araw
bihag ang sangkahudyohan
ni Paraong haring hunghang,
at alipin silang tunay
ng taga-Ehiptong bayan.
Si Moises at hindi iba
ang sa kanila’y kumuha,
himalang kataka-taka,
sa hari’ipinakita
pagtubos nga sa kanila.
Ito ngang araw na ito
ang pagsasaya ng hudyo;
nang pagpanaw sa Ehipto,
araw ng Paskuang ganito
kaya sila dumarayo.
60
Nang Huwebes pagka umaga
si Kristo ay gumayak na
at nagpaalam sa ina,
tutupdin na ngang talaga
pagsakop niya sa sala.
Aniya ako’y paalam,
kalapating minamahal
ina kong kinalulugdan;
ito na ang takdang araw,
sa Diyos na kalooban.
Dumating na pong totoo
araw na hinihintay ko
ng pagsakop ko sa tao;
magdalita ang ina ko,
ako’y paalam sa iyo.
Ina huwag kang mahapis
sa pagpanaw ko’t pag-alis
masaklap man at mapait,
titiisin at siyang ibig
ng Ama kong nasa langit.
Nang matanto ni Maria
yaong sabi sa kaniya,
dibdib ay kumaba-kaba
at tumangis kapagdaka.
ito ang ipinagbadya.
Diyata bunsong anak ko
di mangyayaring mabago
ang pagpanaw, pag-alis mo
ano ang aasalin ko
kung mahiwalay sa iyo!
Yamang ito’y siyang utos
at kalooban ng Diyos
mapait ma’t di masayod
at mahapdi man sa loob
titiisin ko nang tibobos.
Nguni at ang aking hiling
sa bunso ko’t aking giliw,
sana’y sabihin sa akin,
kung saan ka hahanapin
ng ina mong nanimdim?
Ang sagot sa Birheng mahal
nitong anak na papanaw:
ina’y di ka maiiwan
ikaw ay sasamahan
ng pamangkin mong si Huan.
Pawiin ang madlang dusa,
at ang luha mo sa mata,
mahapdi ma’y aanhin baga,
ikaw rin po lamang ina
ang aking kasama-sama.
Datapuwa’t madlang sakit
daing ng inang may hapis
aling dila ang magsulit
aling mataas na bait
ang di magputok ang dibdib.
Tumatangis kapuwa na
bubuntu-buntong hininga,
dibdib ay kakaba-kaba,
at nagpaalam pagdaka
si Hesus sa Birheng Ina.
Niyakap na nga si Hesus
niyong Inang nalulunos,
luha sa mata’y nanagos,
at saka siya nanaog
sampung mga disipulos.
Sinusundan din ng mata
nitong may lumbay na ina,
gayon din ang anak niya,
linigo’t di mabata
ang inang nababalisa.
Nang di na niya matanaw
ang anak na minamahal,
pumasok na kapagkuwan,
sa silid niyang tahanan
hapis na di ano lamang.
Itong mahal na Mesias
nagpatuloy ng paglakad
inaaliw ng alagad,
mga Misteryong mataas
siyang ipinahahayag.
Nang sapitin nila naman
Olibeteng kabundukan
na di malayo sa bayan,
doon muna nagtumahan
hanggang lumubog ang araw.
At inaralang lahat na
ni Hesus ang mga sama;
pawang wikang magaganda,
na sukat ikaginhawa
ng kanilang alaala.
61
Nang alas-tres na ang araw
si San Pedro’t si San Juan
tinawag niya kapagkuwan,
at saka pinangusapan
ito ang siyang tinuran.
Kayo, aniya’y umuna
at sa baya’y pumasok na
doo’y inyong makikita,
isang taong nagdadala
ng tubig sa bangang isa.
Alinsunurin pagkuwan
saan man siya humanggan
ang pasukin niyang buhay,
kayo at pumasok naman
at siya kong kalooban.
At ang saysaying totoo
sa bahay ay turan ninyo
doon ako magpapasko,
at nang ituro kung ano
laan sa araw na ito.
Nang ito’y maipangusap
ni Hesus na nagpahayag
ay ang dalawang alagad
kapagdaka ay lumakad
at sa bayan nagsitambad.
Sa pagparoo’y nakita
yaong tanda sa kanila,
sinunod kapagdaka,
sa bahay nila inihanda
ang kasangkapang lahat na.
Ang Paghapon ng ating Panginoong
Hesukristo sampu ng Kaniyang mga
Apostoles
Nang lumubog na ang araw
ay itong Poong maalam
niyakag ang tanang kawal,
at pumasok kapagkuwan
sa Herusalem na bayan.
At sa bahay ng katoto
agad silang napatungo,
ang nasa nilang totoo
doon sila magpapasko
sampung tanang disipulo.
Nang dumating na si Hesus
doon sa bahay ni Markos,
binati niyang tibobos,
ng buong galang na puspos
ang katoto niya’t irog.
Pumasok at ang tinungo
yaong sadyang Senakulo,
pagkakathaang totoo
ng mataas na Misterio,
habilin sa madlang tao.
Doon sa pagkakapisan
ni Hesus at mga kawal,
bago lumuklok sa dulang,
nangusap na nga’t nangaral,
itong Hesukristong maalam.
Oh mga apostoles ko
mahal kong mga katoto,
laon nang ninanasa ko,
ang tao’y magsalu-salo,
araw ng Paskuang ganito.
Ngayon na nga matutupad
ang nasa ko’t pitang lahat,
dito tayo maghaharap,
at ibig ko nang maganap
hula ng mga propetas.
Saka ang Poong si Kristo,
sampung mga disipulo
nagsiluklok na totoo,
at minulan na nga rito
ang pagkain sa kordero.
Ang Paghuhugas ng ating
Panginoong Hesukristo sa mga Paa
ng Kaniyang mga Apostoles
Itong korderong inihaw,
dili iba’t kalarawan
ng mahal niyang katawan,
totoong pinahirapan
niyong mga hudyong hunghang.
Ay ano nga’y nang matapos
yaong paghapong tibobos,
dito na nga ibinuhos,
62
ng kaniyang sintang lubos
sa mga katoto’t irog.
Nang alas-sies-y-media,
oras niyong gabi baga,
Maestro’y lipos ng dusa,
katawa’y di makakaya
sa lumbay ng Pasyon niya.
Nagbuhat na at nagtindig
ang Maestro’t Poong ibig,
isang tuwalya’y ginamit
at sa baywang ibinigkis
siyang gagawing pamahid.
At saka niya sinidlan
ng tubig yaong panastan
at kaniyang huhugasan,
ang paang dumi-dumihan
ng kaniyang mga kawal.
Dinulog na kapagdaka,
si Pedrong katoto niya
at huhugasang talaga,
gayong gawa’y nang makita
ni Pedro’y agad nagitla.
Ano pa nga’t natilihan
loob ni Pedrong timtiman
luha sa mata ay nukal;
kapagdaka ay nagsaysay,
ito ang siyang tinuran.
Domine tu mihi lavas pedes?
Ikaw, Oh Panginoon ko
paa ko’y huhugasan mo,
bago ang dapat nga’y ako,
siyang humugas sa iyo,
pagka’t Diyos kang totoo.
Di ka yata mababata,
Panginoon ko at Ama
na hugasan kong makita
yaring mahalay kong paa,
duming walang makapara.
Ang isinagot ni Kristo:
di mo natatanto Pedro
kung ano itong gawa ko,
ngayo’y matatalastas mo,
ang kahulugan nito.
Sa malaking pagkahapis,
si Pedro’y agad nagtindig,
yaong paa ay inalis
at ang wika’y non lavabis
in aeternum mihi pedes.
Huwag mo na pong hugasan
paa kong dumi-dumihan,
magpasaan man humanggan,
at nang hindi malunasan
ang buong sangkalangitan.
Ay ano’y sa hindi mayag
si Pedro’y ayaw pahugas
ay ang Korderong banayad,
kapagkaraka’y nangusap,
ito ang ipinahayag:
Si non lavero te
Nan habebis partem mecum.
Na kung hindi huhugasan,
Pedro ang paa mong iyan,
kita ay kagagalitan,
at di ka makikinabang
sa akin ng ano pa man.
Kita at tatampuhan na,
parang hindi ka kasama,
di magkakamit ginhawa,
babawiin kong lahat pa
ang aking mahal na grasia.
Ay ano’y nang maunawa
ni Pedrong nawalang-diwa
sumagot na alipala,
na ang mata’y lumuluha
nangusap at ang winika.
Aniya’y Panginoon ko
hindi lamang ang paa ko
kundi kamay sampung ulo,
tulot ko nang hugasa mo
huwag ka lamang magtampo.
Kung ako at kagalitan,
ngayon ay iyong tampuhan,
aba Panginoong mahal
ano pang kapakanan
niring maralitang buhay!
Pumayag na nga si Pedro
na pahugasan sa Maestro,
at nanikluhod na rito,
ang Poong Dibino Berbo,
at hinugasang totoo.
63
Asal ay kaawaawa,
bago’y Diyos na dakila,
nang may kunang halimbawa,
tikis na nagpakababa
ang taong hamak na lupa.
Angeles at Principados
Virtudes at mga Tronos,
tingni nga ang Poong Diyos,
nagbabatang nakaluhod
sa paa ng mga lingkod.
Mahapis na at malumbay
ang lupa at sangkalangitan,
sukat nganing ikahambal,
ang kaawa-awang lagay
nitong Diyos na maalam.
Tingni’t hinuhugasan na
ang kay Pedrong mga paa,
nang mahugasan na niya,
pinharira’t hinagkan pa
na luhaan yaong mata.
Sa pumayag nang totoo
na napahugas si Pedro
ay ang ibang disipulo
di tumanggi’t nakitalo
napahugas sa Maestro.
Silang lahat ay binaybay,
para-parang hinugasan,
pagkapahid ay hahagkan,
aling puso kaya naman
ang di madurog, matunaw!
Ano’y nang mahugasan na
sa disipulos na paa
si Hesus nama’y nuli pa
lumukluk na kapagdaka
at nangusap sa kanila.
Aba, mga kaulayaw,
katoto ko’t kaibigan,
itong inyong napagmasdan,
sa aki’y siyang tularan
sa inyong magiging kawal.
Kayo ay mangagsunuran,
magpakababa ng asal
at loob na malumanay,
sapagkat ang kataasan,
punong dilang kasamaan.
Nang maipangusap yaon
ni Hesus na Panginoon,
nagtuloy na ng paghapon,
hapis na walang kaukol
ng kaniyang mga kampon.
At doon sa pagsasalo,
ang maalam na Maestro
nangusap sa disipulo:
isa aniya sa inyo,
ipagkakanulo ako.
Ano ay nang mapakinggan
ng apostoles na tanan,
para-parang natilihan,
ang lahat ay nagpamaang
sa kaniyang isinaysay.
Sa hiya at takot nila
tumanong kapagkaraka:
ako po kaya, anila?
si Hudas nama’y gumaya
nakitanong kapagkaraka.
Sinagot naman marahan
itong apostoles na banday
na walang iba kung di ikaw
ani Hesus na maalam:
walang iba kung di ikaw.
Taas na hindi maisip
ng karunungan at bait
ng Diyos, Hari ng Langit,
sa doroong apostoles
walang isang nakarinig.
Sa hiya at alang-alang,
si Pedro ay natilihan
nilihim na si San Huan
at kay Hesus na pahilig:
himalang gawa ng langit.
Si Huan ay tumanong na
sa Maestrong mapaninta,
ani Hesus sa kaniya,
ang subuan kong mauna,
yao’y siyang palamara.
64
Sa paghapong matahimik
niyong mga apostoles
si San Huan ay naidlip
at kay Hesus na pahilig,
himalang gawa ng langit.
Dito na nga yaong lilo
sinubuan ng Maestro,
hindi nakitang totoo,
niyong mga disipulo
na kapiling at kasalo.
Nang mayari’t maganapan
nag paghapong Cena Legal
ay itong Poong maalam
isinunod na nilalang
yaong Cena Sacramental.
At sa Senakulong sadya
linalang ng Poong Ama
ang mahal na Eukaristia,
ipatatantong talaga
sa mga katoto niya.
Ugali ng kahudyohan
kung ganitong paskong araw,
sa pagkain ng hapunan
sila’y may isang tinapay
na nabubukod sa dulang.
Yaong tinapay na isa
walang halong lebadura,
ni Hesus na Poong Ama
tinangnan na may paninta
at binuksan pagdaka.
Saka niya binulungan
niyong mga wikang mahal,
itong tangan kong tinapay,
ay siya ko ngang katawan
kakaning ikabubuhay.
Pinisan at piniraso,
ipinakaing totoo
na ang winika ay ito,
aniya ay kanin ninyo
ito’y siyang katawan ko.
Nang masubuang matapos
yaong tanan disipulos
ay ang ginawa ni Hesus,
ang kalis agad sinambot,
may lamang alak sa loob.
Kaniyang binendisiyonan,
tuloy namang binulungan
ay naging dugo ring tunay,
ipinainom pagkuwan
sa kaniyang mga kawal.
At ang winika’y ganito:
ito ay inumin ninyo
at ito nga ang dugo ko,
mabubuhos na totoo
dahil sa sala ng tao.
Masayod, mauubos
sa isang malaking krus;
sa pagsakop ko’t pagtubos
sa sala ng sangsinukob
dugo ko ang mabubuhos.
Kayo nama’y bibigyan ko
kapangyarihang totoo,
ito ngayong ginawa ko,
siya namang gawin ninyo
kung ako’y manaw sa mundo.
In mei memotian facietis,
ani Hesus na marikit,
kung baga samakatuwid,
ang kaniyang sabi’t sulit
sa narong apostoles.
Kung ito’y inyong gagawin
ako’y ang alalahanin,
siya ninyong panimdim,
kayo naman mga giliw
ay aking pagpapalain.
Ano pa’t si Hesukristo,
lubos ang sinta sa tao
at sa lahat ng katoto,
nangusap nagpanibago
na ang winika’y ganito;
Qui manducat meam carnem
et bitbit meum sanguniem.
Ang sino mang makakain
ng katawan kong habilin
at ang dugo ko’y inumin
siya nga ay nasa akin
at ako’y nasa kanya rin.
Niyong mapakinabang na
65
ni Hesus ang mga sama
ay pinagbilinan sila,
may Obispo’t Santo Papa
at Saserdotes ang iba.
Misteriong hindi maisip,
himalang gawa ng Langit,
sintang bukal nga sa dibdib,
awang walang kahulilip,
nitong ating Poong ibig.
Ang alaalang matibay
ni Hesus ang Birheng mahal
nang gabi ring yaon naman
si San Gabriel inutusan
ang Birhe’y pinasuguan.
Si Enok at si Elias
doroon din at kaharap
nakinabang na banayad,
nguni’t walang nakamalas
sa disipulos ng lahat.
Oh sintang hindi masayod
biyayang hindi matapos
awa ay lubos na lubos
kusang ipinagkaloob
nitong maawaing Diyos!
Purihin ng buong mundo
itong mananalong Berbo
dahil sa sinta sa tao
katawa’t dugong totoo
nalagak sa Sakramento.
Ang pagpanaw ni Hudas sa
Senakulo at ipararakip
ang Maestro
Tigas na di ano lamang
daig pa ang batong-buhay,
loob ni Hudas na banday
na di lumambot munti man
ang kaniyang kalupitan.
Sa kataksilang totoo
kaluluwa nitong lilo
pinasukan ng demonyo,
nanaw na sa senakulo,
ipahuhuli ang Maestro.
Kusa na ngang humiwalay
yaong apostol na banday;
Oh, Hudas na tampalasan,
mahanga nanga’y mahangay
ikaw ay huwag nabuhay.
Kumaon na nga ang lilo
ng kapuwa niya aso,
eskribas at pariseo
ipahuhuling totoo
ang masintahing Maestro.
Tuwang hindi ano lamang
niyong mga tampalasan,
pariseong mga hunghang
at ang nasa nilang tanan
masusunod kapagkuwan.
At ito namang nangayag
na palamarang si Hudas
tuwa’y hamak-hamak,
palibhasa ay dulingas
isang lilo’t taong uslak.
Pusang lampong ang kaparis
sa pagngiyaw at pag-ingit
nang sarili at malupit,
gutom at taong ulisik
na wala munti mang bait.
Punung-puno ng kasakiman
gayon din sa kalupitan;
madlang awa ay mahalay,
hayop ang siyang kabagay
walang bait kamunti man.
Hunghang, malupit na aso,
anak yata ng demonyo,
balawis at walang tuto,
halay ng pagiging tao,
walang wasto’t walang apdo.
Ano pa’t pawang mahalay
ang dugong pinagbuhatan,
duming hindi ano lamang
ng kanyang pinanggalingan
at insestong kasalanan.
Tampalasa’t palamara,
dili na inalala
madlang loob na pakita
pagkakalinga tuwi na
ng Panginoong may sinta.
Ang kasalanan mong lahat
kanyanag pinatatawad
66
ginawa ka pang alagad,
ikaw’y siyang nag-iingat
niyong ginagastang pilak.
Katiwala ka ng Maestro
tuwi na’y kasalu-salo,
minamahal kang totoo,
ano’t ikaw ay naglilo
sa may sinta ng ganito?
Di mo na ginunamgunam
ang madlang pagpapalayaw
sa iyo ng Birheng mahal,
ano mang kanin sa bahay
alaala kang matibay.
Tuloy ipinagbilin pa
sa iyo ang anak niya:
ang tugon mo ay ikaw na,
makakalinga tuwina
sa Poon mong mapaninta.
Ito’y siyang pangako mo
pagkakalingang totoo,
kusa mang napatungo
at iyong ipinagduro
ang kaniyang naging-tao.
Bukod dito, ang isa pa,
apostol na palamara
ikaw rin at dili iba,
sa mga lilo’y sasama
sa pagdakip sa kaniya.
Kaya malupit na lilo,
magnilay niyang gawa mo
pagsisihan mong totoo
sa aba mo ngang aba mo!
at kundi ka gumanito.
A R A L
Taong hindi nagigikla
walang munti mang balisa,
iyong isipin tuwi na,
lubos na nag-aanyaya,
si Hesus sa kaluluwa.
Sintang hindi maulatan,
lubos na kapangyarihan,
awa sa makasalanan,
ang dugo niya’t katawan
inihabilin sa altar.
At hindi ipinagkait
sa banal man at malupit
at nang doon mapag-isip,
ang lubos niyang pag-ibig
sa mga bulisik.
Tayo lamang tantong lilo
palamara’t walang toto
sa mga bagay na ito.
pagkakalingang totoo
ng Poong si Hesukristo.
Ang ating nakakapara
si Hudas at dili iba,
kung tayo ay magkasala,
ipinapalit ang grasya
sa mga gawang hamak na.
Ano pa’t ang kasalanan
marami’t sakdal ng halay
kaya kinapopootan
at hindi ibig matingnan
ng Diyos sa kalangitan
Ang Pananalangin ni
Hesukristong Panginoon natin
sa Werto ng Hetsemani
Kaya Kristiano’y magbawa
nang iyong pagkakasala,
maawa ka nang talaga,
at iyong ikabalisa
ang aba mong kaluluwa.
At kung di ka gumanito,
hunghang, malupit na tao
ano ang masasapit mo
kung hirap sa impierno,
ang siya mong matatamo.
Nang maganap na’t matapos
yaong paghapong tibobos,
ay itong Poong si Hesus
sampung mga disipulos,
nagpasalamat sa Diyos.
Sa Senakulo’y nalis na
si Hesus pati kasama
pawang may lumbay na dala
at ang pinaroonan nila,
kabundukan ng Oliba.
Sa haba nilang paglalakad,
ang apostoles na lahat,
inaliw ng Diyos Anak
67
at nang hindi nga masindak
ang kaniyang mga liyag.
O mga apostoles ko,
pili kong mga katoto
at ngayon ding gabing ito,
walang pagsalang totoo,
ako’y papanawan ninyo.
Kayo rin nga ay iilag,
magpapabaya’t duruwag
loob ninyo’y maiilap,
malilimutang di hamak
itong ating paghaharap.
Di sasala’t di lilihis
mga hulang itinitik
ng propetang mababait,
Percutiam pastorem et
Dispergentur oves gregis.
Na ang kanilang tinuran
ang Pastor ay susugatan,
agad namang mabubugaw,
ang obehang mga kawal,
walang di ka lalayasan.
Tantong hindi mag-iiba
hula ng mga propeta
na nasa sulat Sagrada
sapagkat wikang lahat na
ng Poon ko’t aking Ama.
Nang marinig ni San Pedro
yaong winika ni Kristo
di nakabatang totoo
loob ay sumikdu-sikdo
at nangusap ng ganito:
Et si omnes scandalizati
Fuerint inte, ego nunquam
Scandalizabor.
Maestro, aniyang mahal
silang lahat ma’y pumanaw,
at ikaw ay pabayaan
ako ang siyang daramay
kita’y di hihiwalayan.
Maniwala ang Poon ko
nitong pangako kong ito,
walang pagsalang totoo
di ako manaw sa iyo,
sa Diyos, Haring totoo.
Ani Hesus na maalam:
oya Pedro’y kararahan
isip ang wika mong iyan,
ang mabuyo ay mahalay
baka masinungalingan.
Si San Pedro’y sumagot pa
ng ganitong parirala:
Panginoon ko, aniya,
tunay di maniwala ka,
tantong ako’y magdurusa.
Pinasiya na ni Hesus
kay San Pedro ng pagsagot
ay bago nga magtilaok
sa hating-gabi ang manok
pilit nganing masusunod.
Walang pagsalang totoo
ako’y itatatuwa mo,
di miminsa’t makaitlo,
isa pang sasabihin mo’y
di nakikilala ako.
Sa pangungusap na yaon
ni Hesus na Panginoon,
lumakad silang nagtuloy,
at tumawid naman doon
torrenteng batis ng Sedron.
Yaong batis ng torrente
ng Sedrong dito’y nasabi
umaagos na parati,
tubig na batis na yari
sa libis ng libete.
Nang makatawid na naman
si Hesus at mga kawal
ay sa isang halamanan
Hethsemani ang pangalan,
doon sila nagsitahan.
Doo’y ang Poong si Kristo
nangusap sa disipulo:
kayo, aniya’y dumito,
at mananalangin ako
sa Diyos, Haring totoo.
68
Tatlo ang ipinagsama
na siyang pinili niya,
si Pedro ang una-una,
si Diego ang ikalawa
at si Huan Ebanghelista.
Pumasok at nagtuluyan
sa loob ng halamanan,
wertong pananalangin,
doon nga’y naggunamgunam
tigib kadalamhatian.
Ay ano’y nang malayo na
sa ibang mga kasama,
sa tatlo’y ang ibinadya
Tristis est anima mea
Usque ad mortem aniya.
Kaluluwa ko’y may lumbay
dahilan sa pagkamatay
dito kayo ay maghintay
kaya mga kaulayaw,
at manalanging mataman.
Vigilate ay ang turing
kayo ay magpakagising,
et orate, manalangin,
ut non, ay karugtong din
intertis in tentationem.
Kayo’y nang huwag pasukan
ng tukso’t dilang kasamaan
na kinaliligaligan,
kaya nga’t ang katampatan
ay manalanging mataman.
Nang maipangusap yaon
Si possible est, ang sabi
lumayo at naparoon
sa di maabot ng pukol,
lumuhod at nag-orasyon.
Aniya at Pater mi
Si impossible est, ang sabi,
Ama kong makalawingi
ng kung baga mangyayari
Transeat a me Calix iste.
Ama ko, kung kalooban,
mangyaring iyong iliban
at huwag kong mainuman,
ang kalis ng kapaitan
na darating sa ktawan.
Datapuwa nga anakin,
ito man ay aking hiling,
ang loob ko’y di ko sundin,
kundi ang iyong loob din
siya kong tatalimahin.
Yaring aking kaluluwa
nahahanda sa lahat na
anong gagawin ko, Ama,
ang katawan ay balisa,
siyang tantong nangangamba.
Suko rin at sunod ako,
tumatalima sa iyo
ako’y walang anu-ano,
kalinga ko ring totoo
balang iyong ipaoo.
Ano ay nang maganap na
ang pananalangin niya
nagtindig kapagkaraka,
hinanap niya at kinita
ang tatlo niyang kasama.
Nang datna’y nagugupiling,
natutulog na mahimbing:
agad niyang ginising
binating pinakamagaling,
ito ang ipinaturing.
Aniya ay mga liyag
katoto ko at alagad,
dili kayo nakagagad,
sa akin nang pagpupuyat
kahima’t isang oras!
Kayo nga ay gumising na,
manalanging para-para,
sa akin kayo’y gumaya
nang hindi pasukin baga
ng tukso’t madlang pangamba.
Di naman lubhang nabalam
yaong Poong nalulumbay,
ang tatlo’y agad iniwan,
at nagbalik kapagkuwan
sa pinanalanginan.
Ang pananalangin una
ay inuulit sa Ama
tuloy ipinagbilin pa,
na kalingain tuwi na
69
ang Birheng kaniyang Ina.
At ang mga apostoles
na kasi niya at ibig
ipinagbiling masakit
nang di masira’t lumamig
puso nila sa pag-ibig.
Saka naman ang wika pa:
poon kong Diyos, aniya,
kung gayon ay di sasala,
ang kamatayan ko’t dusa,
ako ay tumatalima.
Datapuwa, Amang mahal,
hingi ko’y iyong tulutan
mangyaring huwag maliban,
masakop ang sangtinakpan
ng dugo ko sa katawan.
Doon sa panalangin
ni Hesus na maawain
ay nanaog namang tambing,
anghel na sa langit galing
at isang kalis ang hain.
Nangusap na kapagdaka:
Poon kong Diyos, aniya,
ikaw po ay narinig na,
niyong pa mang unang-una,
ng Poon kong iyong Ama.
At itong dala kong kalis
ang iinuman mong pilit
ng apdong sakdal ng pait,
na pirarayang tikis
ng taong lilo’t balawis.
Iyang mga alagad mo,
minamahal pong totoo,
kakalingain, Poon ko,
nang di madaig, matalo,
ng dilang masamang tukso.
Ang di niya maitulot
sa iyo’t ipagkaloob
yaong hingi mong masayod
ng dugo mo at masakop
ang tao sa Sangsinukob.
Sapagkat Pastor kang tunay
nitong mundong kabilugan,
ang obehang sino pa man,
kundi masok sa bakuran
hindi nga masasakupan.
Nang ito ay masabi na
ng anghel an embahada,
pumanaw na kapagdaka,
si Hesus ay iniwan na
sa pananalangin niya.
Dito sa winikang ito
ng anghel sa Nasareno
ang siyang ipinaglumo,
nangatal ang tanang buto
hinayang sa ibang tao.
Natigilan na ang puso
at hindi na nakakibo
pinawisan na ng dugo
dating pawis ang kahalo,
sa lupa ay tumutulo.
Trists est anima mea usque
Ed mortem.
Sa gunamgunam at sakit,
pagkamatay kong mapait,
at ang aking puso’t dibdib,
nahahabag na malabis
sa ibang taong bulisik.
Ang Pagdakip kay Hesukristo
Ng mga Hudyo
Siya nama’y nagwika pa:
Poon kong Diyos, aniya,
yamang ito’y loob mo na,
ako po’y tumatalima
ng pagkamatay sa dusa.
Sa manalanging matapos
itong ating Poong Diyos
pinagbalikang tibobos,
yaong tatlong disipulos:
nang datna’y nakatulog.
Ginising nang buong sinta:
bangon kayo mga oya
at wala na ngang balisa,
tulog ninyo ay sukat na
at darating na ang sigwa.
Bangon na kayo’t gumising
at ako ay inyong sundin,
70
heto na’t ako’y darakpin,
ng mga lilo’t suwail
na nagtatanim sa akin.
Halos di pa natatapos
ang pangungusap ni Hesus
dumating na ngang tibobos,
ang darakip na soldados,
eskribas at pariseos.
Heto na nga ang lahat na,
si Hudas ang nangunguna,
tampalasa’t palamara,
humahagos nang pagkita
sa Maestro’t Poong Ama.
Balutian ang katawan,
tao’y hindi magkamayaw,
para-parang sandatahan;
at may mga dalang ilaw
yaong mga tampalasan.
Kung si Hesus Nasareno
balitang bangis na tao
ay dapat magkaganito
ng ipagsamang soldado
at nang hindi makatakbo.
Siya ay korderong tunay
mahinhi’t hindi magaslaw;
inyo mang kinakaaway,
siya ay hindi lalaban
sa inyo at kanino man.
Ay ano’y nang malapit na
si Hudas kay Hesus baga,
binati kapagkaraka.
Quem quareitis, aniya
sinong inyong kinikita?
Ang tugon ng mga lilo
ay si Hesus Nasareno;
ang sagot ni Hesukristo,
Ego sum, ang hanap ninyo,
ako nga aniya’y ako.
Dito sa sagot na ilan
ni Hesus sa mga hunghang,
para parang nalunasan,
nangahapay natimbuwang
na anaki’y mga patay.
Ipinakilalang lubos
ni Hesus ang pagka-Diyos
kapangyarihang tibobos,
sa katagang isinagot
pawang nangawalang-loob.
At sapagkat talaga na
ni Hesus ang pagdurusa,
ay ang mga palamara,
pinagsaulan pagdaka,
mga karamdama’t potensia.
Magtindig na kapagkuwan
yaong mga tampalasan
tumingi’t nagnilaynilay,
at hindi nagunam-gunam
ang kanilang kinaratnan.
Ay ano’y nang mauli na,
loob nilang nangagikla
tinanong namang muli pa,
ni Hesus kung anong pita
at kung sinong hanap nila.
Ang tugon ng mga lilo
ay si Hesus Nasareno;
ang isinagot ni Kristo,
wika ko na nga sa inyo,
walang iba kundi ako.
Ako nga at dili iba,
Nasarenong inyong pita,
kuno ano ang iyong ola,
at nasa ninyong talaga
ako ay inyong dakpin na.
Datapuwa’t ang hingi ko
at inoola sa inyo
ay ang aking disipulo
na aking kasama rito
huwag anhin at ako Ko.
Nang matalastas ni Hudas
ang pagsagot na banayad,
nilapitan niya agad,
hinagkan niya’t niyakap
tumatawang parang uslak.
Lilindi-linding katawan,
para rin ng dating asal,
binato ng buong galang,
Ave Rabbi ang tinuran
Maestro kong minamahal.
71
Ani Hesus ay gayari:
Amice: ad quid enisti?
katoto ko’t aking kasi
anong layon mo ay gabi?
Magpanibago kang liksi.
Ang isinagot nang lilo
aba po aking Maestro
Panginoong kong totoo,
ang maginoo ay ano
ano ang gawa mo rito?
Ang isinagot sa kanya
katoto ko’t aking sinta
ang tanda mo’y halik pala
sa akin nang makilala
nang iyong mga kasama!
Niyong madulog ni Hudas
at si Hesus ay mayakap
nagsilapit naman agad,
ang soldadong mararahas
para parang nagsisunggab.
Ginapos at tinubungan
ang kaniyang mga kamay
at tuloy sinabunutan,
niyong mga tampalasan
linabnot na walang husay.
Nang mapanood ni Pedro
ang inasal sa Maestro
nagalit siyang totoo,
nagbantang mamook dito
sa nagsihuling soldado.
Binunot na kapagdaka
tabak niyang dala-dala
at tinaga yaong isang
na nalapit sa kaniya
naulipas ang tainga.
Dili ibat at si Malko
kasama ng mga lilo
sumunggab kay Hesukristo,
siyang tinabak sa ulo
ng matapang ng si Pedro.
Nang ito ay mapagmasdan
nitong Diyos na maalam
si Pedro’y agad sinaway
kaniyang pinangusapan
ito ang siyang tinuran.
Hayo’t isalong mo Pedro
iyang tabak sa kamay mo
huwag kang mamook dito,
na makamatay ng tao
papatayin ding totoo.
Pedro’y iyong tandaan
huwag mong kalilimutan
ang buhay ang naging utang,
daan namang katuwiran
buhay rin ang kabayaran.
Ano baga ang isip mo
kung tikis paadya ako,
sa aking Amang totoo,
may liwag bagang parito
Angeles mang limang libo?
Ng itong mundo’y gunawin
at ako’y biglang agawin
Pedro’y aking tiniis din,
at ng mangyaring sakupin
ang taong nagugupiling.
Hayo’t iyong iuli na
yaong kay Malkong tainga
sinunod kapagkaraka,
ni Pedro ang Maestro niya
gumaling at guminhawa.
Nangusap naman si Hesus
sa nagsihuling soldados
anong bagay aling buktot,
aling salaring puyapos
at ako’y inyong ginapos.
Sa mga hirap na ito
na pagduhagi kay Kristo
ay ang dalawang katoto
si Huan nga at si Pedro
bukod na hindi tumakbo.
At kanilang sinusundan
nang pag-uwi nga sa bayan
ano pa’t di malimutan,
at ala-alang matibay
itong Diyos na maalam.
Ang pagsunod ni San Huan
kay Hesus umaagapay
manong ito ay matingnan
niyong mga tampalasan
pinansin nila pagkuwan.
72
Ng kay Huan ngang makita
na darakpin naman siya
tumakbo kapagkaraka,
kumot niyang daladala
sa kabiglaa’y nakuha.
Ang Paghaharap ng mg Hudyo sa
ating Panginoong Hesukristo
Kay Anas
Ang pagsunod nga ni Pedro
sa huli ng mga hudyo,
kaya hindi napagsino,
niyong mga lilong tao
na nagsihuli kay Kristo.
Ano pa nga’t ilinakad
ang banal na Diyos Anak
may sumuntok may tumadyak
doon nila itinambad
sa bahay niyong si Anas.
Nang iharap na si Kristo
doon kay Anas na lilo
tuwa’y hindi mamagkano
niya’t sampung pariseo
kasapakat na totoo.
Kapgkaraka’y nangusap
kay Hesus yaong si Anas
ay aniya taong uslak,
nangasaan yaong lahat
Apostoles mong alagad?
Kundangan hindi totoo
mga liko ang aral mo
at pawa ngang hindi totoo,
nao’t pinag-iwan ka rito
ng lahat ng alagad mo.
Kabaitan ding mataas
ang naisipan ni Hudas
kasuyo mo at kasabwat
humiwalay rin at sukat
ng di sumama’t maghirap.
Katiwala mong magaling
sa hayag man at sa lihim
at iyong kasiping-siping,
ano’t siyang nabala rin
ng mga aral mong linsil?
Dito’y sukat mahalata
ang aral mo’y pawang daya
walang wasto’y masasama
kaya mo ito ginawa
ang tao ay nang masira.
Puno kang kapalaluan
mapagbagu-bagong aral
liko’t walang katuwiran,
iyong pinagdarayaan
ang mga tao sa bayan.
At ang buong akala mo
nasang ibigin nang tao
anyayaha’t iparuyo,
iniimbot mong totoo
ngalanan kang taong Santo.
Lalo ka pa bagang alam
kasantusa’t pagkabanal
kay Moises na isinaysay,
ng sa Diyos na kautusan
doon sa bundok ng Sinay.
At marami ang Propetas
na nagsabi’t nagpahayag
isinaysay at isinulat,
aral niyang maririlag
na aming natalastas.
Bago’y ang iyong inakit
kasama mong magsusulit
nang aral mong malulupit,
kababayan mo’t karatig
pinsa’t hinlog na malapit.
Tao kang hamak at mura
ano’t sasampalataya
kami sa iyong doktrina?
bakit hindi mangaral ka
bangaw na walang halaga?
Dito’y sukat mahalata
ang aral mo’y pawang daya
mga gawang wika-wika,
lahat ay ginagambala
nagwawala kang kamukha.
Malaki ring kamalian
ang lahat mong pangaral
hindi ka dapat sumuway,
73
at kami’y pagpalaluran
aba nanga’y napasaan!
Anong di ikakalag mo
ng pagkagapos mong ito?
at nang magkalutas tayo,
kung Mesias kang totoo
ngayo’y patotohanan mo.
Dito itong Poong Diyos
kataga ma’y di sumagot
si Anas agad na napoot,
sampung mga pariseos
pawang sumukal ang loob.
Nuli namang nagtatakap
ang tampalasang si Anas
aniya’y hayo’t ilakad,
ihatid nga kay Kaipas
iyang lilo at dulingas.
Siya nga ang naglalalang
ng masamang katipunan
kay Hesus, ay magparatang,
doon sila nagpipisan
at ang tanang punong bayan.
Ang pantas at marurunong
doroo’t nagpupulong
anang isa’t isa’y gayon,
para-parang tumututol
ang sumbong pinag-aayon.
Ano pa nga’t napapawa
doon yaong masasama
pariseong makuhila
nag-iisip naghahaka
nang dilang ipararaya.
Asal na di katuwiran
nitong mga tampalasan
ano pa nga’t pawang bintang,
niyong taong mga hunghang
kay Hesus na Poong mahal.
Hinila na nga ang lubid
niyong mga malulupit
kay Kaipas inihatid
asal ay kahapis-hapis
nitong Poong mapagtiis.
Nang magharap kay Kaipas
ang mahal na Diyos Anak
di na tinapos ang usap,
ang winika’y magpabukas
at sila’y nangapupuyat.
Doon na nga itinahan
sa maluwang na harapan
ng kay Kaipas na bahay,
sa haligi’y binayubay
ang dalawang paa’t kamay.
Nangaghiwa-hiwalay na
yaong mga palamara
at nagsauli kapagdaka
sa bahay nang isa’t isa
may bantay na pinatira.
Ang pagbibiro ng mga hudyo sa
ating Panginoong Hesukristo
Niyong gabing paglalamay
madlang biro’t pag-uuyam
niyong mga tampalasan,
pawang kapalibhasaan
dito kay Hesus na mahal.
Tinakpan na alipala
yaong mahal niyang mukha
panyong marumi at sira
niyong mga aliktiya
pagbalik din nilang pawa.
Inooroy ngani nila
ang pagtanga’y tambong isa
tanda yao’t pagkilala,
sa totoong Hari nila
bago’y tikis na pagmura.
Kunwa’y iginagalang
kanilang linuluhuran
ligira’t yuku-yukuan
tikis nilang kabuhungan
lubhang lapalibhasaan.
Isa at isa ngang hudyo
nagsisitampal kay Kristo
at linulurang totoo,
pagmura’y di mamagkano
tatanunging ngang ganito:
Aba tinuturang dati
74
Anak ng Diyos an mabuti
na walang di nagpupuri,
anyong dumuruhago,
Prophetiza nobis Christe.
Aba taong mapagdangal
mapagkunwa’y at maalam
wala namang karunungan,
kung tantong ikaw’y paham
manghula ka’t iyong turan.
Sa ami’y kung sinu-sino
ang nagsitampal sa iyo
kaya ngayon ay turan mo,
yamang ibinabantog mo,
Anak ng Diyos kang totoo?
Sa tanang mga pag-ayop
niyong mga lilong loob
ay itong Poong si Hesus,
walang imik walang kilos
at nagbabatang tibobos.
Ang aral na isinulat
ng isa ngang Santong hayag
ang sakit at madlang hirap,
dinalita nang Mesias
doon sa gabing magdamag.
Marami’t lubhang makapal
ang hindi naliliham
ng mga Propeta’t paham
bait isip nila’y kulang
sa sakit na di mabilang.
Nang iharap na si Kristo
sa hukom na kay Pilato
hindi maturang totoo,
dalitang di mamagkano
paraya ng mga lilo.
Ang tiniis niyang tampal
niyong gabing paglalamay
hindi masabi’t mabilang,
datapwa’t ang kasabihan
lakas na di ano lamang.
Dunggol na ipinatiis
niyong mga malulupit
sa matamis niyang bibig
ang mukhang kaibig-ibig
dila’y hindi maisulit.
At ang dagok sa katawan
sa balikat at likuran
at di bagay na ibilang
hindi nga sukat maturan
nino mang taong timtiman.
Sa hita at binti niya
dunggol sikad na dinala
na tiniis at binata,
di sukat maikalara
ng tao namang may sinta.
Hindi mamagkanong lura
ang pinatama sa mukha
may laway may kalaghala,
karumaldumal nang sama
mabahong hindi kawasa.
Iba’t iba pang pasakit
at hirap na di maisip
ng gabing yao’y tiniis,
ni Hesus, Hari ng Langit
dahil sa taong bulisik.
Oh gabing kapanlawpanlaw
lubhang kapait-paitan
Hesus ang iyong dinaanan,
pag-ayop karuhaginan
niyong mga tampalasan!
Hesus ang iyong tiniis
hirap na hindi maisip
sadyang Korderong linait,
tao, Angel, lupa’t Langit
ngayo’y nagsisipanginig.
Batis, ilog, karagatan
maging lubhang ikalumbay
ng tao’t ipanambitan,
di pa yata kasukatan
Hesus ang hirap mong iyan.
Poong Diyos na mapag-iwi
lumikha ng buong Orbe
ay tiniis mong sarili
pag-ayop pagduhagi
sa iyo ng taong imbi.
Alin kayang kaluluwa
Hesus ang di mabalisa
sa lubos na iyong sinta
pag-ayop madlang parusa
dahilan sa taong sala.
75
Kaya Diyos na maalam
Amang makapangyarihan
kami na iyong kinapal
magdalita’t kaawaan
sa Anak mo’y alang-alang.
A R A L
Oh taong mapagmabuti
at mapaghangad ng puri
aayaw maruruhagi,
sa loob mo ay iwaksi
kalupitan mong parati.
Alin ka ma’t kahit sino
mayroong loob na tao
panimdimin mong totoo
mga pag-ayop na ito
sa Poong kay Hesukristo.
Iyo ring ikabalisa
ang lahat mong gawang sala
at isipin mo tuwi na,
ang parusahan at hangga
ng tanang Anak ni Eba.
At madaling napaparam
ang ganda at kabutihan
walang likat gabi’t araw
malapit ang kamatayan
sa ating lupang katawan.
Ang kagandahang di palak
katawang dating malakas
ay huwag ding ipangahas
palibhasa’y lupang hamak
na madali ngang maagnas.
Lumulipad na totoo
ang pagkabuhay ng tao
ano pa nga’t parang aso
magdarayang alipato
kung saan ipatutungo.
Ito ngang hamak na bayan
huwag pagkatiwalaan
walang lumagi isa man,
papel ang siyang kabagay
kung mabasa’y matutunaw.
Ang maganda ay ingatan
ang kaluluwa mong iyan
marahil minsang mamatay
mahirap muling mabuhay
sa grasia ng Diyos na mahal.
Ang Pagtatuwa ni San Pedro
sa ating Panginoong
Hesukristo
Si San Pedro’t si San Huan
yaong buo niyang pinsan
ay dili rin humiwalay,
at nagmamasid ng bagay
baga man di dumaramay.
Dito rin sa gabing ito
yaong mga taong lilo
at nagsisiga sa patyo
nakipanalang si Pedro
sa ibang mga hudyo.
Manang siya’y ng makita
ng isang batang dalaga
dili buhi’t hamak na,
binati kapagkaraka
ito ang ipinagbadya:
Aniya ay maginoo
ikaw’y nakikilala ko
kasama-samang totoo,
nitong huli ngayong tao
na si Hesus Nasareno.
Sumagot na kapagkuwan
si Pedrong natitilihan
ang winika ay aywan
ako’y walang kamalay-malay
niyang wika mong tinuran.
Bunso ikaw’y namamali
ng pagsino mo’t pagbati
ano’t makakasangguni,
iya’y di ko kaurali
minsan ma’y di nakasanhi.
Pumanaw na kapagdaka
anyong naglilibang siya
may tao namang nakita,
nananalanging sa laguerta
na ginayahan nga niya.
Ang Apostol na si Pedro’y
nag-anyong hamak na tao
kunwa ay hindi katoto,
nang Poong si Hesukristo
ng di siya mapagsino.
76
Doon naman ay may isang
hudyo na kasiping niya
binati kapagkaraka,
dili ka baga kasama,
niyang taong nahahabla?
Ang isinagot ni Pedro
aywan ko po maginoo
na kung saan siya tao,
di do masabi sa iyo’t
walang malay-malay ako.
May isang nakamamalas
lalong nakatatalastas
nagwika at nagpahayag,
iyan ay isang alagad
Galileo kung mangusap.
Sa pagtanong na ikatlo
nagdalang takot si Pedro
nakalimot na totoo,
isinumpa na niya rito
ang pagtatuwa sa Maestro.
Pisanan aniya’t madurog
kung ako’y nakatalos
at kung ako’y nakaumpok
niyang taong nagagapos
magnilay kayong tibobos.
Oh Pedrong nagitlahanan
at budhing nahintakutan
bakit ka nagkaganiyan,
di mo na ginunamgunam
ang sinta niyang pautang?
Pedro ito’y ano baga
ano’t ikaw nabalisa?
aba soldadong masigla?
manilay at mag-isip ka
sa loob mong nag-iisa!
Sa gayong sabi at wika
ni Pedro nang pagtatuwa
sa Panginoong dakila
nagtilaok alipala,
mga sasabunging madla.
Ano pa’t nagkatotoo
yaong winika ni Kristo
sa halamanan kay Pedro
gabing yao’y makaitlo
tatatuwa at tatalo.
Dili ang wika mo naman
at pangako ngang matibay
sa Maestro’t Poong mahal
di mo siya papanawan
kahit iyong ikamatay?
Pedro at nasaan baga
ang iyong pangakong una?
ngayon ay tumatatuwa ka,
animoy di ka kasama
at di mo nakikilala?
Ano at iyong nilimot
itong maawaing Diyos
agad kang napahinuhod,
nabakla ka at natakot
sa mga lilong hudyos?
Bakit kaya’t nilimot mo
ang mapagpalang Maestro
na masintahin sa tao,
agad ka nang napatukso
sa tanong ng mga lilo?
Dili ito’y siyang nilit
hinugasan ka’t pinahid
tumanggi kang masakit
ang wika mo’y non lavabis
in aeternum mihi pedes.
Dili ang una mong puri
sa Maestro’t Poong kasi
ibinabati mong dati,
ng minsan kang magsabi
Tu es Filius Dei vivi.
Dili ka tinugon naman
nitong Maestrong maalam
Pedro ang iyong pangalan,
kung baga sa katuwiran
bato ka sa kaligtasan.
Ano ngayon at lumambot
Pedro iyang iyong loob
agad ka nang nanghilakbot,
at kusa kang tumalikod
sa Maestron mapagkupkop?
Dito ito’y ang nagpasilay
sa inyo nga si San Huan
77
lubos na kaluwalhatian,
ng mahal niyang katawan
sa Tabor na kabundukan?
Di doon ka natilihan
ibig mo nang huwag manaw
lumagi’t doon tumahan,
inaalok mo pa naman
gumawa ng tatlong bahay?
Tuwa mong walang kapara?
doon sa iyong nakita
pagkaluwalhati niya,
bakit ka ngayon nangamba
siya’y iyong iniba?
Iyang iyong pagtatuwa
Pedro’t pag-upasala
paglililo mong dakila,
huwag kang mag-alibugha
at sa iyo’y naaawa.
Ay ano nga’y sa mamasdan
nitong Diyos na maalam
ang kay Pedrong kabuhungan
pagtatuwa niyang tunay
ay lumingon kapagkuwan.
Tinitigan na si Pedro
nitong maamong Maestro
kahiya-hiyang totoo,
sintang hindi mamagkano
at hinayang sa katoto.
Para nang winika niya
niyong pagtitig ng mata
ay aba Pedro ay aba,
di mo ako nakikilala
ay nakikilala kita!
Kung ano ma’y itinalo
ngayo’y itintatuwa mo
at natakot kang totoo,
huwag kang mahiya Pedro
at tumawag sa Maestro.
Kita ay patatawarin
nang pagtatuwa mo sa akin
hayo’t ikaw ay manimdim
at iyong alalahanin
itong iyong gawang linsil.
Huwag kang magsalawahan
ng pagtawag mong matibay
dati mong naalaman
ang madla kong kaawaan
sa taong sino’t alin man.
At dating natanto mo
ang wikang awa sa tao
ay ikaw pa baga Pedro,
ay hindi kaawaan ko
kung tumawag kang totoo.
Ay aba huwag kang malis
ako’y iyong ikahapis
natatali kang masakit,
sa puso ko’t aking dibdib
na di ibig kong mapaknit.
Ako’y iyong iniiba
parang di mo kakilala
sa akin ay manalig ka,
ang Poon ko’t aking Ama
sa iyo’y magkakalara.
At naligaw ka man Pedro
sa ibang daan tumungo
muwi sa daang totoo,
ako ay siyang Pastor mo
na sumusunod sa iyo.
Ng si Pedro’y lumingon na
at si Hesus ay makita
na tinititigan siya
doon niya nakilala
ang nagawa niyang sala.
Doon niya nausisa
at kaniyang nahalata
kataksilan niyang gawa,
nalumbay na di kawasa
agad tumulo ang luha.
Kapagdaka ay umalis
sa isang ilang sumapit
tumahan sa isang yungib
sala niya’y itinangis
pinagsisihang masakit.
Gabi’t araw walang likat
nang pagtangis at pag-iyak
luha’y agos ang katulad,
kulang lamang ang mawalat
ang dibdib sa paghihirap.
78
Pinagninilay sa loob
ang kaniyang pagkalimot
dumagok at naghimutok,
luha sa mata’y nanagos
sa dibdib ay umaanod.
Diyata Panginoon ko
ako’y di naturang tao
Langit pa’y sukat tumampo
nitong aking paglililo
at pagsusukab sa iyo.
Ikaw ang Diyos kong mahal
at Maestro kong maalam
siya kong pinagliluhan,
itinatuwa kong tunay
at aba nang aking buhay!
Ay sa aba mo ngang aba,
Pedro ng uban mong madla
ngayon ikaw ay tumanda
ay wala ka ngang nagawa
kundi magpakasira!
Di mo na ginunam-gunam
ang lagay mo’t kababaan
ang Maetro mong maalam,
di mo na kinaawaan
at itinalo mong tunay.
Nabalatong kang tibobos
ang bait mo’t napanulos
kasakit-sakit sa loob,
ang iyo ngang pagtalikod
sa Poon mo’t iyong Diyos.
At saan ka patutungo
tatakbuhan kaya’y sino
sa kasalanan mong ito?
dili iba’t ang Maestro
ang siyang sinumpaan mo.
Ikaw pala ay may laan
talagang budhing mahalay
tikis at kusang pagsuway,
at malaking kaliluhan
sa Panginoong Maykapal.
Di ka pa pinipigipit
ay nagsumpang dakip
ay agad ka nang umalis,
sa dati mong pananalig
sa Maestro’t Poong ibig.
Ikaw ngayong ay paano
dapat kayang mabata mo
na isulyap mo sa Maestro,
dalawa mong matang lilo
di kumilalang totoo?
Magbago kang ala-ala
at lubos ka nang magtika
huwag miling magkasala,
at nang ibigin tuwi na
nang Poon mong mapaninta.
Ano panga’t itinangis
ni Pedro’t, ikinahapis
gawa niyang di matuwid
kaya nga’t ginanting bihis
nang Diyos, Hari ng Langit.
Ang Ikalawang paghaharap ng
mga Hudyo sa ating Panginoong
Hesukristo kay Kaipas
VIERNES SANTO
Ano’y nang kinabukasan
bagong sisikat ang araw
na nagbubukang liwayway,
nuli namang nagkapisan
yaong mga punong bayan.
Inisip at siniyasat
yaong sumbong sa Mesias
kaya nga’t ang mga uslak
nagpisan sa isang salas
na Senadrin ang pamagat.
Ng maganap na ngang pawa
doon yaong masasama
ay agad iniharap nga,
ka Kaipas na kuhila
ang Poong kaawa-awa.
Inuulit inu-ungkat
nang pariseos at eskribas
sigaw na lubhang malakas,
patayin nang walang liwag
itong taong mapangahas.
Nang iharap na si Kristo
doon sa taksil na tao
punong bayan ng hudyo,
ay nangusap na totoo
79
na ang wika y ganito.
Aba ito nga aniya
mapangaral sa lahat na
mapagsampalataya,
mapagmalikmata tuwi na
ang ugali’y iniiba.
Kapagdaka’y nagtatakap
kay Hesus yaong si Kaipas
ang kamay ay ikinumpas
sampung mata’y nandidilat
kagalita’y dili hamak.
Aba sukaban at lilo
dulingas at walang toto
walang katulad sa mundo
mapagpalalong totoo
ang ugali’y binabago!
Ikaw yaong nagbabantog
Hari at Anak ng Diyos
bago ay taksil na loob,
mapaglilo’t mapag-udyok
at mapagdayang tibobos.
Sumagot ka, kapagkuwan
sa lahat kong katanungan
ano bagang mga saysay,
ang iyong iniaaral
nakagugulo sa bayan.
Dito itong Poon natin
malubay na tunugom din
doon sa lilo at taksil
mga wikang magagaling
ang siyang ipinagturing.
Kailan nangaral ako
nang gawang hindi totoo
na kamailan aniyo
di nalilingid sa tao
ang tanang mga saysay ko.
Ang lahat kong mga aral
pawang mayron kahulugan
sa madlang tao sa bayan,
doon ako nagsasaysay
nang gawang katotohanan.
At ipinatatanaw ko
sa madla’t maraming tao
sa Sinagoga’t sa templo
sa kabulusang totoo
at sa mga bayan ninyo.
Ano pa’t wala munti man
gawa akong kamalian
walang di nakaalam
ng akin ngang pangangaral
na pagkakaginhawahan.
Ito’y gawa lamang tikis
ninyo’t ako’y binabalik
aral ko’y pawing matuwid
na di ko inililingid
sa bawat nagsisilapit.
Sila ang tanungin ninyo
nakikinig ng aral ko
at siyang sasaksihin ko,
kung baga’t hindi totoo
ang aking aral sa tao.
Nang ito ay maisagot
nitong ating Poon Diyos
isang hudyo ay napoot,
sa kasukalan ng loob
tinampal niya si Hesus.
Agad niyang dinumihan
ang mukhang kagalang-galang
bago’y pinanginginigan
nang buong Sangkalangitan
at hindi na nagpitagan.
Niyong matampal si Kristo
nang malupit na si Malko
sa kagalitang totoo,
nangusap pa itong lilo
aniya’y ulol na tao.
Ikaw bagay aling pantas
na nagpalalong nangusap
tugon mo’y lubhang mataas,
at kapalaluang lahat
sa punong iyong kaharap.
Bago’y ang kaugalian
nang sino mang mamamayan
umaayon sa may halal,
sa matuwid o dili man
bigay puri’t nang kalugdan.
Sa mga inasal ngani
nitong malupit na budhi
di man siya kasangguni
80
ay nagalit nga kunwari
nanampal na di nangimi.
Di na niya pinagnilay
kung sala o katuwiran
ang inimbot niya’y galang
nang purihi’t katuwaan
nang kapuwa tampalasan.
Oh Malkong nag-upasala
taong imbi’t walang diwa
ano ang iyong ginawa?
ang walang salang galisa
tinampal mo alipala.
Itong Korderong banayad
nagtiis siya’t nangusap
sa tumampal na dulingas
tugon na kahabag-habag
luha ay halos malaglag.
Kung ang tugon ko’y lisya
at ang sabi ko’y masama
kung nagagugulong pawa,
hayo’t iyong ibabala
at ako’y patatalo nga.
Datapuwa’t kung totoo
ako’y walang salang tao
ano’t ako’y tinampal mo
dili kaululan ito
kapusungang ginawa mo?
Bagaman ngani sumagot
itong ating Poong Diyos
kay Malkong taksil sa loob,
dinalita ring tibobos
ang kamuraha’t pag-ayop.
Sa paghaharap na ito
nang eskriba’t pariseo
may nagbuhat na totoo,
saksing dalawang katao
katiyap nang mga lilo.
Kami’y pakinggan mo ngayon
nang Pontipising marunong
nitong aming isusumbong
gawang sala’t pamumusong
nitong si Hesus na buhong.
Iyan nga ang nangungusap
ang Simbaha’y iwawalat
kung masira at mabuwag
iuuli ngang ilapat
sa tatlong araw na ganap.
Ani Kaipas na hunghang
ay aniya tampalasan
di mo baga napakinggan,
itong lahat na isinaysay
gawa mong kapalaluan?
Ano’t hindi ka tumugon
at ngayon’y makipagtutol
sigaw ng sala mo ngayon?
sa aba mong taong buhong
kung totoo itong sumbong.
Nagtindig kapagkaraka
pinapanglisk ang mata
ay walang bait aniya
bakit hindi ka magbadya?
tumugon sa naghahabla?
Aking sinaksi naman
ang Diyos sa kalangitan
aniya’y iyong isigaw,
kung totoo ngang ikaw
Anak nang Diyos na tunay.
Ang sagot ni Hesukristo
iyan din mga wika mo
nasnaw diyan sa bibig mo
ay siyang nganing totoo
na diko itinatalo.
Kaya di ako magsasaysay
sa iyo nang ano pa man
mga aking karapatan,
di mo paniniwalaan
at lalo kang mababalam.
Nang matanto mo’t matalos
sasabihin kong tibobos
ito ring Anak ng Diyos
balang araw’y mananaog
titingnan ang Sangsinukob.
Tatahan sa alapaap
puting lalo at busilak
sa kanan nang Amang liyag,
magluluklukan nang dilag
siyang huhukom sa lahat.
Ay ano’y nang mailagda
81
ni Hesus ang gayong wika
ay napoot alipala,
si Kaipas na kuhila
agad namulang mukha.
Ang paa ay itinadyak
sampu ng kamay ikinumpas
at ang mata’y pinandilat
galit ay di hamak-hamak
puso niya’y nag-aalab.
Nangusap nang gahasa
ito’y sukat batihin kaya
anong hahanapin pa nga,
saksi na sukat manumpa
siya niyang nawiwika?
Ngayon din sa aking harap
nagpapalalong mangusap
bukang bibig na dulingas,
at kabulaanang lahat
tayong tao’y hinahamak.
Doon pa kung nasaluwal
sa taong hamak na lamang
doon pa kaya di magmahal,
kaya nga’t dapat hatulan
dusang dapat ikamatay.
Ay aba ginoong pawa
anitong lilong matanda
anong inyong mga banta,
hatol na ipakakana
sa gayong pangunguhila?
Sumagot kapagkaraka
yaong hudyong lahat na
Reus est mortes anila,
patayin nga ang maganda
iyang taong palamara.
Tantong siya’y tampalasan
baliw at taong bulaan
na mapagbanal-banalan
patayin na kapagkuwan
iyang taong bungangaan.
Napa oo si Kaipas
hayo’t anila’y ilakad
kay Pilato ay iharap
nang sisihin niyang agad
iyang taong mapangahas.
Inilakad na nga rito
ang Poong si Hesukristo
na halos itinakbo,
ng mga lilong soldado
pawang kampon ng demonyo.
Ang Pagpapatiwakal ni Hudas
na di umasang ipatatawad
ng kanyang kasalanan
Ay ano nga’y ng Makita
ni Hudas na palamara
ang pag-ayop at magmura,
pag-alipusta tuwi na
sa Maestro’t Poong Ama.
Siya nga’y nagbulay-bulay
ang loob niya’y malumbay
ang ala-alang matibay
ng budhing sumalawahan
sa nagawang kasalanan.
Na ang winika’y ganito:
masama nganing totoo
itong salang nagawa ko,
ang Poon ko at Maestro
siya kong ipinagduro.
Ang maganda ngayon ngani
magbalik akong madali
at agad kong isauli,
ang pinagbilhang salapi
sa Maestro’t Poong Hari.
Naparoon kapagkuwan
sa maraming napipisan
sa mga pinunong bayan,
ang salapi’y dala’t taglay
ito ang siyang tinuran.
Oh lahat na maginoo
punong bayang nangarito
namali akong totoo
ang dugo ng taong Santo’y
siya kong ipinagduro.
Tantong ako’y namali nga
lihis ang aking nagawa
ngayon nga ang aking wika
ay kalagan alipala
ang Maestro kong dakila.
82
Ang salapi’t eskritura
narito at inyong kuha
labas ako sa lahat na,
inyong kalagan dali na
ang Diyos ko’t aking sinta.
Nagsisisi yaring budhi
at ako ay nagkamali
ano’t ipagbayad ngani
nang tatlumpong salapi
ang Diyos at Poong Hari?
Dili na tinanggap ako
ako’y tatawad magbago
nitong aking paglililo,
upang maging dapat ako
maging kampon at katoto.
Sumagot kapagkaraka
ang pariseong lahat na
kami’y umaalok baga
ikaw ay magnilay muna
kung umuling gumawa ka.
Hudas manaw ka na rito
wala nang daang totoo
di nga papayag sa iyo,
sino man sa amin dito
ano man ang karatnan mo.
Tayo ay nagkalutas na
sa nayaring eskritura
pilak ay iyong kinuha,
ngayon ay amin na siya
wala nang magagawa ka.
Hayo na’t ikaw ay manaw
gawin na ang kalooban
kami’y dili bata naman
na iyong paglalaruan
pa oo’t saka pa aayaw.
Ay ano’y sa marinig na
ni Hudas na palamara
yaong tugon sa kaniya
loob agad nabalisa
sa awa’y hindi umasa.
Nais na’t agad pumanaw
itong si Hudas na banday
at nagtuloy kapagkuwan
sa pinto niyong Simbahan
ang salapi’y dala’t taglay.
Ibinulagsak pagdaka
ang salapi niyang dala
aanhin ko pa aniya,
ako’y hindi tatawad na
dito sa nagawang sala.
Kahit aking pagsisihan
nagawa kong kasalanan
di na ako pakikinggan
kaya nga ang katampatan
ako ay magpatiwakal.
Alipala’y nagtumanan
sa tabi’y luwal ng bayan
sa isang kahoy dumuklay,
liig niya’y tinalian
nagbigti’t nagpakamatay.
Ay ano’y nang magkagayon
itong taksil na Apostol
nagsidagit naman doon
sari-saring mga ibon
demonyo ang nagsikaon.
Ang kaniyang kaluluwa
sa impierno ay dinala
ginagatungan tuwi na
walang katapusang hangga
ang kaniyang pagdurusa.
Nang matanto’t matalastas
ng pariseos eskribas
salaping tapon ni Hudas
silang lahat ay nag-usap
kung anong gagawin dapat.
Tantong lihis na totoo
anila at dili toto
na itong salaping ito,
ihalo’t ihalobilo
sa kayamanan sa templo.
Ito ay bili at bayad
sa dugo ng Diyos Anak
kaya ngayon ay ang dapat
ating isiping banayad
kung ano ang nararapat.
Pinagkayariang haka
niyong mga aliktiya
ating ibili ang wika,
83
ng isang mahal na lupa
nang iginhawa ng madla.
Kung sakaling may parito
ibang bayang mga tao
dumalaw sa ating Templo,
kung mamatay na totoo
maging libingan na ito.
Dito na ngani naganap
ang hula ni Sakarias
na ang mahal na Mesias
ipagbibiling di hamak
sa halagang di katapat.
At ang salapi ring ito
naging halaga ni Kristo
ay ibibiling totoo
ng mga lilong hudyo
lupa ng isang olyero.
Lupang yao’y siya lamang
binili ng mga hunghang
isinadya inilaan
sa sino mang magsidalaw
Aseldama ang pangalan.
A R A L
Kristianong makasalanan
mag-isip ka at magnilay
sa loob at gunam-gunam
kung magsisi’y tuluyan
huwag paimbabaw lamang.
Si Kain lilo at sukab
si Antiokong dulingas
nagsising para ni Hudas,
kaya nga at nangasadlak
sa kalang totoong ningas.
Sa awa’t miserkordia
ng Diyos na Poong Ama
sila ay hindi umasa,
kaya nga’t hindi nagtika
sa kanilang gawang sala.
Pawa rin nilang natamo
hirap sakit sa impierno,
ginagatungang totoo,
at mga lilong demonyo
kanilang kasalo-salo.
Kaya taong binyagan
umasa ka nang matibay,
na ang iyong kasalanan,
kung totoong pagsisihan
patatawarin pagkuwan.
Kahit lubhang malaki
nakatatakot masabi
na di mabilang nang dami
kung tumawad at magsisi
patatawaring mabuti.
Kaugalian tuwi na
nang Diyos na Poong Ama
kung tumawag ka sa kaniya
pakikinggan kapagdaka
ang sino mang palamara.
Sa Hustisiang kabagsikan
lumalo ang kaawaan
siya ma’y pagkasalanan
kung magsisi mang matibay
kaniyang kaawaan.
Maalam siyang talaga’t
dati naman wika niya
sa kay Ezekiel nang una,
di ibig mapalamara
ang taong nilikha niya.
Kahima’t salang puyapos
kung nagbabalik ang loob
at tumatawag sa Diyos
pangako niyang tibobos
patatawarin din lubos.
Lalo na nga kung magtika
ipagkumpisal ang sala
sumunod at tumalima,
sa ibinigay na parusa
nang kahalili nga niya.
Paglilimos, pangangadi
paghahampas niya ngani
at kung may ipasasauli
ano mang bagay at uri
ay ganapin dalidali.
Kung ito ay maganap na
masusunod na para-para
sukat na namang umasa,
masasaulan nang grasia
ang kaniyang kaluluwa.
Diyos ay hindi mapagtanim
84
dili taong para natin
bulinyanang makaangil,
dili na batibatiin
ang bala pa ay patayin.
Sa David bunying propeta
di baga maraming sala!
nang magsisi at magtika
ay binihis nga ng grasia
ang kaniyang kaluluwa.
At gayon din si San Pedro
nang tumatawa sa Maestro
pinatawad ngang totoo,
dinating din at natamo
ang tuwa sa Paraiso.
At si Magdalena naman
di baga makasalanan
gayong sala nang tangisan,
pinagpalang di naliban
nitong Diyos na maalam.
Marami at makapal nga
sa mundo’y nagsisigala
mga taong masasama
nang mangagsising mistula
ay naging santong dakila.
Kaya taong bininyagan
kung sino ka at alin man
itong iyong napakinggan
itanim sa gunam-gunam
at huwag malilimutan.
Sa Diyos ikaw umasa
at maawain talaga
kung ikaw ma’y nagkasala
agad ka naming magtika
nang kaawaan ka Niya.
At kaya Siya nagtiis
ng di mamagkanong sakit
nang ikaw ay huwag manganib
kung mamali ka malihis
sa mga gawang matuwid.
Ang Paghahatid ng mga
Hudyo kay Pilato sa Ating
Panginoong Hesukristo
Ito lamang at wala na
sukat kong masabing iba
makayuyuta nang sala,
kung totoong pagtitika
ang kakamtan ay ang Gloria.
Sa pagtupad nang hudyo
sa kay Kaipas na lilo
inilakad na si Kristo,
ihaharap kay Pilato
ng parusang totoo.
Hinila na nga ang lubid
na natatali sa liig
pagmura ay walang patid,
niyong mga malulupit
dito sa Poong marikit.
Marami ang sumusunod
eskribas at pariseos
at mga hunghang na loob,
mga kaaway ring puspos
nitong maawaing Diyos.
Nang dumating na’t maharap
kay Pilato ang Mesias
tumutol ang mga uslak,
anila ay taong hamak
Kristo ang siyang pamagat.
Nagpapanggap haring lubos
nang kalahatang hudyos
nakagugulong tibobos,
madlang tao’y iniuudyok
siya raw’y anak ng Diyos.
At ang mga aral niya
masama’t walang halaga
binabangaw ang lahat na,
at mapagsuway tuwina
sa hari nating maganda.
Alin man sa salang ito
na aming sumbong sa iyo
katampatan ding totoo,
na siya’y ipapatay mo
nang hindi nakagugulo.
At kaya namin dinala
sa harap mo’y nang makita
ugali natin lahat na,
patayin bawa’t may sala
iutos mo’t ng gawin na.
85
Si Pilato’y sumagot din
sa sumbong ng mga taksil
ito man’y ugali natin,
ang may sala ay patayin
magnilay kayong magaling.
Sukat na ang inyong bagsik
na di mamagkanong galit
hindi ko minamatuwid
patayin at bigyang sakit
iyang taon walang imik.
Nagikla nang mga hudyo
sa winika ni Pilato
tumutol silang nagbago
ano’t di pa ayunan mo
kaming naghabla sa iyo?
At kaming nagkakapisan
dito sa inyong harapan
ginoo’t pinunong bayan,
di mo papaniwalaan
sa mga sumbong na tanan.
Kaming naghahabla rito
di sinungaling na tao
mayayama’t maginoo,
huwag ng panimdimin mo
hatulan mo nang totoo.
Si Pilato ay nagsulit
Oo, di ko inaalis,
kayo’y taong mababait,
ano’t bibigyan kong sakit
ang walang salang gahanip?
Di ko muna hahatulan
ako muna’y magninilay
tutol niya’y pakikinggan
kung sala ay parurusahan
at kung dili ay kalagan.
Ito kaya ay maganda
paraya ninyong lahat na
bakit may tali na siya
parang totoong may sala
inaayop minumura?
Aling hukon ang may halal
at inyo nang tinalian
iyang taong malumanay
abgo ito’y salang tunay
sa romanong kautusan.
Aniyo’y kayo’y ginoo
at mga mahal na tao
bakit kaya at ganito?
sinong may utos sa inyo
na dakpin at dalhin dito?
Ano kayang mga usap
ang inyong ipararapat
dito sa taong banayad?
at and inyo pang hinagap
ang patayin ko at sukat.
Sa buo kong pagmamasid
hinagap nang aking isip
kayo ay nagkakagalit
nagtatanim na masakit
dito sa taong may bait.
Tingni’t walang anu-ano
walang kibo-kibong tao
kahit inyong tinatalo
loob na hindi magaso
walang imik na totoo.
Anang mga tampalasan
kami anila ay banal
at sa Diyos ay magalang,
kundangan katotohanan
ano’t kami’y magbibintang.
Kami’y walang salagimsim
tungkol budhing pagtatanim
ang matuwid ay siya rin,
pumipilit din sa amin
dapat ngang siya’y patayin.
Ang winika ni Pilato
dili pahahamakin ko
kung walang saksing totoo,
kayong nangaghabla rito
sa sala nang abang tao.
Dili sanay kapagdaka
sa kangino mang hustisia
na huwag magpalamara,
humatol sa naghahabla
kundi may saksing makita.
At ng doon nga matatap
ang katotohanang ganap
kung matuwid o kung linsad
ang hatol na igagawad
86
sa kangino man may usap.
Mga mahal na ginoo
ay magnilay muna kayo
walang maalaman ako,
salang ihatol sa tao
banal siya’t taong Santo.
Dito nga napatigagal
yaong mga tampalasan
di namin dadalhin naman,
anila sa iyong dangal
kung hindi makasalanan.
Ani Pilato ay ano
mga gawang hindi tuto
nitog dukha bang tao?
saysayi’t pakinggan ko
usap na pagkatotoo.
Nang ito ay mapakinggan
niyong mga tampalasan
nagtitindig kapagkuwan
oo po aming tuturan
ang kaniyang kasalanan.
Ang kanilang inihabla
ay tatlong bagay na sala
pinagpisa’t pinagsama,
ang sumbong ay pinag-isa
nang walang magparirala.
Itong taong solopika
ay mapagbanal kunwa
sa baya’y makasisira,
ang tao’y ginagambala
nang aral niyang masama.
Iba sa aral at sulit
sa mulang aral ni Moises
yaon daw ay pawang lihis,
at ang liko niyang isip
ang siyang minamatuwid.
Marami na at makapal
ang taong pinangaralan
naniniwalang matibay,
dito sa taong bulaan
hanggang Balileang bayan.
Siya na ang sinunod
nang taong mahinang loob
ang balang bayang mapasok,
ay napapawing tibobos
ang pananalig sa Diyos.
Ang isa pang kataksilan
nitong taong tampalasan
sinasapakat ang tanan,
na huwag muis kay Cesar
malaking kapalaluan!
Kami’y mayayamang lahat
sumusunod tumutupad
sa hari naming mataas,
saka bukod iyang tunggak
magtataksil na mangusap.
Siya raw ay haring tambing
sa buong bayang Israel
ano pa’t hinihilahil
nitong lilo’t sinungaling
mga tao’y hinahaling.
Isa pang kabulaan
na sinasabi sa tanan
di umano ay siya raw,
Mesias na hinihintay
laking kasinungalingan.
Bago’y ang sabi at badya
ni Isaias na Propeta
kung ito’y dumating na,
walang makikilala’t
malayo ang hinlog niya.
Amin ding naalaman
ang dugong pinagbuhatan
si Hosep ang ama naman,
ang ina niya’t magulang
ay si Maria ang pangalan.
Tanto rin naming lahat na
bayang tinubuan niya
ito ay taga Galilea,
taong dukha at hamak na
nakisunod na talaga.
Ano pa at ang magulang
isang Anluwagi lamang
walang puri’t walang yaman,
mahirap ang pamumuhay
walang aring iningatan.
Walang iba kundi ito
asal niya’t pagkatao
87
nguni’t kung itatanong mo
na kung may pagkamaginoo?
ay walang-walang totoo.
Ano’t siya’y nababansag
ng pagdating ng Mesias?
dili na sa aming lahat,
ang kasaysayan at sulat
nang tanang mga Propetas?
At amin ngang natanto rin
ang pagparito’t pagdating
Mesias na hintay namin
saka iyang sinungaling
magpapanggap na magturing.
Nalalamang walang sala
sa Sagrada Eskritura
kung ito ay dumating na
madlang tanda’y nakikita
na sukat ikakilala.
Saka iyang taong lilo
siyang mangangaral dito
madlang gawa’y dili tuto
walng halagang gaano
palibhasa’y maglililo.
Oo ng ngani baga man
sukat sampalatayanan
na siya ay isang paham,
walang Propetang sumilang
kung sa Galileang bayan.
Binuklat naming lahat na
tanang mga eskritura
hinanap na isa-isa,
kami’y wala ring Makita
na sukat makapagbadya.
Ito pa kayang bulaan
ay ang sukat makaalam
bago’y wala kamunti man,
dunong na pinag-aralan
kundi pawang kaululan.
Ay ano’y ng mapakinggan
ni Pilatong punong bayan
tinawag niyang marahan,
itong Korderong maalam
at tinanong na malubay.
Tanto nga bagang ikaw rin
Hari ng hudyong tambing
ani Hesus na butihin,
oo tapat iyang turing
ng pagtatanong mo sa akin.
Si Pilato’y nanggilalas
tumanong pa at nangusap
loob nang di umalapaap
kung ano ang maging dapat
baka siya’y mahikayat.
Kung gayon ani Pilato
ano’t nangaghabla rito
itong tanang kaaway mo,
ang hiling nilang totoo
ikaw ay ipapatay ko?
Kung baga katotohanan
pagsalita’t iyong turan
yaing aking katanungan,
yamamg gentil ako naman
sila’y di ko kababayan.
Ano bagang iyong lagay
tao o Diyos na tunay?
at saan ang iyong bayan?
anong iyong kalagayan
dugo ka bagang malinaw.
Kung baga ikaw’y Hari nga
ang mga hudyong madla
turan mo at ibalita,
di mo naman ikasira
at ako na ang bahala.
Ang sagot ni Kristong mahal
dili ako taong tunay
dito sa hamak na bayan
at ang aking kaharian
sa Langit na kataasan.
Kahit ako’y Anak dito
sa lupang bayan di toto
ay sa Langit na Imperio,
doon na lalong lakas ko
kapangyarihang totoo.
Marami man at makapal
ang habla nila at bintang
mga katha katha lamang,
at mano aking hatulan
ang bagsik mo pa’y alangan.
88
Si Pilato’y sumagot pa
kung gayo’y hindi sasala
na totoo ngang Hari ka,
iyo lamang binabata
itong pag-ayop pagmura.
Ani Hesus na maalam
oo ako’y Haring tunay
tapat iyang iyong saysay,
at diwa’y ang kalangitan
nuka sa bibig mong iyan.
Nguni’t ang iyong isipin
sa lahat kong mga aral
ngayo’t pagmalasmalasin
ako’y kaya nanaog din,
na napaanak na tambing.
Ako’y siyang magsasaysay
ng tapat na katuwiran
ang makinig na sinuman,
sa isang babaing Birhen
ginhawa’y siyang kakamtan.
Natilihan si Pilato
loob ay agad nagulo
ano baga aniya ito,
wika mo baga’y totoo?
walang malay-malay ako.
Maanong iyang sabihin
at ako’y iyong tapatin
ng katotohanang tambing
ng akin ring mapaglining
ang mga sabi mo’t turing.
Nang anyong tutugunin pa
ni Hesus ang tanong niya
lumingon at humarap na,
sa tanang nangaghahabla
at nangusap kapagdaka.
Aniya’y mga ginoo
walang matutuhan ako
salang dahilang totoo,
ihatol dito sa tao
siya’y banal na masid ko.
Nangalumbay at nagulo
ang mga lilong hudyo
tumutol silang nagbago
ano’t di pa hatulan mo
iyang malupit na tao?
Sa hindi mayag munti man
si Pilatong punong bayan
na si Hesus ay hatulan,
ang loob ay salawahan
sumisi sa taong banal.
Dito’y ang mga hudyo
sumagot sa kay Pilato
at nagwika nang ganito,
madali nang hatulan mo
iyang malupit na tao.
Totoo anilang tunay
kuhila’t maraya iyan
pangahas at tampalasan,
taong hamak at bulaan
nakagugulo sa bayan.
Baka ka ginagayuma
huwag ka ring mababakla
iya’y dating ganiyan na,
mapagmukhang aba siya
ng turang banal tuwi na.
Ang maganda’t katuwiran
nang madala’y parusahan
siyang pagkahalimbawaan
nang kapuwa tampalasan
na gumagala sa bayan.
Ano pa’t gulong tibobos,
ang sa taong mga loob
kaniyang nilalamuyot,
na huwag mangasisunod
sa aming hatol at utos.
Bago’y dili taong tunay
dito iyan taong iyan
at iba ang tinubuan,
bayang munti’t hamak lamang
sa Galileang hukuman.
Kundangan kaming ginoo
nasasansala ang lilo
halos lupigin na tayo,
tipunin ang madlang tao
na siyang dumigma rito.
Ito’y hindi ipapatay
sisirain tayong tanan
di bakit si Hudas naman,
Galileong tampalasan
na kaniyang kababayan.
89
At tayo ng di masira
nang gayong pangunguhila
iyong ipapatay na nga
gayunin mo alipala
iyang taong solopika.
Nang marinig ni Pilato
na sambiting Galileo
natuwa siyang totoo,
may nakitang daan dito
ng di paghatol kay Kristo.
Nangusap na kapagkuwan
ito ang siyang tinuran
katoto ko’t kaibigan,
Galileo pala ikaw
Nasaret ang iyong bayan.
Ang tugon ni Hesukristo
sa hukom na kay Pilato
oo, doon ako tao,
guminhawa si Pilato
loob niyang nagugulo.
Lumingon na kapagkuwan
sa mga pinunong bayan
ito ang kaniyang tinuran,
ay aniya nga tanan
di ko pala kampon iyan.
Si Herodes at di iba
ang Hari sa Galilea
sa usapin ninyong sadya
siyang dapat kumilala
nang katuwirang lahat na.
Hayo na’t inyong ihatid
sa hari niyang Herodes
siyang bahalang mag-isip,
nang katampatang matuwid
sa iparurusang sakit.
Nang iharap ng mga Hudyo ang
ating Panginoon Hesukristo
Sa Haring Herodes
Nang marinig itong wika
niyong mga alitikya
galit na hindi kawasa,
hinila na alipala
ang Poong kaawa-awa.
Dinala na nga si Hesus
niyong mga balakiyot
at di kinalag ang gapos
kasama ri’t sumusunod
eskribas at pariseos.
Sa panahong yaon naman
si Herodes na sukaban
sa Herusalem dumalaw
at nakipagpiesta lamang
sa pagkapasko ngang araw.
Ang kay San Lukas na wika
sa Ebangheliong dakila
nang si Hesus iharap nga,
dito sa haring kuhila
tuwa raw ay dikawasa.
Kaya natuwa ang loob
niyong haring balakiyot
ibig niyang mapanood,
madlang himalang tibobos
na ginagawa ni Hesus.
Kamalian ding totoo
ang inasal ni Pilato
sa pagbitaw niyang ito,
at dipa nilutas dito
ang usap ni Hesukristo.
Ay bago’y may kabagsikan
ganap na kapangyarihan
pumatay o bumuhay man,
di pa niya hinatulan,
talastas na niyang banal.
Kaniyang itinaboy pa
sa pusong at palamara
na umagaw nang asawa,
nang kapatid at nugot pa
ulong mahal ni Bautista.
Nang maharap sa lanuwang
itong Diyos na maalam
kahapis-hapis ang asal
ang liig sampu ng kamay
natataliang matibay.
Nang makita ni Herodes
asal na kahapis-hapis
kapagdaka ay nagalit,
90
ipinakalag ang lubid
sa kamay sampu ng sa liig.
Nagbulas at ginasaan
ang mga hudyong tanan
kayo’y walang pakundangan
ano’t hinahamak lamang
ang isang taon maalam?
Nagkorona at nagsetro
nupo sa kaniyang trono
nang siya’y maniig dito,
at nang makitang totoo
anumang gawin ni Kristo.
At ano’y ng maluklok na
sa mataas niyang silya
nangusap kapagkaraka
salamat Hesus aniya
laong kitang pinipita.
Ikaw nga ang bukod lamang
aking pinagnanasaan
na makita at matingnan
salamat na walang hanggan
ngayo’y aking napalaran.
Nang matuwa ang loob ko
ngayon sa oras na ito
ako’y pagpakitaan mo,
mga himalang totoo
na iyong gawa sa tao.
At kung baga iyong dinggin
ang pita ko’y madlang hiling
kita ay pagpapalain,
sa balang iyong ibigin
dili kita susuwayin.
Ibibigay kong totoo
at pakakamtan sa iyo
kalahati nang yaman ko,
pinaghaharian dito
ngayo’y iyong matatamo.
Ang pangako ko pang isa
sa iyo’y kung tumalima
matalo ma’t maapi ka,
nang iyong mga kahabla
di ka mapapalamara.
Sa pagtupad na totoo
nitong madlang pangako ko
aking sinasabi itong,
korona ko’t sampung setro
ikaw ay di maano.
Ano at di ka mangusap
hingi ko baga’y maliwag
gawa mo raw na madalas,
at dito’y napapahayag
bulag may pinadidilat?
At ang mga namamatay
na ibabaon na lamang
malibing mang ilang araw,
kapag iyong kalooban
kapagdaka’y nabubuhay.
At ang mga binging lahat
piping di makapangusap
pilay na di makalakad,
kung ibigin mo ay kagyat
gumagaling silang lahat.
Ang naghihirap na tanan
totoong inaalihan
ng demonyo sa katawan,
kapag iyong binasbasan
gumagaling kapagkuwan.
Madalas ka ring tibobos
na nagpalakad sa laot
ang sigwa at mga unos
kapag daw iyong niloob
agad mong pinauuntos.
Madla pa at ilang bagay
na aking napapakinggan
aliw ka nang kalumbayan
si Solomong haring mahal
daig mo sa karunungan.
Ay maanong kahit isa
nitong sabi kong lahat na
gawa mong kataka-taka
dito ikaw’y magpakita
ako’y siyang bahala na.
Dili ikaw ngang totoo
ang bantog sa buong mundo
na sinamba niyong tatlo,
haring pamagat ay Mago
na nagsidalaw sa iyo.
Ikaw ang pinagpilitan
91
hanapin ng unang araw
ng ama ko at magulang,
ang madlang sanggol sa bayan
kaniyang pinapugutan.
Wala ri’t di ka nakita
ng poon ko’t aking ama
ikaw nama’t dili iba,
pinsang buo ni Bautista
na pinapugutan niya.
Ano at di ka sumagot
sa pita ko aking irog?
gagantihin kong tibobos
ang lahat mong ibigay loob
aba kung ako’y mapoot.
Bakit di ka magsaysay
sa akin ng ano pa man
alalaong baga bilang,
si Samson siyang kabagay
na Pusong nang natalian?
Sa mabidbid ang katawan
nang lubid na matitibay
malakas dating matapang,
humina’t tuloy naglubay
dinaig ng hamak lamang.
Ikaw rin at dili iba
ang kawangis at kapara
bait mo’t tapang na sadya,
nangawalang para-para
nang anyong matalian ka.
Nang di kumibo’t umimik
itong Poong mapagtiis
ay napoot si Herodes,
agad sumukal ang dibdib
kapagdaka ay nagalit.
Ito and aking pinita
pinupulo kong laon na
ang isip ko’y banal siya,
bago’y taong ulol pala,
di marunong kumilala.
Saka nagwika ang lilo
sa nangagdalang soldado
hayo na anya hayo,
ibalik na kay Pilato
itong tulingag na tao.
Inaring ulol na ngani
pinaramtan nang maputi
biniro at inaglahi,
niwalan ng pasintabi
di na muling binati.
Ipinasauli na niya
sa hukom na nagpadala
sumaad at nagbilin pa,
doo’y siyang humatol na
lumutas ng inyong habla.
Pinaasa-asa ako
lamang at binakla rito
hilahin at higtin ninyo,
ang bangaw at lilong tao
tulingag at walang toto.
Tuloy ninyong ipagsaysay
kay Pilatong punong bayan
salamat na walang hanggan,
magaling na ngayon naman
loob naming nagtaniman.
Sa pagka ng unang dako
nagtatanimang totoo
si Herodes at si Pilato,
ang pinagbatian nito
ang pagkamatay ni Kristo.
Ikaanim na tibobos
paghahatiran kay Hesus
nang mga lilong hudyos
ikahabag na nang loob
ng tanang mga kristianos.
A R A L
Kristianong makasalanan
nagugumon sa mahalay
mag-isip ka at magnilay,
dito sa paghahatiran,
sa iyong Poong maalam.
Totoo’t malaking hirap
ang kay Hesus ng lumakad
tungo sa Isralitas,
ng sa balong paghanap
sa Samaritanang pantas.
Lalong sukat ikahapis
nino mang taong may bait
na itong Poong marikit
may tali kamay at leeg
92
hinihilang walang patid.
Mahapdi nganing totoo
mapait sa dilang apdo
tiniis, binata rito,
ng Poong si Hesukristo
dahil sa sala nang tao.
Oh tao kang mapag-ibig
sa gawang hindi matuwid
manimdim ka ng masakit,
sa anyong kahapis-hapis
nang Diyos Hari sa Langit.
At ipinaghatiran
sa isa’t isang hukuman
na nagagapos ang kamay,
liig ay natatalian
anaki’y makasalanan.
At bago’y ikaw na lilo
mapagmarikit na tao
nagpapahangang totoo,
ang bitui’t madlang astro
yapakan din ang ibig mo.
Kapalaluan ding pawa
ngayon ang magsaysay nga
nagwawala kang kamukha,
sa taong iyong kapuwa
bago’y uod ka sa lupa.
Ikaw ay kung lumalakad
binubuo mo ang landas,
nagwawala kang katulad,
at di mo inaalapaap
ang kay Kristong paghihirap.
Diyos na di matingkala
at Panginoong may gawa
minumurang walang sawa,
nililibak, tinutuya
ng mga hudyong madla.
Panimdim mong maigi
kay Hesus na pagkaapi
kusang dinuruhagi,
bago’y Diyos na malaki
ikaw ang nagmamapuri.
Bago’y ikaw at di iba
masama at palamara
aliping walang halaga,
mapagmalaki tuwi na
ay bago’y lupang hamak ka.
At ang madlang katuwaan
dito sa hamak na bayan
huwag mong lubhang asahan,
parang asong nagdaraan
agad naging napaparam.
Nang iharap na muli ng mga
Hudyo ang ating Panginoong
Hesukristo sa hukom na si Pilato
Tumulad ka na nga rito
sa Panginoon mong ito
ang kahirapan sa mundo,
iyong tiising totoo
para mong damay kay Kristo.
At di ka man makaatim
sa kaniyang awang hain
at kahima’t gagatinting,
kaniyang mamahalin din
kung sa puso mo nanggaling.
Na kung dapat nga baga
malangkap mapakisama
sa dalita’t hirap niya,
munti ring ipagbabawa
sa lahat mong gawang sala.
Nang dumating kay Pilato
itong maamong Kordero
ang wika sa madlang tao,
ano’t nasauli rito
aba anong gagawin ko?
Idinulog ninyo siya
sa akin at inihabla
aniyo’y lubhang masala,
balang gawa’y di maganda
sa Hari ay masuway pa.
Matay ko man ngang isipin
akalai’t siyasatin
totoo naming wala rin,
bagay sukat dahilanin
pagpatay sa kaniya natin.
Di man ganap ang bait ko
inusisa kong totoo
wala ring salang gaano
dumuruwag naman ako
sa mga pahayag ninyo.
93
Kayo ay itinaboy ko
sa hari ninyong totoo
bakit doo’y di inano,
ngayon nama’y aanhin ko
walang sala iyang tao?
Ipinasauli naman
at ng di nga mahatulan
siya ay nag-aalangan,
ang loob ay salawahan
sumisi sa taong banal.
Ako man ay puno rito
hukom sa maraming tao
nguni at magnilay kayo
tantong di hahatol ako
magparusa sa di lilo.
Wala namang katuwiran
taong ito’y ipapatay
totoong ako’y aayaw
hayo na’t inyong kalagan
at siya’y agad bitiwan.
Inusisa kong totoo
sa harap ninyong ginoo
wala ring makita ako
salang gawa nitong tao
di pa magkalutas tayo.
Ipinadala ko ngani
sa totoo niyang hari
dito’y pinasauli,
pinaramtan ng maputi
ang usap ay pinapawi.
Kung baga sa inyong haka
salarin siyang mistula
at di matuwid ang gawa
sisihin ko’t ng magtanda
ng hampas na masagana.
Nang marinig ng hudyo
itong mga wikang ito
katalastasang totoo
mga munukalang bago
pagkaawa ni Pilato.
Ay lalong dinangdagan pa
ang mga bintang nila
ipapatay mo man siya,
di pa yata ipagbawa
ng loob naming lahat na.
Ang pagtutol naming tanan
lakas na di ano lamang
na halos sumisigaw,
ipako sa Krus ang bagay
at ng doon nga mamatay.
Si Pilato’y nag-wika na
kay Hesus na Poong Ama
di mo narinig aniya,
hiling nila’t madlang pita
sa Krus ay patayin ka.
Ano pa’t di magpatantan
yaong mga tampalasan
mga hudyong sukaban,
galit na di ano lamang
sa Krus iparipa iyan.
Nang di mag-ibang totoo
ang loob nang mga lilo
na di lumata’t magbago,
natilihan si Pilato
umupong nagpanibago.
Ang wika’t sabi sa sulat
nang mga Ebanghelistas
taon-taon tuwing paskuas,
ugaling pinalalabas
ang isang taong may usap.
Yao’y tandang pagkilala
buong hebreong lahat na
at kanilang alaala,
ninyong nabibihag sila
pinapalong isa isa.
Lahat ngang taga Ehipto
mga idolatrang tao
si Paraong haring lilo,
sampung maraming soldado
nangalunod na totoo.
Dahil duon sa pag-usig
ninyong mga malulupit
nang pumanaw at umalis
ang mga kampon ni Moises
nangalunod nga sa tubig.
Ano’t sa panahong ito
pgpapahirap kya Kristo
94
may nabibilanggong lilo,
ay ang banta ni Pilato
mapalit kay Hesukristo.
Maglililo’t taong uslak
mgnanakaw mapangahas
matakaw mangungulimbat,
mangangagaw at dulingas
ang pangalan ay Barrabas.
Ang winika ni Pilato
mga tao’y mili kayo
ky Barrabas at kay Kristo,
isa ang pawalan ninyo
sa araw ng paskuwang ito.
Kung ako ay aayunan
nnyong nangagkakapisan
akala ko’y dili sinsay,
si Hesus siyang kalagan
huwag ninyong ipapatay.
Ang sagot ng mga sukab
pariseos at eskribas
ingay ng nagtitimpalak,
ang kalaga’y si Barrabas
si Hesus ang bigyang hirap.
Tumugon pa si Pilato
ano bagang dili toto
ang ginawa nitong tao?
di na magpatawad kayo
kaawa-awang totoo!
Malaki ang alang-alang
ni Pilatong punong bayan
ang loob ay salawahan,
di niya ibig hatulan
itong Korderong maalam.
Nang anyong napapatigil
si Pilato ay nagturing
kagyat naming sa darating,
ang pagsugo at pabilin
ni Prokleng asawang giliw.
Ay asawa ko aniya
ikaw ay mag-alaala
sa di totoo’t mag-ingat ka,
huwag kang magpalamara
humatol sa walang sala.
Huwag mo ngang aayunan
ang mga tao sa bayan
at hindi nga katuwiran,
patayin at parusahan
tantong walang kasalanan.
Sa pagtulong na maluwag
ako ay agad nangarap
totoo at hindi linsad
itong taong inuusap
banal na walang katulad.
At babaling kitang tikis
anang aking panaginip
ikaw’y huwag manaig,
humatol nang di matuwid
matay sa taong may bait.
A R A L
Santong Diyos ano baga?
banal kang walang kapara
napadaig sa hamak na,
bago’y totoong Diyos ka
at lilong demonyo sila.
Itinumbas, ipinaris
ikaw sa isang malupit
bago’y Diyos kang mabagsik
inayop ka at pinilit
ng mga hudyong ganid.
Oh ginoong napapawa
ano itong inyong gawa
maawai’t mapagpala,
sa anak ninyo’t apo nga
ano at minamasama.
Laki ng paglait ninyo
sa nag-adhikang totoo
ng buong sang Uniberso,
at ang malupit na tao
ang siyang kinakatoto.
Laki bagang kamurahan
ni Kristong inyong hinalay
itinulad, ipinantay,
sa isang hamak na hunghang
na sadya ang kalupitan.
Tayo naming taong lahat
sa hudyo ay tumutulad
kung magkasala’y madalas,
si Hesus, itinutulak
kinakabig si Barrabas.
95
At siya ring kauwian
dito sa hamak na bayan
siya nating minamahal,
ipinapalit ding tunay
ang Diyos sa kalangitan.
Kaya katotong kristiano
huwag kang tumulad dito
sa masasamang hudyo,
ikalumbay mong totoo
ang sakit hirap ni Kristo.
At kung baga sasalakay
sa loob mo’t gunam-gunam
panimdim na mahahalay,
iwaksi mo kapagkuwan
nang hindi ka malupigan.
Sa langit tumingala ka
bayang lubhang maligaya
sasapiting walang sala
ng loob nating lahat na
kung sa Diyos pakalara.
Ano man ang ating isip
ang banta ay kuning pilit
wala ring ginhawa’t bihis,
ang puso natin at dibdib
kundi sa Diyos manalig.
At siya ring kauwian
nang kaluluwa’t katawan
dito’y may munting tuwa man
ay may kahalo ring lumbay
sapagka’t di ating bayan.
Ang pagpapahampas ni Pilato sa
ating Panginoong Hesukristo
Inulit-ulit ng tanan
hudyong mga sukaban
si Barrabas ang kalagan,
siya nilang kalooban
si Hesus ang parusahan.
Ang kay Pilatong winika
ay itong si Kristong aba?
anong aking ipararaya?
ang sagot ng taong madla
agad mong ipapatay nga.
Ang ganiyang walang toto
sa Krus ipapako mo
ugali nating Hebreo
katutusan ng Romano
dusa sa sukab na tao.
Ani Pilatong may loob,
ano ang salang tibobos
gayon na ang inyong poot?
anang mga pariseos,
ay ipapako mo sa Krus.
Ano’y sa hindi mapigil
ang loob ng mga taksil
si Pilato’y humatol din
na si Hesus ay hampasin
budhi nila’y ng gumaling.
Hayo na at inyong kuha
at loob ko na aniya
sa haligi’y itali na,
at hampasin ninyo siya
poot ninyo’y ng magbawa.
Nang maipangusap ito
nang hukom na si Pilato
ay ang mga pariseo,
ang kamukha’y mga aso
ng pagsunggab sa Kordero.
Ang berdugo’y nagsikuha
ng panghampas na suplina
hinuhubaran nang iba,
itong Poong walang sala
walang kibo’t nagbabata.
Iginapos na si Kristo
sa isang haliging bato
hinampas na walang toto
mahigit na limang libo
na tagos hanggang sa buto.
At dito na nga natupad
yaong hulang isinulat
nang propetang si Isias,
sa daratning mga hirap
nang pariritong Mesias.
Mula ulo hanggang paa
matatadtad nang suplina
walang lamang nakikita
kundi sugat na lahat na
96
ang buong katawan niya.
A planta pedis usque ad
verticem capitis non est
in eo sanitas.
Lakas na di mamagkano
ang paghampas nilang ito
at doon ibinubunto
galit niyong mga lilo
dito sa abang Kordero.
Tingni at nagsisitangis
ang Sanglangitang Angheles
halos ang mundo’y manginig,
ng malaking pagkahapis
dito sa Poong marikit.
Tingni mga Patriarka
at mga Santos Propeta
ang ikalawang Persona,
nakayuko’t nagbabata
gayong lupit ng parusa.
Tingni mga taong hunghang
ang kaawa-awang lagay
isang Diyos na maalam,
may gawa ng Santinakpan
siyang pinarurusahan.
A R A L
Sino ka ma’t aling tao
dinggin ang aral na ito
pagtamanang itangis mo,
itong hirap na totoo,
ng Poong si Hesukristo.
Ikaw rin at dili iba
ang dapat sa gayong dusa
madalas na magkasala,
bago’y humadlang ay siya
nag di ka mapalamara.
Ngayon ngani iyong araw
hanggang ikaw’y nabubuhay
kusang pinababahalaan
mili ng ano mang bagay
magaling o masama man.
At dili nga mawiwika
ang Diyos Poong dakila
totoong magpapabaya,
matuwid ka ma’t malisya
ay araw mo palibhasa.
Subali’t kapag nalagot
hiningang lubhang marupok
nang katawan mong mairog,
ang araw mo’y matatapos
ang iiral sa Diyos.
Walang magagawang tunay
ang namatay mong katawan
palibhasa’y lupa lamang,
sa abang aba mo naman
kung ikaw’y walang sinimpan.
Samantalang may hininga
at ikaw’y nabubuhay pa
ay maglaan kang maaga,
sukat mong ikaginhawa
ng kagamit-gamit mo na.
At kung ikaw’y pag-isipan
nang kagamit-gamit lamang
maganda rin ang may simpan
at munting naiingatan
mayroon ngang pagkukunan.
At iisiping tibobos
sasaliksikin nang Diyos
ang mga gawa mong buktot,
pagkain sampung pagtulog
lamang birong nasa loob.
Ang madlang mga gawa mo
panimdim na dili toto
lihim na di mamagkano
mahayag na totoo
sa harap ng madlang tao.
Kung ikaw ay naglimos nga
sa taong iyong kapuwa
na dumulog na salanta,
tumatangis lumuluha
kung nagkait o naawa.
At ang iyong kabaitan
dunong sa ano mang bagay
sa iyo ay pinakamtan,
ng siya’y ibigin lamang
bagkus mong linalabanan.
Ang kagandahan at buti
sang katawan mong maliksi
97
nang isinta mong parati,
bagkus ipagmamalaki
sa Diyos na Poong kasi.
Ang malakas mong katawan
liksing hindi ano lamang
kung ipinagsilbing tunay,
sa Diyos mong lubhang mahal
hanggang ikaw’y nabubuhay.
Dapat na maghinanakit
sa iyo ang Poong marikit
ginto’t pilak yamang munti,
sa iyo’y di ipinagkait
kay Baal mo ipinagsulit.
Doo’y walang naliligid
lahat ay nasasaliksik
na gagadulo mang hanip,
kaniya ring nababatid
gawa mong hindi matuwid.
Itong araw’y imbutin mo
hanggang buhay ka sa mundo
nguni’t kung matapos ito,
kung walang gawang totoo
ano ang masasapit mo?
Lisan na ang gawang tamad
nang katawan mong makupad
magmasikap ka nang agad,
sa mabuting gawang lahat
at kay Hesus ka tumulad.
Hinampas na walang tuto
nagbata’t nagtiis dito
sa pag-ibig din sa iyo,
na ang lahat ng gawa mo
ay mapaknit na totoo.
Siya ang Haring tibobos
ngayo’y siyang nagagapos
nang ikaw’y huwag matakot,
kundi tumapang ngang lubos
ang puso mo sa pag-irog.
Aba tayo na’t dulugin
itong Poong maawain
ang mga sigalot natin,
salang lalo sa buhangin
ubus-ubusing kalagin.
Tingni’t siyang nagbabata
gayong sakit nang suplina
kundangan linangkapan pa
nang pagka Diyos nga niya
halos manaw ang hininga.
Alin kaya’t sinong tao
lubhang malupit sa mundo
ang hinampas ng ganito
kundi lamang itong Berbo
at dahilan din sa iyo.
Ang pagpuputong ng koronang
tinik ng mga Hudyo sa ating
Panginoong Hesukristo
Kaya iyong ikalumbay
ngayon at ipanambitan
yamang ikaw’y siya lamang,
totoong naging dahilan
nitong madlang kahirapan.
Ay ano’y sa pagsawaan
ang Poong nahihirapan
agad nilang kinalagan,
sapagka’t napagmasdan
hininga’y halos pumanaw.
Ano pa’t hindi maisip
ang kay Hesus na tiniis
na di mamagkanong sakit,
at di na nagdalang hapis
yaong mga malulupit.
Ang damit niya’y kinuha
sa pawis ipinahid na
nag-inot at nagdamit siya,
nguni’t di naniniig pa
ay hinubdan kapagdaka.
Hinubdang muli si Hesus
niyong mga lilong loob
at wala mang nag-uutos,
hinampas na walang taros
yao’y tikis na pag-ayop.
Laking sakit ang dinamdam
ng muli nilang hubaran
ganggapalad na ng kamay,
ang naninikit na laman
sa tunika niyang mahal.
Ano pa’t si Hesukristo
ay minumurang totoo
nang mga lilong hudyo,
98
kaya nga’t hinubdan dito
ang katawan niyang Santo.
At kanilang hinalinhan
damit na lubhang mahalay
na habing pula ang kulay,
duming hindi ano lamang
purapura ang siyang ngalan.
At kanilang pinaupo
sa isang hamak na bangko
inooroy, binibiro,
ano pa’t sinisiphayo
itong Korderong maamo.
At kanilang pinatangnan
ng isang tuyong kawayan
ang ulo ay pinutungan
nang tinik na likaw-likaw
kunwa ay hari-harian.
Saka yaong mga lilo
tatanong kay Hesukristo
pinapanghula rito,
sa kanila’y sino-sino
ang nagsipukpok sa ulo.
Ano pa nga’t inuulol
itong ating Panginoon
ng mga hudyong buhong,
saka babatiin niyong
Ave, Rex, Judaeorum.
Sa katuwirang totoo
nitong bati nilang ito
parang pag-ayop sa Berbo,
ang wika ng mga lilo
aba hari nang hudyo.
Nang kay Pilatong makita
ang pag-ayop at pagmura
dito kay Hesus na Ama,
nangusap kapagkaraka
sa tanang nagpaparusa.
Ipanhik ninyo pagkuwan
aniya ang taong iyan
at aking ipatatanaw
sa tanang nagkakapisan
ng kanyang mga kaaway.
Ang pagpapatanaw ni Pilato sa
ating Panginoong Hesukristo
Nang maipanhik si Kristo
niyang mga pariseo
ang ginawa ni Pilato
ipinatanaw sa tao
ang winika’y Ecce Homo.
Narito at inyong tingnan
itong taong malumanay
kaawa-awa ang lagay,
tingni kung ito pa’y buhay
kundi totoo nang patay.
Nang maipangusap ito
nang hukom na si Pilato
doo’y dalawa katao,
inalis na ngang totoo
ang baro ni Hesukristo.
At ng doo’y mapanood
na mga ganid na hayop
ang madlang sugat ni Hesus,
upang iluwag nang poot
nang puso nila at loob.
Nang ito ay mapagmasdan
niyong mga tampalasan
galit nila’y inululan,
tolle, tolle ang tinuran
ipako ang taong iyan.
Ang winika ni Pilato
Hari ninyo’y ipako ko
ang sagot ng mga lilo,
ano’t hari ang turing mo
wala kaming hari dito.
Kundi si Tiberio Cesar
siyang panginoon lamang
ng Sangmundo’t Sanditohan
Emperador na marangal
na aming iginagalang.
Aali’t aagaw ito,
at lulupig kay Tiberio
at kundi ipapatay mo,
di ka tuturang katoto
nang hari naming totoo.
99
Bagkus pa ang ibubuhat
kaalam ka’t kasapakat
nang kaniyang pagsusukab,
kapopootang kang agad
opisio mo’y malalampas.
Ang isa pa’y ang buhay mo
alising idamay rito
hahatulan kang totoo,
ang kayamana’t ari mo
sasamsamin pa sa iyo.
Nang kay Pilatong malining
ang bala ng mga taksil
nanganib siya’t nanimdim
ang katawa’y nanglumo rin
loob ay bumalingbaling.
Ipinasok na si Kristo
sa hukom na kay Pilato
tinanong nang panibago,
taga saan ka katoto
alin baga ang bayan mo?
Di sumagot kataga man
itong Korderong maalam
kusang nagmanga-mangahan,
anopa nga’t hinihintay
ang magiging kahatulan.
Ang winika ni Pilato
may kapangyarihan ako
at kabagsikan totoo
matay at muhay sa iyo
ako’y di pahayagan mo.
Magsabi ka kapagkuwan
ng lagay mo’t iyong asal
at dugong pinagbuhatan
ako’y huwag katakutan
dinaraan kitang lubay.
Ani Hesus na marikit
wala ka ring buong bagsik
na si aki’y magpasakit
kundi ka tulutang pilit
ng Ama kong nasa Langit.
Silang naghabla sa iyo
nagdala sa akin dito
ng ako nga’y hatulan mo,
dapat magdusang totoo
ang sala’y di sasang-ano.
Ng kay Pilatong mamatyag
itong huling pangungusap
loob niya’y umalapaap,
ang ibig di’y ang maawat
si Hesus sa gayong hirap.
Ipinaubayang totoo
sa nangaghablang hudyo
pawalan ma’t dili ito,
nangangamba si Pilato
malampasan nang opisyo.
Agad nang ipinakita
si Hesus na Poong Ama
at sila’y nuling nupo na
sa Lithostrotos kung baga
Hebraice autem Gabbatha.
Sa malaking pagkagulo
budhi’t loob ni Pilato
nangusap siyang nagbago;
ang wika sa madlang tao
tingni itong hari ninyo.
Nang marinig itong badya
mga hudyo’y nangagikla
sumagot kapagkaraka
dili po dili anila
totoong namamali ka.
Kami’y walang hari rito
kundi lamang si Tiberio
ang mga baki-baki mo,
kung maalamang totoo
ay mapopoot sa iyo.
Sa walang pagkaraanan
na ano’t ano mang bagay
na huwag bagang hatulan
ano pa nga’t natigagal
si Pilatong punong bayan.
Ang Paghihinaw ni Pilato ng Kamay
At sa gayong pagtatalo
nang hukom at pariseo
sa katakutang totoo,
hinatulan na nga rito
ang Poong si Hesukristo.
Lumuklok kapagkaraka
100
sa silyang matatalaga
at bago humatol siya,
alipala’y nagpakuha
ng tubig at naghinaw na.
At nangusap ng ganito:
aniya ay lalabas ako
sa dugo nga niyang tao,
pagkalooban na ninyo
ano mang nasang totoo.
Ako’y di nakaaalam
yamang inyong kalooban
patayin na kapagkuwan
si Barrabas ang kalagan
si Hesus siyang mamatay.
Sumagot ang mga lilo
anila’y oo na hayo
at ako naming totoo,
hanggang sa aming inapo
dugo’t buhay niyang tao.
Sukdulang sa ami’y ibigay
ang ano mang kaparusahan
dahilan sa taong iyan,
kami ay may kalooban
kaya iyo nang hatulan.
Ang sabi at pagkabadya
ni San Huan Ebanghelista
si Hesus nang itaboy na,
si Pilato sa kanila
nangatuwa kapagdaka.
Dinuhapang nga nga rito
ang Poong si Hesukristo
ng mga ganid na tao,
taksil na mga hudyo
pawang kampon ng demonyo.
At kanilang hinubaran
niyong kalamideng balabal
at sampu ng damit naman,
hanalinhan nang kairal
na kaukol at kabagay.
Walang kibo’t walang imik
itong Poong mapagtiis
ay aba taong malupit,
buksi iyang iyong dibdib
at sa aral ay makinig.
A R A L
Kung may isip kang kristiano
ay magbalik ka na rito
ang may adhika sa iyo
sumunod na ngang totoo
sa hatol ng mga lilo.
Siya nga ang Haring tunay
Diyos na walang kapantay
hukom sa Sandaigdigan,
pumayag at di sumuway
sa pita ng mga hunghang.
Nagmukhang taong may sala
bago’y malinis na sadya
na di paniktan ng mansa,
siya ang nagpakamura
ng ikaw ay guminhawa.
Ang buo mong kasalanan
inako ni Kristong tanan
ng kay Pilatong hatulan,
siya’y hindi nag-apelar
ng ikaw’y masakop lamang.
Ang iyong kalakhang loob
pagka ibig mong mabantog
ang puri mo’y mapatampok,
mataas mapaimbulog
bago’y uod ka’t alabok.
Siya ang nagpakahirap
napagapos napasikad
ang kabutiha’y hinamak,
dumawis-dawis bumuhat
niyong Krus na mabigat.
Ang iyong pagmamarikit
katawa’y bihis nang bihis
ng ginto’t hiram na damit,
nang batiin at maibig
ng sino mang makamasid.
Ang kaniyang kabayaran
yaong madlang kahirapan
ayop karuwahaginan,
ulo niya’y pinutungan
koronang tiniktinikan.
Nagpakababa ang Diyos
at ng ikaw mapatampok
siya ang nagpakaayop,
nang puri mo’y mapabantog
maging badlayang tibobos.
Anong aking wikain pa
101
ay ang lahat mo ring sala
sampu nang sa isa’t isa,
sinakop at kinalara
nang ikalawang Persona.
Ay aba bakit ka tao
wala nang di naglililo
kung parusahan ka rito,
ng pinagkumpisalan mo
di talimahing totoo?
Lihim ngani’t hindi hayag
na walang nakamamalas
ano’t hindi ka gumanap,
ng pagtalima’t pagtupad,
iyong binubukas-bukas?
Nang si Hesus ay hatulan
ginawa ri’t di naliban
sa loob nang isang araw,
ito’y tikis na pag-aral
nang gagarin mo’r parahan.
Ang paggagawad ni Pilato
ng sentencia
Ikalumbay mo’t itangis
ipagpighating masakit
itong hirap na tiniis,
ni Kristong Poong marikit
Hari nang lupa at Langit.
Ako’y si Ponsio Pilato
president’t hukom dito
sakop ng Romanong Imperio,
inihalal na totoo
ng Emperador Tiberio.
Sa aking pag-aaudensia
at pag-upo ko sa silya
luklukang natatalaga,
dumulog at nangaghabla
prinsipe sa Sinagoga.
Ang kanilang inuusap
sa akin ay iniharap
Hesus ang siyang pamagat,
Nasarenong tinatawag
Galileo kung mangusap.
Anila ay itong tao
palamara’t walang tuto
sa hari pa’y naglililo,
buong baya’y ginugulo
ang ugali’y binabago.
Ang hatol ko’t sentensia
ukol sa kaniyang sala
ay sa Krus nga iparipa
ipako kapagkaraka
dalawang kamay at paa.
Sa kaniya’y ipapasan
Krus na kamamatayan
ipagtawag habang daan
tuloy namang ipagitan
sa dalawang magnanakaw.
Ito ang siyang hatol ko
sa taong dinala ninyo
dito nga sa harapan ko,
datapuwa’t labas ako
sa dugo ng taong husto.
Ang pag-aatang ng Krus sa ating
Panginoong Hesukristo
Ano’y sa maigawad na
ni Pilato ang sentensia
sinunggaban kapagdaka,
niyong mga Palamara
si Hesus na Poong Ama.
Ginapos at tinubungan
ang leeg niya at kamay
sinuntok at sinikaran,
hindi pinakundanganan
niyong mga tampalasan.
Ipinatawag na rito
sa nangalilimping tao
ingay na di mamagkano,
boses niyong pregonero
ang palaman ay ganito:
Ito’y siyang katuwiran
at utos na katampatan
nang matuwid na hukuman,
ni Pilatong punong bayan
dito kay Hesus na banday.
Ang pagbunyi nitong lilo
ay Hari siya nang hudyo
bago’y ulol palang tao
102
palamara’t walang apdo
balang gawa’y dili tuto.
Dili Hari’t taong mura
manglililo’t palamara
nagpapasampalataya,
ginugulo ang lahat na
Anak daw ng Diyos siya.
Ang banta nitong suwail
ang Roma ay aagawin
at sampu ng Herusalem,
aaliha’t lulupigin
si Cesar na hari natin.
Ito’y laon ng talastas
ng pariseos at eskribas
sa testamento’y pahayag
kaya nga’t sa buong Siudad
ipagbantog ipagtawag.
Siyang paghalimbawaan
nang kapuwa tampalasan
at sa Kalbario ihanggan
ito’y siyang kabayaran
sa kanilang kasalanan.
At kung siya’y dumating na
doon sa lupang Golgota
ipako at iparipa,
at ipagitnang talaga
sa dalawang palamara.
At ng doon matalastas
ng sino mang makamalas
na itong si Kristong tunggak
Hari ng dalawang uslak
sa pagnanakaw ay bansag.
Nang mabasa ng matapos
yaong sentencia kay Hesus
at ang mga pariseos,
iniatang na ang Krus
sa lupa’y humuhilahod.
Ang totoong kahabaan
niyong Krus na pinasan
labing-limang talampakan,
at pito naman ang bilang
nang paripa at pahalang.
Krus na yao’y mabigat
labis na nagkakaapat
lumulubog sa balikat,
at lalo pang nakaragdag
ang sala ng taong lahat.
Anopa’t yaong si Hesus
nang maatangang matapos
ay niyakap na ang Krus,
at tinangisang tibobos
sa sarili niyang loob.
Ang pagyakap ng ating Panginoong
Hesukristo sa Mahal na Santa Krus
Oh Krus aniyang mahak
kahoy na lalo sa tanan
bukod pinilit hinirang,
pag-wawagi kong tunay
sa aki’y nagsisisuway!
Ikaw rin at hindi iba
totoong lunas sa sala
ang lasap mo’t ibubunga,
siyang makagiginhawa,
sa tanang anak ni Eba.
Kita’y pinagnanasaan
yakapi’t tuloy hiligan
mula niyong unang araw,
na nagkasala’t sumuway
yaong si Eba’t si Adan.
Ngayo’y pawang nasunod na
ang laon kong pinipita
oh Krus na lubhang maganda,
estandarte ko’t bandera
aking ipagbibiktorya!
Halika at ako’y yakap
yamang kita’y nililiyag
hihilingang tatlong oras,
nang siyang makababawas
sa sala ng taong lahat.
Madla pa ang isinaysay
sa loob niya’y tinuran
hinila na kapagkuwan,
niyong mga tampalasan
berdugong nagwasangwasang.
Sa huli’y may nagtutulak
103
sinusual nang paglakad
sa tagilira’t sa harap
binabakod ang Mesias
ng Saserdoteng eskribas.
Pagmura’y di ano lamang
madlang sumpa at tungayaw
maparapa’t masunggabang
itulak tadyakan naman,
Krus ay kababaw-babaw.
Ang unang pagkasubasob ni
Hesukristong Panginoon natin
Sa kabigatan ng Krus
na pinapasan ni Hesus
at agad napasubasob
sa lupa’t mga alabok
ang mukhang kalunus-lunos.
Kung itindig niya naman
nanginginig ang katawan
at halos di makayanan,
sa di kawasa’y napagal
tumaha’t nagtanaw-tanaw.
At saka siya nangusap
sa loob ipinahayag
oh disipulos kong lahat
Apostoles ko’t alagad!
ano’t kayo’y nagsilayas?
Nangasaan baga kayo
pili kong mga katoto
na aking kasalo-salo,
walang dumamay sa inyo
ngayon sa panahong ito?
Kung sila’y nagpabaya na
budhing nabuyo’t nabakla
lumuwang sampalataya,
ikaw naman kaya Ina
sa aki’y di maawa ka?
Magdalita ang Ina ko
na silayan ng mata mo
ang guminhawang totoo,
yaring madlang dalita ko
kung maharap na sa iyo.
Namimindong ka man Ina
tingni ang anak mong isa
ikaw rin ang kinikita,
di man ako makakaya
nitong mabigat kong dala.
Ang mata mo Inang mahal
sa akin ay kung isilay
sa ganitong kahirapan
upang din siyang igaan
nitong mabigat kong pasan.
Ang pagsalubong kay Hesukristo
ng Kaniyang mahal na Ina na ang
mga mata’y lumuluha
Oh Poong ko’t aking Ina
iyo kayang mababata
na di silayan nang mata,
Anak mong iisa-isa
sa ganitong pagdurusa.
Parang ito’y naririnig
ni Mariang Inang ibig,
kumakaba-kaba ang dibdib,
at nabalisang masakit
lumabas, di nakatiis.
At di man kinatakutan
baras ng mga sukaban
dinulog at pinalitan,
Anak na pinalalayaw
mata ay luha-luhaan.
Nahahabag tumatangis
ito ang ipinagsulit:
oh bunso kong sinta’t ibig
araw kong lubhang marikit!
oh Isaac na mapagtiis.
Oh bunsong minamahal ko
maganda kong bagong tao!
anong salang nagawa mo,
at ikaw ay ginaganito?
di ko mabatang totoo.
Iyang Krus na iyong pasan
bunso ay iyong bitiwan
at kita ay hahalinhan
ako kaya’y mabubuhay
sa lagay mo ngang iyan.
Aakuin kong lahat na
ako ang papapatay na
104
Poon ko’t ng mabuhay ka!
ano pang aking halaga
kung ikaw’y di na makita?
Anong aking pangyayari
ako’y tunay na babae?
hayo na’t sundin mo yari,
bunso ko at mangyayari
kung loobin mong sarili.
Nguni’t ang bahala’y ikaw
batid mo ang aking damdam
sampu nang karalitaan,
tunay ang mukha’y mahusay
dibdib ay puno ng lumbay.
Dili kita nililimot
nang panininta’t pag-irog,
hindi kulang kundi puspos,
nguni’t sa kaluluwa’s taos
dalita mong di matapos.
Mahapding di ano lamang
malaki ang kapaitan
kung makita ko’t matingnan,
bunso ang hirap mong iyan
ay aking ikamamatay.
Aling puso’t aling dibdib
Hesus ang di mahahapis
kaya ang lupa at Langit,
sa ganitong iyong sakit
nananaghoy tumatangis.
Oh bunso kong sinisinta
ngayon ay magdalita ka
iyang mabigat mong dala,
bitiwan at ang kukuha
ang nahahabag mong Ina!
Aking kayang matitiis
bunso’t di ko ikahapis
iyang hirap mo at sakit?
ngayon ay lalo kong ibig
yaring hininga’y mapatid.
At ng hindi ko makita
Hesus iyang pagdurusa
oh ilaw ng aking mata!
oh buhay nang kaluluwa!
Diyos kong walang kapara!
Ang tugon ni Hesukristo
sukat na Birheng Ina ko
pahid na iyang luha mo,
ang aking Amang totoo
magkakalinga sa iyo.
Di ko maitulot sa iyo
Ina ang hinihingi mo
na ako’y hahalinhan mo
at nang mabuhay nga ako
papapatay kang totoo.
Ina ay wala ngang daan
at aking inakong tunay
ang hirap sa pagkamatay
siyang tubos bili naman
nang sa taong kasalanan.
Poong ko’y magsauli ka
pawi na ang madlang dusa
mahirap ma’y anhin baga,
aking bagang iurong pa
marunog akong magbata.
Yamang ito’y kalooban
nang Diyos sa kalangitan
kahit kapait-paitan,
ay aking pagpipilitan
na inumin kapagkuwan.
Kaya Ina kong marikit
madlang luha mo ay pahid
ang iyong tinangis-tangis,
lalong nagbibigay sakit,
sa Anak mong iniibig.
Kalapati’y lumabas ka
sa luwal ni Noeng Arka
pagbalik ngayong dali na,
tubig lubhang malaki na
nitong pasion kong lahat na.
Di mo pa sukat maisip
bahag-hari’t arko iris
lakas ng sigaw at tubig,
ang anyong nakatatakip
sa ulap ng madlang sakit.
Anak ko, anitong Ina
minamahal ko tuwi na
animo’y huwag mabalisa
hapis ko ay itahan na
tantong dili ko mabata.
105
Akin kayang ikabubuhay
bunso ang hirap mong iyan
sinong Inang di malumbay
kung makita’t mapagmasdan
iyang mabigat mong pasan.
Ikaw nga Hesus kong giliw
loob na lubhang matining
ikaw ang sasalaminin
ng puso ko at panimdim
sa ano mang aking gawin.
Mahapdi’t lubhang masaklap
di ko man ikapangusap,
tinipid ko lamang lahat,
kahit siyang ikakawas
puso kong tigib ng hirap.
Kung ako’y iyong titigan
niyong mata mong malinaw
puso ko ay nasasaktan,
na ako’y di mo tulutan
na humaliling magpasan.
Masakit manding totoo
mapati sa dilang apdo
ay aba bakit bunso ko,
di ka maawa’t mabuyo
nitong hingi ko sa iyo.
Bunso yaring aking lumbay
ay huwag mong pagkaitan
dati mong naaalaman
na kita ay minamahal
mahigit sa aking buhay.
Lalo sa kaluluwa ko
ang pag-ibig ko sa iyo
itong madlang dalita mo,
siyang tunod na totoo
na tumimo sa puso ko.
Kung ako’y may kalumbay
hapis kadalamhatian
na halos kong ikamatay,
bunso kung ikaw’y matingnan
nawawala’t napaparam.
Nguni ngayon ay lumalo
hirap sakit nitong puso
parang mabisang palaso,
sa kaluluwa’y tumimo
pagod mo’t madlang siphayo.
Lalo kung gunam-gumamin
at aking alalahanin
ang dila mong paghalinghing,
siyang mabisang patalim
na sa buhay ko’y kikitil.
Wala akong minamahal
tunay na pinalalayaw
kundi nga ikay na buhay
mistulang kaliwanagan
ng puso kong nadidimlan.
Dito kita inoola
ng wagas na panininta
yaring munti kong balisa,
bunso ako’y iyong isama
sa hirap mong walang hangga.
Dito kita iniirog
ng sintang tunay sa loob
puso ko ay nalulunos,
kung akin ngang mapanood
iyang mabigat mong Krus.
Dito kita inaaba
ng anyo’t malaking sinta
yaring hapis kong lahat na,
ay Anak man ngani kita
Diyos ka ri’t Poong Ama.
Dito ay iniaalay
kaluluwa ko at buhay
at ang aking panambitan,
ilaw ka nang kalangitan
ay bakit dungis-dungisan?
Dito’y ginigiliw kita
nang totoong panininta
ako’y alipin mong mura,
kung iyong tawaging Ina
kamatayan kong lalo pa.
Dito ang aking katawan
ay nagkukusang mamatay
di ano pang kapakanan,
nang kaluluwa ko’t buhay
kung ikaw ay mahiwalay?
Dito ngayon o bunso ko
inaamo kang totoo
ng maralitang Ina mo
tingni ang mga luha ko
at pusong sisikdo-sikdo.
106
Dito yaring kaluluwa
lubos na walang ginhawa
dinaig ang sinisigwa,
inuulang walang hangga
ng hirap mo’t madlang dusa.
Dito ang mga mata ko
ay tumatangis sa iyo
mabalino kang totoo
alang-alang na bunso ko
sa suso kong inutot mo.
Oh lagda ng karunungan
nang Ama sa kalangitan
sino kang makasalanan,
di ka na kinaawaan
ng taong iyong kinapal!
Dito ang totoong sinta
ang siyang dahilang una
ay aba bunso nang Ina,
ang ngalan mo ay sukat na
ipanambitan tuwi na.
Yaring lubos na habag ko
na idinamay sa iyo
di nga salamat bunso ka,
kung baga tinatanggap mo
ngayon sa oras na ito.
Ang sagot ni Kristong mahal
Oh Ina kong nalulumbay
sukat na’t iyong itahan,
pagdaing pananambitan
sa Anak mong mamamatay.
Hirap na taglay mo Ina
para-parang nakikita
ng Anak mong alimura,
pagsakop sa mga sala
buong Inanak ni Eba.
O Inang kinabugsuan!
nang malaking kasakitan
kung kita ay natitingnan,
ay lalong nauululan
yaring aking kahirapan.
Loob ko ay magsigasig
sa madlang sinta’t pag-ibig
Birheng Inang nahahapis,
madla mong hirap at sakit
ang lahat ay aking batid.
Anhin baga ito’y utos
at kalooban nang Diyos
nang makalara’t masakop
dugo ko ang mabubuhos,
ang tao sa Sangsinukob.
Ako’y hindi nasisinsay
nitong aking kagagawan
ang loob kong iningatan,
sa dibdib di napaparam
pagsakop ko nga sa tanan.
Kaya Ina kong marikit
pawi na ang madlang hapis
at luwagan na ang dibdib,
masaklap man at mapait
ngayo’y ariing matamis.
Kung ako’y hinid maghirap
at parohagi sa lahat
ay paano Inang liyag,
ang pagpawi at paglunas
sa mabisang kamandag?
Yamang iyong nalalaman
ang puno’t kadahilanan
yaring aking kahirapan
sukat na’t iyong itahan
Ina ang panambitan.
Sa ganitong pagsusulit
ng mag-inang nahahapis
sino sa nakaririnig,
ngayon nitong madlang sakit
ang luha ay matitipid?
Di yata anakin baga
isang lalaking maganda
na mapagbigay ginhawa
ano kaya’t minumura
inaapi nang lahat na.
Hapis na walang kaukol
ang lahat ay nananaghoy
nguni’t itong ating Poon,
nagmamasid kung mayruong
isang maawaing tumulong.
Sa wala ring mabalisa
na tumulong sa kanya
inilakad na’t binata,
107
ang Krus nang ating sala
bigat na walang kapara.
Loob niya’y ginawa rin
sino bagang hihiliin
ibang sumakop sa atin,
sinta ang humihilahil
kaibigang sapin-sapin?
Madla ang buntong hininga
nang kaniyang kaluluwa
at ang balang nakikita,
nahahabag sa kaniya
lumuluhang parapara.
Sinong hindi mahahapis
doon at hindi tumangis
katawan ay nanginginig,
minumurang walang patid
niyong mga malulupit.
Lalo pang nakalulunos
sa gayong sakit ni Hesus
tambor trompetang mataos,
galit ay puspos na puspos
nang eskribas at pariseos.
FAC TUS CIBUS VIATO RUM
Ang pagkasalubong ng ating
Panginoong Hesukristo sa mga
babae na ang mga mata’y lumuluha
Doon naman sa lansangan
may nakita siyang ilan
babaing luha-luhaan,
na pawang nangalulumbay
siya ang tinatangisan.
Di nabata’t nangusap din
si Hesus na poon natin
ay aniya mga giliw
sa puso ninyo’y itanima
yaring hirap na narating.
Bagkus ang tangisan ninyo
anak sampung mga apo
ang hirap na tiniis ko,
may oras na paririto
sasabihin ko sa inyo.
Lalong kapalad-palaran
di maipaglihing tunay
ng babaing sino pa man
at hindi matitingnan
hirap na kasasapitan.
At darating ang balita
pagkamatay kong masama
pawang tangis, pawang luha,
at mahanga’y huwag na nga
na nangabuhay sa lupa.
Ibig pa at nasa naman
ang sila’y mangatabunan
sa lupa at kabundukan,
ng di mapanood lamang
hirap na kasasapitan.
Ang idinugtong pa rito
na talinghaga ni Kristo
sukat isiping totoo,
nino mang may budhing tao
ang palaman ay ganito:
Kung ang kahoy na sariwa
namumunga ng sagana
pinuputol alipala,
sa tuyo at walang dagta
ano ang gagawin kaya?
Sa katuwirang totoo
ako’y walang salang tao
ang pamura ay ganito,
sa sukab at taong lilo
ang gagawin kaya’y ano?
Oh lubos na karunungan
nang Diyos na kalangitan!
oh labis nang kaawaan,
bibig na binubukalan
nang matatas na aral!
A R A L
Ikaw nanasang Kristiano
nang pasion ni Hesukristo
tumigil-tigil ka rito,
at magnilay kang totoo
sa sariling hinagap mo.
At ng iyong mapagnuynoy
ang pagkatuyo mo’t luoy
walang bunga’t walang dahon
kapagdaka’y mapuputol
at sa apoy magagatong.
108
Ito’y siyang wikain mo:
mag-isip ka nang totoo
kung may panimdim kang tao
maghinula ka na rito
sa talinghaga ni Kristo.
Ang Diyos ay banal na lubha
minura’t inalipusta
ay aba ikaw pa kaya
di ayupin alipala
gawa mo’y pawang masama!
Ang wikain mong maganda
oh budhi kong palamara
ngayon ay mag-isip ka na
ang loob mo ma’y nalanta
dilig-diligin mo tuwi na.
Luha ang siyang matuwid
na sa iyo idilig
na kung sakaling sumapit,
araw ng iyong pag-alis
ay may kitlin kang magamit.
Ang Langit at Sangsinukob
sa iyo nga’y napopoot
ibahin na ang iyong loob,
at nang huwag kang mahulog
sa balong katakut-takot.
Kung di mo ikabalisa
ang loob mo ay mag-iba
sa inyong gawang lahat na,
tunay na hindi sasala
sa impierno ka hahangga.
At kung duon ka mabulid
anong iyong masasapit?
pawang lumbay at pagtangis
dalitang hindi maisip
pagsisisi at hinagpis.
Di mo na mapagsaulan
ang maluwalhating bayan
doo’y walang katuwaan
na sukat ikatiwasay
ng kahit sumandali man.
At kundi rin mag-iba
loob mo at dilang sala
daratnan ng gayong dusa,
kaya ngayo’y magsisi ka
at tuloy magpenitensia.
Madla na ang nakita mo
na nangamatay na tao
bata, matanda’t ginoo
ikaw baga’y bukod dito
siyang lalagi sa mundo?
Nagkakamali kang tunay
matakot na at malumbay
pagdating ay walang malay,
lakas na di ano lamang
agad ka nang ibubuwal.
Ang pagpahid ni Beronika sa
mahal na mukha ng ating
Panginoong Hesukristo
Alin mang sandata dito
di lubhang nakaaano
ang kamatayang totoo,
siyang pupuksa sa tao.
Papa, Hari ma’t ginoo.
Yaong mag-inang sing-ibig
lipos nang dalita’t sakit
halos di pa naniniig,
mata nila sa pagtitig
agad nagkalayong pilit.
Dali-daling pinalakad
niyong mga mararahas
bago’y lubhang naghihirap,
nangangalay ang balikat
ipinagtulakang agad.
Ay ano’y sa masakitan
ang mahal niyang katawan
nasubasob at nasungabang,
ang mukha’y naaagusan
ng pawis at dugong tunay.
Di ko na lubhang habaan
ang bahala na ay ikaw
mag-isip ng dilang bagay
kaluluwa’y isa lamang
kung masira’y pasasaan.
Laking hirap, laking sakit
pagod na hindi maisip
ang katawa’y nangininig
nagsipangurong ang litid
nitong Diyos na marikit.
109
Walang maipahid naman
sa mukhang nadidiliman
anong laking kahirapan
ang puspos sa kayamanan
walang mapulong basahan.
Kapagkaraka’y ugali
ni Beronikang may budhi
niyong bata pa mang munti,
at kung may paawa ngani
lilimusang dali-dali.
Di nabata’t di natiis
naawa siya’t nahapis
ng makita at masilip,
ang mukhang tigib ng sakit
ng dugo at madlang pawis.
Ipinahid kapagdaka
birang niyang dala-dala
loob ay kakaba-kaba,
bubunto-buntong hininga
hapis na walang kapara.
Sa laking kapangyarihan
nitong Diyos na maalam
himalang sukat pagtakhan,
mukha niya’y nalarawan
sa ipinahid na birang.
Natitiklop na talastas
yaong birang ba mapalad
sa gilid, likod at harap
kung ilaylay at iladlad
tatlong mukha’y nahahayag.
Ano pa’t hindi maisip
at di matarok nang bait
himalang gawa ng Langit,
sa birang na ipinahid
ni Beronikang may hapis.
Ay ano’y sa mapahiran
ang mukhang nadiliman
ay agad nang humiwalay,
ang masintahi’t maalam
puso ay halos matunaw.
Ang paglabas sa pinto ng
Hudisiaria ng ating
Panginoong Hesukristo
Inilakad na si Kristo
niyong mga pariseo
na halos itinatakbo,
sino kaya’t aling tao
ang di mahapis manglumo?
Nang si Hesus ilabas na
sa pinto ng Hudisiaria
ay alas onse ang ora
ang Krus nga’y dala-dala
sa lupa ay hinihila.
Ano pa’t ng pagkalagay
niyong pintong nilabasan
ay nasa gawing kanluran
at sa dakong Silanganan
Golgotang Sasalungahan.
Laking sakit, laking dusa
laking hirap ang binata
di na mabuhat ang paa,
sa bundok sumasalunga
inaayop minumura.
Lalo pang nakagugulat
tambor, trompeta’t pakapak
ingay na nagtitimpalak
sigaw na lubhang malakas
ng ministrong nagtatawag.
Katawan ay nanghihina
ng Mesias na dakila
sa bigat na di kawasa,
iginagapang sa lupa
yaong Krus na mahaba.
Ang ikatlong pagkasubasob ni
Hesukristong Panginoon natin
sa kabigatan ng Krus na pinapasan
At ikatlo ngani ito
pagkarapa ni Kristo
katawan ay nanglulumo,
nanginginig na totoo
litid sampung mga buto.
Sa lupa’y napasubasob
ang mukhang mahal ni Hesus
nahasa na at nakuskos
sa malaking pagkapagod
gutom at madlnag dayukdok.
Ang tuhod niya at kamay
ang nangalimbag na tunay
at pawang nangalarawan,
110
sa batong kinaluhuran
at sa kinapaniinan.
Sa mga sabing maganda
talastas ang pagbabadya
nguni ng una’t ngayon pa,
naroo’t di nag-iiba
sa bato ay nakikita.
Ang katawan ma’y malakas
nitong Poong mabanayad
sa pagod at laking hirap,
di man niya mailakad
yaong Krus na mabigat.
At kumg ihakbang ang paa
doon sa pananalunga
bulinyanang nahihila,
pawang nangamamanhid pa
ang buong katawan niya.
Bangkay na manding totoo
ang lagay nitong Kordero
sino kaya’t aling tao,
ngayon ang hindi manglumo
sa mga bagay na ito?
Doon sa mga paglakad
niyong mahal na Mesias
ay sa sariling hinagap,
habang daa’y inoolak
hinanakit niyang wagas.
Na ang kanyang sinabi
Popule responde mihi
bayan ko ako’y tuguni,
anong sala kong malaki
ako’y iyong ginayari?
Ano bagang kataksilan
gawa kong iyong natingnan
at ganito ang inasal
lahat ninyong kagalitan
sa akin ay ibinabaw?
Oh bayan kong walang loob?
bakit mo ako iginapos
hinampas ng walang taros,
at anong gawa kong buktot
ganito na ang pag-ayop.
Bakit mo ako tinampal
Krus ay ipinapasan
sinuntok at sinikaran
minura mong walang humpay
at di pinakundanganan?
Sa iyong pagkaduhagi
huwag kang mag-asal bingi
tugon yaring aking sabi,
aniya’y Quid feci tibi
Popule, responde mihi?
Bayan ko’y tugunin
anong nagawa kong linsil
na hindi mo minagaling,
ganito na ang pag-iring
at pagmura mo sa akin.
Ano ang isasagot mo
sa gayong tanong ni Kristo
na nagtiis na totoo,
ng makamtan mo’t matamo
ang tuwa sa Paraiso.
Nguni’t ikaw na masama
mapaglilo t kuhila
sa gaanong pagpapala
ni Hesus Haring dakila
ang ganti mo ay dalita.
Iyo nang ikabalisa
ipagpighati tuwi na
pagpapasan, pagdadala,
na di maangat ang paa
doon sa pananalunga.
Naghihirap na totoo
ang Poong Dibino Berbo
pagod na di mamagkano
at malayo pa nga rito
yaong bundok ng Kalbario.
Ang sacroleong mahaba
di di maangat sa lupa
nahahirap pang lubha,
pagmura’t ginagahasa
niyong mga alitikya.
Ang paghalili ni Simon Sirineo
Ang sa eskriturang saysay;
may isang lalaki naman
na taga Sireneng bayan,
na kanilang inupahan
pinahaliling pumasan.
111
Ito nganing taong ito
ay si Simeon Sireneo
ay siyang amang totoo,
ni Alejandro’t ni Rufo
na disipulos ni Kristo.
Ang kay Simong pagdadala
kahit hindi nalaon siya
munti ring igininhawa,
ni Hesus na Poong Ama
sa malaking hirap niya.
At ano nga’y bitiwan
ni Sireneo ang pasan
si Kristo’y siyang nagtagal
ang paa’y di maihakbang
katawa’y bubuwal-buwal.
Binata na ngang totoo
nitong maamong Kordero
ang Krus ay dala’t pangko
kanilang ipinatungo
sa bundok nga ng Kalbario.
Anang pantas at bihasa
itong Kalbario’y di iba
ng panahon una-uan,
siyang tinatawag nila
na bundok nga ng Moria.
Piniling sinalungahan
nang Patriarka Abraham
doon niya inialay,
nang kaniyang papugutan
dugo ni Isaac at buhay.
Kawangis nga at katulad
ni Hesus yaong si Isaac
sa Kalbario ng umakyat,
pasan-pasan sa balikat
yaong Krus na mabigat.
Ang paghuhubad ng mga Hudyo sa
ating Panginoong Hesukristo
Ito ring Kalbario naman
pinili ng mga hunghang
kay Kristong pagpapakuan,
ang Golgota kung turingan
ng mga hebreong tanan.
Ay ano’y dumating na
ang mananakop sa sala
sa lupa nilang talaga,
hinubaran kapagdaka
niyong mga palamara.
At dito ng sa paghubad
niyong damit ng Mesias
ay nabaguhan ng antak,
sa di kawasang hirap
sa pagpaknit nga sa sugat.
Nuli na naman nasalang
sugat niya sa katawan
ang hapdi’y ano lamang
masahol ang inanitan
ang dugo ay naglalapaw.
Itong Korderong marikit
walang kibo’t walang imik
nagbabata’t nagtitiis,
ng di mamagkanong sakit
dahil sa taong bulisik.
Sa mahubuang matapos
itong ating Poong Diyos
ay ang mga pariseos,
nagmunukalang tibobos
ng ibang gawin kay Hesus.
Dating ugali ng minsan
ang papataying sino man
ang hirap ng matagalan
ay paiinumin naman
ng alak na minirahan.
At ng lalo pang maghirap
ang matiising Mesias
ay kanilang idinagdag
doon sa mira at alak
ang apdong lubhang masaklap.
Ang pagpapako sa ating
Panginoong Hesukristo
At ipinainom naman
niyong mga tampalasan
di rin lumagok munti man
at ng malubos na tunay
ang kaniyang kahirapan.
Gayong sabi at tadhana
ni San Mateong nag-wika
sa di umiinom na kusa,
112
si Hesus, ay alipala
sa Krus nga ipinahiga.
Sa mabutasan na nila
ang pahalang at paripa
ibinabaw kapagdaka,
ang kaliwang kamay niya
siyang pinakuang una.
Nang kanilang isusunod
ang kanang kamay ni Hesus
ay di isa man umabot,
doon sa butas ng Krus
na pagpapakua’t kapos.
Kapagdaka ay binatak
niyong mga taon uslak
hanggang pumantay sa butas
kasu-kasuan’y nalinsad
sa lakas ng pagkabatak.
Ano’t pa’t hindi tumugot
yaong mga balakiyot
hanggang hindi nga umabot,
ang kanang kamay ni Hesus
doon sa butas ng Krus.
Ang pang hindi magaso
ng Poong si Hesukristo
pinakuan naman dito,
ng mga layas at lilo
ito naman ay tingnan mo!
Ang dugong nananambulat
di masapa’t di maampat
baha ang siyang katulad,
sa lupa ay nagdaranak
ang lumalabas sa sugat.
Bangkay na manding tibobos
itong ating Poong Diyos
na nabibitin sa Krus,
kamay, paat sampung tuhod
di na niya maikilos.
Lalung-lao at mahigpit
sa madlang hayop na ganid
loob nga ng malulupit,
batung buhay ang kaparis
na di lumata’t nahapis.
Nang mapakuang matapos
ang Krus nga’y itinaob
naparapa nga si Hesus,
ang mukha ay nasubasob
sa lupa’t mga alabok.
Yaong mga pakong bakal
na lumagpas sa likuran
binaluktot at sinalsal,
pinukpok at pinagtibay
sa Krus na pinagpakuan.
A R A L
Lagnat liping pagkagutom
kasalanan ng panahon
pagtiisan natin yaon,
pakundangan na sa Pasyon
ni Hesus na ating Poon.
Aba buhalhaling asal
mapagpawili sa layaw
ginhawa ang hangad lamang
walang laging katuwaan
di nahalinhan ng lumbay.
Walang yumaman sa lupa
na hindi muna nagdukha
ang mga layaw at tuwa,
dito’y pawang balintuna
alingawngaw palibhasa.
Ano pa at pawang linsil
daya’t hibong sinungaling
hinog mabuti sa tingin,
hilaw kung pagmalasin
nakahihirin kung kanin.
Ikaw ay huwag panulos
sa dilang tuwa at lugod
ng katawan mong mairog,
kisapmata’y di mag-abot
nawawala’t natatapos.
Ano at pawang lihis
sukat nating ipanganib
solopika at malupit
bibigan at walang bait
113
mga gawa’y di matuwid.
Palibhasa’y taong hamak
ang gawa ay pawang linsad
kaya ngayon ay ang dapat
ng sakit at madlang hirap
ni Hesus ay ikahabag.
Ang pagbabangon ng mahal
na Santa Krus
Ay ano’y sa mairaos
ang pagpapako kay Hesus
ay ang mga lilong loob,
ibinangon na ang Krus
at kanilang itinulos.
Sila ay may laang hukay
kanilang patitirikan
ang Krus ay iniuumang,
at kinadyot kapagkuwan
saka biglang binitiwan.
Ano pa’t si Hesukristo
naghirap nagpanibago
ang kanyang tanang buto
nayugyog nganing totoo
nagkakaslut-kaslot dito.
Saka pinakuan naman
ang dalawang magnanakaw
ano pa’t pinag-itanan
sa kaliwa at sa kanan
anaki’y makasalanan.
Dito na ngani natupad
ang luha ni Isaas
na itong Poong Mesias
iwawangkit itutulad
sa dalawang taong uslak.
Et cum iniquis reputatus est.
S.L.C. 22.
Dito na nga nalubhaan
nang hirap at kasakitan
tumingala kapagkuwan
sa Diyos Amang maalam
ito ang siyang tinuran:
Peter dimitte illis, non enim
Sciunt quid faciunt.
Ama kong Diyos na giliw
ang hingi ko po at hiling
ay iyo pong patawarin,
ang lahat ng taong taksil
na nangagpako sa akin.
Di nila namamalayan
itong kanilang inasal
walang loob kamunti man
magdalita ka po naman
sila’y huwag pag-isipan.
Nang ito’y maipangusap
araw ay tanghaling tapat
pawang nagsipanggilalas
dito sa ipinahayag
na paghingi niyang tawad.
Anila’y ano’t tiniis
yaong masinta’t maibig
mapagpagaling sa sakit,
at aliw nang tumatangis
ginhawa sa madlang hapis.
At yaong ministrong apat
na nagparipang nangahas
ay ang damit ng Mesias,
na sa katawa’y hinubad
pinagbahaging nagkaapat.
At yaong isang tunika
panakip sa balat niya
na wala nganing kostura,
habi nang kaniyang Ina
bukod yao’y alintana.
Di kinibo di inano
nang mga lilong hudyo
kung hatiin sayang kono
ay pinagsugalan dito
dalhing buo ng manalo.
Kaya nga pinagsugalan
yaong tunikang marangal
ang may palad na sino man
siyang mag-ari’t magtangan
at huwag nang pagtalunan.
Ani San Juang sumulat
alin man ang magkapalad
114
yao’y siyang mag-iingat
lahat nama’y nagsitanggap
nang nayari nilang usap.
Nagkatotoo ang sulit
niyong Propetang si David
dito’y kamukha’t kawangis
iyong sa unang inawit
ng pagbubukdin ang damit.
Diviserunt sibi vestimenta
mea, Et super vestem meam
miserunt sortem..
Psalm, 21 v.19
Ay nang matapos ito
lumuklok ang mga lilo
na balutiang soldado
tumatanod na totoo
sa pinakuang Kordero.
Ang Ebanghelistang apat
ang nagsaysay nagpahayag,
na si Pilato’y nagdagdag,
sa Krus nitong Mesias
nag isant rotulong sulat.
Ang unang sulat ay ….I
ang pangalawa ay …………..N
ang ikatlo nama’y ………..R
ang ikapat ay …………………..I
kahulugan ay ganiri:
Ang unang I ay Jesus
at ang N Nazarenos
R nama’y Rex na lubos
ang I sa huli’t buntot
ay Judaeorum na puspos.
Ang mga nagwika nito
ay tatlong lahi sa mundo
Hebreo, Griego’t Latino,
kung pagnuynuying totoo
ang kahuluga’y ganito:
Kung tatagaluging lubos
ang wikang ito’y talos
ito anilang si Hesus,
pagkatao’y Nazarenos
Hari ng mga hudyos.
Ito’y kaya utos naman
ni Pilatong punong bayan
rotulong ipinalagay,
ay pag-ayop niyang tunay
sa hudyong karamihan.
Nang Makita ang rotulo
na parikit ni Pilato
sa ulunan nga ni Kristo,
ang tanang mga hudyo
alipala’y nagkagulo.
Agad silang nagsilakad
at kay Pilato’y humarap
anila ay hindi dapat,
balatong po iyong sulat
na inyong ipinaragdag.
At kaya kami’y nagpilit
na naparito’t lumapit
nang inyo pong ipaalis,
rotulong lihis na lihis
ang palama’y di matuwid.
Ang kay Pilatong pasiya
wikang sagot sa kanila:
di ko na mababago pa,
nasulat ay nasulat na
wala nang pagkakaiba.
At bagaman katuwiran
ang inyong pag-aapelar
ay di ko ipagagalaw,
hayo na at kayo’y manaw
at diko nga pakikinggan.
Nalis na ang mga lilo
galit ay di mamagkano
upasala’y mago’t mago
sa hukom na si Pilato
nang di paayong totoo.
Doon sa pagkabayubay
ni Kristong nahihirapan
ay ang mga tampalasan,
pagmura ay walang humpay
ngusuan nama’t labian.
Ang wika nilang pag-ayop
na kung Hari kang tibobos
tunay na Anak ni Diyos
magkalag ka at maghugos
nang pagkapako sa Krus.
Kung ito’y iyong magawa
kami ay maniniwala
115
ano pa at tinutuya,
ay aniya’y solopika
ano’t di ka magka-wala.
Di ba ikaw ang nagsaysay
mag-wawalat ng Simbahan
at kung masira mo naman,
yayariin mo ring tunay
sa loob ng tatlong araw.
Ang katawan mo pang lilo
kaya ang di iligtas mo
kung di mo magawa ito,
sinungaling kang totoo
hunghang malupit na tao.
Ano pa’t hindi maisip
pag-uroy nang malulupit
walang sawa nang paglait,
ibinubunto ang galit
sa Poong kaibig-ibig.
At kaya ipinagitna
nila ang Poong dakila
sa dalawang makuhila,
yaon daw pagpalibhasa
at lubos nilang pagkutya.
Na ang balang makakita
si Hesus doon ipara
gayon ang taguri nila
kamukha rin at kapara
nang dalawang palamara.
Sa dalawang mga lilo
ang sa kanan ay natuto
na binabanal si Kristo
aniya’y banal na tao
banayad at di magaso.
At ang kawikaan niya
kahima’t binigyan dusa
sa Krus ay patayin pa,
hindi taong palamara
at wala munti mang sala.
Kung kaya ginawa ito
kainggita’t pangimbulo
nang mga lilong hudyo
ng di panganlang si Kristo’y
Diyos at banal na tao.
Layo pa ng manalangin
at marinig yaong daing
ang nagpako’y patawarin
ginawa’y di nalilining
muli’t muli ang panimdim.
Na ang kaniyang winika
tantong ito ay Diyos nga
kaya’t maganda ang nasa,
sa nagpako’t nanganyaya
ang ganti ay pagpapala.
Mahanga’y ako’y dumaing
siya’y ating dalanginin
upang ako’y patawarin,
ng sala ko’t gawang linsil
yamang siya’y maawain.
A R A L
Ito ang titingnan nawa
nang matapang at gahasa
mapagtanim sa kapuwa,
di gumanti’t aayaw nga
mapanganlang siya’y dusta.
Hunghang ka’t walang tuto
mapagpalalong totoo
sa Panginoon mong ito,
bago’y malupit kang tao
walang halagang gaano.
Kung gayon ang iyong tika
tantong nagkakamali ka,
ang mababa ay maganda
siyang ikagi-ginhawa
may puri at may buhay pa.
At ano ang gayang damdam
sa taong mapagmatapang
dili ang kahahangganan,
pawang hirap, kasakitan,
ang munsing kung makaraan.
Pagpapahirap at sakit
hiya’t sising di mumuntik
at panganib nang panganib
lalu kung sala’y malupit
ang lahat ay umi-iit.
At huwag kang maglililo
sa iyong kapuwa tao
para ng hayop sa damo,
ngayon sa oras na ito
116
kamahala’y ayunan mo.
Sa iyo ay isinangkap
ang karamdama’t potensias
katawan mo ay malakas,
ng ibigin ka ng lahat
ano’t sa hayop tumulad?
Wala ka nang makabagay
bait mo ay magkatimbang
malaks ka ma’t matapang
lagna’t sakit bulinyanang
sa iyo’y makabubuwal.
Doon mo mapagkukuro
ang iyong pagkapalalo
na walang kahalong biro,
para pang kahoy na tuyo
kapagkaraka’y magugupo.
Kung mamamatay ka na nga
mangayupapa’t manglata
sa aba mo ngang sa aba!
malakas ka ma’t balita
daig ka nang mahihina.
Itong kapangahasan mo
kainggitang walang tuto
tuwina’y sa pagtatalo
para kang hayop na gago
sa apoy ka isusugbo.
Ang gawin mong katampatan
ang loob na kababaan
na malinis at mahusay,
huwag kang palatungayaw
sa Diyos na alang-alang.
Hindi at ang maisip mo
kung ikaw’y makipagtalo
baka pintasan ka aniya,
maturing duwag na tao
palamara’t walang apdo.
Tuwi na’y ang ginagawa
maghapong gagala-gala
balang makita sa lupa,
magkakamit upasala
sa matatabil mong dila.
Lahat ay nasasaliksik
niyang palalo mong bait
ang iba’t munting malingid,
dumi nila’y nababatid
bago’y ikaw ang marungis.
Ang madla’y nawiwikaan
at pagbubulung-bulungan
sa lihim nilang anuman,
kung magsulit at magtimbang
ikaw ang lalong mahalay.
Ang lahat ay nakakatha
dunong na magwika-wika
walang hindi upasala,
ang munting magkabihira
iyong ipinanglulura.
Maghinahon na’t maglubag
loob nating matataas
tayo’y tumulad ka Dimas,
miminsang siya’y tumawag
ay nagkamit nang patawad.
Kristiano’y samantalahin
itong panahong magaling
at yamana naghihintay rin,
si Hesus na Poon natin
at tayo’y kakatotohin.
Ang paghingi ng tawad ni Dimas
sa ating Panginoong Hesukristo
Sa dalawang palamara
na kay Kristo’y napasama
sa Krus nang pagkadipa,
ay hindi nga nagkaisa
ang loob nilang dalawa.
Yaong isang magnanakaw
na si Hestas ang pangalan
ay siyang nanampalasan,
na yumakag na magtanan
sa Poong nahihirapan.
Yamang ang iyong pabantog
ay Mesias kang tibobos
anitong hunghang na loob,
Salvum fac temetipsum et nos
magkalag tayo sa Krus.
Nang marinig nga ni Dimas
magnanakaw na mapalad
yaong winika ni Hestas,
kabuhungang pangungusap
ay pinangusapang kagyat.
At pinangusapang tikis
117
nang mga wikang matuwid
dapat kamtan ng may bait,
na pagtutubuang pilit
ito ang ipinagsulit.
Aniya’y katoto’t irog
kita’y manalig sa Diyos
tingi ang kalunos-lunos,
na ipinako sa Krus
ay walang salang tibobos.
At mag-iisip siya rin
magpapasulit sa atin
ng sala at gawang linsil,
saka wala kang panimdim
bagkus mo pang iniiring.
Ikaw ay nakikigaya
ng paglabag at pagmura
panunungayaw tuwi na
ng mga punong lahat na
mga tanod sa kaniya.
Ang pagpatay siyang hangad
nang malulupit na uslak
kita ay huwag gumagad,
ngayon ay tayo’y tumawag
yamang ating naging palad.
Ano’t nang maipangaral
ni Dimas ang gayong bagay
ka Kristo ay nanawagan,
napaampon kapagkuwan
ito ang siyang tinuran.
Domine, memento mei
Cum veneris ay ang sabi
in regnum tuum ay yari
Poong kong makalawingi,
Diyos na lubhang malaki.
Ako pong makasalanan
ay huwag mong kalilimutan
alalahanin mong tunay
kung mauwi ka sa bayan
na mahal mong kaharian.
Ang sagot ni Hesukristo
yaong wikang: Amen dice
tibi hodie. naman ito
mecum eris ay ang dulo
aniya’y in Paradiso.
Ako ay paniwalaan
nitong pangako kong tunay
ngayon din hindi liliban,
tatamuhin mo’t kakamtan
Paraisong aking bayan.
A R A L
Laki nganing kapalaran
ni Dimas na magnanakaw
gayong lalong nagsukaban,
miminsang tumawag lamang
nakaiwas sa kasalanan.
Balang gawa’y dili dapat
asal ay lubhang halaghag
kasalana’y mabibigat,
ngayo’y sa sandaling oras
ay nagkamit ng patawad.
Doroon na’t nauumang
sa impiernong kainitan
na itutulak na lamang,
ay agad nakapanaban
sa awa ng kalangitan.
Siya ang unang sampaga
bungang hinog na maganda
sa tanim ni Kristong Ama,
sa Pasyon at hirap niya
niyong sasakop sa sala.
Kung gayo’y ang katampatan
si Dimas ang ating tularan
manangis at manambitan,
ng tayo’y masama naman
sa maluwalhating bayan.
Kahima’t ang kaluluwa
nagugumon nga sa sala
mahabang tao’t araw na,
huwag matakot, umasa
at kaawaan di niya.
Kidaw sa gawang di tuto
sa Krus manambitan tayo,
ng magkamit at magtamo
118
ng grasiang mananagano
sa bayan nang Paraiso.
Ito’y karikit-dikitan
lalong kamahal-mahalan
sa tumbagang ahas naman,
ni Moises na naglalang
sa san hebreos ng minsan.
Kung sino man ang makagat
nang ulupong man at ahas
sa tanso nga kung magmalas
ay mapaparam na agad
ang mabibisang kamandag.
Ano pa nga’t ang katawan
doon na nga galing lamang
at hindi nasasakupan,
ang sa kaluluwang buhay
nang sa taong kasalanan.
Nguni bukod at kaiba
ang mananakop sa sala
lunas na lubhang maganda,
siyang makagiginhawa
sa katawa’t kaluluwa.
Tindig taong nangatuka
nang ulupong na mabisa
salang ahas ang kamukha
tayo’y pagamot magkusa
kay Hesus Haring dakila.
Tingni at iyong pagmasdan
napapako paa’t kamay
at kaniyang hinihintay,
ang dumulog na sino man
yayakapin niyang tunay.
Kung siya nga’y dudulugin
nating nangagugupiling
ang buong sinta’y ihain,
agad niyang tatanggapin
tayo at kakatotohin.
Malulumbay ang loob niya
na di natin ipangamba
tikis na nagpakamura,
hirap ay inalintana
dahilan sa taong sala.
Lumalo pa kaya naman
kay Dimas na magnanakaw
masama at taong hunghang,
tumawag lamang ng minsan
pinagpala kapagkuwan.
Oh! kalapating mapalad
babaing lalo sa lahat
Mariang lipos nang hirap,
dibdib ay halos mawalat
dahil sa Berbong Mesias.
Niyon ngang maghiwalay na
ang sing-ibig na mag-ina
sa lansangang amargura,
lumbay at buntong hininga
sa loob ay di mag-iba.
At baga man sinusundan
si Hesus ng Birheng mahal
ay agad ding nahiwalay,
parating nalulunasan
sa habang nilalakaran.
Ang pagdating ng mahal na
Birhen kasama ang mga babae
na mula sa Galilea
Laking sakit laking dusa
nang Inang nangungulila
kaya nga’t nangagsisama
ang mga babaing iba
na nagmula sa Galilea.
Nang dumating sa Kalbario
itong Inang nanglulumo
ang Anak niyang si Kristo
napapako nang totoo
doon sa Sakromadero.
Dinulog at nilapitan
sa paa’y di humiwalay
ang puso’y halos matunaw,
at gayon din si San Huan
na pamangking minamahal.
Madla ang buntong hininga
tinangis-tangis tuwi na
ng Poong Birhen Maria
kung matingala’t Makita
Anak niyang nagdurusa.
At di man makapagsulit
119
dila niya’y nauumid
dahil sa hirap at sakit,
sa loob lamang ng dibdib
ganito ang pananangis.
Bungang giliw ko aniya
buhay niyaring kaluluwa
bakit nagkaganiyan ka,
ito kaya’y mababata
ng nahahabag mong Ina?
Ano ang salang di tuto
Hesus ang ginawa mo
at ikaw ay ginaganito,
pinasakitan kang totoo
dahil sa sala ng tao?
Akin kayang madalumat
bunso ang ganitong hirap
at aling pusong matigas,
ng Ina ang di maagnas
sa pagdurusa nang Anak.
Ay ako pa kaya baga
ngayon ang di mabalisa
Hesus ikaw at di iba,
totoo kong sinisinta
minamahal ko tuwi na.
Ikaw rin at siya lamang
ang kaluluwa ko’t buhay
Diyos na walang kapantay,
na pinanganganinuhan
ng buong Sangkalangitan.
Tunghan niyang iyong mata
ang Inang nangungulila
ngayo’y tinitingala ka,
at ang buong panininata
sa puso’y hindi magbawa.
Tanggapin mo di man dapat
bunso yaring aking habag
dati mong natatalastas
ang pag-irog at pagliyag
ng Ina mong naghihirap.
Madla pa at di maisip
ang sa Birheng pananangis
aling matigas na dibdib,
ang di mahabag mahapis
sa gayong pagkakasakit?
Na ang winika ni Hesus
Mulier, Ecce ilius tuus
babaing timtimang loob,
iyang anak mo ay kupkop
para akong ‘yong inirog.
Lumingon at nag-wika na
kay Huan Ebanghelista
wika’y Ecce Mater tua,
iyan ang siya mong Ina
huwag ipagpalamara.
Siya’y iyong iingatan
huwag mong pababayaan
suyuin mo gabi’t araw,
ito ang mana mo lamang
sa akin ngayong pagpanaw.
Hirap ay lubos na lubos
nitong Poong Mananakop
dumating sa Amang Diyos,
na ang winikang tibobos:
Deus meus, Deus meus.
Ut quid ay ang sabi
dereliquisti me, Elli
Elli, lamna sabacthani?
kung sa katuwirang sabi
kahulugan ay gayari:
Kahulugan ay iisa
nitong wikang dinadalawa
nang mga Evanghelista
Diyos ko, Diyos ko! Aniya
ako po’y nilimot mo na.
Marunong ka’t mapag-ibig
sa alipin mong bulisik
ano’t sa Anak mong ibig,
di mabalino’t mahapis
awa mo’y inililingid?
Ano’y ng maipangusap
yaong wikang ikaapat
ni Hesus na naghihirap,
ang madla roong kaharap
nagsitawa’t humalakhak.
Mana’y tumawag anila
kay Elias na Propeta
di na yata nakabata,
sa hirap at madlang dusa
sa kaniyang pagkaparipa.
120
Ano pa’t pawang paguyam
nila’t kapalibhasaan
sa Poong nahihirapan
dito ng nga kapagkuwan
nagdilim ang Sangtinakpan.
Mula sa oras na Sexta
magpahangga ngang sa Nona
tao’y di nagkakilala,
yaong hudyong lahat
natakot sila’t nangamba.
Lubos nganing tatlong oras
na di nagkitang liwanag
nagdilim na dili hamak,
ito ay pakitang habag
ng Ama sa sintang Anak.
Ng mapawi na’t maparam
yaong himalang natingnan
si Kristo’y muling nagsaysay,
Sitio ang siyang tinuran
ako anya’y nauuhaw.
Sino man ang umiibig
sa akin at nahahapis
dinggin yaing aking sulit,
ako ay bigyan nang tubig
uhaw ko’y upang mapatid.
Ano ay nang mapakinggan
niyong mga tampalasan
ay sa laking kapusungan,
kinuha nila pagkuwan
suka’t apdong nalalaan.
Binasa kapagkaraka
pangsugiging laan nila
sa tikin inilagay na,
at sinalisol kapagdaka
sa bibig ng Poong naghihirap.
Kahima’t lubhang masaklap
yaong sukang iginawad
ang kan San Huang pahayag,
sa manamnama’y tinanggap
nitong Poong naghihirap.
Laking sakit at dalita
hirap na walang kamukha
niyong makainom na nga
ay nangusap alipala:
Consummatum est ang wika.
Tumangis na kapagkuwan
luha sa mata’y bumukal
sa Ama ay inialay,
ang kaluluwa at buhay
ito ang siyang tinuran:
Pater ang wika ni Kristo
in manus tuas commendo
spiritum meum ito,
wikang sukat ipanglumo
kung isiping totoo.
Oh Diyos ko’t aking Ama
Diyos na mulang ginhawa
yaring aking kaluluwa,
ikaw po ang bahala na
magtanggol at magkalara.
Ay ano’y ng mailagda
ni Hesus ang gayong wika
naghingalo alipala,
itinungo na ang mukha
pagkamatay na mistula.
Pumanaw kapagkaraka
mahal niyang kaluluwa
ay aba tao ay aba,
tingni ang luha sa mata
nang nahahabag mong Ina?
Dito na nga ay naganap
yaong tanang propesias
ng mga Santos Propetas,
hula nilang isinulat
na daratnin ng Mesias.
Pagkamatay nga ni Kristo
nanglumo ang buong mundo
tabing sa loob ng templo,
na takip ng testamento
nagsisi’t nabuksan ito.
Bato’y nangagkauntugan
nanginig ang Sangtinakpan
marami nama’t makapal,
mga taong nangabuhay
na lumabas sa baunan.
Nasabay napakisama
sa kay Kristong pagdurusa
nahayag at napakita,
ang mga katawan nila
121
sa Herusalem na sadya.
Lindol ay di mapatantan
bundok ay halos mahapay
tantong hindi mapalagay,
lakas na di ano lamang
ang pag-ugoy at paggalaw.
Ito ang siyang mula
niyong kaguluhang pawa
ang panaho’y nalumbay nga,
pagkamatay na mistula
ng Panginoong Maygawa.
Araw, buwan at bituin
mga astrong maniningning
para-parang nakulimlim,
at naging kuyap na itim
ang maputing panginorin.
Ang dilang bagay sa mundo
sampung apat na elemento
para-parang nangagulo
at nangag-ibang totoo
sa lagay nila’t estado.
Ano pa’t ang dilang bagay
sa lupa’t Sangkalangitan,
kanilang ikinalumbay
nangahapis at nagdamdam
sa Diyos na pagkamatay.
Ang tao pa kaya baga
may karamdama’t potensia
ay ang hindi mabalisa,
loob magbangong dali na
manangis at mahapis ka.
At iyo ring ikalumbay
ngayon at ipanambitan
ang sakit at kahirapan
dugo, sampung pagkamatay
nitong Diyos na maalam.
Kung ang bato ay bato na
nahabag at nabalisa
ay aba tao ay aba,
ikaw nga ang siyang lilo,
ano at hindi mangamba?
Ilag, ilag kapatid ko
sa mga gawang di toto
mahapis ka na ng totoo,
sa pagkamatay na ito
nang Poong si Hesukristo.
At kung di mo iilagan
sala mo’t dilang kasamaan
ano ang iyong pagdamay
nasaan ang iyong lumbay
dito sa Poong Maykapal?
Tantong lubos na totoo
pag-ibig niya sa tao
walang puso’t walang apdo
ikaw ay may kaluluwa
sa may sinta ng ganito.
Ano at hindi umiyak
puso mong sakdal ng tigas
kung ang elementong apat,
nangahapis nangahabag
dito sa Poong Mesias?
Oh taong may kaluluwa
tantong nagkakamali ka
di mo inaala-ala
ang kamatayan at dusa
nang ikalawang Persona.
Bakit Diyos na maalam
lubhang kalinis-linisan
nagmukha kang hamak lamang,
sa pagtubos at paghadlang
ng madla mong kasalanan.
Ang pag-uutos ng mga hudyo
na umugin ang hita ng mga
pinarurusahan.
Ganap na nga at puspos
ang pagkalara at pagsakop
nitong maawaing Diyos,
kaya nagbantang tibobos
nang pagkamatay sa Krus.
Siya ay napapagitna
sa dalawang makuhila
dito nagbagong akala,
yaong mga aliktiya
pariseong nangayaya.
Anang mga taong lilo
na nangagpako kay Kristo
inyong umuging totoo
ay hayo anila kayo,
122
hita niyong mga lilo.
Nalis at agad pumanaw
yaong mga inutusan
sa Kalbario’y nagtuluyan
dinatnan pa nilang buhay
ang dalawang magnanakaw.
Inumog kapagkaraka
yaong hita ng dalawa
dito naman ang mula na,
pagkakamit ng ginhawa
kay Dimas na kaluluwa.
Hindi na nila ginalaw
ang kay Hesus na katawan
sapagka nga napagmasdan,
di humuhinga munti man
at totoo na ngang patay.
Lalong sukat ikagitla
ngayon at ikabalisa
bakit si Kristo’y patay na
tagilira’y inulos pa
ni Longinos na masigla.
Nguni’t ito’y siyang utos
at kalooban nang Diyos
na doon ngani umagos,
sa tagiliran ni Hesus
yaong pitong Sakramentos.
Kaya nga’t ng masugatan
ang dibdib niyang mahal
dugo’t tubig ang bumukal,
na inihugas a tanan
sa taong makasalanan.
Batis ito’y sadyang puente
binubukalang parati
ng awang kawili-wili,
at grasiang hindi masabi
ng Diyos naparuhagi.
Ang pagtatanggal sa ating
Panginoong Hesukristo at ng mga
babae sa Mahal na Santa Krus
Ay ano nga’y ng maganap
mahigit na tatlong oras
pagkapako’t paghihirap,
pagkamatay na nahayag
ni Hesus Haring mataas.
Noo’y dalawa katao
banal at dakilang Santo
ang nagsadya kay Pilato,
hiningi nilang totoo
ang bangkay ni Hesukristo.
At ang kanilang winika
doon sa nangagparaya
yamang nasunod nang pawa
pita niyo’t mga banta
pagpatay sa taong aba.
Ang aming ipinaglakaby
dito sa inyong harapan
kami po’y inyong tulutan,
mangyaring inyong ibigay
yaong kay Hesus na bangkay.
Di tumanggi si Pilato
sampu pa ng mga hudyo
ibinigay na totoo,
sa mga banal na tao
bangkay ng abang Kordero.
Alipala ay pumanaw
ang dalawang mga banal
at napaluwal sa bayan,
ng dala’y dalawang hagdan
na sangkay nga sa pagtanggal.
Si Hosep ang una-una
apelyido’y Arimatea
ito’y taong mapaninta,
at sumasampalataya
ka Hesus na Poong Ama.
Ang ikalawang may irog
banal na si Nikodemos
dating katoto ni Hesus,
kaya nga’t ang buong loob
inialay inihandog.
Nang sila ay dumating na
doon sa lupang Golgota
ang lumbay ay sabihin pa,
halos manaw ang hininga
nang si Hesus ay makita.
123
Tumatangis umiiyak
luha’y baha ang katulad
nilapitan nilang agad,
napasintabi’t nangusap
sa Inang lipos ng hirap.
Oh! Birhen anilang mahal
tigib ng pighati’t lumbay
kung iyo pong kalooban
ay kami’y pahintulutan
as Anak mo ay tumanggal.
Kusa po nang aming loob
ang parito at dumulog
at ng tanggali’t ihugos
sa pagkakapako sa Krus
yaong bangkay nga ni Hesus.
Gayong nasa’y ng malining
nang Inang mahal na Birhen
napahinuhod na tambing,
aniya’y inyo ng kalagin
bangkay na Anak kong giliw.
Agad na ngang hinawakan
ni Hosep ang isang hagdan
at kanilang sinandigan,
ang kamay sa dakong kanan
niyong sumakop sa tanan.
Sinandigan naman nila
ang kaliwa ngang paripa
ng mangyaring matanggal na,
ay inialis kapagkaraka
rotulong apat na letra.
Ang koronang tinik naman
inalis na pinagdahan
saka nila sinaklayan,
magkabilang tagiliran
ng kayong kanilang taglay.
Tinanggal nila’t pinukpok
yaong pakong nangagtagos
sa kanang kamay ni Hesus,
nang maalis at mabunot
ang kaliwa’y isinunod.
Saka nila pinagtibay
yaong kayong nasasaklay
katawa’y nalulungayngay,
isinunod nila naman
pako sa paa’y tinanggal.
Pinagdahang inihugos
katawang kalunos-lunos
malumanay na sinambot,
at kanilang iniabot
sa Inang Birheng tibobos.
Kinalong kapagkaraka
si Hesus nang Birheng Ina
lumbay hapis sabihin pa,
at pagbubuntong hininga
nang kaniyang kaluluwa.
Dibdib ay halos mawalat
nang sakit at madlang hirap
luha’y baha ang katulad,
nang pagtangis at pag-iyak
ito ang ipinangusap:
Oh maliwanag kong araw
at maalindog kong buwan!
aba bituing malinaw,
liwanag mo’y nahalinhan
nang dilim ng kasakitan!
Ito kaya’y mababata
ng Ina mong nagdurusa
oh bunso kong sinisinta!
ano’t hindi mapakali
hininga ko’t kaluluwa.
Hesus, dili baga ikaw
mapang-aliw sa may lumbay
bukal ng kaginhawahan!
ano at pinasakitan
itong mahal mong katawan?
Oh paraluman ng mata
at mutya niyaring Ina!
ang buhay ko’y anhin ko pa
kung baga mangungulila
sa bunso ko’t aking sinta?
Ito baga ang katawan
na pinanganganinuhan
ng lupa at Sanglangitan!
ano at pinaglahuan
at naging mistulang bangkay.
Ito baga bunsong liyag
kamay mong sakdal na dilag
na iginawad sa lahat?
bakit ngayon ay may butas
at ang dugo’y nagdaranak?
124
Ito baga ang buhok mo
tuwi na’y sinusuklay ko
hinuhusay kong totoo?
bakit ngayo’y gulong-gulo
natitigmak ng dugo mo?
Oh bunso kong sinisinta!
ano at binigyang dusa
iyang dalawa mong paa,
na inilakad tuwi na
ng pangangaral sa lahat na?
Lalong kasakit-sakitan
na halos kong ikamatay
bunso kung aking matingnan
iyang iyong tagiliran
na kanilang sinugatan.
Nasaan baga bunso ko
ang taong pinakain mo
mahigit na limang libo,
bakit ngayo’y wala rito
at di dumamay sa iyo?
Oh Hesus! nasaan baga
madla mong pinaginhawa?
ano’t hindi mabalisa,
ang kanilang kaluluwa
nitong hirap mong lahat na?
Ito’y siyang ganti’t bayad
ng pagsinta mo sa lahat
oh bunso ko’t aking Anak!
aking kayang madalumat
titigan ang iyong sugat?
Masaklap man at mapait
na di masayod nang dibdib
bunso itong siyang sakit,
tiisin ko’t siyang ibig
ng Diyos Hari sa Langit.
Madla nga t dilang bagay
ang sa Birheng panambitan
aling katigas-tigasan,
puso ang hindi matunaw
sa ganitong kahirapan?
Tumatangis na lahat na
ang tanang nakakikita
lalong ikinalumbay pa,
ni Huan Ebanghelista
at sampu ni Santa Maria.
Ano pa at nalunasan
budhi’t loob ni San Huan
ang Maestro’y nilapitan,
ang mata’y luha-luhaan
sa laking kapighatian.
Umiiyak, tumatangis
aniya’y Maestro kong ibig
ano’t ikaw ay umalis?
kung ikaw ay di masilip
anong aking masasapit?
Sino pa ang mangangaral
sa amin ng madlang bagay?
sinong aming daraingan,
sa sakunang ano pa man
dito sa hamak na bayan?
Dili ikaw ang Poong ko
pinsan ko’t aking katoto
minamahal na Maestro?
ano’t ako’y iniwan mo
dito sa balat ng mundo?
Aking kayang ikabuhay
Hesus ang iyong pagpanaw
tingna’t ako’y kaawaan,
yamang Diyos kang maalam
lumikha ng Sangtinakpan.
Poong ko ay datapuwa
pumanaw ka man sa lupa
huwag mong ipagkaila,
yaong lubos na biyaya
ampon mo’t pagkakalinga.
Dito sa wikang lahat na
habag nang Ebanghelista
ay dumulog kapagkaraka,
si Maria Magdalena
bubuntu-buntong hininga.
Tumangis at nanambitan
oh Maestro, aniyang mahal
kaluluwa ko at buhay!
anong aking naging asal
kung ikaw ay di matingnan?
Na kung lisanin mo kami
puspos nang pagkaduhagi
sino kaya ang kakampi
125
magtatanggol na parati
ng buhay ko’t sampung puri?
Kangino kami lalapit
ni Martang aking kapatid
Poong ko ikaw’y makinig,
sa taghoy tinangis-tangis
na alipin mong may hapis.
Doon ako nananangan
sa lubos mong kabagsikan
sapagka’t Diyos kang tunay,
tuwi na at nangangaral
sa tanang makasalanan.
Dili baga binuhay mo
kapatid kong si Lasaro
marami pa’t madla rito,
ang biyaya at saklolo
sa aming nananagano?
Oh Maestrong mapaninta
mapagkalinga tuwina
laking sakit, laking dusa,
nang puso ko’t kaluluwa
katawan mo kung makita!
Poon yaring aking buhay
ngayon yata ay papanaw
kung ako’y iyong maiwan,
dito sa lupang ibabaw
anong aking kapakanan?
Ano pa’t hindi magbawa
doon ang buntong hininga
pananangis na lahat na,
niluha-luha nang mata
nang Inang nangungulila.
Panambita’y di matapos
niyong magagandang loob
kapagdaka’ ay dumulog,
si Hosep at si Nikodemus
sa Birheng kalunos-lunos.
Aba po mahal na Birhen
ang hapis niya’y pag-anhin
itong Poon ay ilibing
itulot mo po sa amin
nang tayo’y huwag gabihin.
Ang paglilibing sa ating
Panginoong Hesukristo
Halos di ibig bitiwan
ng Inang may hapis lumbay,
ang sa Anak niyang bangkay
ninonoynoy nininilay
yaong madlang kahirapan.
Laking sakit hirap baga
nang Inang nangungulila
binunot-buntong hininga,
at gayon din ang dalawa
si Huan at si Magdalena!
Lumuhod na kapagkuwan
ang dalawang mga banal
iniabot nila ang bangkay,
saka naman pinagdalhan
sa kabaong inilagay.
Tinakpan namang totoo
ang bangkay ni Hesukristo,
nang sabanas at sudario
bangong hindi mamagkano
saan man sila patungo.
Angeles sa kalangitan
nanaog at pumatnubay
sa daang nilalakaran
kanilang tinatangisan
itong Diyos na maalam.
Marami nama’t madla pa
babaing nangagsisama
pawang may luha sa mata,
lumbay na walang kapara
sa puso at ala-ala.
Doon din sa halamanan
Hetsemani ang pangalan
itong si Hosep na banal
ay may nabiling baunan
di pa pinaglibingan.
At ang buong niya asa
kaya binili nang una
ay doon ilibing baga
na kung siya’y mamatay na
ang katawa’t bangkay nila.
Sa malaking sintang tangan
126
niya sa Poong Maykapal
ay iyong sadyang libingan,
inihandog inialay
dito sa mahal na bangkay.
Nang sila nga’y dumating
dito sa mahal na libing
ay ibinaba nang tambing,
ang katawang maluningning
nitong sumakop sa atin.
Binuhat at sinahukay,
at saka nila tinakpan
nang takip na nalalaan
batong marmol ang pangalan
sadyang kalinis-linisan.
A R A L
Aba lahat nang Kristiano
ngayo’y pasalamat tayo
huminging tawad kay Kristo
nang kamtan nati’t matamo
ang bayan ng Paraiso.
Ang Poong Diyos na mahal
ay kaya nagpakamatay
sa Krus ay panabayubay
pagtubos at awang tunay
sa taong makasalanan.
At kaya nagpakarukha
nagtiis at nagdalita,
lubos din niyang biyaya
at ng tayo’y sumagana
sa grasya niyang dakila.
Tayo’y walang gunamagunam
kamuntik man gabi’t araw
sa kay Kristong pagkamatay,
at ang hinaharap lamang
layaw ng ating katawan.
At sa aba mo nga baga
na kung hindi ka magbawa
sa hibo’t gawa mong sala,
ang inyong magiging hangga
sa impierno’y magdurusa.
Huwag ka ring tumalikod
sa madlang aral nang Diyos
at sa Santa Iglesiang utos
nang magkamit ka sa Diyos
nang awa’t tawad na puspos.
Huwag kang magpakaniig
sa gawa mong di matuwid
daya ng demonyong ganid
nilayin ng iyong isip
ang kamatayang sasapit.
Kaya hanggang buhay ka pa
ikaw ay magsamantala
magtipon at maghanda ka,
ng mga gawang maganda
ng may datnin kang ginhawa.
Kung tayo nga’y mamatay
dito sa mundong ibabaw
at doon sa ibang buhay
ay ang pakikinabangan
tanang gawang kabanalan.
Dahil sa sintang tibobos
nitong maawaing Diyos
dito sa lupa’y nanaog,
nang tayo nga ay matubos
sa kamay ng demonyos.
Ang pag-uutos sa mga hudyo
na tanuran ang pinaglilibingan
aa ating Poong Hesukristo.
Kahit ipahintulot
nang hukom at pariseos,
kay Hosep at Nikodemus,
ang paglibing kay Hesus
oroy nila at pag-ayop.
Ano nga’y ng malibing
itong Panginoon natin
ang mga hudyong taksil,
nangusap sila nang lihim
ng katampatang gagawin.
Anila ay pabantayan
ang inilibing na bangkay
baka nakawin sa hukay,
niyong disipulong tanan
ipabantog na nabuhay.
Pinagkayariang lubos
niyong mga pariseos
ang kapitang ibinoto
ng mga soldadong tanod
ang bayaning si Longinos.
127
Ipinatawag pagdaka
si Longinos na masigla
at ang kawikaan nila,
kung kaya nila pinita
sa pagka dating binasa.
Tinawag na si Longino
niyong dalawang soldado
nang maharap kay Pilato,
aniya ay bantayan mo
bangkay niyong abang tao.
Baka magbango sa hukay
at siya’y muling mabuhay
inyo ng pagtakpan-takpan,
huwag ipagmakaingay
sa taong sino’t alin man.
Ang sagot ni Longinos
sa hukom at pariseos
oo, ako’y sumusunod,
sa halal nila at utos
sa pagbantay at pagtanod.
Si Longino’y lumakad na
pumanaw kapagkaraka
soldados niya’y kasama
ng dumating na maaga
sa tatanurang talaga.
Sila’y pawang sandatahan
pumasok sa halamanan
nangatuloy sa baunan,
ni Hesukristong maalam
doon sila nangagbantay.
Sa natatakip na bato
nang libing ni Hesukristo
nupo ang mga soldado,
tuwa nila’y mago’t mago
sa pagbabantay na ito.
Hanggang sa kinabukasan
bilang sa ikatlong araw
gawa nilang pagbabantay,
ay ano’y kaalam-alam
sila’y pinaghimalaan.
Ang pagkabuhay na Mag-uli ng
ating Panginoong Hesukristo
Resurrexit tertia die
secundum Scripturas
Niyong ding oras ay nanaw
ang kaluluwa sa katawan
niyong sumakop sa tanan
ay agad pinanaugan
yaong seno ni Abraham.
Kalangkap ang kaluluwa
sa katawan ay tumira
lubos ang omnipotensia
buong pagka Diyos niya
at kabagsikang lahat na.
At bagama’t naghiwalay
ang kaluluwa’t katawan
ay ang buong kadiyosan,
niya at kapangyarihan
na kapuwa nilangkapan.
Ibig nang ipakilala
sa tao at ipakita
buong pagka Diyos niya,
nang magsisampalataya
ang bulag na kaluluwa.
Sapagk’at nasasalatan
tayo nang kaliwanagan,
kaya nga pinanaugan,
ng Berbo at pinaronan
ang limbo ng mga banal.
Doon naman ay kasama
tanang Angeles sa Gloria
nagpupuri’t nagsasaya
at sila ang nangunguna
sa nanalo’t nagbiktoria.
Yaong seno’y nasasarhan
pinto ay nasususian
sa Salmos ay nasasaysay,
na ang madlang kasangkapan
para-parang tanso’t bakal.
Ay ano’y mapasok na
ng Mananakop sa sala
Angeles niyang kasama,
nangusap kapagkaraka
ito ang ipinagbadya:
Atollite portas, prinsipes
vestras; et elevamini, portae
aeternales, et introibiti
rex gloriae.
128
Buksi ang pintuan ninyo
prinsipes ng mga lilo
at papasok ngayon dito
itong Haring mananalo
sa Langit sadyang Imperio.
Nang ito’y maipagsaysay
niyong Angeles na tanan
agad ipinag-wasakan,
yaong pintong matitibay
ng mga demonyong hunghang.
Pumasok kapagkaraka
itong Sumakop sa sala
inaliw niyang lahat na,
ang doroong kaluluwa
Patriarkas at Propeta.
Lumiwanag na totoo
yaong madilim na seno
nguni’t lalong hirap ito,
at kasakitang totoo
nang mga lilog demonyo.
Sabihin ang katuwaan
niyong mga santong banal
papupuri’y walang humpay
at dumating ang Maykapal
na kanilang hinihintay.
Nasunod na nga ang pita
ni Abraham na Patriarka
natuwa at naligaya
si David bunying Propeta
Heremias at iba pa.
Ano pa’t ganap na ganap
ang tuwa’t pasasalamat
sa Sumakop at naghirap
at aling dilang matalas
doo’y makapangungusap.
Ng husto na’t walang kulang
maganap na tatlong araw
ng kaniyang pagkamatay,
sumilid na sa katawan
kaluluwa niyang mahal.
Kalangkap din at kasama
buong pagka-Diyos niya
kabagsikang walang hangga,
at kapangyarihang sadya
na walang makakapara.
Namimitak at sisilang
ang araw sa Silangan
ng lumabas sa baunan
iyong Sumakop sa tanan
siya na ngang pagkabuhay.
Dikit na walang katulad
katawa’y sakdal ng dilag
lubos na pagkaliwanag,
nitong nanalong nagbuhat
na ikalawang Personas.
Pagkalabas sa baunan
ng mahal niyang katawan
natulig at nangabuwal,
naparapa’t nasunggabang
ang doroong mga bantay.
Isang Anghel ang nananog
sa batong takip lumuklok
dikit at kalugod-lugod
di matitigang tibobos
sino mang mahinang loob.
Nagwagi na ngang totoo
ang Poong si Hesukristo
at pawa niyang tinalo,
ang sukab at mga lilo
kaaway niyang demonyo.
At doon sa pagkaluklok
nang bumantay na soldados
ang mabunying si Longinos
nag-iba’t nagbagong loob
ng ito ay mapanood.
Natakot ngani nangamba
ang kaniyang kaluluwa
nag-isip, nag-alaala
agad sumampalataya
kay Hesus na Poong Ama.
Ano’y nang mahimasmasan
loob nilang nalunasan
agad nang nasang-usapan,
na yao’y patakpan-takpan
huwag ipagmakaingay.
Ang bayaning si Longinos
di pumayag di sumunod
sa baya’y agad pumasok,
humarap na nga’t dumulog
129
sa eskribas at pariseos.
Na ang kaniyang tinuran
sa mga pinunong bayan
ay anya mga mahal,
yaong kay Hesus na bangkay
ngayo’y nag-uling nabuhay.
Kaming nangagsitanod
naparapa’t nasubasob
nang malaking pagkalunos
sa kaliwanagang puspos
niyong katawan ni Hesus.
Itong sinabi kong tanan
ay inyong paniwalaan
at pawang katotohanan
kaninang madaling araw
siyang paglabas sa hukay.
Nang mabatid yaong wika
na kay Longinong balita
nangagulo alipala,
yaong mga aliktiya
at nangawalan ng diwa.
Ang naisipan nga nila
at kanilang minaganda
sinaad kapagkaraka,
si Longinos at iba pa
soldados niyang kasama.
Kami anilang napipisan
dito’y pawang punong bayan
aming pangakong matibay,
ginto’t pilak kayamanan
opisio at katungkulan.
Tantong ibibigay namin
ano man ang inyong hingin
ito lamang ay ilihim
huwag ng sabi-sabihin
sa taong sino ma’t alin.
Ang ibang mga soldado
taksil at mapangimbulo
puso nila’y nagugulo,
sa mga pangakong ito
nagsipayag napa oo.
Nguni’t yaong si Longinos
kapitan, timtimang loob
munti ma’y di malamuyot,
sa pangako’t mga handog
niyong mga pariseos.
Ano pa at tinalikdan
ang layaw sa kalupaan
nagbgao ng nga nang asal,
kumilala nang matibay
sa Diyos na Poong Mahal.
Kaya nga’t ang isinagot
sa mga hunghang na loob
aniya’y kahit malagot
hininga ko ma’y matapos
ay aking ipagbabantog.
Aking pamamalitaan
mga taong karamihan
dito sa loob ng bayan
nang totoong pagkabuhay
nang inyong pinarusahan.
Nang ito ay mawika na
ni Longinos na nagbadya
pumanaw kapagkaraka,
ang balang taong makita
pinamalitaan niya.
Ipinahayag na rito
ng bayaning si Longino
sa madla’t maraming tao,
na nabuhay ngang totoo
ang Poong Hesukristo.
Ano’y sa hindi pumayag
si Longinos na mapalad
ay nangapoot na lahat,
ang pariseos at eskribas
diddib ay halos mawalat.
Agad nilang inutusan
ang soldadong karamihan
na hanaping pagpilitan
kahit saan man humanggan
yaong bayaning kapitan.
Ano pa nga’t di napagod
ang umusig na soldados
at sapagka’t si Longinos,
nagkusa nang napagapos
sa mga taksil na loob.
Ang kaniyang napagbulay
sa sariling gunam-gunam
130
ang Diyos aniyang mahal,
napamura’t napatampal
bago’y walang kasalanan.
Ay ako pa kaya baga
taong lilo’t palamara
parating nagkakasala,
ano at hindi magbata
nitong kanilang parusa?
Alipala ay nagturing
sa nangagsihuling taksil
ay aniya mga giliw,
ako ay bago patayin
sumandaling inyong dinggin.
Kikilalanin kong utang
sa inyong nagkakapisan
kung ako’y inyong pakinggan
yamang hindi maliliban
yaring aking pagkamatay.
Napa oo’t nagsipayag
ang soldadong mararahas
at si Longinong mapalad,
alipala’y nagpahayag
ito ang ipinangusap:
Mga irog ko, aniya,
katoto ko’t aking sama
ay mula nang una-una,
bulag yaring mga mata
loob sampung kaluluwa.
Walang munting malay-malay
sa daan nang katuwiran
at ang nakikita ko lamang,
ay ang mga likong aral
lihis nating kagagawan.
Mula ng aking maulos
ang tagiliran ni Hesus
dugo’t tubig ang sumipot,
sa kabulagan kong puspos
siyang tantong nakagamot.
Dugo niyang mahalaga
tumama sa aking mata
ay siyang nakaginhawa,
lumiwanag, nakakita
ang bulag kong kaluluwa.
At bukod sa rito naman
nang siya’y ating tanuran
sa huertong pinaglibingan
at ng lumabas sa hukay
katawa’y nakasisilaw.
Yaon ang siyang mula na
ang aking pagkabalisa
kaya ngayon mga oya,
tantong hindi mag-iiba
yaring pagsampalataya.
Kahit maging sanglibo man
ang buhay niyaring katawan
pawa kong ipapapatay,
kung inyong pagpipilitan
na siya’y aking talikdan.
Nang mawika na’t masambit
yaong wikang matatamis
ay si Longinong mabait
tumingala na sa langit
ito ang ipinagsulit:
Panginoon ko, aniya,
Diyos na tatlong Persona
ikaw po ang bahala na
na mag-ampon at kumuha
sa buhay ko’t kaluluwa.
Di man dapat Amang mahal
akin pong iniaalay
yaring kaluluwa’t buhay,
yamang ikaw rin po naman
sa aki’y siyang nagbibigay.
Lubos akong umaasa
sa iyong mahal na grasya
ako po’y nagsisisi na,
at totoong nagtitika
sa lahat kong gawang sala.
Hesus ko’y tanggapin mo
yaring kikitling buhay ko
ipagtatanggol mong totoo
yamang dahilan sa iyo
ang pagkamatay kong ito.
Hesus ay iyong isama
sa Pasion mo’t pagdurusa
yamang ikaw ri’t dili iba,
sakdalan tuwi-tuwi na
luwalhati nang lahat na.
131
Hesus o ikaw nga lamang
ang aking inaasahan
lubos na magtatangkakal,
sa panganib na ano man
na aking pagdaraanan.
Hesus, Hesus iyong kuha
papanaw kong kaluluwa
ikaw’y siyang bahala na
mag-ampon at magkalara
sa panganib na lahat na.
Ay ano’y ng maihandog
ang kaluluwa sa Diyos
ay ito ngang si Longinos,
nangusap pa ngang tibobos
sa nagsihuling soldados.
Ay aniya’y mga mahal
na dito ay inutusan
kung inyong kalooban,
ay alisan na ng buhay
yaring lupa kong katawan.
Nang ito’y maipagturing
ni Longinong masintahin
doo’y may isang taksil,
agad inutos na tambing
ng taglay niyang patalim.
Alipala’y pinugutan
ni Longinos na matapang
itong bayaning kapitan
yaon na ang siyang hanggan
at totoong pagpatay.
Dinapit kapagkaraka
ang kaniyang kaluluwa
Angeles na masasaya,
at doon nA guminhawa
sa buhay na walang hangga.
A R A L
Tayo naming taong lahat
sa kaniya’y makitulad
magtiis ng madlang hirap,
at ng magkamit patawad
sa Diyos Haring mataas.
Kaluluwa nati’t buhay
sa Diyos natin ialay
ng tayo ay makinabang,
ng lubos na katuwaan
doon sa Langit na bayan.
Na para nang pagbabata
niyong martir na maganda
kaya nga’t ang kaluluwa,
nagkamit ng tuwa’t saya
sa Langit na sadyang Gloria.
Ang pagkasulubong ni Kristo
sa kanyang Mahal na Ina
Nang malabas na sa hukay
at si Hesus ay nabuhay
ang una niyang dinalaw
ang ang Inang namamanglaw
inaliw sa kalumbayan.
Doon nga sa Senakulo
ay pinaroonan ni Kristo
at binati nang ganito,
yaong Inang manglulumo
lumbay ay di mamagkano.
Aba, Ina kong mapalad
karamay-damay sa hirap
tingni yaring iyong Anak,
ang loob ay nang lumuwag
sa kapighatia’t sindak.
Matuwa na’t lumigaya
ang Poon ko’t aking Ina
yamang aking naganap na
ang pagsakop ko sa sala
sa tanang anak ni Eba.
Napawi na’t nakaraan
ang unos ng kasakitan
ngayon ay ang katuwaan
Ina ko’y siyang kakamtan
nitong aking pagkabuhay.
Ang tugon ng Birhen Ina
Aba bunso ko aniya
buhay niyaring kaluluwa,
loob ko’y nagkamit saya
sa iyo ng pagkakita.
Yaong mga tinataglay
hapis at kapighatian
ng puso kong nalulumbay,
ngayo’y agad nahalinhan
nang malaking katuwaan.
132
Ano pa’t ngayo’y nalubos
ang tuwa kong di matapos
oh! Anak kong sinta’t irog,
ang sukal ng aking loob
napawi ngayong tibobos.
Ikaw nga’t dili iba
ang buhay ko’t aking sinta
bunso ng di ka makita,
sa loob ko’y di magbawa
ang kalumbayang lahat na.
Ngayon nga lamang naibsan
puso ko ng kalumbayan
at ngayon naliwanagan,
mata kong pinag-ulapan
ng dilim ng kasakitan.
Halos di nalulubos pa
ang tuwa nang Birheng Ina
sa kanilang pagkikita,
ay pumanaw kapagdaka
si Hesus na Anak niya.
Ang pagdalaw ng Tatlong Maria
sa Libingan ng ating
Panginoong Hesukristo
Ang Ina’y kaya nilisan
ni Hesus at pinanawan
aaliwin niya naman,
ang madlang kapighatian
ng kaniyang mga kawal.
Ang tatlo namang Maria
ng Dominggong madilim pa
nagsigayak kapagdaka,
at dadalawing talaga
si Hesus na Poong Ama.
Nagsilakad kapagkuwan
niyong ding madaling araw
ang dala nila at taglay,
walis insienso’t kamanyang
na isusuob sa bangkay.
Doon naman sa paglakad
habang doo’y nag-uusap
yaong tatlong mapapalad,
sino anilang bubuhat
ng batong lubhang mabigat?
Nguni’t sa sintang dakila
nila sa Poong Bathala
yao’y niwalang bahala,
at totoong nanaig nga
ang pag-ibig na mistula.
Sila’y nagmamadali man
niyong kanilang paghakbang
nasikatan din ang araw,
nang dumating sa baunan
bukas na yaong libingan.
Nang ito ngani’y makita
ni Maria Magdalena
ang lumbay ay sabihin pa
umalis at iniwan na
dalawa niyang kasama.
Sinabi’t ipinagsulit
sa nakitang Apostoles
anitong santang mabait,
ay nabuksan na ang takip
niyong libingang marikit.
Yaong ibang mga banal
babaing nangagsidalaw
di nakaimik munti man,
paraparang natilihan
si Hesus ng di matingnan.
Nang makita ng dalawa
isang Anghel na maganda
dikit na walang kapara,
ay nangusap sa kanila
gayari ang wika niya:
Kayo’y huwag mangatakot
nnitong Anghel nang Diyos
batid ko na’t natatalos,
ang hanap ninyo’y si Hesus
yaong pinatay sa Krus.
Kaya ngayon ang wika ko
wala na’t nalis rito
at nabuhay ngang totoo,
yaong hinahanap ninyo
na si Hesus Nasareno.
Muwi na kayo sa bayan
agad ninyong pagsabihan
ang kaniyang mga kawal
sa Galilea paroonan,
133
doon ninyo matitingnan.
Lalo na iyong si Pedro
ang nagpaunang totoo
sa Galilea tumungo,
sapagka’t pangako ito
nasa maalam na maestro.
Nuwi na’t pasa bayan
ang mga babaing ilan
wala nang ibang usapan,
kundi yaong pagkabuhay
nitong Diyos na maalam.
Sa baya’y agad nakita
si Pedro ni Magdalena
si San Juan ay kasama,
binati kapagkaraka
nitong babaing maganda.
Wala na, mga katoto
bangkay ng abang Maestro
sa libingan galing ako,
at nang maniwala kayo
halina at aba tayo.
Lumakad at nabigla na
si Maria Magdalena
si Pedro nama’y kasama,
si San Huan Ebanghelista
sa libing nagtungo sila.
Sa libingan ay pumasok
ang dalawang disipulos
doo’y wala na si Hesus,
at nakitang nababalot
yaong sabanas o kumot.
Sa kabila’y ang sudario
na itinakip sa ulo
doon na nga pinagsino
na ang bangkay ng kordero
ay kinuha nang hudyo.
Salawaha’t saligut-got
ang sa taong mga loob
bago’y ang wika ni Hesus
tatlong araw kung matapos
mabubuhay na tibobos.
Di na nila inisap man
ang kay Hesus na tinuran
kahima’t siya’y namatay,
mag-uuling mabubuhay
ang mahal niyang katawan.
Lumbay na di mamagkano
ni San Hua’t ni San Pedro
sa bayan ay napatungo,
laking bahag sa Maestro
loob ay sisikdu-sikdo.
Ang pagtatanong ni Magdalena
sa ating Panginoong Hesukristo
na akala’y isang Hortelano
Nguni at si Magdalena
sa libingan ay tumira
pumasok, tiningnan niya,
si Hesus ay di nakita
luha’y baha ang kapara.
Sa pagtangis at pag-uwang
ni Magdalenang may lumbay
at siya nga’y nilapitan,
ng isang Anghel na mahal
binati’t pinangusapan.
Anang Angel sa kaniya
babae ay bakit baga
ngayon ay tumatangis ka,
at di isa man magbawa
ang pighati mo’t balisa.
Ang itinugon na lamang
ni Magdalenang timtiman
ano’t di ko ikalumbay
ang Poong ko’y pinagnakaw
at kung saan inilagay?
Halos di natatapos pa
ang sabi ni Magdalena
lumingon ay may nakita,
isang tao na nagbadya
at nangusap sa kaniya.
Anitong taong nangusap
babaing lubhang mapalad
ano’t ikaw’y umiiyak
sinong iyong hinahanap
gayon na ang iyong sindak?
At hindi nga napagsino
ni Magdalena si Kristo
134
ang isip niyang totoo,
ay ang kausap na tao
doo’y isang hortelano.
Nangusap si Magdalena
maginoo po aniya
kung ikaw po ang kumuha
sa Poon ko’t aking sinta
sa akin po’y ipakita.
Sagot ni Hesus ay ito:
Maria ako ay tingnan mo
ako ang hinahanap mo,
dito na nga napagsino
ang Poong si Hesukristo.
Ang puso ni Magdalena
dito na nga naligaya
Maestro ko po aniya,
sa aki’y pahagkan mo na
ang mahal mong nga paa.
Nguni’t hindi tinutulan
nitong Maestrong maalam
na ang paa niya’y hagkan
para niyong unang araw
nang di siya namamatay.
Huwag mong hagkan aniya
ang paa ko Magdalena
at di ako nanakyat pa,
sa Diyos ko’t Poong Ama
puno ng tuwa’t ginhawa.
Hayo na’t ikaw’y manaw
at iyong pamalitaan
ang Apostoles kong tanan,
ako’y sabihing nabuhay
at iyong kasalitaan.
Nawala kapagkaraka
si Hesus ay di nakita
nalis naman si Magdalena,
halos lumuha ang mata
nang tuwa’t pagkaligaya.
Nang dumating na sa bayan
namalita kapagkuwan
sa Apostoles na tanan
at ang babaing ilan
na kaniyang kaibigan.
Ang dalawang disipulos
napatungo sa Emaus
nag-uusap na tibobos,
doon naman ay si Hesus
nakisabay nakisunod.
At nangusap na marahan
aniya’y kung anong bagay
ang inyong mga usapan
bakit kayo’y nalulumbay
dito sa gitna ng daan?
Sumagot nama’t nangusap
disipulong si Kleopas
at di mo natatalastas?
ako ang nanggigilalas
ng kababalaghang lahat!
Ano yaon? Ani Hesus
si Kleopas ay sumagot
di mo baga natatalos
na iyong anak ng Diyos
ay pinatay ng hudyos?
Yaong Propetang mabait
laki sa bayang Nazareth
ito nga’y siyang piniit,
kusang binigyang sakit
nang hudyong malulupit.
Nang siya’y nabubuhay
ipinangakong matibay,
kahima’t siay’y mamatay
mag-uli ring mabubuhay
sa loob ng tatlong araw.
Saka ngayon ay ganap na
araw na tadhana niya
wala pang mapagkilala,
sa pangako niyang una
kaya kami’y nagtataka!
Ang tugon ni Hesukristo
oh mga mangmang na tao
dupok niyang loob ninyo
di maniwalang totoo
sa mga propetang Santo.
Kung kahiman at nawala
ang langit sampu ng lupa
nguni’t hindi masisira,
at hindi magkakabula
sa Diyos na mga wika.
135
Sa gayong pag-uusapan
natapat na nga sa bahay
na kanilang tutuluyan,
si Hesus kunwa naman
magpapatuloy sa raan.
Piniging kapagkaraka
ng dalawang magkasama
sapagkat nagabihan na
pumayag din at tumira
si Hesus nga sa kanila.
Nagsidulog nga sa dulang
silang tatlo’y nag-agapay
agad ngang hinawakan
ni Hesus yaong tinapay
kaniyang binindisyonan.
Ay ano’y ng mabendita
piniraso kapagdaka
iginawad sa kanila,
niyong lamang nakilala
si Hesus niyong dalawa.
Nawala na nga’t naparam
na di nila namalayan
doon nangagiklahanan,
sila ay nangapamaang
nitong himalang natingnan.
Si Hesus yaon anila
hindi natin nakilala
habang daa’y kasama pa,
at kausap natin siya
hanggang sa bahay nanhik pa.
Agad na ngang nagtindigan
ang paghapon ay iniwan
nagbalik na pasa bayan,
pawang pinamalitaan
ang Apostoles na tanan.
Amin anilang nakita
ang Maestro nati’t Ama
na totoong nabuhay na,
aming nakausap siya
at tuloy nakasalo pa.
Sa gayong pag-uusapan
ay kaginsa-ginsa naman
ang pintong nasasarhan,
si Hesus ay kapagkuwan
pumasok na nagtuluyan.
Binati kapagkaraka
ni Hesus silang lahat na
ay aniya mga oya,
ang bati ng Poong Ama
sumainyong kaluluwa.
Kayo ay huwag matakot
mga katoto ko’t irog
ako nga yaong si Hesus
nguni’t nangawalang loob
ang lahat nang disipulos.
Muli na namang nagsaysay
itong Maestrong maalam
ano’t kayo’y namamaang,
pawang nahihintakutan
anong inyong kaisipan?
Ngayon ay tingni aniya
ang kamay at sampung paa
at ng inyong makilala,
na ako nga’t dili iba
ang Maestrong nakasama.
Ngunit at nangapamaang
sila at nangatiglihan
binati sila pagkuwan,
kung kayo’y mayroon diyan
ating sukat mahapunan.
Ang sagot nga ni San Pedro
mayroon po Maestro ko
kung gayon anitong Berbo
hayo na’t ihanda ninyo
ngayon sa oras na ito.
Agad na ngang hinainan
nang isda’t isang tinapay
at konting pulot-pukyutan,
humapon na kapagkuwan
itong Maestrong maalam.
Nang makakaing matapos
sa kanila’y iniabot
ang nalabi pa’y sinimot,
saka nangusap si Hesus
sa mga katoto’t irog.
Mga giliw ko aniya
irog ko’t mga kasama
ngayon ngani’y nasunod na,
lahat kong pinagbadya
136
nang panahong una-una.
Katampatan nang matupad
kay Moises ng mga atas
hula ng mga Propetas
at sa Salmos nasusulat
daratnin kong mga hirap.
Sapagka’t talagang utos
nang Ama ko’t Poong Diyos
naganap na at natapos
at nasunod ng tibobos
ang pagkalara’t pagsakop.
Sa hinipan ni Kristo
mukha na mga katoto
at ang winika’y ganito:
ngayon at tanggapin ninyo
yaong Espiritu Santo.
Sino mang inyong kalagan
sa tali ng kasalanan
dito sa mundong ibabaw
ay kakalagan ko naman
doon sa Langit na bayan.
Ang di magsising totoo
at hindi kalagan ninyo
sa sala rito sa mundo,
di naman kakalagan ko
sa kalangitang Imperio.
Nang ito’y maipangusap
ni Hesus nawa’t sukat
at ang linisang alagad,
paraparang nanggigilas
katuwaa’y dili hamak.
Ang pagpapadama ng ating
Panginoong Hesukristo sa
Kanyang sugat kay Santo Tomas
Sa gayon pagkakapisan
ng Apostoles na tanan
ay si Santo Tomas lamang,
siyang dili nakamalay
sa Maestro ngang nabuhay.
Ano’y ng siya’y makita
ng ibang mga kasama
pinamalitaan siya,
si Hesus anila’y buhay na
at aming nakausap pa.
Ang Kay Tomas na tinuran
di ko paniniwalaan
hanggang di ko nititignan,
mahipo niyaring kamay
ang sugat sa tagiliran.
Kung sa inyong mga wika
sa aki’t pamamalita
ako’y di maniniwala,
hanggang di ko madama nga
yaong sugat niyang madla.
Ay ano’y kaalam-alam
ng malibang ilang araw
nuli silang nagkapisan
si Tomas ay kapanayam
doon sa gitna ng bahay.
Ang mga pintong lahat na
nasasarhang parapara
mana nga’y kaginsa-ginsa,
na sa gitna naman nila
si Hesus ay nagpakita.
Nangusap na malubay
ito ang siyang tinuran:
aniya’y ang kahusayan
at buong kapayapaan
ang sumainyong katawan.
Tomas ngayo’y dumulog ka
tingni ang kamay ko’t paa
ang dibdib ko’y damhin mo pa
at nang inyong makilala
na ako nga’y nabuhay na.
Ang pag-akyat sa Langit ng ating
Panginoong Hesukristo ng maganap
ang ang apatnapung araw
Nang makita nga ni Tomas
sumampalatayang agad
ay nanikluhod na kagyat,
at saka siya nangusap
Diyos ko’t Poong marilag.
Ani Hesus sa kaniya
Tomas ay nakita mo na
ako at maniwala ka,
palad nang di nakakita
sa aki’y sumampalataya.
137
Dito sa balat ng mundo
ang sumampalatayang sino at
maniwalanang totoo,
hindi man nakita ako
ay mapalad ani Kristo.
Nang ito ay maipangusap
ni Kristo at maipahayag
nails at nawalang kagyat
doon sa mata at harap
nang tanang mga alagad.
Recumbentibus undecim
discipulis apparuit illis Jesus.
San Marcos cap. 16 y
San Lucas, cap. 24.
Itong Hesus na mahal
sa lupa’y hindi pumapanaw
hanggang hindi naganapan
ang apatnapung araw
mila nang siya’y mabuhay.
Gayon ang sabi’t pahayag
sa Ebangheliong marilag
ni San Markos na sumulat,
at gayon di si San Lukas
kapuwa Ebanghelistas.
Nang mahusto na ang bilang
na apatnapung araw
sa Herusalem na bayan,
muling napakita naman
si Hesus sa tanang kawal.
Kaya muling napakita
si Hesus ay papanaw na
sa tanang Apostoles niya,
at nang huwag mabalisa
ay inaliw na talaga.
Et reprobavit incredulitatem
eocrum, et duritian cordis,
quia ii qui viderant eum
resurrexisse non crediderunt.
Loob niya ay binuksan
at ng maniwalang tunay
ginawang kababalaghan,
nitong Maestrong maalam
ng hindi pa namamatay.
Na ang winika ni Kristo:
Apostoles ko’t katoto
kaya ko hinirang kayo,
ng maging saksing totoo
nang ginawa ko sa mundo.
Pawa ninyong pahayagan
ang tao sa Sangtinakpan
at tuloy pangangaralan,
nang pagsisising matibay
sa kanilang kasalanan.
Et dixit eis: euntes in
Mundum universum, praedicate
Evangelium omni creaturae.
Magmula sa Herusalem
lahat ay inyong libutin
at turan nang magaling,
ang taong nagugupiling
ng sa sala’y di mahimbing.
Ang sino ma’t aling tao
aralan at binyagan ninyo
ang tumanggap ng bautismo,
at maniwalang totoo
aking magiging katoto.
Nguni’t ang hindi tumanggap
at aayaw na pabinyag
di magkakamit patawad,
walang salang maghihirap
sa apoy na nagniningas.
Et dixit eis: Qui crediderit e
baptizatus fuerit, salvus erit.
quit vero non crediderit
condemnabitur.
Nang kaya’y paniwalaan
sa ano mang ipangaral
kayo ay aking bibigyan,
lubos na kapangyarihan
sa gawang kababalaghan.
Signa autem mea iis qui creriderint
Haec sequentur: in nomine
mea ejicient Daemonia.
Kung sumisilid sa tao
138
at umaali’y demonyo
at kung mabasbasan ninyo,
at masabi ang ngalan ko
mangingilag na totoo.
Sari-saring wika naman
inyo ring matututuhan
di ninyo katatakutan,
ang mga kapangyarihan
nang mga pinunong bayan.
Serpentes tollent, at si
mortiferum quid biberinit,
non eis nocebit. Super aegros
manus impotent et habebunt.
Sa inyo ma’y ipainom
ang mabisang mga lason
di makaano yaon,
ako ang siyang tutulong
saan man kayo dumuon.
Pagpanaog ng Diyos Espiritu
Santo sa mga Apostoles
Ang mabibisang kamandag
ang ulupong man at ahas
sa inyo’y hindi tatalab,
sa mga hirap na lahat
at kayo ay maliligtas.
Ano mang inyong hilahil
at sakuna nang panimdim
tatawag kayo sa akin,
kayo’y aking aampunin
sa pangambang sasapitin.
Nang umakyat na sa Langit
ang Poong kaibig-ibig
nagpupuring walang patid,
ang Birheng Inang marikit
sampung mga Apostoles.
Doon nga sa Senakulo
nagpisan ang disipulo
nang Poong si Hesukristo
na naghihinta’y saklolo
niyong Personang ikatlo.
Araw, gabi, walang tahan
nananalanging mataman
doon nila hinihintay,
ang grasia’t kabagsikan
ng Diyos sa kalangitan.
Ng maging sampung araw na
mulang umakyat sa Gloria
si Hesus na Poong Ama,
ay nanaog kapagdaka
yaong ikatlong Persona.
Doon sa pagkakatipon
at mga pag-oorasyon
ng tanang mga Apostol,
sa ulo nila’y pumatong
titig-isang dilang apoy.
Na nagmula sa Langit
na hindi naman mainit
ito ang grasiang bihis,
nang Espiritu ng marikit
sa doroong Apostoles.
Silang lahat ay binigyan
niyong grasiang lubhang mahal
may hangin naming nagdaan
lakas na di ano lamang
na nakaaliw sa tanan.
Doon ngani tumanggap na
loob nila ay sumigla
nangawala nag pangamba
nahalinhan kapagdaka
ng tuwa’t pagkaligaya.
Sari-saring mga wika
natutuhan nilang pawa
sa malaking pagkatuwa
nanaw na nga alipala
at mangangaral sa madla.
Tanghaling tapat ang araw
nangaglibot sa daan
lahat ay inaralan
di nila kinatakutan
ang mga pinunong bayan.
Yaon anilang si Hesus
na ipinako sa Krus
totoong Anak ng Diyos
kaya kaming disipulos
sa kaniya’y sumununod.
Ano pa’t ang buong bayan,
139
mga nasyong bagay-bagay,
naroot nagkakapisan
pawang nalalaganapan
ng kanilang pangangaral.
Balang taong makakita
para-parang nagtataka
nguni’t bukod at kaiba,
hindi sumampalataya
buong hudyong lahat na.
Palibhasa’y matitigas
loob nilang di maagnas
batong buhay ang katulad
ang parating hinahangad
ay gumawa ng di dapat.
Agad nilang inupatan
ang mga tao sa bayan
na huwag paniwalaan,
yaong mga pangangaral
nang Apostoles na tanan.
Ang isang idinugtong pa
niyong mga palamara
sa lahat ipinagbadya,
ang Apostoles anila’y
nalalangong para-para.
Kaya nga’t lubhang matalas
dila nilang nangungusap
bago’y mga imbi’t duwag,
walang puri’t taong hamak
mga loob na halaghag.
Marami at makapal nga
ang kanilang upasala
mga wikang gawa-gawa,
magdaraya palibhasa
lupit ng walang kamukha.
Mayroon ding nahibuan
na mga tao sa bayan
nguni at lalong makapal
ang naniwalang matibay
sa mga mahal na aral.
Yaon ang siyang mula na
ng pag-aral sa lahat na
pawang nangagpenitensia
at totoong nangagtika
sa kanilang gawang sala.
Doon na nga pinunuan
ang pangangaral sa tanan
linibot ang buong bayan,
ang Sangmundoo’y kinalatan
nang Apostoles na tanan.
Ano pa’t nagkatotoo
yaong winika ni Kristo
na ang mga disipulo,
magpapahayag sa mundo
ng kaniyang Ebanghelio.
Ang pagkamatay at pag-akyat sa
Langit ni Ginoong Santa Maria
Nang maghiwa-hiwalay na
Apostoles na lahat na
ang Birheng Santa Maria,
sa Herusalem tumira
mangangaral na talaga.
At ang gawa araw-araw
ay ang parating dumalaw
sa mga daa’t lansangan,
na totoong nilakaran
ng Anak niyang pumanaw.
Ano pa at walang likat
ang pagdalaw at paghanap
sa iniwang mga bakas,
mga lansangang nilakad
ng kaniyang sintang Anak.
Siya’y may kaibigan
dalawang babaing mahal
tuwi na’y sinasamahan,
sa pagparoo’t pagdalaw
niyong mga santong lugar.
Ano pa nga si Maria
walang ginagawang iba
kundi tumawag tuwi na,
paampon at pakalara
sa bugtong na Anak niya.
Mana nga’y isang araw
itong Inang namamanglaw
nanalangin kapagkuwan,
at dumating siyang tunay
sa Anak niyang marangal.
140
Ito ang ipinagbadya
oh Anak kong sinisinta
buhay niyaring kaluluwa,
kailang oras pa baga
tayo’y muling magkikita?
Kailan mo matitingnan
iyang mukha mong malinaw
na pinanganganinuhan
ng tao sa Sangtinakpan
dito sa lupang ibabaw.
Aling panahon at oras
muli tayong maghaharap
Ina mong lipos ng hirap,
ay walang daang lumuwag
bunso kundi ka kaharap?
Anak ko’y magdalita ka
na ako’y inyong kunin na
at ng kita ay makita,
sa bayan mong maligaya
na maluwalhating Gloria.
Di ko mabata munti man
ang kita’y hindi matingnan
malaki ang aking lumbay
kaya bunso ko at buhay
ako’y huwag pabayaan.
Mabalino ka’t mahabag
ng pagdaing ko’t pagtawag
yamang kita’y siyang Anak,
tingni ang Inang may hirap
lumuluha’t umiiyak.
Bunso ko’y iyong kuha
yaring aking kaluluwa
yamang mahabang araw na,
na hindi ka nakikita
tuwa ko kung kaharap ka.
Marami pa at makapal
ang daing ng Inang Mahal
ay nanaog na kapagkuwan,
isang Anghel na marangal
siya ay pinangusapan.
Anang Anghel na maganda
aba Ginoong Maria
ako po’y sugong talaga,
ng Anak mong sinisinta
ito ang pabilin niya:
Bukas ay di maliliban
ikaw ay parirituhan
ng Anak mong minamahal,
iyaakyat ka pong tunay
sa maluwalhating bayan.
Ako po nama’y kasama
bukas kung parituhan ka
kaya ngayo’y matuwa na,
ang Poong ko at magsaya
at ito’y walang pagsala.
Ang sagot ng Inang Birhen
ay aba mahal na Anghel
kung gayon ang iyong turing
hayo na’t iyong sabihin
itong lahat kong habilin.
Sabihin mo’t ipahayag
sa Diyos ko’t aking Anak
paparituhing humarap,
ang Apostoles na lahat
na kasama kong alagad.
At bago ako mamatay
sila’y aking matitingnan
at ako ay paalam,
tuloy makikipanayam
ng madla’t maraming bagay.
Nagpaalam at nanaw na
ang Anghel na sugo baga
ito namang si Maria,
papupuri’y walang hangga
sa Diyos na Poong Ama.
Ang Apostoles na tanan,
dumating ding di naliban,
kahima’t malayong bayan,
sa Senakulo’y nagpisan
sa Diyos na kalooban.
At ang ibang mga tao
na kaibiga’t katoto
nitong Birheng masaklolo,
nagsidalaw nagsidalo
sa tahanang Senakulo.
Ang Birhen’y nagugulaylay
sa katre niyang hihigan
doo’y pinangangaralan,
141
ang Apostoles na tanan
tungkol sa pagsusunuran.
At doon ipinangusap
sa doroong humaharap,
yaong wikang masasarap,
na sukat kamtan ng lahat
at ikaaliw sa hirap.
Aniya’y ako’y patay man
totoo rin akong buhay
kayo’y di malilimutan,
iaadya’t tutulungan
sa pangambang ano pa man.
Ako ang magkakalara
at magtatanggol tuwi na
sa inyo irog ko’t sinta,
na sumunod tumalima
sa aking tanang anyaya.
Dito na nga kapagkuwan
sila ay binendesionan
kaluluwa’y biglang nanaw,
parang natutulog lamang
ang Birheng Inang namatay.
Ang bunso ring Anak niya
ang dumapit at kumuha
ng kaniyang kaluluwa,
madlang Anghel ang kasama
at iniakyat sa Gloria.
Ang Apostoles na lahat
nanduroon humaharap
at sampung ibang alagad,
nagsitangis at umiyak
lumbay na walang katulad.
Ang Poong Birhen Maria
katamisang walang hangga
Ina ng Divina Grasia
sino ang magkakalara
as aming nangungulila?
Sinong ating daraingan
dito at sasanggunian
ng sakunang dumaraan
at sinong magtatangkakal
kundi ikaw Birheng mahal?
Ika nga po’t dili iba
ang Stella Matutina
mapagtanggol mapag-adya
mapagturo sa lahat na
ng sukat ikaginhawa.
Sino pa ang daraingan
ng aming ngang kaabaan!
at sinong magtatangkakal
niyaring aming pagkabuhay
sa dagat ng kapaitan?
Pait na walang kapara
ng aming pangungulila
anong ikagiginhawa
puso nami’t kaluluwa
kung ikaw ay di makita.
Inang mahal di man dapat
ngayon ay nagsisitawag
ang mga imbing alagad
at sa aming paghihirap
mata mo po ay ilingap.
Kami’y iyong idalangin
kay Hesus Anak mong giliw
ipagtanggol na magaling,
kaluluwa’t buhay namin
sa pangambang sasapitin.
Yamang nariyan ka na
sa maluwahating Gloria
natutuwa’t nagsasaya,
kami pong nangungulila
silayan ng iyong mata.
Madla pa’t di maisip
ang kanilang pananangis
halos mawalat ang dibdib,
sa malaking pagkahapis
niyong mga Apostoles.
Aling katigas-tigasan
pusong matigas sa bakal
doon ay hindi matunaw
kung makita at matingnan
yaong mahal na larawan?
Mukha ay nagliliwanag
niyong katawang mapalad
bango’y humahalimuyak,
dikit ay ganap na ganap
niyong Ina ng Mesias.
Ang Sanglangitang Angeles
nagpupuri’t umaaawit
142
tuwang walang kahulilip
ligayang hindi maisip
nino mang pantas na bait.
Marami namang may sakit
doon ay nangagsilapit
na pawang nangagsitangis,
hirap nila ay binihis
nang tuwang di maisip.
Halos buong sangbayanan
naparoo’t nagsidalaw
na nagsisikip ang bahay,
marami pa at makapal
ang taong nasa lansangan.
Sa malagyan na ng sapot
ang Birhe’y ipinanaog
isa’t isa’y dumudulog,
yaong mga disipulos
pawang may lumbay sa loob.
Agad na nilang pinasan
yaong mahal na katawan
marami nama’t makapal
ang taong nangagsiilaw
hanggang dumating sa hukay.
Sukat namang ipagtaka
natin at ikabalisa
himalang kaaya-aya
nang Diyos na Poong Ama
nang ilibing si Maria.
Bagama’t hindi mabilang
ang kanilang itinanglaw
nguni’t kahit isa man,
doon ay walang namatay
sa hanging lubhang masasal.
Doon sa isang aldea
ng Hetsemaning laguerta
ay may handang hukay sila
pagbabaunang talaga
sa bangkay ng Birheng Ina.
Ay ano nga’y ng dumating
doon sa mahal na libing
inilagay na ang Birhen,
lumbay na walang kahambing
nang taong nagsisitingin.
Kanila nang pinagyaman
yaong marikit na hukay
isinilid kapagkuwan
at saka nila tinakpan
niyaong batong nalalaan.
Ano’y ng mailibing na
yaong bangkay ni Maria
nangasiuwi na sila,
ang iba’y nangagsitira
sa libingang mahal niya.
Doon sila nanambitan
ng tantong kalumbay-lumbay
at hindi ibig panawan,
lisanin sumandali man
ang sa Birheng Inang bangkay.
Sila nama’y nakarinig
niyong sari-saring boses
kaaliw-aliw ang tinig,
ng tanang mga Apostoles
pagsasayang walang patid.
Ang Poong Birhen Maria na
pinutungan ng korona ng
Santisima Trinidad
At doon din sa baunan
ay may amoy na sumingaw
bangomg hindi ano lamang
nakapawi’t nakaparam
ng kanilang kalumbayan.
Pinagtanto’t binilang na
nang marurunong magbadya
at ng mga Apostoles pa,
taon at edad ni Maria
ay pitongpu’t dalawa.
Ng maganap na ang bilang
at mahustong tatlong araw
ang sa Birheng pagkamatay,
sumulid na sa katawan
kaluluwa niyang mahal.
Siya ngang pagkabuhay na
nang Birheng Santa Maria
ang katawa’t kaluluwa,
ay iniakyat sa Gloria
nang Apostoles na lahat na.
At kanilang iniharap
ang Birheng Inang mapalad
143
katuwaa’y dili hamak
pagpupuri’y walang likat
nang Santisima Trinidad.
Halos di magkarinigan
pagpuri’t pag-aawitan
pagsasaya’t pagdiriwang
buong korong Anghelikal
doon sa Langit na bayan.
Sinalubong na nga siya
nang ikalawang Persona
niyakap kapagkaraka,
madlang puri’y sabihin pa
ni Hesus sa Birheng Ina.
Doon nga sa karurukan
nang langit na kataasan
ay may talagang luklukan,
inihanda’t inilaan
ng Diyos na Poong mahal.
Laan ito at talaga
na uupan nga ni Maria
ano’y nang dumating na,
pinaluklok kapagdaka
sa tronong kaaya-aya.
Doon nga pinaramtan
nang lubos na katuwaan
na pinalalo sa araw,
ay yaong planetang buwan
kaniyang tinutungtungan.
Ang ipinutong sa Birhen
labing-dalawang bituin
dikit na walang kahambing
liwanag ay nagniningning
aling mata ang titingin?
Gayon ang sabi at badya
ni San Huan Ebanghelista
sa Apokalipsis niya
halimbawa’t pagkakita
nang putungan si Maria.
Ay ano’y ng maparamtan
ang Birhen ay maputungan
nang bituing makikinang
sabihin ang katuwaan
ng buong Sangkalangitan.
Kapagdaka ay nangusap
doon nga at isinulat
nang Santisima Trinidad,
ang madlang puring gawad
sa Birhen Inang mapalad.
Ang bati ng Diyos Ama
aba Anak kong maganda
na napuspos nang grasia,
sumunod at tumalima,
sa mga hiling ko’t pita.
Ang puri ng Diyos Anak
aba Ina kong mapalad
bukod sa babaing lahat,
kasama-sama sa hirap
ng pagsakop ko sa lahat.
Yaong ikatlong Persona
ay ang bati kay Maria
aba mahal kong Esposa,
na iniirog ko tuwi na
linis na walang kapara.
Sumagot at nagsisabad
yaong tanang Herarkias
tuwa’y dili hamak-hamak
aba Sagradong marilag
ng Santisima Trinidad.
Ay ano’y ng maganap na
puring bagay kay Maria
habilin ang pagsasaya,
tuwang walang makapara
ng sanglangitang lahat na.
Aling matalas na isip
doon ang hindi matulig
sinong makapagsusulit
ng katuwaang nasapit
niyong mga Serapines.
Di nga sukat maakala
at di masayod ng dila
ang gayong pagkakatuwa
walang makahalimbawa
dito sa balat ng lupa.
Nguni’t kaya natalastas
ng mga tao’t nahayag
yaong mahal na pag-akyat
Asunsion bagang mapalad
144
niyong Ina nang Mesias.
Yaong Apostol na mahal
na si Tomas ang pangalan
bukod ngani siya lamang,
ang di nakakitang tunay
ng sa Birheng pagkamatay.
Ito naman ay talaga
nang Diyos na Poong Ama
ng matanto at Makita
at mahayag sa lahat na
ang Asunsion ni Maria.
Nang si Tomas ay dumating
sa bayan ng Herusalem
hindi nakita ang Birhen,
sapagkat nga nalilibing
ang katawang maluningning.
Sabihin ang hapis sindak
nang Apostol na si Tomas
luha’y baha ang katulad,
kulang ang mawalat
ang dibdib sa paghihirap.
Ay aniya Birheng mahal
laki niyang kamurahan
at hindi ka na dinatnan,
ang pag-alis mo’t pagpanaw
dito sa hamak na bayan.
Buhay ko’y anhin ko pa
kung sa iyo’y mangulila
mahanga ay mamatay na,
at ng kita nga’y makita
sa maluwalhating Gloria.
Sa gayong mga pagtangis
ni Tomas na nahahapis
at ang mga Apostoles,
inaliw siyang masakit
ng ganitong pagsusulit.
Nguni’t di rin tumiwasay
puso niyang nalulumbay
di maidlip gabi’t araw,
sa laking kapighatian
di makakain munti man.
Dumating kapagkaraka
kay San Pedrong puno nila
na pinabuksan talaga
ang libing ng Birheng Ina
ibig humalik sa paa.
Binuhat na kapagkuwan
ang batong nakararagan
doon na niya tiningnan
na wala na nga sa hukay
ang sa Birheng Inang bangkay.
Doon na niya nakita
sapot ng Birheng Maria
agad naniwala siya,
na umakyat na sa Gloria.
ang katawang maligaya.
Nang matanto at mabatid
ni Tomas na nahahapis
na umakyat na ang dibdib
at tumingala sa Langit
ito ang ipinagsulit:
Salamat na walang hangga
Poon ko’t mahal na Ina
akong Apostol na mura,
lubos ngayong umaasa
sa iyong miserikordia.
Kami’y iyong kaawaan
dito sa hamak na bayan
at ang aming pangangaral,
sundin naming walang liban
ng tanang makasalanan.
Ang binhing sadyang talaga
ng aming mga doktrina
magnanaw nawa’t mamunga
sa puso at kaluluwa
nang tanang anak ni Eba.
Nang ito’y maipagsaysay
agad naghiwa-hiwalay
ang Apostoles na tanan
nangagsiuwing di naliban
sa kani-kanilang bayan.
Tuloy ipinahayag pa
ng Diyos sa Santa Iglesia
ikatuwa’t ipagsaya
yaong pag-akyat sa Gloria,
nang Birheng Santa Maria.
Kaya nga’t ang katampatan
ang tao’y gumaya naman
145
nang tayo ay kaawaan
magpuri ng makayanan
sa Inang Birheng maalam.
A R A L
Oh taong nakalilimot
aniniig sa pagtulog
magbalikwas ka’t kumilos
at isipin mong tibobos
ang madlang awa ng Diyos.
Iwan na ang madlang sala
at kataksilan tuwina
paampon ka’t pakalara
tumawag ng bung sinta
sa Birheng Santa Maria.
At kaya nakyat sa Langit
itong Reynang Emperatris
tayong hamak sa bulisik
kakalingaing masakit
sa tanang mga panganib.
Siya ang tunay na Ina
batis ng miserikordia
tumutulong nag-aadya,
kung tumawag kapagdaka
sino mang taong may sala.
Siya ring Haring totoo
ang Arka ng Testamento
at Hudit na mananalo,
na pumugot niyong ulo
ni Olipernes na lilo.
Inang kalinis-linisan
di nagkamit kasalanann
siya ang ating daingan,
ang tawagin gabi’t araw
nang tayo’y kaawaan.
Maawai’t masaklolo
sa sino ma’t aling tao
siya’y batis na totoo,
nanginginig yumuyuko
ang tanang sang-impeirno.
Mistulang intersesora,
ng tanang Anak ni Eba
kaya tayong na sa sala,
magbalikwas magsisi na
at paampon sa kaniya.
Yamang tayo ay binigyan
ng Diyos ng munting lugar
pinautang pa ng buhay,
tanang ating kasalanan
pagsisiha’t ikumpisal.
Tayo ay magsamantala
magsisi ng ating sala
dagdagan ang penitensia
nang tayo ay makasama
sa Langit ng Birheng Ina.
Yamang di natin malaman
yaong oras kung kailan
pagdating ng kamatayan
ay itangis gabi’t araw
lahat nating kasalanan.
Nang parona’t dalawin ng
Emperatris Elena ang pinagbaunan
ng Krus at mga pako ng ating
Panginoong Hesukristo
Kaya ang lalong magaling
dito naman ay isipin
ang madlang awa sa atin,
misteriong mga habilin
ng Diyos na Poon natin.
Na yaong Sakro-Madero
na kinamatayan ni Kristo
dahil sa sala nang tao
dapat mahaling totoo
ng tanang mga Kristiano.
Yaong banderang pangwagi
marikit na estandarte
kinatatakutang dati,
at kusang dumuruhagi
sa demonyong umaali.
Ay ano’y sa kalupitan
ng mga hudyong hunghang
kanilang kaugalian
magdaya’t gumawang lalang
sa sino mang parusahan.
Kung sakaling mamatay na
at ililibing na nila
sa hukay ay isasama,
ang kasangkapang lahat na
ipinatay sa may sala.
Ito ang siyang inasal
146
ng mga hudyong hunghang
ibinaon nila naman,
yaong mga kasangkapan
ni Hesus sa pagkamatay.
Kaya ginawang tibobos
ng malupit na hayop
anila’y nang di mabantog,
naturang Anak nang Diyos
yaong pinatay sa Krus.
At yaon naming naunan
ng Mananakop sa tanan
kanilang pinatabunan
saka doon sa ibabaw
nagpatayo ng Simbahan.
Ang pamagat nilang lubos
yaong ang Templo ni Benus
kahunghangan ngang tibobos
nang mga taksil na loob
an alipin nang demonyos.
At magmula noon naman
hindi mangyaring madalaw
ng sino mang bininyagan,
doon ay may nagbabantay
ng mga hudyo sukaban.
Sa awang di mamagkano
nang Diyos na masaklolo
ang mga lugar na ito,
nabihag nga at tinalo
ng Haring si Konstantino.
Ano nga’y ng makamtan
yaong mga Santong lugar
tuwang hindi ano lamang,
ni Konstantino ng minsan
Emperador na binyagan.
Saka si Santa Elena
na kay Konstantinong ina
sa Herusalem nagsadya,
at ibig niyang makita
Krus na itinubosa sa sala.
Ang nasa’t pita ng loob
nitong Reynang maalindog
ibig niyang mapanood,
ang mahal na Santa Krus
na sa ati’y isinakop.
Nang siya nga ay dumating
sa bayan nang Herusalem
pinaghanap niyang tambing
kahoy na walang kahambing
pinagtubusan sa atin.
Nguni’t hindi nasumpungan
at kung saan inilagay
ng mga hudyong hunghang
at sa pagka’t ang baunan
kanilang pinatabunan.
Ang naisipang maganda
nang Emperatris Elena
ipinatapong lahat na,
ang mga idolatria
doon sa templong meskita.
Iniwasak isinabog
yaong Simbahan ni Benus
ipinatibag ang bundok,
ng lumalim ay sumipot
mahal na libing ni Hesus.
Sa siping din baunan
ng Mananakop sa tanan
doon naman nasumpungan
yaong kamahal-mahalan
Krus na kinamatayan.
Tatlong Krus ang nakuha
sampung rotulo’y kasama
nguni’t hindi mapagsiya,
nang tao at makilala
ang Krus ni Kristong Ama.
Tatlong Krus kung pagmasdan
iisa ang kahabaan
at gayon din nga sa kapal
kaya hingi mapagbuhay
ang kay Hesus na maalam.
Kaya nga ang minagaling
nitong Reynang masintahin
sinangguni niyang tambing,
si San Makariong butihin
Obispo sa Herusalem.
Ano pa’t ang minaganda
nang Obispo’t ni Elena
doo’y may isang senyora,
tantong naghihingalo na
at papanaw ang hininga.
147
Isa-isang inilagay
isiniping sa may damdam
ang tatlong Krus na naturan
sa dalawa’y walang tunay
na nagbigay kagalingan.
Nguni’t ang Krus ni Kristo
na isinakop sa tao
ng siyang malapit kono,
nakagaling na totoo
sa naghihingalong tao.
Para-parang nangagtaka
ang taong nangakakita
himalang walang kapara,
nang Diyos na Poong Ama
doon sa abang senyora.
At mayroong isang patay
na ibabaon na lamang
isiniping nila naman,
sa Krus ni Hesus na mahal
ang patay agad nabuhay.
Doon na nga nakilala
napagsino ng lahat na
ang Krus na maligaya,
na isinakop sa sala
nang ikalawang Persona.
Agad na ngang iginalang
pinuri at niluhuran
pasasalamat na tunay
nila sa Poong Maykapal
dito sa tuwang kinamtan.
Nagtalo at di nagkaisa
loob ng mga bihasa
na di mapagwari nila,
na kung anong kahoy baga
yaong Krus na maganda.
Anang iba ay Olibo
Palma anang ibang dokto
Sipres ani San Macario,
ang ipinasiyang totoo
yaon ang kahoy na Sedro.
Kahoy na katuwa-tuwa
ibinunga’y pawang awa
ang linamnam at ang bisa
nakapawi’t nakawala
sa sakit ng taong madla.
Kalahok din at kasama
ang Krus na ating sala
apat na pakong maganda,
sa kamay sampung sa paa
ni Hesus na Poong Ama.
Tunay nga’t hindi pahayag
ng mga Santos Propetas
na yaong pako ay apat,
ang ibang bihasa’t pantas
siyang nagsabi’t sumulat.
Lalong nagpakasakit nito
ang Ina ni Konstantino
apat ang pakong totoo,
na ipinako kay Kristo
ng mga lilong hudyo.
At sapagka’t ng makuha
Krus ni Hesus na Ama
nang Emperatris Elena
mga pakong mahalaga
di nasira’t di nag-iba.
Himalang sukat pagtakhan
sa mga pakong naturan
ay naano man lamang,
sa gayong kahabang araw
na ibinaon sa hukay.
At ang mga pakong hayag
di Dimas sampu ni Hestas
ay kinalawang na lahat,
kulang lamang ang maagnas
na parang lupang matigas.
Minahal nganing totoo
nang Ina ni Konstantino
ang pako ni Hesukristo,
sampu ng Sakro-Madero
na isinakop sa tao.
Isa ngang pakong marilag
ang nasa bayang Karpentas
na minamahal ng lahat
kung ipagpiesta’y ang tawag
Clavo Santo ang pamagat.
Ang ikalawa sa bilang
nitong pakong lubhang mahal
nasa Simbahan ng Milan,
148
si San Carlos ang naglagay
nang paroon at dumalaw.
Ikatlong pakong maganda
isinangkap kapagdaka
nang Emperatris Elena,
sa marikit na deadema
ng bugtong na anak niya.
Ang wika ni San Ambrosio
pakong ikaapat ni Kristo
ipinatapong totoo,
ng Ina ni Konstantino
sa dagat ng Adriatiko
Dahil sa bagyong sumasal
halos ang baya’y matunaw
kaya itinapon naman,
yaong pakong lubhang mahal
at ng siyang magpahumpay.
Ang wika ng ilang doktos
sa pakong yaon ni Hesus
ng maitapong matapos,
sa tubig ay di lumubog
himala nang Poong Diyos.
At ito ring pakong mahal
ang sa dagat binitiwan
ang nasa Paris na bayan,
sa Templong lubhang mainam
ni San Dionisiong banal.
At yaong pakong maganda
nasasangkap sa deadema
ni Konstantino ng una
yaon din at hindi iba
ang nasa Templo ng Roma.
Kaya nga’t ang katampatan
sa sino mang bininyagan
purihi’t pasalamatan,
ang Diyos na Poong mahal
nitong awa niyang tanan.
Tayo ngayo’y dumalangin
at tumawag tayong tambing
sa Diyos na maawain,
at ng tayo ay ampunin
sa ano mang hirap natin.
Tayo naman ay pumara
sa gawa ni Santa Elena
sa paghanap at pagkita,
ng kasangkapang lahat na
na isinakop sa sala.
Atin naming pagpilitan
tanang gawa ng kabanalan
manalangin gabi’t araw,
ng tayo’y huwag masinsay
sa daan ng katuwiran.
Pagtulog tayo’y dumaing
sa mahal na Inang Birhen
yamang siya’y maawain,
nang tayo’y ipanalangin
sa Diyos na Poon natin.
Panalangin ng taong Kristiano
Kay Ginoong Sta. Maria
Oh Mariang masaklolo
Ina nang Divino Berbo
ngayon po’y pakinggan mo,
itong pagtawag sa iyo
naming salaring tao.
Alang-alang Inang mahal
sa iyong kapighatian
ng makita mo’t matingnan,
ang mahal na pagkamatay
ni Hesus Anak mong tunay.
Kami’y iyong idalangin
kay Hesus Anak mong giliw
nang kaniyang patawarin,
ang sala at gawang linsil
na mga nagawa naming.
Kapag ikaw Inang hirang
Birheng kalinis-linisan
ang humingi ng ano man,
hindi ka pagkakaitan
ni Hesus Anak mong mahal.
Kaya pa, Birheng marilag
Inang walang makatulad
magdalita ka’t mahabag,
ipagtanggol kaming lahat
sa mga dalita’t hirap.
Sa Diyos Amang mahal
149
idalangin kami’t bigyan
nang pagsisising matibay
tanang aming kasalanan
at magandang kamatayan.
At sa oras ng pagdating
niyong kamatayan namin
kami po’y inyong dalawin,
saklolohan at aliwin
sa hirap na titiisin.
Yayaman ikaw nga lamang
Birheng kalinis-linisan
ang di nahawa munti man,
ng salang mana kay Adan
nitong buong Sangtinakpan.
At ang aming kaluluwa
kung kami’y mamatay na
ay kunin mo’t ipagsama,
at ng kami’y guminhawa
sa maluwalhating Gloria.
Ang paghuhukom ng ating
Panginoong Hesukristo sa
Sanglibutang tao.
Ang winika ni San Mateo
sa kanyang Ebanghelio
walang pagsalang totoo,
aniya’y si Hesukristo
muling mananaog dito.
Kaniya ngang huhukuman
ang buong Sangkatauhan
nguni’t hindi malalaman,
nino mang banal na banal
kung aling oras at araw.
Subali’t hindi sasala
itong pagparito niya
niyong pa mang unang-una,
kaniyang ipinagbadya
sa mga Santos Propeta.
Kaya nga at itinitik
sa buong Salmos ni David
itong araw kung sumapit
pawang magugulong pilit
ang lupa sampu ng Langit.
Nang kay Moises ay iabot
ang sampung utos na Diyos
madlang kakila-kilabot,
ang tunay na napanood
doon sa Sinay na bundok.
Dilim na kapanglaw-panglaw
kidlat ay di magpatantan
kulog ay gayon din naman,
na anaki’y magugunaw
ang buong sangkabundukan.
Yaon ay kaya pakita
nang Diyos sa taong sala
ng matanto ng lahat na
na dapat magsitalima
ang tao sa utos niya.
Kung doon sa pag-aabot
kay Moises niyong utos
gayon nang katakut-takot
na ipinakita nang Diyos
doon sa Sinay na bundok.
Di lalong kagitla-gitla
kung muling manaog siya
at tayo’y huhukuman na,
saka hihingan nang kuenta
ang tao kung tumalima.
Doon nga ipatatanghal
sa buong sangsinukuban
ang buong kapangyarihan
at ganap na kabagsikan
ng Diyos Poong Maykapal.
Hindi na mababang loob
ang ipakikita ni Hesus
para nang unang manaog,
niyong ipako sa Krus
nang mga lilong hudyos.
Kundi matang nanglilisik
at mukhang puno ng galit
saka ang hawak at bitbit,
nitong Diyos na mabagsik
espadang namimilansik.
Araw na ibig matupad
ni Hesus Haring mataas
pagbawi sa mga sukab,
galit niyang nag-aalab
laong panahong iningat.
150
Ano pa’t doo’y wala na
munti mang miserikordia
at ang pananangan niya,
ang paghuhukom sa lahat na
ng kaniyang pagkahustisya.
At kung dumating na naman
ang panahong takdang araw
sa Langit at kalupaan
sa hangin at karagatan
may mga tandang lilitaw.
Ang mga kometang ito
ay makikitang totoo
kung matatapos ang mundo,
ano pa’t ang madlang tao
para-parang magugulo.
At ang araw na masinag
ay magdidilim na agad
at ang sangmaliwanag
mamumulang dili hamak
dugo ang siyang katulad.
At ang bituing lahat na
tala at madlang planeta
ay kukulimlim pagdaka
tuloy namang mag-iiba
sa dating tahanan nila.
Anaki’y mangahuhulog
sa lupa ang tanang astros
tantong kakila-kilabot
ang maiilap na hayop
sa baya’y magsisipasok.
Pawang mangagsisiungal
ng tantong kalumbay-lumbay
at ito’y pakitang tunay,
sa magiging kasiraan
ng kanilang pagkabuhay.
Sa dagat magsisibangon
matataas na daluyong
kaigtla-gitla ang ugong,
ang lupa’y malilinggatong
halos tabunan ng alon.
Sa hangi’y mapapakinggan
ang malaking kaingayan
ay parating magigikla,
ang katulad at kabagay
ehersitong nag-aaway.
Katakut-takot ang kidlat
kulog ay lubhang malakas
lintik ay mananambulat,
ang bundok at mga gubat
para-parang mag-aalab.
Magugulong di kawasa
ang mga tao sa lupa
ang lahat ay mamumutla
di mabibigkas ng dila
at mangawawalang diwa.
Di na mangagkakatuto
bata’t matanda sa mundo
ano pa nga’t gulong-gulo
at kapuwa rin Kristiano
mangagbabakang totoo.
Nguni at ito’y hindi pa
na sukat ikabalisa
ang lalong kagitla-gitla,
na mundo’y kung sumipot na
yaong taong palamara.
Yaong sukaban at lilo
magdarayang walang tuto
kalupit-lupit na tao,
kampon ng mga demonyo
ang pangala’y Anti Kristo.
Ang wika ng mga paham
na nagsabi at nagsaysay
ay yaong tribi ni Dan,
siya raw panggagalingan
nitong lilo at kaaway.
Halay na di mamagkano
ng dugo’t pagiging-tao
ipaglilihi ang lilo,
sa kasalanang insesto
na galing sa sakrilehio.
Kung ito’y ipagbuntis na
ng kulang palad na ina
ay parating magigikla,
at madla ang makikita
na katatakutan niya.
Parating gugulat-gulat
yaong inang kulang palad
at alapaap ng alapaap,
at kaya gayon ang sindak
151
demonyo nga ang lalabas.
Ito ang siyang nakita
ni San Huan na nagbadya
sa Apokalipsis niya,
ng panahong una-una
hayop na walang kapara.
Lalo sa hayop na tanan
na kaniyang napagmasdan
katakut-takot matingnan,
pito ulo’t sampung sungay
iisa naman ang katawan.
Doon nahahalimbawa
kapangyarihang dakila
nitong malupit na diwa,
ng siyang ipaniwala
ng imbing tao sa lupa.
Gayon ang sabi’t pahayag
ng mga Santos Propetas
kaya naman isinulat,
nang mga Ebanghelistas
sa Ebanghelyong marilag.
Ito’y pagkakalooban
nang Diyos at kapasyahan
gumawa ng kababalaghan,
at kaniyang makakamtan
ang yaman sa karagatan.
Ang mga pagmimilagro
tutulungan ng demonyo
siya ay magkakabayo,
ano pa’t sa buong mundo
maghahari itong lilo.
Ang kaniyang mga aral
masasama’t di katuwiran
madlang ugali’y mahalay,
ipagbabantog sa tanan
siya’y ang Kristianong tunay.
Ang lahat niyang kasama
mamamansag na Propeta
hihibuan ang lahat na
nang magsisampalataya
sa lihis na aral niya.
Ang sino mang sumalansang
at sa kaniya’y sumuway
tambing na parurusahan,
ng dusang makamamatay
para ng martir na tunay.
At ang mga masunurin
sa gawang hindi magaling
kaniyang pagpapalain,
ng tumalikod na tambing
sa Diyos na Poon natin.
Tatlong taon itong hayop
na tutulungan ng Diyos
umaral ng liko’t buktot,
at saka naman sisipot
si Elias at si Enok.
Itong dalawang Propeta
mangangaral sa lahat na
ng hindi mapalamara,
ng katawa’t kaluluwa
ng tanang anak ni Eba.
Kung matanto’t maalaman
ng Anti Kristong bulaan
yaong mga pangangaral,
ipararakip pagkuwan
at agad papupugutan.
At saka ang gagawin pa
nitong lilo’t palamara
kaniyang ipakukuha,
at ihahayag sa plaza
ang bangkay nitong dalawa.
At ng doon matalastas
ng taong nagtitimpalak
na liko at pawang linsad
ang pangangaral sa lahat
ni Enok at ni Elias.
Saan di kung mapanood
makita yao’t matalos
ng taong mahinang loob,
puso nilang marurupok
ay agad malalamuyot.
Maniniwalang totoo
sa aral ng Anti Kristo
lalo na kung magmilagro
may sakit patay na tao
ay bubuhaying totoo.
Gayon ang sabi at wika
ni Hesus Haring dakila
152
kaikailan ma’y wala
taong lumitaw sa lupa
na para nitong kasama.
Santong Diyos na mataas
poot mo po’y paglubag
sa aming iyong obehas,
at iyong mga alagad
na pawang natitiwalag.
Sino ang makatataya
ng iyong pagka-Hustisia
ito nga ang siyang dusa,
ng mga taong lahat na
sa madlang pagkakasala.
Bagaman at ipapatay
ng dalawang mga banal
kung maging apat na araw
ay mag-uling mabubuhay
sa Diyos na kalooban.
Mananaog naman dito
ang isang Anghel ni Kristo
pupuksa sa mga lilo,
at pupugutang totoo,
hari nilang Anti Kristo.
Ito’y siyang sinasaysay
sa sulat napapalaman
si San Miguel na matapang,
Prinsipe sa kalangitan
ang pupugot sa bulaan.
At kung baga mamatay na
ang taksil at palamara
saan di nga mag-iiba,
ang nagsisampalataya
sa lihis na aral niya.
Nguni’t pahihintulutan
ng Diyos ang katauhan
ang mundo’y bago matunaw,
ay hihinting makaraan
ang apatnapung araw.
Ito kaya’y pahintulot
sa atin nang Poong Diyos
ay ng magsising tibobos,
tayo at mag-ibang loob
sa gawang liko at buktot.
Sa malaking kataksilan
natin at kapalaluan
dahilan sa kayamanan,
ay ang ibang mga hunghang
di mag-iiba nang asal.
Lalo na nga kung ang tao
ay mahirap nang totoo
ang loob niyang magbago
ay magumon na sa bisyo
ang wika nga ni San Pablo.
Halos hindi matahimik
sandali ma’y di maidlip
sa puso’y hindi mapaknit
tuwi na’y lumiligalig
kapalaluang umaakit.
Kung maganap na ang araw
tadhana nang Maykapal
kapagdaka’y bibitiwan,
ang poot at kagalitan
at parusang ibibigay.
Kukulog nama’t lilintik
kidlat na makatutulig,
ang hangi’t bagyong mahilis
at uugong na masakit
yaong elementong tubig.
Ang lupa’y malilinggatong
walang tahan ng paglindol
ang kahoy at mga ibon,
tatangis at hahagulgol
sindak sa gayong panahon.
Magmumula nga sa Langit
ulan, apoy na masakit
sa lupa’y halos tumakip
susunog magpapasakit
sa mga taong bulisik.
Kung maubos na mapuksa
ginto at yaman sa lupa
ang apoy nama’y bababa,
susunugin alipala
tao at hayop na madla.
Ang tore’t mga palasio
bahay sadyang edipisyo
mga kalakhan sa mundo
walang pagsalang totoo
magiging uling at abo.
153
Lahat nating minamahal
dito sa lupang ibabaw
na sa hangi’y di pahipan
kung dumating na ang araw
para-parang matutunaw.
Ano pa’t walang titira
tao yaman at balana
mawawalang para-para
lalong sukat ipangamba
kung anong daratning hangga.
At sa Balye ni Hosapat
hihipan yaong pakapak
na ipupukaw sa lahat
ang Anghel ay matatawag
ito ang ipangungusap.
Bangon kayo mga patay
nagsidulog kayong tunay
sa mataas na hukuman,
niyong Sumakop sa tanan,
Haring makapangyarihan.
Ang kalakasan ng boses
lalo sa kulog at lintik
sa lupa’t sampung sa Langit,
sa impierno’t sandaigdig
ang tawag ay maririnig.
Ay ano’y kung mailagda
ng Anghel ang gayong wika
magbangon alipala,
ang lahat ng taong madla
na nangamatay sa lupa.
At kahit mangawalat man
buto natin sa katawan
mag-uuling magkapisan,
anupa’t di magkukulang
ng ano mang kasangkapan.
Ang lahat ng kaluluwa
papasok kapagkaraka
sa kata-katawan nila,
magpipisa’t magsasama
sa tuwa o pagdurusa.
Doon na magsusumpaan
ang kaluluwa’t katawan
nguni’t yaong mga banal
ng mga makasalan,
magpupuring walang humpay.
Kung mabuhay na ang lahat
kay Adang mga Inanak,
sa Balye rin ni Hosapat,
magpipisang walang liwag
gayon ang sabi’t pahayag.
Doo’y wala ng matanda
at wala rin namang bata
edad tatlong po’t tatlo nga
ang taon ng taong madla
nang nabubuhay sa lupa.
Doon sa pagkakapisan
nang mga lilo’t banal
pagbubukdin-bukdin naman,
sapagka’t aalingasaw
baho nang makasalanan.
Ang katawang mapapalad
nang mga banal na lahat
ang bango’y hahalimuyak,
ang mukha’t magliliwanag
lalo sa araw ng ningas.
Ano nga’y kung mabukod na
ang banal sa taong sala
mananaog kapagdaka,
si Hesus na Poong Ama
madlang Anghel ang kasama.
Kasama ring mananaog
ang lahat ng mga Santos
at siyang saksing tibobos,
niyong biyaya ni Hesus
sa taong taksil na loob.
Doon naman ay kasama
ang Birhen Santa Maria
lalong saksing nakakita
nang pagsakop at pagkalara
ni Hesus sa taong sala.
Ano pa’t itong Mesias
ay nagigitna sa lahat
kasiping ang Inang liyag
tumutuntong yumayakap
sa maputing alapaap.
At doon sa pagpanaog
ay nangunguna ang Krus
estandarteng itinubos
ipinagwagi ni Hesus
154
sa malupit na demonyos.
Yaong Krus kung matingnan
nang taong makasalanan
agad pangingilabutan,
sa dili pakikinabang
bungang kasarap-sarapan.
Nguni’t kaliga-ligaya
ikatutuwang makita
niyong banal na lahat na,
tunay na nagpenitensia
at tinangisan ang sala.

At kung dumating na naman
itong hukom na matapang
sa balyeng paghuhukuman
mauupo kapagkuwan
sa mahal niyang luklukan.

Ang kasiping naman niya
isang trono ang handa na
luluklukan ni Maria,
doo’y di na abogada
ang lagay ng Birhen Ina.

Kundi bagkus nganing saksi
aayop at duruhagi
sa mga taong tumanggi
sa aral niya at sabi
at nasa niyang mabuti.

Doon din naman sa kanan
ni Hesus ay kaagapay
labing-dalawang luklukan,
na talagang lilikmuan,
ng Apostoles na tanan.

Ay yaong labing-dalawang
mga Apostoles niya
ay siayng lalung-lalo pa
doon ay magpapasiya
ng marahas na parusa.

Ano pa’t ang tanang banal
ay kanilang kinakanan
ang lilo’t makasalanan
sa taga impiernong bayan
sa kaliwa mapipisan.

Kasama’t hahalubilo
ang madlang mga demonyo
Santong Diyos ano ito!
sino kaya’t aling tao
doon ang hindi manglumo?
Doon na nga mabubuksan
ang libro nang kabanalan
gayon din ang kasamaan,
pawang mangagpapaluwal
lihim na ating inasal.

Ang gawa ng taong lahat
lihim na di nahahayag
pawang mangasisiwalat,
na anaki’y nalilimbag
na noo’y nangasusulat.

Kahima’t makasalanan
lubhang kahalay-halayan
ng dito’y nangabubuhay,
kung mangagsising matibay
doo’y mangagsisikinang.

Ano pa’t uusisain
doon at sasaliksikin
ang lahat ng gawa natin,
mga wika at panimdim
kahit hayag man at lihim.

Kung mausisa na naman
lahat nating kagagawan
alipala’y hahatulan,
ng mga Santos at banal
ito ang siyang tuturan.

Venti, Benedicti Patris mei,
Et percipite regnum
caelorum.

Halina mga katoto
na pinagpalang totoo
ng Diyos Haring Ama ko
at ngayo’y kamtan ninyo
ang tuwa sa Paraiso.

Halina at inyong kamtan
ang Langit na kataasan
luwalhating inilaan,
ng Ama kong lubhang mahal
sa mga Santos at banal.

At kung ito ay mawika
ni Hesus sa taong madla
na kaniyang pinagpala,
ay lilingon namang bigla
sa tanang na sa kaliwa.

Galit na walang kapara
ang mukha ay namumula
nakatatakot makita,
ang dalawang mata niya
parang mabisang sentelya.

Pagdaka’y ibubulalas
parusang kasindak-sindak,
sa harap ng taong lahat
ni Hesus Haring mataas
ito ang ipinangungusap:
Ite maledicti in ignem
aeternum.

Mangagsilayo na kayo
sa akin sukaba’t lilo
tampalasang mga tao
at masuwaying totoo
malupit na walang tuto.

Hayo na’t inyong kamtan
apoy sa impiernong bayan
sa inyo’t sa diablong tanan,
inihanda’t inilaan
na magparating man saan.

Sa laki ng dalang poot
ng pangungusap ni Hesus
ang madagundong na tunog,
tantong kakila-kilabot
yaong boses na mataos.

Mabubuka alipala
ang tinutuntungang lupa
lalamunin yaong madla,
tao’t diablong masasama
mga malulupit na diwa.

Doo’y mangagkakagatan
sila’t mangaghihilahan
ang madlang pagsusumpaan,
ang hirap at kasakitan
walang katapusa’t hanggan.

At kung magawa na ito
ni Hesus sa mga lilo
yayakagin ng totoo,
ang mga banal na tao
doon sa Langit na Reino.

Laking tuwa at ligaya
nang katawa’t kaluluwa
magpupuri’t magsasaya
doo’y matatamo nila
luwalhating walang hangga.

Santong Diyos ikaw nga
ang tantong banal na lubha
sa magaling mapagpala,
mapagbawi’t mabagsik nga
sa taong lilo’t masama.
A R A L
Oh mga Kristianong tanan
na mapagbantog na aral
mag-isp ka na’t magnilay,
loob nating salawahan
sa gawang di katuwiran.
Talikdan na ngang totoo
ang mga banal sa mundo
tumulad kay Hesukristo,
nang tayo’y huwag mabuyo
sa aral ng mga lilo.
Ang ating mga katawan
di sasala’t mamamatay
gayon din ang dilang bagay,
ginto’t pilak kayamanan
ang lahat ay matutunaw.

Ano at di pa magbawa
mga gawa mong lahat na?
bakit di ka mabalisa,
loob na napalamara
sa gawang pagkakasala?
Ano at di pa malumbay
tayo at di kilabutan
kung ang lalong mga banal
nanginginig ang katawan
kung ito’y magunam-gunam?

Oh taong nakalilimot
sa sala’y nakakatulog
pukawin nag iyong loob,
at isipin mong tibobos
ang sa mundong pagkatapos.

At kung di ka gumanito
sa aba mo ngang aba mo
walang pagsalang totoo,
sapilitang daratnin mo
hirap sakit sa impierno.

Samantalang may oras pa
ay maglaan kang maaga
kung gumabi’t dumilim na,
ay lalong maghihirap ka
gumawa’y ngangapa-ngapa.

Ang puso mo’t iyong loob
iyong ialay sa Diyos
magsisi ka na’t matakot
ng marating mong tibobos
ang bayan ng Santa’t Santos.

At kung marating na naman
ang Langit na kapisanan
ay doon na makakamtan
ang yama’t kaginhawahan
ng Diyos Poong Maykapal.
W A K A S




Technorati icon

Technorati Cosmos: other blogs commenting on this post